You are on page 1of 88

PAGSASALIN PARA SA

MAS EPEKTIBONG
SERBISYO PUBLIKO

Dr. Emmanuel C. de Leon


Departamento ng Pilosopiya,
Unibersidad ng Santo Tomas
PANIMULA
•Sa forum na ito, hangarin kong maibahagi
sa inyo ang ilang nalalaman ko hinggil sa:
• Kahalagahan ng pagsasalin,
• Ilang mga praktika sa teknikal na
pagsasalin na magagamit ng mga
empleado ng ahensiya at lokal na yunit
ng pamahalaan,
• Mga terminolohiyang teknikal na
kailangang isalin, iangkop o bigyang
katuturan sa paraang mauunawaan ng
karaniwang madla.
PAGHAHANDA

1.Bago pa magsimula ang


forum at palihang ito, alam ko
na ang pagsasalin ay….
2.Gusto kong matutuhan ang….
ANO ANG PAGSASALIN?

John Catford (1965):


“The replacement of textual material in
one language (SL) by equivalent textual
material in another language (TL)”.

“Paglilipat”
ANG KABUOHANG ISKEMA
• Ang pagsasalin ay paglilipat ng isang teksto sa
pinakamalapit na diwa mula sa simulaang lengguwahe
papunta sa tunguhang lengguwahe.
Simulaang
Lengguwahe

Interpretasyon,
Tagasalin Pagbasa, Saliksik,
Salin

Tunguhang
Lengguwahe

•Sa iskemang ito, ang tagasalin ay kinakailangang


mayroong sapat na kahusayan sa simulaang lengguwahe
(SL).
•Pero, lalo’t higit na kinakailangang mahusay ang tagasalin
sa tunguhang lengguwahe (TL).
Bertrand Russel: “Walang sinumang
makauunawa sa salitang ‘cheese’
nang walang di-lingguwistikong
pagkabatid sa ‘cheese’.

i.e., matindi ang pangangailangang


mabatid ng tagasalin ang kahulugan
ng salitang isinasalin.
Kaya nga, hindi isang biro-birong
trabaho ang pagsasalin at napakalaki
ng tungkulin nito (noon at ngayon) sa
pagpapalaganap ng kaalaman sa buong
mundo.
“Ang pangangailangang maidulot at
maipamahagi ang mga kaalaman at
kasanayan, bukod sa patuloy at walang-
humpay na paglikha at pagdukal ng mga
bago’t bagong teknolohiya, ay
nagpapatindi sa halaga ng pagsasalin
bílang tagapamagitan ng mga wika at
kultura ng mundo” (Virgilio Almario,
2016).
Naglilipat-wika tayo para maseguradong
magiging aksesibol sa lahat ng Filipino
ang mga bagong kaalaman
• i.e., Nagsasalin tayo para matiyak na
maaakses ng karaniwang Filipino ang mga
kaalamang natuklasan ng mga eksperto
natin mula sa iba’t ibang disiplina.
ARTIKULO XIV, SEKSIYON 6
•The national language of the Philippines is
Filipino. As it evolves, it shall be further
developed and enriched on the basis of
existing Philippine and other languages.

•Subject to provisions of law and as the


Congress may deem appropriate, the
Government shall take steps to initiate and
sustain the use of Filipino as a medium of
official communication and as language of
instruction in the educational system.
• At, dahil aksesibol ang mga ito sa taong-
bayan, naisusulong natin ang higit na
epektibo at episyenteng serbisyo publiko.

• Dahil mas nagkakaunawaan ang lingkod-


bayan at kaniyang mga pinaglilingkuran,
mas magkakaroon ng mas mataas na
integrasyon ang serbisyo publiko.
LAYUNING MAIDULOT ANG MAAYOS NA SERBISYO SA
TAUMBAYAN
katawagan sa Filipino: laing
Kayâ, klaro talaga ang kahalagahan ng
pagsasalin sa pagpapalaganap ng
kaalaman at impormasyon.

