You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

MODYUL 6: KARAPATAN AT TUNGKULIN

Karapatan at Tungkulin- ito ay ang kapangyarihang moral na Gawain, hawakan, pakinabangan at


angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay. Moral ito dahil hindi maaaring
puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan o puwersahin ng tao ang
kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan o puwersahan ang mga bagay na kailangan niya sa
buhay. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
MGA URI NG KARAPATAN- May anim na uri ng karapatang hindi maaalis (inalienable) ayon kay
Santo Tomas de Aquino (Quito, 1989). Ang mga ito ay ang karapatang mabuhay, magkaroon ng mga ari-
arian,mag-asawa,
1. Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas sa antas ng karapatan dahil kung wala ito, hindi
mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong mangibabaw sa ibang karapatan kung
sakaling ito ay malagay sa panganib.
Halimbawa, sa panahon ng taggutom, kalamidad o gera, kailangang bigyan ng pagkain ng mga
may ari ng grocery o tindahan sa palingke ang taong nagugutom. Kapag hindi nakatugon sa
pangagailangang ito ang may ari ng grocery o tindahan, magkakaroon sya ng bigat ng konsensiya.
2. Karapatan sa pribadong ari-arian. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan
niya ang ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho nang produktibo at
nakikibahagi sa lipunan. Sa kabilang dako, magiging isang panga-aabuso ang karapatang
ito kung naaapi o naagrabiyo ang mga manggagawa sa suweldo o benepisyo.
3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
Nagsimula ito noong panahon ng slavery, na kailangang humingi ng slave ng pahintulot sa
kaniyang amo upang makapag-asawa. Mayroong mga pasubali sa karapatang ito.
Halimbawa, kailangan ng kabataang nasa edad ng 17 o pababa ang pahintulot ng magulang upang
pangalagaan siya sa anumang kapahamakan.
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira
sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng bahay o ligtas sa anumang
panganib, tulad ng paglikas ng mga taga Syria upang takas an ang kamatayan o pananakot sa
kamay ng Islamic State.
5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya. May karapatan ang bawat tao na
piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at
pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa.
6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May obligasyon ang lipunano pamahalaan na
magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga mamamayan upang mapakinabangan nila
ang karapatang mabuhay. May karapatang magtrabaho sa ibang bansa ang mga mamamayan kung
walang oportunidad sa kanilang bansa na mapaunlad ang kanilang estado sa buhay batay sa
kanilang pangangailangan.
Ang mga karapatang kinilala ni Santo Tomas de Aquino at ng Pacem in Terris ay masasalamin sa
Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights).
Ibinatay ang mga karapatang kinilala ng Pandaigdig na Pagpapahayag sa dignidad ng tao, patas at
hindi maaalis na karapatan ng bawat kasapi ng sangkatauhan bilang pundasyon ng kalayaan,
katarungan at kapayapaan sa buong mundo.
TUNGKULIN BILANG OBLIGASYONG MORAL
Kasama sa pagiging moral ng tao ang pagtupad ng tungkulin. Moral na Gawain ito dahil ang
moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan, samakatuwid, ang pagtalikod o hindi
pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at sa
mga ugnayan.
Binigyang-diin ito ni Max Scheler na kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang
matupad din ng pamayanan, pamahalaan, o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang
ng pagkatao.

MGA TUNGKULIN

May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na tutugon sa
angkop na karapatan:
1. Sa karapatan ng buhay, may tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan
at ang kaniyang sarili sa panganib ng katawan at kaluluwa. May tungkulin siyang paunlarin ang
kaniyang mga talent at kakayahan-sa epektong pangkatawan, pangkaisipan at moral.
2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian. May tungkulin ang tao na pangalagaan at palaguin ang
anumang ari-arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan.
3. Sa karapatang magpakasal. May kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at gabayan
ang mga anak upang maging mabuting tao ang mga ito. Kasama rito ang pagging mabuting
halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa eskandalo na magiging sanhi ng pagsira ng pangalan ng
pamilya, at pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya.
4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar. May tungkulin na igalang ang mga pribadong
boundary. Kaakibat ng karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang limitasyon ng sariling
kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa.
5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya. May tungkulin na igalang ang
relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba.
6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May tungkulin ang bawat isa na magpunyagi sa
trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain. Kasama sa karapatang
ito ang karapatang mag-alsa (strike) kung may inhustisya sa pagsusuweldo at ang pagiging
bukas ng mga empleyado sa diyalogo sa kompanya o arbitration.

May 19 na artikulo (articles) ito. Narito ang apat na Batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan
(Fundamental Principles for Humanity).

Artikulo 1. Ang bawat tao, anuman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan, opinion sa mga isyung
political, wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon ay may tungkulin na pakitunguhan ng tao sa
paraang makatao.

Artikulo 2. Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi makataong asal, kaya ang
lahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at tiwala sa sarili ng
kapuwa.

Artikulo 3. Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army o pulisya ang dapat mangibabaw sa
mabuti at masama; lahat ay dapat sundin ang pamantayang moral. Bawat isa ay may tungkuling
itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay.

Artikulo 4. Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensiya, ay dapat tanggapin ang kanilang
tungkulin sa bawat isa,sa mga pamilya at pamayanan, lahi, bayan, at relihiyon nang may
pagkakaisa: Huwag mong gawin sa iba ang anumang ayaw mong gawin nila sa iyo.

Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito at ang
kaniyang obligasyon na tuparin ang kaniyang mga tungkulin. Mahalaga sa bawat isa, lalo na sa
yugtong ito ang iyong kabataan, ang pagsasaloob ng mensaheng ito. Matutugunan mo ang tawag sa
pagbuo ng iyong pagkatao sa lipunan kung igagalang mo at ng kalipunan ang mga karapatan ng
iyong kapuwa at kung tutuparin mo nang mapanagutan ang iyong mga tungkulin. Masalimuot man
ang pagtupad ng iba’t-ibang tungkulin sa bawat papel na ginagampanan mo lalo na sa lipunan,
mahalagang patuloy na tayahin ang sarili kung napaunlad mo ang mga kaloob ng Diyos sa
pamamagitan ng pagtupad ng iyong mga tungkulin at paglilingkod sa lipunan.

You might also like