You are on page 1of 34

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Tugon sa Globalisasyon
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Tugon sa Globalisasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas


T. Capulong, PhD.,CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, Ph.D

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lawrence A. dela Cruz
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD
Virgilio L. Laggui PhD
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD
Romeo P.Lorido /Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit: Rene Boy T. Tamayo
Tagalapat: Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

ii
10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Tugon sa Globalisasyon

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

iii
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Tugon sa Globalisasyon.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Tugon sa Globalisasyon.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

iv
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
Pagyamanin iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang Modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

• Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon.

Sa Modyul na ito, pag-aaralan mo ang mga konseptong may kinalaman sa


pagtugon sa mga epekto ng globalisasyon. Partikular ang mga nararapat gawin
upang maiwasan ang masasamang epektong hatid nito. Nahahati ito sa tatlong
aralin:

• Leksyon 1 – Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon


• Leksyon 2 – Globalisasyon at mga Isyu sa Paggawa
• Leksyon 3 – Globalisasyon at Migrasyon

Kapag natapos mo na ang Modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang pangkalahatang epekto ng globalisasyon;


2. nasusuri ang globalisasyon at ang epekto nito sa paggawa at migrasyon; at
3. napahahalagahan ang pagtugon sa mga epekto ng globalisasyon.

Mga Tala para sa Guro


Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang
konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.
Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na
gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

1
Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pakikialam ng pamahalaan sa


kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na
namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa
kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante?
A. Fair Trade
B. Global Standards
C. Guarded Globalization
D. Pagtulong sa Bottom Billion

2. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan,


pangekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng mga maliliit na
namumuhunan?
A. Fair Trade
B. Global Standards
C. Guarded Globalization
D. Pagtulong sa Bottom Billion

3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagbibigay-pansin sa mga


pangangailangan ng pinakamahihirap na tao sa mundo?
A. Fair Trade
B. Global Standards
C. Guarded Globalization
D. Pagtulong sa Bottom Billion

4. Alin sa sumusunod ang HINDI karapatan ng mga manggagawa ayon sa


International Labor Organization?
A. karapatang sumali sa mga unyon na malaya sa panghihimasok ng
pamahalaan at mga nangangasiwa
B. karapatang makipagkasundo bilang grupo sa halip na mag-isa
C. karapatan laban sa sapilitang pagtatrabaho
D. karapatang makapagtrabaho ng mga kabataan sa mabibigat na gawain

5. Alin sa sumusunod na pahayag ang wasto ukol sa mga karapatan ng mga


manggagawa?
I. Pantay na suweldo para sa parehong trabaho
II. Ang lugar na pinagtatrabahuhan ay dapat walang panganib at ligtas III. Ang
suweldo ng mga manggagawa ay dapat sapat at nakabubuhay

A. I
B. II

2
C. III
D. I, II at III
6. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pang-aalipin?
A. Forced Labor
B. Human Trafficking
C. Slavery
D. International Standards

7. Si Anton ay sapilitang pinagtatrabaho ng kanyang amo kahit wala naman ito


sa kanyang kontrata bilang domestic helper. Alin sa sumusunod na konsepto
ang kinabibilangan ng sitwasyon ni Anton?
A. Forced Labor C. Slavery
B. Human Trafficking D. International Standards

8. Magtatrabaho dapat si Nancy bilang waitress sa ibang bansa, ngunit pagdating


niya roon ay ibang trabaho ang ibinigay sa kanya na may mas mababa pang
sahod. Alin sa sumusunod na konsepto ang tutugma sa sitwasyon ni Nancy?
A. Forced Labor C. Slavery
B. Human Trafficking D. International Standards

9. Alin sa sumusunod na programa ang naging tugon ng Pilipinas upang


makasabay sa mga pagbabagong hatid ng globalisasyon lalo sa kalidad ng
edukasyon at mga manggagawa?
A. ASEAN Integration
B. Bologna Accord
C. K to 12 Curriculum
D. Washington Accord

10. Upang makasabay sa kompetisyon ang mga lokal na namumuhunan laban sa


mga dayuhang negosyante, alin sa sumusunod ang nararapat gawin ng
pamahalaan?
I. pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula
sa ibang bansa
II. pagbibigay ng tax incentives sa mga foreign companies na magtatag ng
pasilidad sa bansa
III. pagbibigay ng subsidiya sa mga namumuhunang lokal

A. I at II C. I at III B.
II at III D. I, II at III

11. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng patas o pantay na


kalakalan?
A. Si Mang Jose na ibinenta ang kanyang mga kamatis sa murang halaga
sapagkat bumagsak na ang presyo nito sa pamilihan.
B. Si Aling Maria na binibili ang mga naaning palay ng mga magsasaka sa
murang halaga at matapos ay ibebenta niya sa mas mataas na presyo .

