You are on page 1of 2

FIL 2 – Masining na Pagpapahayag

ALMA B. MANERA, Editor

WASTONG BANTAS

Mahalaga ang wastong pagbabantas sa pag-aaral ng Retorikang Filipino. Binabago ng


bawat bantas ang himig ng diwa ng mga pagpapahayag na nais ng isang taong
gumagamit nito. Ilan sa karaniwang bantas na dapat pagtuunan ng pansin ay ang mga
sumusunod:

1. TANDANG PANANONG (?)


Ginagamit ito bilang bantas sa mga pahayag na nagtatanong.

Halimbawa: Saan ka na naman nanggaling?

Ano ba ang magagawa ko kung hindi mo nais na bumalik agad?

2. TANDANG PADAMDAM (!)


Ginagamit bilang bantas sa mga pahayag na nagsasaad ng matinding
damdamin.

Halimbawa: Sunog!; Aray ko po!

3. TULDOK (.)
Ginagamit ang bantas na ito sa pahayag na nagsasalaysay, sa pagdaglat, o
pagpapaikli ng mga salita at mga akronim.

Halimbawa: Hihintayin ko ang mga sandal ng pagbabago ng iyong isipan

Dr. Jovid Maricar D. Maranan

P. N. P.

4. TULDOK KUWIT (;)


Ginagamit ang bantas na ito bilang panghalili sa mga pangatnig at
naghihiwalay ng mga sugnay.

Halimbawa: Pinagkaisahan nila ako; Pinagtatadyakan; sinamantala na walang

kasama na maaaring tumulong at sumaklolo.

5. TUTULDOK (:)
- Ginagamit sa hanay ng mga tala o halimbawa.
- Ginagamit din ang tutuldok sa bating panimula sa isang pormal na liham.
6. GITLING
- Ginagamit ang bantas na ito upang bigyang-diin na ang isang salita ay
hiram lamang.
REXSON D. TAGUBA, LPT
Guro sa Filipino
FIL 2 – Masining na Pagpapahayag
ALMA B. MANERA, Editor

- Ginagamit din ito upang bigyang-diin na ang isang salita ay pangngalang


pantangi.
- Ang gitling ay ginagamit din sa mga tambalang salita na nanatili sa orihinal
na kahulugan.
- Ginagamit din ang bantas na ito sa pag-uulit ng mga salita.
7. ELIPSIS (…)
Ginagamit sa mga pahayag upang ipakita na mayroon pang ibang pahayag
na hindi gaanong mahalaga na hindi na isinama sa paglalahad.

Halimbawa: Nagulantang ang lahat sa inasal ng dayuhang panauhin… pinagsisihan

ang mabuting pagtanggap dito.

8. KUWIT (,)
- Ginagamit ang bantas na ito sa paghahanay ng mga kaisipan o halimbawa
sa isang uri o pangkat.
- Ginagamit din ito pagkatapos ng bating panimula sa isang liham
pangkaibigan at pagkatapos ng bating pangwakas.
9. KUDLIT (‘)
Ginagamit ito bilang panghalili sa mga nawawalang titik sa isang salita.

REXSON D. TAGUBA, LPT


Guro sa Filipino

You might also like