You are on page 1of 1

BUNONG BRASO

Danilo Ulysis P. Delfin II

Lakas sa lakas, kamao sa kamao


Namanang laro sa ‘ting mga ninuno
Bangis sa bangis maging braso sa braso
Matira ang matibay, ikaw o ako

Pagtunog ng silbato, agad pumuwesto


Pagsipol ng pito, bunong braso
Tatak Pinoy, ito ang lahi ko
Ipinagmamalaki kong totoo

Buo ang loob ‘di patatalo


May diskarteng tapat at totoo
Astig makisama, maginoo
Kahit natatalo’y taas-noo

Saang sulok o parte ka man ng mundo


Angat ang ‘yong angking galing at talino
Tara katoto, tayo’y magbunong braso
Laro ng lahi’y pagyamanin ito

Sukatan ng pagka-Filipino
Hindi lang sa gitna ng panalo
Kundi kung paano itaas ang noo
Sa bawat pighati’t pagkatalo

You might also like