3
C. Si Mang Pedro na nakabayad sa mga inutang sa puhunan sa negosyong
babuyan dahil nabili sa tamang presyo ang kanyang mga alagang baboy.
D. Si Aling Linda na ipinamigay na lamang ang mga naaning gulay dahil
walang bumibili bunsod ng oversupply sa pamilihan.

12. Bakit hindi maitaas ang pasahod, maipagkaloob ang kasiguraduhan sa


trabaho at madagdagan ang benepisyo ng mga manggagawa sa bansa?
A. dahil mataas na ang pasahod sa ating bansa
B. dahil marami ng benepisyong natatanggap ang ating mga manggagawa
C. dahil puro regular na ang manggagawa
D. dahil sa mga kakumpetensya sa ibang bansa na mas mura at mababang
pasahod

13. Alin sa sumusunod ang nararapat gawin ng pamahalaan sa mga kaso ng


pangaabuso sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa ibang bansa?
A. pauuwiin ang lahat ng OFW at bigyan na lamang ng trabaho sa Pilipinas
B. magtatag ng mga mekanismo upang ma-monitor ang kalagayan ng mga
OFW at gumawa ng kaukulang hakbang kung may pang-aabuso
C. pabayaan na lamang ang mga ito dahil isolated cases lang naman ang
mga ito
D. ipaubaya ang gagawing aksyon sa pamahalaan ng bansa kung saan
nagtatrabaho ang OFW

14. Alin sa sumusunod ang ipinapahayag ng larawan sa ibaba ukol sa mga


karapatan ng mga manggagawa?

A. karapatan sa ligtas na lugar ng pagtatrabahuhan


B. karapatan sa kasiguruhan sa trabaho
C. karapatan na maipahayag ang saloobin ng mga manggagawa
D. karapatan laban sa mabibigat na trabaho

15. Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang maaari mong
gawin upang masiguro na maaangkop ka sa pangangailangan ng ating bansa
na umunlad sa kabila ng globalisasyon?
A. magsumikap sa pag-aaral upang makatapos at magkapagtrabaho
B. tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na upang kumita ng pera
C. magpalipas ng panahon at umasa na lamang sa pamilya

4
D. maging layunin ang makapagtrabaho agad kahit kulang pa sa mga
kakayahan

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay madali


mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa naman
ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan pa
ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Aralin

1 Tugon sa Globalisasyon
Mabilis na nagbabago ang mundo gayundin ang mga isyung kalakip nito. Ang
globalisasyon ang isang pangyayaring lubusang nagpabago sa buhay ng
sangkatauhan. Naapektuhan nito ang halos lahat ng aspekto ng ating buhay. Ilan
sa mga epekto nito ang mga pagbabago sa pakikipagkalakalan, pagbabago sa
paraan ng paggawa at pagbabago sa migrasyon ng mga tao. Sa araling ito ay
tatalakayin ang naging epekto ng globalisasyon sa buhay ng tao. Hinihikayat ka na
magkaroon ng tugon sa mga isyung ito upang makatulong sa iyo sa pagharap sa
mga hamong kalakip ng globalisasyon.

Balikan

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa konsepto ng migrasyon.


Upang mapagtibay ang natutuhan mo ukol rito, punan ang mga eroplano sa ibaba
ng mga impormasyong hinihingi ng mga ito. Isulat ang iyong sagot sa inilaang
sagutang papel.

