Professional Documents
Culture Documents
I. Panimula/Introduksiyon:
Pilipinas ay ang iba‘t ibang wikang katutubo mula sa wikang Ivatan ng Batanes
hanggang sa Samal ng Tawi-Tawi. Hindi tiyak kung ilan ang bilang nito ngunit
batay sa inilahad ng Komisyon sa Wikang Filipino may 130 na wikain sa
Pilipinas. Ang bawat wikain na ito ay may kontribusyon at kailangang
magtulungan upang mapaunlad ang wikang Filipino.
Sa Pilipinas, ang Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Pampango, Pangasinan,
Sebwano, Tagalog at Waray (Samar-Leyte) ay tradisyonal na tinatawag na
walong pangunahing wika ng bansa. Kadalasang tinatawag din itong wikang
rehiyonal. Ang mga dahilan kung bakit tinatawag ito na ‗pangunahing wika‘ ay
dahil (1) marami ang tagapagsalita sa mga wikang ito at kadalasang umaabot
sa isang milyon at (2) mahalaga ang tungkulin nito sa bansa bilang wikang
panturo at bilang wikang opisyal.
Ang bawat wikain sa Pilipinas, ito man ay hindi kabilang sa mga pangunahing
wika ay may papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Kaya
mapapansin na may mga salita na mula sa katutubong wika na ginagamit at
tanggap sa wikang Filipino. Halimbawa ay ang mga salita na bana, trapo,
kawatan at bayot na mga salitang Sebwano ngunit naiintindihan at tanggap
bilang wikang Filipino.
Kahit gaano kaliit ang bilang ng mga tagapagsalita ng isang wika, taglay pa rin
ng wikang ito ang kultura ng lipunan na kanyang pinanggagalingan. Tungkulin ng
bawat Pilipino na proteksiyonan at paunlarin ang sariling wikang katutubo.
Katulad halimbawa ng wikang Ligbok sa isang bayan sa Capiz na unti-unting
namamatay dahil mismo ang tribong nagmamay-ari sa wikang ito ay hindi na
gumagamit. Para sa karagdagang detalye hinggil sa wikang ito, bisitahin ang link
na https://youtu.be/oR8ApbrjA-s. Upang mapanatiling buhay ang isang wika,
mahalagang patuloy itong gamitin ng lipunan.
Sa bisa ng R.A. 10533 o The Enhanced Basic Education Act of 2013
(K+12), ang mga wikang katutubo sa bansa ay ginagamit na ngayon bilang
wikang panturo mula kindergarten hanggang ikatlong baitang ng elementarya.
Ang hakbang na ito ng Departmento ng Edukasyon ay isang magandang simula
upang mabigyang pansin, mapag-aralan at mapaunlad ang mga wikang katutubo
at maligtas ang ilan sa mga wikang unti-unti ng namamatay.
Sa buong bansa, kung may humigit 130 na mga wikain sa buong Pilipinas
marami sa mga wikain na ito ang tinuturing na dying language o wikang malapit
nang mamatay. Mahalaga na mabigyang pansin ito sapagkat kung hahayaan itong
tuluyan na pumanaw, nanganganib na mawala nang tuluyan ang kakambal nito na
kultura at pagkakailanlan ng lipunang nagmamay-ari ng wika.
Kung mahalaga ang papel na ginagampanan ng iba pang wikain sa Pilipinas,
ano naman kaya ang magiging kontribusyon ng iba‘t ibang wika na umusbong sa
iba‘t ibang henerasyon?
Ang artikulo sa ibaba ay maglalahad ng ilang mga mahahalagang
impormasyon sa magiging kontribusyon ng mga wikang ito. Basahin at unawain
ang mensahe na nais ipaabot ng may-akda.
―Werpa, mga lodi!‖––ito ang mga katagang kumakalat sa Facebook ngayon, maging sa
araw-araw na usapan ng kabataan. Ang mga salitang binabaliktad katulad ng ―werpa‖ na
hango sa salitang Ingles na ―power,‖ ―lodi‖ mula sa ―idol,‖ at ―petmalu‖ na binaliktad na
―malupit,‖ ay ilan lamang sa mga bunga ng paggamit ng word play. Sa kabila ng kasikatan ng
nauusong pananalita, ano nga ba ang mga positibo at negatibong epekto nito sa ating wika?
―Saan kayo galing, mga repapips?‖
Muling lumabas ang mga salitang binabaliktad dahil sa isang Facebook group na
―What‘s your ulam pare?‖ Dito mababasa ang slang gamit ang mga salitang lodi, werpa,
―lamu (ulam),‖ atbp. Ang mga miyembro ng nasabing online group ay nagpapaskil ng
retrato ng kani-kanilang mga ulam o pagkain, kasama ang mensahe para sa mga
mambabasa gamit ang mga slang na ito.