Kung talagang seryoso tayong maihatid


nang epektibo at episiyente ang mga
serbisyo publiko, mahalagang magkaroon
tayo ng kasanayan sa pagsasalin (lalo na
sa pagsasaling teknikal).
TATLONG PARAAN NG PAGSASALIN AYON KAY
ROMAN JAKOBSON (“On Linguistic Aspects of
Translation”, 1959)

1. Intralingguwal na pagsasalin (o paglilipat-salita): isang


interpretasyon ng mga pasalitang tanda gamit ang ibang
tanda sa isang wika.
TATLONG PARAAN NG PAGSASALIN AYON KAY
ROMAN JAKOBSON (“On Linguistic Aspects of
Translation”, 1959)

2. Interlingguwal na pagsasalin (o pagsasalin mismo):


isang interpretasyon ng mga pasalitang tanda gamit ang
ibang wika.
TATLONG PARAAN NG PAGSASALIN AYON KAY
ROMAN JAKOBSON (“On Linguistic Aspects of
Translation”, 1959)

3. Intersemiyotikong pagsasalin (o paglilipat-anyo): isang


interpretasyon ng mga pasalitang tanda gamit ang mga
tanda ng mga sistema ng di-pasalitang tanda.
Interlingual Translation

•Ginihigugma kita
•Inaro taka
•Kaluguran daka
Hamon #1
Filipinuhin mo nga.

Filipino Translation Exercise


PANUTO: Filipinuhin ang sumusunod
na mga salita na nasa wikang Ingles.
Ingles Salin sa Filipino

1. Accomplishment K
2. Accountability P
3. Benefits P, B
4. Building G
5. Affairs U
6. Welfare K
7. Department K, D
8. Discussion T
9. Editor P, E
10.Employee K, E
Ingles Salin sa Filipino
11. Assistant K
12. Efficient E
13. Expert D, E
14. Finance P
15. Fired S
16. Holiday P
17. Interview P, I
18. Job H, T
19. Laborer M
20. Late H
Ingles Salin sa Filipino
21. Letter L at S
22. Management P
23. Human resources Y
24. Meeting P
25. Executive director D
26. Newspaper P, D
27. Objective L
28. Office T, O
29. Welfare K
30. Policy P
Filipinuhin mo nga.
Filipino Translation Exercise
Ingles Filipino
1. Accomplishment 1. Katuparan
2. Accountability 2. Pananagutan
3. Benefits 3. Pakinabang/Benepisyo
4. Building 4. Gusali
5. Affairs 5. Ugnayan
6. Welfare 6. Kapakanan
7. Department 7. Kagawaran/Departamento
8. Discussion 8. Talakayan
9. Editor 9. Patnugot/Editor
10. Employee 10. Kawani/Empleado
Ingles Salin sa Filipino
11. assistant 11. Kawaksi
12. efficient 12. Episyente
13. expert 13. Dalubhasa/Eksperto
14. finance 14. Pananalapi
15. fired 15. Sisante
16. holiday 16. Pista
17. interview 17. Panayam/Interbyu
18. job 18. Hanapbuhay/Trabaho
19. laborer 19. Manggagawa
20. late 20. Huli
21. letter 21. Sulat/Liham
22. management 22. Pangasiwaan
23. human resources 23. Yaman-tao
24. meeting 24. Pulong
25. executive director 25. Direktor tagapagpaganap
26. newspaper 26. Pahayagan/Diyaryo
27. objective 27. Layunin
28. office 28. Tanggapan/Opisina
29. welfare 29. Kapakanan
30. policy 30. Patakaran
Paano
magsalin?
KALIMITANG PINOPROBLEMA NG MGA NAGSASALIN

“Ano ba ang ‘journalism’ sa Filipino?

“Wasto bang itawag ang ‘punong-guro’ sa


prinsipal?”

“Alin po ang wastong baybay, ‘punong-guro’,


‘punongguro’, o ‘punonguro’?

“Bakit walang katumbas sa Filipino ang jus


sanguinis?
Pagtutumbas
Panghihiram
Paglikha
Pagtutumbas
• paghahanap ng salita o pahayag na
kaparehas ang kahulugan sa target na
wika
siya lumabas ng kwarto
He went out of the room.

Salin:
Lumabas siya ng kwarto.
Give me a piece of string.
Salin:
Bigyan mo ako ng kapirasong
tali.
“The wind is blowing”

Salin:

“Ang hangin ay umiihip”


“ Umiihip ang hangin”
“ Humahangin”
“Reap what you sow”

Salin:

“ Anihin kung anong iyong


itinanim”
“ Kung anong itinanim
siyang aanihin”
President Cory was accorded a
state funeral.
Salin:
Si Pangulong Cory ay binigyan
ng pambansang libing.