5
Kahulugan ng
Migrasyon

Perspektibo at Pananaw
sa Migrasyon

Peminisasyon ng
Migrasyon

Tuklasin

Panuto: Humanap ng mga salitang may kaugnayan sa globalisasyon. Ilista ang mga
ito at subukang hanapin ang kahulugan ng mga ito. May sampung salitang
hahanapin. Matapos nito ay sagutan ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.
Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

6
F J A B O L O G N A A C C O R D C M O W
L B L A O W R E N C E T O L O S A U D A
E E L A C T R U Z A F G B E F R N R A S
X R D I N O T M E M T R A D O E S A C H
I H F O O L A O L E X A N D R B A N Y I
B A A N G M A G M I L I W P C E R G L N
L A I S N G S I L B A N G A E N A P N G
E A R L A B N G P U I S S O D S A A D T
L B T D I B M O Y B U L H A L Y L S U O
A G R I I A B S M I G A L O A Y C A A N
B T A R K I G U A U E V T I B F Y H R A
O A D H A A L A N N L E E P O R A O A C
R D E E I N P S T D G R S M R N C D M C
N F U T D N G A A A S Y O I B E A B O O
A H N I S T I D S D T A F K O L R E A R
P H U M A N T R A F F I C K I N G C N D
G U A R D E D G L O B A L I Z A T I O N

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga nahanap mong salita?

2. Bakit kaya nagaganap ang mga ganitong pangyayari?

3. Paano ka kaya makatutulong upang masugpo ang ganitong suliranin?

Ang araling ito ay tatalakay sa mga pagtugon sa mga epekto ng globalisasyon sa


tao. Ang mga nahanap mong salita ay may kaugnayan sa paksang tatalakayin.
Mahalagang maintindihan mo ang mga konseptong ito upang higit
mong maunawaan ang nararapat na pagtugon sa mga epekto ng
globalisasyon sa mga isyung pang-ekonomiya na nararanasan
natin ngayon.
Suriin

PAGHARAP SA HAMON NG GLOBALISASYON

Naging bahagi na ng buhay ng sangkatauhan ang globalisasyon. Mayroon itong


mabuting dulot sa nakararami ngunit kaakibat din nito ang masasamang epekto
na nararanasan ng lahat. Ang hindi magagandang epekto nito ang nararapat na

7
harapin at bigyan ng katugunan upang makatulong sa mga taong lubhang
naaapektuhan ng mga ito.

Isa sa may mga pangunahing tungkulin na harapin ang mga hamong dulot ng
globalisasyon ay ang pamahalaan sa iba’t ibang panig ng mundo. Gaya ng
nabanggit sa mga naunang modyul, ang epekto ng globalisasyon ay sumasaklaw sa
ekonomikal, politikal at sosyo-kultural na aspekto ng buhay nating mga tao.

Ilan sa solusyon ng pamahalaan upang maibsan ang mga masasamang epekto ng


globalisasyon ay ang sumusunod:

1. Guarded Globalization – Ito ay ang panghihimasok ng pamahalaan sa


kalakalang panlabas. Layunin nito na hikayatin ang mga lokal na negosyante at
bigyan sila ng proteksiyon upang makasabay sa mga naglalakihang dayuhang
namumuhunan. Kabilang sa mga pamamaraan upang isagawa ito ay ang
sumusunod:

a. pagbibigay ng tulong ng pamahalaan sa mga lokal na negosyante sa


anyo ng mga subsidiya. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ang mga
ito ng sapat na puhunan upang mapalago ang kanilang mga negosyo.

b. pagpataw ng buwis o taripa sa mga produkto at/o serbisyong galing ng


ibang bansa. Sa ganitong paraan ay mapananatili ang taas ng presyo
ng mga produkto at serbisyong imported kaysa sa mga ginawa sa loob
ng bansa

2. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade) – ito ay tumutukoy sa


pangangalaga sa kapakanan ng mga maliliit na namumuhunan sa
aspektong panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal. Pangunahing
layunin nito ang pagpapanatili sa tamang presyo ng mga produkto at
serbisyo. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa
pagitan ng mamimili at ng namumuhunan. Sa ganitong paraan ay parehas
na mapangangalagaan ang kapakanan ng mga aktor ng pamilihan.
Binabantayan din nito ang sumusunod:
a. karapatan ng mga manggagawa;

8
b. paniniguro sa sapat at ligtas na trabaho para sa mga kababaihan at
kabataan; at
c. pagkakaroon ng mga produktong ligtas gamitin ng publiko.

