You are on page 1of 2

KAPISTAHAN NG BANAL NA PAMILYA

Fr. MLumbera

Matapos nating ipagdiwang ang Dakilang Kapitahan ng Pasko ng Pagsilang ng


ating Panginoon, ngayon naming linggong ito ay ating ipinagdiriwang ang Kapistahan
ng Banal na Pamilya: José, María, at Hesús.
Ang sanggol na si Hesús, ang Mesías na magiging tagapagligtas ng sangkatauhan
ay natagpuan ng mga pantas at ng mga pastol sa gitna ng isang pamilya. Maaari naman
na bigla na lamang si Hesús lumitaw sa mundong ito bilang isang tao. Subalit hindi iyon
ang plano ng Diyos. Minabuti ni Hesus na sa kanyang pagkakatawang-tao ay dumaan sa
ordinaryong proseso nito; ang isilang at maging bahagi ng isang pamilya. Mula sa
pagiging Diyos na pinagbubuklod ng pag-ibig, si Hesús ay naging tao sa isang pamilyang
pinagbubuklod ng pag-ibig sa isa’t-isa.
Sa kontekstong ito ng pag-ibig sa loob ng isang pamilya ay makikita natin ang
unang katotohanan sa buhay ng tao: “sa pamilya una nating makakatagpo ang Diyos.”
Minsan may isang guro ng kindergarten ang nag-anyaya sa mga bagong
estudyante niya na magpakilala isa-isa (simula pa lamang noon ng klase). May isang
atang lalaki ang tinanong niya, “Ano ang pangalan mo?” Sumagot ang bata, “Domonyito
po.” Nagulat ang guro. Tinanong niya ulit ang bata, “Saan ka nakatira?” “Sa impyerno
po”, tugon ng bata. Nagulat muli ang guro at muling tinanong ang bata, “Sino ang mga
magulang mo?” “Ang tatay ko po ay si Lucifer at ang nanay ko po ay si Demonya.”
Matapos ang klase, nagdesisyon ang guro na ihatid ang bata sa bahay nila upang
kasusapin ang mga magulang nito. Sa labas ng bahay, narining niya ng mag-asawa na
ang-aaway. Minabuti ng guro na huwag na munang kausapin ang magulang. Pinapasok
na niya ang bata sa bahay. Habang papasok ang bata, narinig niya ang nanay, “Lasing ka
nanaman Lucifer ka, batugan ka na nga lasinggero ka pa…” Sumigaw din naman ang
tatay, “Nagbubunganga na naman ang asawa kong Demonya. Dapat hindi na kita
pinakasalan kung alam ko lang na Demonya ang pakakasalan ko, aalis ako sa
impyernong bahay na ito.” Pagpasok ng bata, sinigawan siya ng nanay niya, “Oh narito
na ang demonyitong ito…”
Nararamdaman ba ng ang pag-ibig ng Diyos sa iyong pamilya?
Ikalawang bagay sa ating pagninilay: sa pamilya unang hinuhubog ang ating
pagkatao.
Ang karunungan ni Hesús ay hindi lamang nagmula dahil sa siya ay Diyos.
Sinasabi nga natin na si Hesús ay buo ang pagka-Diyos at buo kanyang pagiging tao.
Makikita natin ito sa kanyang pangangaral ang mga pananalita. Halimbawa, sa isang
pangangaral ni Hesús, “humanga sa kanya ang mga tao sapagkat nagtuturo siya ng may
kapangyarihan hindi katulad ng mga Pariséo at mga Escriba” (cf. Mk 1:22ff). Ipinakikita
dito ang kanyang karunungan bilang Diyos. Sa kabilang banda, kung maalala natin na
minsan si Hesús ay nagbigay babala sa mga tao na “pag-ingatan na hindi maging
pakitang tao lamang” (cf. Mt. 6:1ff). Ang katangiang ito na mismong kanyang sarili ay
kanyang isinasabuhay bilang isang tao ay natutuhan niya sa pamamagitan ng
halimbawa at pagtuturo sa kanya ng kanyang mga magulang na sina María at José.
May isang pamilya na hirap na hirap sa kanilang buhay. Ang tatay ay nawalang
ng trabaho at nangupahan sila sa isang maliit na silid. Pitó sila sa pamilya at
nagsisiksikan sa maliit na silid na inuupahan nila. Subalit pinagsikapan nilang maging
mabuti sa bawat isa. Nagmamahalan sila bilang isang pamilya. Pinanatili nilang malinis
kahit maliit at siksikan ang kanilang silid na tinitirhan. Sama-sama sila sa pagkain.
Sama-sama din silang nagdarasal bilang isang pamilya, araw-araw, umaga at gabi.
Tumutulong din sila sa ibang pamilya na mas hirap pa sa kanila. Isang araw, binisita ng
guro ng isa sa mga anak ang pamilya. Nagulat at naawa siya sa kalalagayan ng pamilya
ng kanyang estudyante. Kinabukasan sinabi niya sa kanyang estudyante, “Nalulungkot
ako sa kalalgayan mo, sa tahanan na mayroon ang iyong pamilya.” Sinubukan niyang
aliwin ang bat sa mga salitang ito. Subalit ang sagot ng bata sa kanyang guro ay,
“Nagkakamali po kayo, mayroon po kaming magandang tahanan, naghahanap lamang
po kami ng sarili naming bahay upang tirahan ng tahanang mayroon kami.”
Saan nakatira ng iyong pamilya, sa bahay o sa tahanan? Anong uri ng pagkatao
ang itinuturo sa iyong pamilya?
Mga kapatid, mahalag ang pamilya sapagkat dito nang nadarama ang pag-ibig ng
Diyos. Mahalaga ang pamilya sapagkat dito unang hinuhubog ang ating pagkatao.
Amen.

You might also like