.
Bagong Patakaran ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) hinggil sa
Pagtutumbas

Una, ang paghahanap ng pantumbas na


salita mula sa kasalukuyang korpus ng
wikang Filipino.

Ikalawa, ang pagtuklas ng pantumbas mula


sa ibang katutubong wika ng Filipinas.
= Katarúngan (Ceb. Taróng)
= Hustísya (Sp. Justicia)

= Lungsód (Boholano, “nayon”)


= Siyudád (Sp. ciudad)

“Lungsod San Fernando”


Ambag na bokabularyo

1. Rabáw (Ilokano) surface


2. Iláhas (Kinaray-a) wild
3. Láwas (Waray) body (corpus)
4. Gahúm Hegemony
Tandaan: Walang dalawang wika sa mundo
ang may magkatulad na bokabularyo.

Kayâ, bihira talaga ang magkatumbas na


magkatumbas na kataga.
PANGHIHIRAM NG SALITA
PANGHIHIRAM

• Paghiram sa mga dayuhang wika


tulad ng Español at Ingles, at iba pang
wika.
• Pagdaan sa proseso ng reispeling.
PANGHIHIRAM NG SALITA
• modernisasyon ng Filipino
• paraan ng pagsasalin
• pagpapahalaga sa pagbabaybay
• suporta sa kodipikasyon at elaborasyon
• Inuunang hiraman ang
wikang Español.

• Dahil sa katwirang
lingguwistika
• padér (paréd),
kampana (campana),
kandila (candila),
bintana (ventana),
kalatas (cartas)

sapatos, mansanas, materyales, prutas,


medyas, mesiyas, perlas, atbp.
HIGIT NA MAG-INGAT SA MGA SALITANG
“SIYOKOY”

• Pinaghalong salitang
hiram.

Halimbawa:
1. “komento” (comment;
commentario)
2. “prayoridad” (priority;
prioridad)
SIYOKOY WASTO
1. “imahe” “imáhen”(imagen);
“imeyds” (image)
2. “diktadurya” “diktadúra”
3. “kontemporaryo” “kontemporáneó”;
“kontemporári”
4. “aspeto” “aspékto”;
“áspek”
Mga Paraan ng Panghihiram
1. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino.

Hiram na Salita Filipino


attitude saloobin
rule tuntunin
ability kakayahan
wholesale pakyawan
west kanluran
Mga Paraan ng Panghihiram
2. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang
katutubong wika ng bansa.

Hiram na Salita Filipino


hegemony gahum (Cebuano)
imagery haraya (Tagalog)
husband bana (Hiligaynon)
muslim priest imam (Tausug)
Mga Paraan ng Panghihiram
3. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na
salita mula sa Espanyol, Ingles at iba pang
wikang banyaga at saka baybayin sa
Filipino.
Halimbawa:
Ingles Filipino
centripetal sentripetal
radical radikal
Mga Paraan ng Panghihiram
Halimbawa:

Iba pang wika Filipino


coup d’ etat (Pranses) kudeta
chinelas (Español) tsinelas
kimono (Japon) kimono
glasnost (Russian) glasnost
Mga Paraan ng Panghihiram
4. Gamitin ang mga letrang c,ñ, q, x, f, j, v, z
kapag ang salita ay hiniram nang buo
ayon sa sumusunod na kondisyon.

a. pantanging ngalan
• Quirino, Julia, Canada, Valenzuela,
• Ceñeza bldg., State Condominium,
• Qantas Airlines, Doña Monserat, El Niño
Mga Paraan ng Panghihiram

b. salitang teknikal o siyentipiko


• cortex, enzyme, quartz, filament, Marxism
• x-ray, zoom, joules, vertigo, infrared
Mga Paraan ng Panghihiram
c. salitang may irregular na ispeling o
gumagamit ng dalawang letra o higit pa
na hindi binibigkas o ang mga letra ay
hindi katumbas ng tunog.