3. Pagtulong sa Bottom Billion – sa kabila ng yaman na idinudulot ng


globalisasyon ay hindi maitatanggi na marami pa rin ang mahirap sa buong
mundo. Karamihan sa mga mahihirap ay makikita sa malaking bahagi ng
Aprika at Asya. Sa ganitong sitwasyon, hinihikayat ang pinakamayayaman na
bansa at kompanya na magbahagi ng kanilang kita upang makatulong sa
tinaguriang bottom billion o yaong isang bilyong pinakamahihirap na tao sa
buong mundo. Ngunit sa katotohanan ay hindi pa rin ito sasapat kung hindi
bubuo ng mga programang nakalaan lamang sa pag-angat ng antas ng
kabuhayan ng mga mahihirap.

GLOBALISASYON AT ISYU SA PAGGAWA

Nabanggit sa mga nakaraang modyul ang mga isyung kinahaharap ng mga


manggagawa. Sa ganitong sitwasyon ay kailangang maitaguyod ng mga
manggagawa ang kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng makauring
pagkakaisa at determinasyon. Kinakailangan na maging mulat ang manggagawa sa
mga patakaran gaya ng mura at flexible labor na nagpapahirap sa marami lalo’t
higit na nananatiling ligal ang mga iskemang subcontracting at kontraktwalisasyon
sa ating bansa bunsod na rin ng kompetisyong dulot ng globalisasyon

9
- Ang manggagawa ay may karapatang sumali sa mga
unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan
at tagapangasiwa.
- Ang manggagawa ay may karapatang makipagkasundo
bilang bahagi ng grupo sa halip na mag -isa.
- Bawal ang lahat ng anyo ng sapilitang trabaho, lalo na
ang mapang - aliping trabaho at trabahong
pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho
bunga ng pamimilit o ‘duress’.
- Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong
pangkabataan. Samakat’wid mayroong mini mong edad
at mga kalagayang pangtrabaho para sa mga kabataan.
- Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa
trabaho: pantay na suweldo para sa parehong na
trabaho.
- Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang
panganib at ligtas sa mga manggagawa. P ati kapaligiran
at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at
ligtas.
- Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat -dapat
para sa makataong pamumuhay.

Kinakailangan na maipaglaban ng mga hanay ng mga manggagawa ang mga


trabahong marangal para sa lahat ng may pagkakaisa at walang itinatangi. Kung
ipaglalaban ang karapatan ng mga regular at dapat ipaglaban din ang karapatan
ng mga hindi regular, maging kasapi man ng unyon o hindi, may trabaho man o
wala. Ang ganitong kaisipan ay magdudulot kapakinabangan sa lahat ng uri ng
mga manggagawa.

Ngunit sa kabila ng mga batas at polisiya ng pamahalaan para sa uring


manggagawa, ay hindi pa rin maisagawa ang matagal nang inaasam na pagtaas ng
suweldo, pagseseguro sa lahat ng trabaho, at pagdadagdag ng mga benipisyo. Ito
ay sa kadahilanang mahihirapan ang mga lokal na namumuhunan dahilan sa mas
mababang pasahod at flexible labor sa ibang bansa. Dahil sa kumpetisyon na ito
ay nananatiling sadlak sa hirap ang marami sa manggagawa sa bansa.
GLOBALISASYON AT MIGRASYON

10
Malaki ang pangako ng pangingibang-bayan ng ating Overseas Filipino Workers
(OFW). Ang pangarap na makapagtayo ng bahay, mapag-aral ang mga anak, mabili
ang mga nais at ang makaahon sa kahirapan ay ilan lamang sa mga ito. Huwag din
nating isantabi na ang mga OFWs ay nakakatulong sa pag-unlad ng ating
ekonomiya dahil sa perang ipinadadala nila dito. Ngunit kaalinsabay ng migrasyon
ng mga Pilipino patungong ibang bansa upang magtrabaho ay ang samu’t saring
insidente ng pang-aabuso at karahasan sa kanila. Narito ang ilan sa nararanasan
ng ilan nating kababayan:

1. Forced Labor – ito ay ang sapilitang pagpapatrabaho sa isang tao na labag


sa kanyang kalooban. May mga pagkakataon na sobrang daming gawain ang
ipinagagawa sa kanila na nagdudulot ng pagkakasakit o minsa’y
kamatayan.

2. Human Trafficking – ito ang pagpupuslit ng mga tao na kadalasa’y


gumagamit ng mga pekeng papeles upang makapagtrabaho sa ibang bansa.
Minsan nama’y pangangakuan ng isang trabaho ngunit pagdating sa
bansang patutunguhan ay iba na pala ang trabahong kanilang gagawin.

