You are on page 1of 11

Panitikan sa Panahon

ng Hapon
Kapaligirang Pangkasaysayan ng
bansang Hapon sa
Panahon ng Panitikan
• -Ang bansang Hapon ay malaki ang pagnanais
na siyang maghari sa buong Asya.
• Lihim siyang pinalakas ng kanyang
sandatahang panlakas, ang hukbong
dagat,katihan, at panghimpapawid.
• Layunin ng bansang Hapon ang maitaboy ang
mga bansang Kanlurang sumasakop sa ibang
bansa sa Asya gaya ng
Indonesia,Malaysia,Biyetnam at Pilipinas.
Ang Panitikang Filipino noong Pananakop ng
mga Hapones
• 1941-1945 sinakop ng bansang Hapon ang
Pilipinas
• Sa panahong ito nabalam ang umuunlad na
panitikang Filipino.
• Ipinapinid ng mga Hapon ang mga
pahayagan
• Ang lingguhang Liwayway lamang ng mga
Roces ang nagbukas ngunit nasa ilalim ng
pangangasiwa ng hapong si Kin-Ichi
Ishikawa
• Nagkaroon muli ng pagkakataong makapaglathala
ng mga kuwento at tula sa pahayagang Liwayway
• Ipinagbawal ang mga pahayagan at magasing
gaya ng Tribune at Free Press
• Sa panahong ito ang mga paksain sa mga
kwento,dula,tula at iba pa ay ang buhay
lalawigan
• Tumpak tawaging panahon ng pamumulaklak ng
Panitikang Tagalog ang tinutukoy na panahon
ng Hapon
• Tinawag din nila itong “Gintong Panahon”
Ang Maikling Katha sa Panahon ng mga
Hapon

Ang mga maikling katha nakatanggap ng


parangal ay ang sumusunod:
• Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes- unang
gantimpala
• Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A.
Arceo-ikalawang gantimpala
• Lunsod, Ngayon at Dagat-Dagatang ni
N.V.M. Gonzales-ikatlong gantimpala
Ipinalimbag ang aklat na “25 Pinakamahusay
na Kathang Filipino” may katangiang
katulad ng mga sumusunod:

1.Ang mga paksa ay matimpi.


2.Ang mga pangyayari’y madula nguni’t di
maligoy.
3. Ang mga kwento ay walang balangkas.
4.Ang mga paksa ay iba-iba, yaong nauukol
sa karaniwang karanasan at buhay ng mga
tao.
5. Ang mga paraang ginamit ay iba-iba.
6.Ang pagkakaroon ng mga malawak na
paningin ng mga manunulat ay bakas na
bakas sa kanilang mga sinulat.
7.Ang mga pangungusap na ginamit ay payak,
isang bagay na nakapagpapaganda sa mga
ito.

Dahil sa kakitiran ng mga paksain ng mga


manunulat ay hindi nila maisiwalat nang
matapat at malaya ang kanilang mga iniisip
at dinaramdam na bunga ng karanasan ng
mga tao nang panahong iyon.
Ang Dula
• Ang dulang tagalog ay nagtangkang
bumangon upang magbigay ng kaunting
aliw sa mga mamamayan.
• Nangangailangan sila ng paglilibang upang
malimutan ang mga pangamba,pag-aalala at
iba’t ibang emosyong sumasanib sa
kanilang katauhan.

You might also like