1 Adbiyento - A (2022)

You might also like

You are on page 1of 2

UNANG LINGGO SA PANAHON NG PAGDATING (TAON A)

ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO (24:37-44)

Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang pagdating ng Anak
ng Tao ay matutulad sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe. Noon, ang mga tao’y
nagsisikain, nagsisiinom at nag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe.
Dumating ang baha nang di nila namalayan at tinangay silang lahat. Gayun din ang mangyayari
sa pagdating ng Anak ng Tao. Sa panahong iyon, may dalawang lalaking gumagawa sa bukid;
kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang
isa at iiwan ang isa. Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto
ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung
anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya’y magbabantay at hindi niya pababayaang
pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng
Tao sa oras na di ninyo inaasahan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Tayo ngayon ay nasa bagong kalendaryo sa liturhiya ng ating Simbahan at


pinasisimulan natin ang unang araw ng Liturhikong Taon A sa panahon ng
paghihintay sa kapaskuhan, ang Panahon ng Adbiyento. Mahalagang malaman
natin ang kahalagahan ng Panahon ng Adbiyento at kung paano tayo
matutulungang maging handa para sa Pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo.
Ang Panahon ng Adbiyento ay nakatuon sa dalawang bagay: paghihintay at
pagpapanibago ng buhay. Paghihintay dahil sa ina-anticipate natin ang first
coming of the Son of Man sa Pasko at kaakibat ng ating paghihintay ang
pagpapanibago ng ating buhay upang maging handa tayo sa Pasko ng Pagsilang ng
Panginoon.

Sa Unang Linggo ng Adbiyento, very interesting ang ating mga pagbasa. Sa


unang pagbasa narinig natin kung paanong nangusap ang ating Diyos kay Propeta
Isaias, sa isang pangitain, tungkol sa gagawing pagliligtas nya sa kanyang bayang
Israel. Sa mga kanyang mga salita, maririnig natin kung gaano nya kamahal ang
tao at kung paano s’ya gagawa ng paraan upang lahat tayo ay mailigtas. Sa
kanyang sulat naman sa mga taga-Roma, pinapaalalahanan naman tayo ni San
Pablo na, “panahon na upang gumising . . . sa pagkakatulog,” “it is the hour now . .
. to awake from sleep.” Sa ating paggising sa pagkakatulog sa paggawa ng
kabutihan, inaanyayahan tayo ni San Pablo na iwaksi na ang lahat ng anumang uri
ng pagkakasala na patuloy tayong kinukulong sa kadiliman, at mamuhay na tayo sa
liwanag ng paggawa ng kabutihan na aakay sa atin patungo sa Diyos.

1
Ang dalawang pagbasa ang nagpapaalala sa atin na upang makamit natin ang
mapagmahal na pagliligtas ng Diyos, dapat tayong gumawa ng mabuti at

Ang Panginoong Hesukristo, sa ebanghelyo ayon kay San Mateo, very firm
siya tungkol sa kung papaano tayo dapat maghanda sa pagdating ng Anak ng Tao.
Mahalagang mapagtanto natin na ang pagdating ng Anak ng Tao ay hindi katulad
nang ine-expect nating order sa Shopee o Lazada. Hindi din ito katulad ng
pagdating ng mga ino-order nating pagkain sa mga fast food restaurant. Lahat sila
may scheduled date of arrival pero ang pagdating ng Anak ng Tao ay wala. Sa
verse 36 ng ebanghelyo natin ngayon, sinabi ni Hesus na kahit ang mga anghel at
mismong ang Anak ng Tao ay hindi alam kung kailan ang pagdating ng
Manunubos ng sanlibutan.

Take note, hindi tayo tinatakot ni Hesus sa ebanghelyo natin. Nakatakda


talaga plano ng Diyos Ama ang pagdating ng kanyang anak sa huling araw ng
mundo, pero dapat patuloy pa rin tayo sa mga gawain natin sa buhay at
pakatandaan natin na dapat maging watchful tayo sa ating mga kilos at pananalita.

Ngayong Unang Linggo ng Adbiyento, inaanyayahan tayong magnilay at


makinig sa mga pagbasa. Isang paalala sa atin na bagama’t apat na linggo lamang
ang panahong ito, dapat maging handa tayo spiritually para sa pagdating niya,
hindi lamang ngayong padating na Pasko kundi sa kanyang Ikalawang Pagbabalik.

You might also like