3. Slavery – ito ay tumutukoy sa pang-aalipin ng mga amo sa kanilang


empleyado. May mga pagkakataon na itinuturing na alipin ang isang
kasambahay kung saan ibinebenta ng mga amo ang kanilang mga
empleyado sa ibang tao.

Ilan lamang ito sa nararanasan ng ating mga OFW sa kamay ng ilang dayuhan.
Sa katunayan, hindi lamang mga Pilipino ang nakararanas nito. May datos ang
International Labor Organization ukol sa kalagayan ng mga migrante sa buong
mundo.
Samantala, ilan sa mga naidulot ng globalisasyon sa migrasyon ay ang
pagaangkop sa mga pamantayang internasyunal. Upang makapasok sa trabaho sa

- Halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor, 11.4


milyon dito ay mga kababaihan at 9.5 milyon naman ay mga
kalalakihan
- Umabot sa 19 na milyon ang biktima ng eksploytasyon ng
pribadong indibiduwal at mga kompanya at lagpas sa
dalawang milyon naman ng mga rebeldeng grupo
- Sa mga biktima ng eksploytasyon, 4.5 milyon ay biktima ng
eksploytasyong sekswal
- Nakalilikha ng US$ 150 bilyong illegal na kita ang forced
labor taon -taon
- Malimit na mga migrant workers at indigenous peopl es ang
nagiging biktima ng forced labor

11
ibang bansa ay kinakailangan munang masunod ang ilang mga kasunduan gaya
ng mga sumusunod:

1. Bologna Accord – ito ay isang kasunduan ng mga Ministro ng Edukasyon sa


Europa na ang layunin ay iakma ang kurikulum sa kani-kanilang mga bansa
upang ang sinomang makapagtatapos sa isang bansa ay maaaring
makapagtrabaho sa mga bansa na kabilang sa kasunduan. Dahil dito, may mga
tao mula sa ibang bansa, na hindi kabilang sa mga lumagda sa kasunduang
ito, ang nahihirapang makapagtrabaho doon o hindi kaya’y kinakailangan pang
mag-aaral doon para makapagtrabaho lamang.

2. Washington Accord – ito naman ay isang kasunduang nagtakda ng mga


panuntunan para sa mga paaralang may engineering courses. Ang mga
nagnanais na maging inhiyero sa mga bansang lumagda sa kasunduang ito ay
kinakailangan pang mag-aral muli para lamang makapagtrabaho. Ilan sa
bansang kabilang dito ang Australia, Canada, Chinese Taipei, Hongkong,
Ireland, Japan, Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore, South Africa, United
Kingdom at Estados Unidos.

Dahil sa mga kasunduang ito ay nahihirapang makapaghanap ng trabaho ang


mga Pilipinong propesyunal sa ibang bansa. Dagdag pa rito ang kakulangan noon
sa bilang ng taon ng pag-aaral sa Basic Education sa Pilipinas. Kaya naman, bilang
tugon ng pamahalaan, ipinatupad sa bansa ang K to 12 Basic Education
Curriculum na naglayong dagdagan ng dalawa pang taon ang pag-aaral na
tinatawag ngayong Senior High School. Layunin din nito na itaas ang kalidad ng
edukasyon sa bansa. Sa ilalim ng kurikulum na ito, lahat ng mag-aaral ay
kinakailangang tumuntong sa lebel ng Kindergarten bago makatuntong sa Unang
Baitang ng Mababang Paaralan. Anim na taon pa rin ang gugugulin upang
makatapos ng elementarya. Matapos nito ay papasok ng apat na taon sa Junior
High School. Susundan ito ng dalawa pang taon para naman sa Senior High
School.

SENIOR
HIGH SCHOOL

https://www.officialgazette.gov.ph/k-12/

Hindi kagaya ng Junior High School, may mga tracks and strands na
kinakailangang piliin ng mga mag-aaral sa Senior High School. Ito ay ang
Academic Strand (Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM),

12
Accountancy and Business Management (ABM), Humanities and Social
Sciences
(HUMSS) at General Academic Strand (GAS)), Technical-Vocational Strand
(TechVoc) na mayroon iba’t ibang ispesyalisasyon, Arts and Design Track at
Sports Track. Ang magsisipagtapos dito ay maaari nang tumuntong ng
kolehiyo, kumuha ng karagdagang Technical Vocational Courses sa Technical
Education and Skills Development Authority o TESDA o di kaya’y magsimula
nang magtrabaho.

