You are on page 1of 7

DUAL CODING MODEL

Ang dual coding model ay ipinanukala ni Allan Pavio noong 1960s. Ito ay teorya ng
pagkaalam na nakabatay sa kung paano maproseso at mailathala ng isang indibidwal ang berbal
at di-berbal na impormasyon nang magkahiwalay ngunit magkaugnay na sistema.

Iprinisinta rin ni Paivio ang dalawang uri ng representational units: “imagens” para sa
tinatawag na mental images at “logogens” naman para sa verbal entities. Ang logogens ay
tumutukoy sa mga associations at hierarchies samantalang ang imagens naman ay tumutukoy sa
part-whole relationships.

Ang dual coding model ay may tinutukoy na may tatlong paraan ng pagproseso: (1)
representational, ang direktang pag-aktibo ng berbal o di-berbal na mga representasyon, (2)
referential, ang pag-aktibo ng sistemang berbal mula sa di-berbal na sistema o di kaya’y baligtad,
(3) associative processing, ang pag-aktibo ng representasyong berbal o di-berbal sa pamamagitan
din ng dalawang representasyon.
TRANSACTIONAL MODEL
Pagdating sa pag-unawa sa binabasa, ang mga nakalimbag na salita ay mahalaga ngunit
ang kaalaman at karanasan ng nagbabasa ay silang nagdadala sa kaniya sa proseso ng paggawa
ng kahulugan mula sa isang teksto. Noong 1970s, isang mananaliksik pang-edukasyon na si
Louise Rosenblatt ang nagpabago sa pagtuturo ng pagbasa mula sa nasabing teorya na tinatawag
na Transactional Model. Naniniwala si Rosenblatt na ang pag-unawa ay resulta ng transaksyon
sa pagitan ng mambabasa at mga salitang kaniyang nababasa.
SOCIO-COGNITIVE THEORY
 ipinakilala at ipinalawak ni Albert Bandura
 ipinapakita ang impluwensiya ng karanasan, mga taong nakakasalamuha, at
kapaligiran sa pagkatuto ng isang tao pagkatuto sa pamamagitan ng “panonood” at
panggagaya
 Bobo Doll Experiment

Mga Pangunahing Kaisipan:


 Personal - paniniwala ng indibidwal sa kanyang kakayahan na gawin ang isang bagay
(efficacy)
 Behavioral - reaksyon o tugon na natatanggap ng indibidwal sa paggawa nito ng isang
bagay
 Environmental - mga aspeto ng kapaligiran o ng tagpuan na nakakaapekto sa kakayahan
ng indibidwal na gawin ang isang baga
COGNITIVE PROCESSING MODEL
Cognitive Information Processing (CIP) Theory
- tinatawag ding “information processing”
- pokus nito sa kung ano ang nagaganap sa pagitan ng pag – input at output ng
impormasyon.

Yugto ng Memorya ( Memory Stages)


 Sensory Memory
- humahawak ng impormasyon na nauugany sa mga pandama ng tao na sapat lamang para
maiproseso pa ang mga impormasyon.

 Short- term Memory (STM)


- tinatawag ding “ temporary working memory” o “working memory”.
- ang prosesong ito ay isinasagawa upang maihanda at maiimbak ng pangmatagalang
memorya ang impormasyon o para sa tugon.

 Long – term Memory (LTM)


- Permanenteng kamalig o storage ng impormasyon.
- kakayahang mapanatili ang walang limitasyong halaga o iba’t ibang uri ng impormasyon.

And Daloy ng Impormasyon sa Pag aaral


 Attension / Atensyon
- Tumutuukoy sa kakayahan o abilidad ng tao sa pagpili at pagproseso ng tiyak na
impormasyon habang hindi pinapansin ang ibang impormasyon.
 Maintenance Rehearsal
- Tumutukoy sa pag-uulit ng impormasyon upang ito ay mapanatili sa itinalagang tagal ng
oras o panahon.

 Encoding / Elaborative Rehearsal


- Tumutukoy sa proseso ng pag- uugnay ng mga bagong impormasyon upang ang mga
konsepto at ideya na nasa memorya o alaala ay hindi malimutan.

 Retrieval
- Ang prosesong ito ay ang pagsasaisip muli sa mga naunang impormasyon na natutunan
upang maunawaan ang mga bagong impormasyon na dadating/ papasok upang makapag
bigay tugon.

INTEGRATED READING AND WRITING MODELS


Bagaman ang koneksyon sa pagitan ng pagbabasa at pagsusulat ay tila kilala. Ang
pagbabasa ay hindi palaging nangingibabaw sa pwersa sa mga silid-aralan sa pagsulat. Ang
pagbabasa at pagsusulat ay naging magkaugnay sa kurso, nang magpasiya ang Harvard at iba
pang mga unibersidad na ang pagbabasa ng panitikan ay mahalaga sa pag-aaral na magsulat.
SOCIO-COGNITIVE MODEL
 isa pang bersyon ng sosyo-kognitibong pag-aaral ni Albert Bandura katulong si Julian
Rotters
 ang pagkatao ay nabubuo sa pag-aaral na hindi kinakailangan gamitan ng dahas
 ang indibidwal ay aktibo sa pag-impluwensiya sa kapaligirang nag-iimpluwensiya sa
kanya
 konsepto ng “Reciprocal Determinism” (1990)

Mga Pangunahing Kaisipan:


 Behavior - mga gawaing maaring parusahan o parangalan
 Cognitive Factors - mga paunang kaalaman (paniniwala, inaasahan, pakatao)
 Situational Factors - ang kapaligiran o sitwasyon(rewarding/punishing stimuli)
LOCUS OF CONTROL – konseptong itinatag ni Rotters na tumutukoy sa mga
sitwasyong nangyayari sa isang tao:
 Internal – Ang mga bagay na nangyayari sa isang tao ay kaya niyang manipulahin.
Lahat ng pagkakamali ay dulot ng pagkukulang nga isang tao. (sipag, tiyaga,
motibasyon)
 External – Ang mga bagay na nangyayari sa isang tao ay wala sa kanyang
kapangyarihan. Lahat ng mga bagay na nangyayari sa isang tao ay dulot ng
pagkakataon. (swerte, malas, kilos ng ibang tao)

You might also like