Sa isang panayam ng The Benildean kay G. Roy Rene S. Cagalingan, isa sa mga
kawani ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ginagamit na sa lansangan noon pang
dekada ‗60s hanggang ‗70s ang pagpapalit ng pantig sa mga salita. Masasabing ito ang
kapanahunan ng ating mga magulang na tinatawag ding ―ermat‖ para sa nanay (mula sa
salitang Latin na mater) at ―erpat‖ para sa tatay (mula sa salitang Latin na pater).
Ilan sa mga salitang ito ay ―nosi‖ o sino (na pinasikat ng bandang Sampaguita sa
awiting Nosi Balasi), ―amats‖ o tama (na tumutukoy sa pagkalasing), ―yosi‖ para sa
sigarilyo, ―jeproks‖ na hango sa ―project,‖ patukoy sa mga nakatira sa government housing
projects sa Quezon City, at marami pang iba.
Ayon naman sa pananaliksik na pinamagatang ―Emergence of the Faithful by
Consonant Copying in a Tagalog Language Game‖ ni Richard Stockwell, isang dalubwika
mula sa University of California, Los Angeles, mayroong pormula sa paggawa ng mga
salitang pabalbal na ito sa pamamagitan ng paghalinhin ng unang kataga at paglagay nito sa
may hulihang bahagi.
Pinag-aralan ni Stockwell ang paglalaro sa mga salita dito sa Pilipinas na kung tawagin
ay ―Tadbaliks.‖ Isang simpleng paliwanag mula sa pananaliksik na ito ang pagbabaliktad
ng huli at unang pantig sa isang salita, kung saan ang huling pantig ay kadalasang nag-
uumpisa sa isang katinig.
―Nate-test ‘yong imagination nila [at] nate-test ‘yong power nila to play with words.
Kasi kapag nilalaro mo ‘yong mga salita, pinapakita mo kung paano mo ginagamit ‘yon sa
pagiging malikhain mo,‖ ani Siy.
Ayon din sa magkahiwalay na panayam kila Cagalingan at Siy, ang slang na ito ay
maituturing na codes na naiintindihan lamang ng isang piling grupo o henerasyon. Isa raw
itong natatanging bond o samahan ng magkapareho ng henerasyon dahil malaking
bahagdan ng gumagamit nito ay ang magkakaedad. Dagdag ni Siy, ―Pinapakita nitong
pagbabaliktad ng salita na alam ng kabataan kung ano ‘yong rule sa words kaya
nababaliktad nila.‖
Ngunit, pangamba ni Siy na sa muling pag-usbong ng mga salitang ito ay maaaring
tumatak sa isipan ng susunod na henerasyon na iyon mismo ang orihinal na yari ng mga
slang na ito, nang hindi natutukoy ang tunay na etimolohiya o pinagmulan ng mga
nabanggit na salita. Kung mali ang makagisnan ng mga taong lantad sa paggamit ng mga
ito, ang maaaring kalabasan ay ang paggamit ng salitang napag-iisa gaya ng ‗pa‘ at ‗rin‘ na
nagiging ‗parin‘, ‗na‘ at ‗lang‘ na nagiging ‗nalang‘ at marami pang iba, na siyang
nakasanayan na lamang ng parating gumagamit nito.
Ayon kay Siy, personal na impresyon lamang ng ibang tao ang pag-iisip na
nakababastos sa wika ang paggamit ng mga ito.
―Akala ng iba na nababastos ‘yong wika. May ganoong impression, na nababastos
‘yong language kapag ito ay binabaliktad at pinaglalaruan. Pero impresyon lang iyon,‖ ani
Siy.
Ang negatibong aspekto nito ay ang paglaki ng puwang o halaga sa pagitan ng Wikang
Filipino sa Wikang Ingles dahil hindi tayo masyadong pamilyar sa pagba-bastardize o
pagbabalbal ng wikang Ingles. Ang mga panatiko ng Wikang Ingles ay mas lantad sa
pormal at rebisado na ng mga akda, na siya ring nagagamit sa araw-araw na pananalita,
kaya ganoon na lang kataas ang tingin sa wikang ito.
Ani Yunesco, bakit hindi na lamang Hapon kung Hapon at Ingles kung Ingles. Aminado
rin si Gail Gines na nahihirapan siyang intindihin ang ilang pagbabago sa paggamit ng
wika. Halimbawa na lamang aniya ang salitang "ganern" na ginagamit sa halip na "ganu'n"
o "ganoon."
Paliwanag pa niya, baka lalong hindi maintindihan ang mga susunod na henerasyon
kung mananatiling makaluma ang paggamit sa wika. Giit pa ni Almario, araw-araw na
nagbabago ang buhay na wika at ang pagbabago ay isang katotohanang kailangang
tanggapin. Para sa kaniya, ang mahalaga ay nauunawaan ito ng bawat isa.