K -to - 12 Senior High School Tracks sa Pilipinas

Academic
Track

Sports
Senior Technical -
Track High Vocational
Track
School

Arts and
Design
Track

Nagsimula ang programa noong taong pampaaralang 2011-2012 sa


pagtataguyod ng Universal Kindergarten Program. Sa sumunod na taong
pampaaralan, tumuntong unang mga mag-aaral ng Baitang 1 at Baitang 7 sa
ilalim ng kurikulum na ito. Taong 2013 nang naisabatas ang Republic Act
10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013 na nagpapatatag sa K-
to12 Program. Sa taong pampaaralang 2016-2017 ay nagsimula naman ang
unang mga mag-aaral ng Senior High School. At noong taong pampaaralang
2017-2018, nagsipagtapos ang unang mga mag-aaral ng K-to-12 Basic
Education Curriculum.

Pagyamanin

13
A. Panuto: Punan ng mga impormasyon ang graphic organizer sa susunod na
pahina na tutukoy ng kahulugan ng mga pamamaraan sa pagtugon sa
globalisasyon. Gumamit lamang ng tig-iisang pangungusap para sa bawat
konsepto. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

•________________________________

Guarded Globalization •________________________________


•________________________________

•________________________________
Fair Trade •________________________________
•________________________________

•________________________________
Pagtulong sa Bottom
•________________________________
Billion
•________________________________

B. Panuto: Isulat ang mga titik na GG kung ito ay tumutukoy sa Guarded


Globalization, FT kung tumutukoy naman sa Fair Trade o BB kung tumutukoy
naman sa pagtulong sa Bottom Billion. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang
papel.

____ 1. Pagsisiguro na tama ang presyo ng mga bilihin.

____ 2. Pangunguna na mayayamang bansa para tulungan ang pinakamahihirap


na tao sa mundo.

____ 3. Pagpapataw ng taripa o buwis sa mga pumapasok na produkto mula sa


ibang bansa.

____ 4. Pagbibigay ng subsidiya sa maliliit na namumuhunan sa bansa.

____ 5. Kailangang masiguro na sapat ang suplay ng pagkain, damit at gamot sa


panahon matapos ang isang kalamidad.

____ 6. Karamihan ng mahihirap ay matatagpuan sa Asya at Aprika.

____ 7. Panghihimasok ng pamahalaan sa kalakalang panlabas.

____ 8. Pangangalaga sa kapakanan ng maliliit na namumuhunan.

____ 9. Layunin nitong bigyan ng proteksyon ang lokal na namumuhunan upang


makasabay sa mga dayuhang namumuhunan.

14
____ 10. Pagkakaroon ng mga produktong ligtas gamitin ng publiko.
C. Panuto: Isulat sa mga plakard sa ibaba ng mga karapatan ng mga
manggagawa ayon sa International Labor Organization na dapat ipinaglalaban ng
mga uring
manggagawa. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

D. Panuto: Markahan ng  kung tama ang pahayag o ng  kung mali naman


ang pahayag. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

_____1. Karapatan ng mga manggagawa na magtatag ng unyon na magtatanggol ng


kanilang mga karapatan.

_____2. Karapatan ng mga batang menor-de-edad na makapagtrabaho ng mabibigat


at delikado.

_____3. Karapatan ng mga manggagawa na makatanggap ng sapat at nakabubuhay


na sahod.

_____4. Karapatan ng mga manggagawa na makapagtrabaho sa marumi at hindi


ligtas na lugar.

_____5. Ang sapilitang pagpapatrabaho ay labag sa karapatan ng mga manggagawa.


_____6. Ipinagbabawal ang anumang uri ng diskriminasyon sa trabaho.

_____7. Mas mataas ang pasahod sa karamihan ng mga manggagawang Pilipino


kaysa sa mga manggagawa sa ibang bansa.

_____8. Kailangang maitaguyod ng mga manggagawa ang kanilang mga karapatan.

_____9. Nananatiling ligal ang iskemang subcontracting at kontraktwalisasyon sa


Pilipinas dulot ng kumpetisyong hatid ng globalisasyon.

15
_____10. Kung ipaglalaban ang karapatan ng mga regular ay dapat ding ipaglaban
ang Karapatan ng mga hindi regular.

