You are on page 1of 2

IKATLONG LINGGO SA PANAHON NG PAGDATING (TAON A)

ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO (11, 2-11)

Noong panahong iyon: Nabalitaan ni Juan Bautista, na noo’y nasa bilangguan, ang mga
ginagawa ni Kristo. Kaya’t nagsugo si Juan ng kanyang mga alagad at ipinatanong sa kanya,
“Kayo po ba ang ipinangakong paririto, o maghihintay pa kami ng iba?” Sumagot si Hesus,
“Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang inyong narinig at nakita: nakakikita ang mga
bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi,
muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.
Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!”

Pag-alis ng mga alagad ni Juan, nagsalita si Hesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Bakit
kayo lumabas sa ilang? Ano ang ibig ninyong makita? Isa bang tambo na inuugoy ng hangin?
Ano nga ang ibig ninyong makita? Isang taong may maringal na kasuutan? Ang mga nagdaramit
ng maringal ay nasa palasyo ng mga hari! Ano nga ba ang ibig ninyong makita? Isang propeta?
Oo. At sinasabi ko sa inyo, higit pa sa propeta. Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng Kasulatan:
‘Narito ang sugo ko na aking ipinadadalang mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.’
Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, wala pang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista;
ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos at dakila kaysa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Tayo ngayon ay nasa Ikatlong Linggo na ng ating paghihintay sa Pasko ng


Pagsilang ng Panginoon at ngayong linggo ay binuksan natin ang ikatlong linggo
ng adbiyento na kumakatawan sa Kagalakan, Joy. Very interesting ang ating mga
pagbasa ngayong linggo at inaanyayahan tayo na magnilay sa mga ito (sana
nagbubukas tayo ng ating mga bibliya sa bahay).

Narinig natin ang Propeta Isaias, sa ating unang pagbasa, at si Apostol


Santiago sa ating ikalawang pagbasa, kung paano nila nire-reassure ang kanilang
mga tagapakinig (una sa Israelitang ipinatapon sa Babilonya, ikalawa sa mga taong
naghihintay sa pagdating ng Panginoon) na darating ang Tagapagligtas na sugo ng
Diyos sa kanila, talagang darating ang Panginoon.

Alam natin ang feeling ng sobrang saya kapag yung hinihintay natin ay
dumarating: mahal natin sa buhay na nawalay sa atin ng ilang buwan o taon,
mahalagang package na inorder natin na matagal na, result ng bar exam na
nakalagay ay passed, matamis na Oo ng nililigawan, yung 20 minutes na order mo
sa fast food restaurant kasi gutom ka na: lahat ng ito ay may kakaibang hatid na
saya kapag nadatnan natin yung hinihintay natin.

1
Pero pakatandaan din natin na dapat aware tayo kung ano ang attitude natin
kapag naghihintay at dapat ang nananaig sa ating attitude ay patience. May mga
taong dapat patient habang naghihintay, kahit alam nating sa paghihintay natin ay
may di kasiguraduhan na dadating yung hinihintay natin. Patience. Maging
pasensyoso.

Kadalasan sa mga impatient, nakakasakit ng kapwa o nakakagawa ng


kasalanan sa Diyos habang naghihintay. Kapag impatient ang tao, mainitin ang ulo.
Kapag impatient ang tao, may mga nasasabi silang hindi magaganda. Maging
pasensyoso tayo, let us be patient. Darating ang Panginoon, matuto sana tayong
maghintay.

Ngayong Ikatlong Linggo ng Adbiyento, patuloy tayong inaakay ng


Panginoon na maghintay dahil siya ay dadatal na sa kanyang pagsilang. Maging
maligaya nawa tayo na sa ating paghihintay, ginagabayan niya tayo upang maging
tunay na handa tayo sa kanyang pagdating sa pamamagitan ng ating pananalangin
at pagpapanibago ng buhay.

You might also like