You are on page 1of 3

1

I. Rasyunal:

Ang Waste Management ay tumutukoy sa mga paraan at proseso ng wastong


pagtatapon ng basura. Ngunit sa lawak ng isang unibersidad, hindi maiiwasan na
magkaroon ng mga problema sa Waste Management tulad na lamang sa De La Salle
University. Sa kasalukuyan ang bawat imprastraktura sa De La Salle University
Dasmarinas ay mayroong mga basurahan na binubuo ng iba't ibang uri ng tapunan na
nagtataglay ng iba't ibang kulay na kung saan ang bawat isa ay mayroong kahulugan.
Ito ay mayroong dilaw na naglalaman ng mga iba't ibang uri ng mga nabubulok na
basura, berde na kung saan ay pinagtatapunan ng mga bagay na maaari pang
mapakinabangan o muling magamit sa ikalawang pagkakataon o higit pa, at ang pula
naman ay binubuo ng mga basurang hindi na mapapakinabangan at ng mga basurang
hindi nabubulok. Sa kabila ng pagkakaroon ng mga basurahang ito, hindi wasto ang
paraan ng pagtatapon ng mga tao ng kanilang basura sa tamang lalagyan. Samantala
mayroon ding mga lugar sa De La Salle University Dasmarinas na kulang ang mga
basurahan.

Ang mga mananaliksik ay nababahala sa ganitong suliranin kung kaya't ang


paksang ito ang napili. Ninanais ng mga mananaliksik na mapabatid ang iba't ibang
proseso at paraan ng waste management na maaaring gawin sa DLSU-D. Naniniwala
ang mga mananaliksik na kapag naipabatid na sa mga mag-aaral ang mga proseso at
paraan ng Waste Management ay mababawasan na ang ganitong problema. Sa DLSU-
D, prayoridad ang malinis na kapaligiran at mabuting kalusugan ng mga mag-aaral.
Kaya naman nais din malaman ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng Waste
Management sa aspeto ng kalikasan, kalinisan, at kalusugan upang makatulong na rin
sa iba't ibang organisasyon na namamahala sa Waste Management. Ang mga basura
naman, kapag hindi napaghihiwalay ng maayos ay maaaring magdulot ng masamang
epekto sa nakararami lalo na sa kapaligiran. Sa kadahilanang ito, nais ng mga
mananaliksik na maibalik ang kamalayan ng bawat mag-aaral tungkol sa mabuting
Waste Management upang matukoy na rin ang mga mabuting epekto ng waste
management sa DLSU-D. Ang ganitong pananaliksik ay makapagbibigay ng benepisyo
sa Unibersidad ng De La Salle Dasmarinas at sa ERMAC na siyang namamahala sa
2

waste management. Makatutulong din ang saliksik na ito sa mga mag-aaral upang
malaman nila ang iba't ibang paraan ng waste management. Naniniwala ang mga
mananaliksik na kapag naging wasto at maayos ang waste management sa DLSU-D ay
magkakaroon ito ng mabuting epekto sa kalikasan.

II. Layunin:

Pangkalahatang Layunin:
Alamin at suriin ang iba't ibang paraan ng Waste Management sa DLSU-D

Tiyak na Layunin:
1. Maipabatid ang proseso ng Waste Management sa DLSU-D
2. Matukoy ang kahalagahan ng Waste Management sa kalikasan, kalinisan, at
kalusugan.
3. Matukoy ang mabuting dulot ng Waste Management sa DLSU-D
4. Maibalik ang kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa Waste Management
5. Magbigay ng mga suhestiyon tungkol sa Waste Management

II. Metodolohiya:

Ang disenyong gagamitin ng mga mananaliksik ay ang deskriptibong


pananaliksik. Ang deskriptibong pananaliksik ay ginagamit upang mangalap ng
impormasyon tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng isang penomena upang
mailarawan ang mga baryabol sa napiling paksa. Ang mga mananaliksik ay gagamitin
ang disenyong ito upang matukoy ang iba't ibang paraan ng waste management sa
DLSU-D

Ang mga taong kabilang sa saliksik na gagawin ay ang mga piling mag-aaral ng
DLSU-D at ang mga namamahala sa organisasyon na ERMAC. Magkakaroon ng
limampung respondente para sa sarbey at limang respondente para sa interbyu. Ang
pagpili sa limampung respondente ay gagamitan ng Modal instance sampling upang
maging mas madali sa mga mananaliksik ang pangangalap ng datos at ang pag pili
naman sa limang respondenteng iinterbyuhin ay gagamitan ng expert sampling upang
3

makakuha ng ekspertong opinyon at impormasyon ang mga mananaliksik.

Ang mga instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik ay talatanungan para sa


sarbey at interbyu. Ang parehas na instrumento ay kinapapalooban ng mga tanong na
sasagutin ng mga respondente upang matamo ang mga layunin ng mananaliksik.

Upang masuri ang mga datos sa talatanungan, ang mga mananaliksik ay


gagamit ng talligram kung saan ang mga resulta ng datos ay iisaisahin. Para lubos na
maunawaan ang resulta ng talatanungan, gagamit ang mga mananaliksik ng Frequency
at percentage. Ang frequency ay ang pagbilang sa dami ng beses kung saan ang isang
balyu ay nakita. Habang percentage naman ay ang bahagi ng frequency sa kabuuang
bilang ng respondente na iminultiplay sa 100. Ang gagamiting pormula ay:

Kung saan:

P = Percentage

F = Frequency

N = Kabuuang bilang ng mga respondente

Upang maiinterpreta ng maayos ang mga datos, gagamit ang mga mananaliksik
ng table at graph. Ang buod ng nakuhang datos ay iisaisahin at ilalagay sa table upang
maging organisado ito.

Inaasahang Bunga:

Pagkatapos gawin ang pananaliksik, inaasahan ng mga mananaliksik na


matukoy ang iba't ibang paraan at proseso ng Waste Management dito sa DLSU-D.
Inaasahan din na mailalarawan ang mga suliraning kinakaharap ng unibersidad
patungkol sa waste management kung kaya't isa sa mga inaasahang bunga ng mga
mananaliksik ay ang iba't ibang modernong paraan ng wastong waste management.
Ang sulating pananaliksik na ito ay inaasahang makabubuo ng dalawampung pahina.

You might also like