E. Panuto: Punan ng mga angkop na impormasyon ang pasaporte sa ibaba ukol sa


mga konsepto na may kinalaman sa epekto ng globalisasyon sa migrasyon.
Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

PASAPORTE
PH0123456789

1. Ano ang forced labor? 1. Ano ang itinatakda ng Bologna


_________________________________ Accord?
_________________________________ __________________________________
2. Ano ang slavery? __________________________________
_________________________________ 2. Ano ang itinatakda ng
_________________________________ Washington Accord?
__________________________________
3. Ano ang human trafficking? __________________________________
_________________________________
_________________________________ 3. Ano ang K-to-12 Program?
__________________________________
__________________________________

F. Panuto: Basahin ang mga pahayag sa HANAY A at alamin ang tinutukoy nito sa
HANAY B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa mga patlang. Isulat ang iyong sagot
sa
inilaang sagutang papel. _____4. Kasunduan ng
ilang
bansa
HANAY A ukol sa
pagtutugma
_____1. Ito ay tumutukoy sa sapilitang pagpapatrabaho ng kanilang
sa manggagawa
engineering
_____2. Tumutukoy ito sa gawain ng pagpupuslit ng mga degree
tao mula sa isang bansa patungo sa iba pa programs.
gamit ang mga pekeng papeles.
_____5. Programa ng
_____3. Isa itong kasunduan sa pagitan ng mga Ministro pamahalaan
ng Edukasyon sa Europa na nagtatakda ng
kurikulum sa kanilang mga miyembrong bansa.

16
ng Pilipinas na nagdagdag ng dalawa pang taon c. human trafficking
sa Basic
d. K to 12 Curriculum
Education na tinatawag na Senior High School
HANAY B e. Washington Accord

a. Bologna Accord f. slavery

b. forced labor
Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba gamit ang dalawa hanggang tatlong
pangungusap at isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

1. Bakit mahalagang maisagawa ang mga pamamaraan ng guarded globalization,


fair trade at pagtulong sa bottom billion?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang mapangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Paano matutugunan ng pamahalaan ang mga isyung kalakip ng migrasyon
bunga ng globalisasyon?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isagawa

17
Panuto: Sumulat ng isang position paper ukol sa paksang: “Nakababuti ba ang
globalisasyon o hindi?”. Isulat/I-type ito sa isang intermediate paper/short bond
paper. Limitahan ang inyong gawa sa isa hanggang tatlong pahina lamang.
Gamiting gabay ang rubric na makikita sa susunod na pahina.

Rubric sa Pagmamarka ng Position Paper


Di - Kahanga – Katanggap –
Pagtatangka
Kraytirya Pangkaraniwan hanga tanggap 2
1
4 3
Tiyak na Hindi
Walang
malakas ang Maliwanag na maliwanag ang
posisyon, maliwanag na
posisyon, may posisyon,
maikli ang posisyon, hindi
1. Pag – unlad gumamit ng 4 mga detalye at
maunlad na
ng ideya na katwiran at posisyon pagpapaunlad
pangangatwiran
mga 3 ngunit hindi walang suporta
, walang datos
detalyeng pa napaunlad. kaunti ang
na ginamit
pangsuporta. datos
Lohikal, may
pagkakasunud
– sunod ang
mga ideya sa May lohikal na Walang
pamamagitan organisasyon istruktura ng
ng mahusay na ng talata walang
talata. Maayos Maayos na ideya pero panimula at
2. hindi konklusyon,
ang transisyon talata ngunit
Organisasyon ng mga talata, masyadong hindi maayos
hindi perpekto
makapukaw na napaunlad ang na
panimula, panimula at organisasyon ng
malakas na konklusyon mga ideya
konklusyon
batay sa
ebidensya.
Gumamit ng
mga
3. Paggamit ng impormasyon
Hindi gaanong
mga sa lahat ng Nagpakita ng
gumamit ng Walang
sanggunian asignatura kaalaman,
kaalaman at ebidensya ng
at upang gumamit ng
mas mababa sa ginamit na mga
paguugnay masuportahan apat na
apat ang kagamitan
sa ibang ang posisyon, 6 pinagkunan
o higit pang pinagkunan
asignatura
kagamitan ang
pinagkunan
Nahuli ng
Naisumite nang Nahuli ng isang
4. Pamamahala Naisumite sa dalawa o higit
mas maaga sa araw sa
ng oras tamang oras pa sa
deadline pagsusumite
pagsusumite

