Professional Documents
Culture Documents
Ang Unang Pasko
Ang Unang Pasko
Ni Jenn Wilks
Maaaring isadula ito ng inyong pamilya, mga kaibigan, o klase sa Primary. Basahin ang Lucas 2:1–16 para
matulungan kayong maghanda.
Mga Tauhan:
Maria
Jose
Tagapangasiwa ng bahay-panuluyan
Pastol 1
Pastol 2
Anghel
Mga kasuotan:
Simplihan lang ang mga kasuotan: isang bata para kay Jose, isang bandana para kay Maria, at mga
tungkod para sa mga pastol.
Props:
Awit: “Nang si Jose ay Magtungo sa Bethlehem,” unang talata (Aklat ng mga Awit Pambata, 22).
Jose: May bahay-tuluyan sa banda roon. Maghintay ka rito at magpahinga at titingnan ko kung may silid
pa para sa atin.
[Pauupuin ni Jose si Maria at kakatok siya sa “pinto.” Sasagot ang tagapangasiwa ng bahay-tuluyan.]
Jose: Naghahanap ako ng matutuluyan. Malayo ang nilakbay naming mag-asawa, at kailangan namin ng
matutulugan.
Tagapangasiwa: Puwede siguro kayong matulog sa kuwadra. Iyon lang ang maitutulong ko.
Jose: Walang silid sa bahay-tuluyan, pero sabi ng tagapangasiwa puwede tayong matulog sa kuwadra.
[Maglalakad sila papunta sa kuwadra. Mauupo sina Maria at Jose, at magwawakas ang tagpo.]
Awit: “Nang si Jose ay Magtungo sa Bethlehem,” ikalawa at ikatlong talata (Aklat ng mga Awit Pambata,
22).
[Binabantayan ng mga pastol ang kanilang mga tupa. Darating ang anghel, at luluhod ang mga pastol.]
Anghel: Huwag kayong matakot. May dala akong masayang balita! Ngayong gabi ang Anak ng Diyos ay
isinilang sa Betlehem. Matatagpuan ninyo ang sanggol na nakahiga sa isang sabsaban.
Anghel: Luwalhati sa Dios sa kataas-taasan, at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Awit: “Nagningning ang mga Tala” (Aklat ng mga Awit Pambata, 24).
[Pupunta ang mga pastol sa bahay-tuluyan at kakatok sa “pinto.” Sasagot ang tagapangasiwa.]
Pastol 2: Narito kami para makita ang batang Cristo.
Tagapangasiwa: Isang bata ang isinilang sa aking kuwadra ngayong gabi. Ihahatid ko kayo.
[Susundan ng mga pastol ang tagapangasiwa papunta sa kuwadra, kung saan nakaupo sina Jose at Maria
sa tabi ng sabsaban na hinihigaan ng sanggol na si Jesus.]
Pastol 1: Totoo nga! Talagang may sanggol na nakahiga sa isang sabsaban, tulad ng sinabi ng mga
anghel.
Ideya: Maglagay ng malaking bituing papel sa isang patpat at hawakan ito sa ibabaw ng sabsaban.