Professional Documents
Culture Documents
Fil 1
Fil 1
FIL 1
MIDTERM EXAMINATION
No erasure- Mag isip kang mabuti, kaya ka naloloko. Siya na nga yung the Right one Pinalitan mo pa.
Finish the Exam within 1 hour and 30 minutes- Alam mo dapat kung kalian ka susuko. Pag tapos na,
Tapos na!
Do not Cheat- Huwag tumulad sa EX mong akala mo loyal sayo, paiyak iyak pa nung nag break kayo pero
kinabukasan may ibang kasama na siya.
I. Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang at isulat ang tamang sagot sa patlang. (2
puntos bawat tanong)
___________________1-2. Ang teoryang ito ay nagpapaliwanag na bigay ng Diyos sa tao ang
wika.
___________________3-4. Si Haring Thot ang manlilikha ng panalita o wika para sa kanila.
___________________5-6. Sa China, naniniwala sila na siya ang Son of Heaven na
pinanggalingan ng wika nila.
___________________7-8. Si God Nabu naman daw ang nagbigay sa kanila ng wika.
___________________9-10. Ang kakayahan nila sa wika ay ibinigay ng babaeng Diyos nil ana
si Saravasti na asawa ni Brahma.
___________________11-12. Siya ang Female God na Creator of the Universe ayon sa mga
Hindus.
___________________13-14. Ang manlilikha ng wika nila na lugar na ito ay si Amaterasu.
___________________15-16. Ayon sa mga teorista, sila raw ang pinakamatandang lahi.
___________________17-18. Ito rin daw ang pinakamatandang wika.
___________________19-20. Sinabi nil ana lahat ng kultura ay may kani-kanilang kuwento ng
pinagmulan ng wika, kung minsan ay walang kabuluhan at malayo sa katotohanan ngunit
nakawiwili.
II. Panuto: Tukuyin sa Hanay B kung sino sa kanila ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang
tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
_________21. Isang pag-aaral tungkol sa a. Wardhaugh
relasyon ng wika sa komunidad.
_________22. Pag-aaral ito ng wika sa b. bekimon
mga konteksto ng lipunan nito.
_________23. Kilala rin ito sa tawag na c. Diyalekto
jargon.
_________24. Ito raw ang tawag sa wika d. Balbal o Slang
ng mga bayot o bakla.
_________25. Ang emphasis nito ay ang e. Sosyolohiya ng Wika
direktang relasyon ng wika sa lipunan.
_________26. Pagkakaiba naman ito ng f. Sosyolinggwistika
gamit ng wika dulot ng sosyal na faktor.
_________27. Ito ay wikang subordineyt g. Joshua Fishman
sa katulad ding wika kaya tangi lamang
sa isang lugar o rehiyon.
_________28. Kilalang proponent ng h. Rehestro ng Wika
sosyolinggwistika dahil sa kanyang
librong International Journal of the
Sociology of Language.
_________29. Pampublikong mga salita i. Sosyolek
ang mga ito, at hindi sikreto ang
kahulugan at “kagalang-galang”.
j. Etnolinggwistika
III. Panuto: Tukuyin kung ang pangungusapkung ito ay Tama o Mali. Ilagay ang (M) kung
mali at (T) kung tama. Isulat sa patlang.
_________36. Ang sabkultura ay kultura sa loob ng isang kultura.
_________37. Ayon kina Zalzmann, Stanlaw, at Jandt, walang kultura sa isang lipunan na
pareho ng lahat ng mga miyembro nito.
_________38. Katangian ng isang komunidad ang pagsasalita ng panlipunan, kultura,
pampolitika, at iba pa maliban sa linggwistikong anyo nito.
_________39. Ang popular na salitang “lodi” ng mga milenyal ay nangangahulugang “idol”.
_________40. Komunikasyon ang isa sa mga manipestasyon sa ugnayan ng wika at lipunan.
_________41. Pidgin ang komon o wikang alam ng mga taong may iba’t ibang sinasalita.
_________42. Ingles ang lingua franca ng mga Pilipino sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
_________43. Ang creole ay bunga sa dalawang lipunan na may mga wikang hindi magkalapit o
unintelligible na mga wika ngunit kailangan ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa dahil sa tiyak na
limitado o natatanging lipunan.
_________44. Limitado ang bokabularyo ng pidgin.
_________45. Creole ang wikang napaunlad mula sa pidgin.