• bouquet, rendezvous, laissez faire,


• champagne, plateau, monsieur
Mga Paraan ng Panghihiram
d. salitang may internasyunal na anyong
kinikilala at ginagamit

• taxi, exit, fax, file, text, zodiac, zoo


HALAGA NG TINATAWAG NA “LOKALISASYON”

Ang lokalisasyon ay “a process to facilitate


globalization by addressing linguistic and
cultural barriers” (Minako O’Hagan, 2002).

i.e. kailangang lumikha ang tagasalin ng


“pang-akit domestiko”.

Dahil kailangang komunikatibo ang


pagsasaling teknikal.
ILANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN
SA PAGSASALING TEKNIKAL

Una, kailangang manatiling obhetibo at


makatunayan sa paksa ang isang manunulat na
teknikal.

Ngunit, kailangan ding maalam siya sa paggamit


ng mga taktikang malikhain upang magtagumpay
sa pag-akit ng babása at mapanatili ang interes
nitó sa binabása.
ANG HAMON SA MGA NAGSASALING TEKNIKAL

“To ensure that all of the relevant information


is indeed conveyed but also that it is
conveyed in such a way that the readers can
use the information easily, properly and
effectively” (Jody Bryne, 2006).

1. Gawing itong mabisà, at


2. Madalîng maintindihan.
HINDI MGA TERMINOLOHIYA LAMANG ANG ISINASALIN
HINDI MGA TERMINOLOHIYA LAMANG ANG ISINASALIN

TUNTUNIN 1: Mag-ingat sa pag-unawa sa gámit ng


bawat salita sa SL upang mabigyan ng angkop na
katapat sa TL.

“Kinikilig ako kapag kasama ko siya”

Salin 1: “I feel some sort of romantic


excitement when I am with him/her”
Salin 2: “I am thrilled when I am with him/her”
“Kinamumuhian ko
siya dahil wala
siyang utang na
loob!"
• I feel bad at him because he does not
have debt of volition.
• Mahalaga rin ang pagsisikap na maglista
ng mga ginagamit na pantumbas sa mga
terminolohiya sa bawat disiplina upang
maging palagiang sanggunian sa
pagsasalin para sa layuning maging
konsistent.
TUNTUNIN 2: Minsan, hindi na kailangang hanapan
ng katumbas na salita sa TL. Para sa KWF,
panatilihin ang orihinal na salitang siyentipiko at
teknikal—Ingles man, Español, German, o Latin.
TUNTUNIN 3: Hindi maaaring mangmang ang
tagasalin sa paksang kaniyang isinasalin.

• Saliksik ang panimulang gawain ng isang


tagasalin.
• Bago maging isang tagasalin, kailangang
mahusay muna siyang manaliksik.
MGA KAILANGAN NG TAGASALING TEKNIKAL

Kailangan ng mga tagasaling teknikal ang


sumusunod na mga katangian:
1. Kaalaman sa paksa,
2. Mga kasanayan sa saliksik,
3. Mga kasanayan sa pagtuturo, at
4. Mga kasanayan sa pagsulat.
Paglikha
Isalin ang
sumusunod na
pangungusap.
Isalin sa Filipino
1.Like father, like son
2.I’m the apple of her
eyes.
3.This is a red letter day.
4.If I were in your shoes.
5. He is a well known poet.
“Like father, like son”

Katulad ng ama, katulad ng


anak (mali; literal na salin)

“Kung anong puno, siyang


bunga”
“I’m the apple of her eyes”

Ako ang mansanas ng kaniyang


mata (mali: literal)

“Ako ang kaniyang paborito”


“This is a red letter day”

Kulay pula ang araw na ito


(mali: literal)

“Isa itong mahalaga at


masayang araw”
• “If I were in “Kung ako
your shoes.” ikaw.”
“Kung ako
ang nasa
sapatos mo.”
“Isa siyang
makatang may
pangalan.”
• “He is a well “Isa siyang
known poet.” bantog na makata.”
 “Siya ay isang
mabuti-alam
makata.”
Workshop

Aktuwal na Pagsasalin
1. Ilista (muna) ang mga maituturing na
salitâng teknikal;
2. Isaayos ang mga termino sa paraang
madaling balikan, halimbawa, sa paraang
alpabetiko.
3. Note: Hindi kailangang paghiwalayin ang
mahirap at madaling isalin.
Halimbawa
• Business establishments
• Business tax
• Capital investment
• Certified income tax return
• Gross receipts
• Gross sales
• Other Fees
• Sworn statement

You might also like