You are on page 1of 2

KONSEPTONG PAPEL NG PANANALIKSIK

I. PAKSA
• Ilimita ang paksa gamit ang isa o ilan sa batayan sa paglilimita.
II. RASYONAL/LAYUNIN
• Talakayin kung bakit ito ang napiling paksa. ipaliwanag ang kaugnayan nito sa
disiplinang pinagpapakadalub-hasaan.
• Matapos ang pambungad na pangungusap, ilahad ang mga layunin sa
patanong na anyo at isa-isahin ang mga ito. Tatlo hanggang limang layunin ay
sapat na.
III. PAMAMARAAN
• Ilahad kung paano isinagawa ang pananaliksik. Tiyaking akma sa paksa at
layunin ang napiling pamamaraan. Maliban sa pagsangguni sa mga aklat at sa
internet, maaari ring magsagawa ng interbyu at/o sarbey.
IV. PANIMULA
• Introduktoring pagtalakay ito. Kailangang mabigyan ng bird’s eye view ang
mambabasa tungkol sa paksa ng pananaliksik. Dalawa o tatlong maiikling talata
ay sapat na.
V. PAGTALAKAY
• Talakayin dito ang mga datos/impormasyong nakalap. Gamitin ang mga sipi,
buod at parapreys na iyong mga note cards. Huwag kalilimutang kilalanin ang
iyong mga hanguan sa pamamagitan ng in-text/end-text citation sa bahaging ito
(maging sa Panimula). Gumamit ng grap, talahanayan o mapa kung
kinakailangan. Tatlo hanggang limang pahina ay sapat na.
VI. LAGOM
• Ibuod and ginawang pagtalakay sa maikling talataan.
VII. KONGKLUSYON
• Ilahad ang mga tuklas sa pag-aaral. Tiyaking masasagot dito ang mga tanong
na inilahad sa layunin.
VIII. REKOMENDASYON
• Maglahad dito ng ilang mungkahi (tatlo hanggang lima) kaugnay ng iyong mga
tuklas.
IX. TALAAN NG MGA SANGGUNIAN
• Anim hanggang labindalawang entris dito ay sapat na. Isaalang-alang ang mga
tagubilin sa paggawa ng Talaan ng mga Sanggunian. Tiyaking lahat ng mga
hanguang binanggit sa Panimula at Pagtalakay ay matatagpuan dito.
• May mga Talaan ng Sangguniang kinaklasipay pa ang mga entri (Aklat,
Hanguang Elektroniko, Magasin/Pahayagan, at iba pa). Hindi na namin
iminumungkahi ito dahil hindi naman karamihan ang mga entri. Sapat nang iayos
ang mga entri nang alpabetikal nang walang sub-classifications.

X. APENDIKS
• Maaaring magdagdag dito ng mga liham, larawan, bio-data ng mananaliksik at
iba pa.

You might also like