18
Kaunting mali Maraming mali
Walang mali sa
(1-10) sa mali (11-20) sa Lagpas sa 20
baybay o
5. Mekaniks at baybay o baybay o ang mali,
grammar at
paggamit ng grammar at grammar at kakaunti ang
pananda, may
wika pananda, may pananda, may nalalamang
mayamang
sapat na kakulangan sa bokabularyo
bokabularyo
bokabularyo bokabularyo
Malinis ngunit
Malinis ang hindi Marumi at Hindi
mga pahina, masyadong walang hindi napaghandaan
6. maayos ang maayos ang ang kabuuan
maayos ang
Presentasyon mga materyales mga materyales ng
mga
na ginamit materyales na na ginamit presentasyon
ginamit

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel

1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy konsepto ng Guarded Globalization?


A. pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na may layong
protektahan ang mga lokal na namumuhunan
B. pagbibigay-pansin ng mayayamang bansa sa pinakamahihirap na tao sa
mundo lalo sa Aprika at Asya
C. pagsisiguro na patas o pantay ang kalakalan gaya ng pagbabantay sa
tamang presyo ng mga produkto o serbisyo

19
D. pagtatakda ng pamantayan ukol sa mga kakayahan ng manggagawa

2. Punan ang nawawalang salita sa pangungusap na ito:


“Ang suweldo ng manggagawa ay dapat __________ at nakabubuhay”
A. kulang C. sobra-sobra
B. sapat D. wala

3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa konsepto ng Fair Trade?


A. pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na may layong
protektahan ang mga lokal na namumuhunan
B. pagbibigay-pansin ng mayayamang bansa sa pinakamahihirap na tao sa
mundo lalo sa Aprika at Asya
C. pagsisiguro na patas o pantay ang kalakalan gaya ng pagbabantay sa
tamang presyo ng mga produkto o serbisyo
D. pagtatakda ng pamantayan ukol sa mga kakayahan ng manggagawa

4. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa konsepto ng pagtulong sa Bottom


Billion?
A. pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na may layong
protektahan ang mga lokal na namumuhunan
B. pagbibigay-pansin ng mayayamang bansa sa pinakamahihirap na tao sa
mundo lalo sa Aprika at Asya
C. pagsisiguro na patas o pantay ang kalakalan gaya ng pagbabantay sa
tamang presyo ng mga produkto o serbisyo
D. pagtatakda ng pamantayan ukol sa mga kakayahan ng manggagawa

5. Si Jacob ay natanggap sa isang pabrika bilang machine operator. Bilang isang


manggagawa, alin sa sumusunod ang HINDI niya karapatan?
A. karapatan laban sa sapilitang pagtatrabaho
B. karapatang makapagtrabaho ng mga kabataan sa mabibigat na gawain
C. karapatang sumali sa mga unyon na malaya sa panghihimasok ng
pamahalaan at mga nangangasiwa
D. karapatang makipagkasundo bilang grupo sa halip na mag-isa
6. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa slavery?
A. sapilitang pagpapatrabaho
B. pagpupuslit ng mga tao
C. pang-aalipin
D. pagtatakda ng pamantayan

7. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng forced labor? A. Si


Angelo na sapilitang pinagtatrabaho ng 12 oras at walang pahinga
B. Si Angelito na binibigyan ng sapat na oras para makapagpahinga bago
magtrabaho
C. Si Angela na may lunch break at nagtatrabaho ng walong oras kada araw

20
D. Si Angelita na nakatanggap ng sapat na bayad para sa dagdag na oras na
kanyang pinagtatrabahuhan

8. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng human trafficking? A. Si


Myrna na natanggap sa trabahong inapplyan niya sa abroad
B. Si Flora na naging katulong sa abroad imbes na guro gaya ng inapplyan
C. Si Benjie na nagpunta sa abroad upang maging turista
D. Si Berting na kumpleto ang legal ang papeles sa pagpunta sa abroad

9. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa K to 12 Program ng Pilipinas?


A. pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga bansa sa Timog-
Silangang
Asya
B. kasunduan sa pagitan ng mga Ministro ng Edukasyon sa Europa upang
pagtugmain ang mga kurikulum sa kani-kanilang bansa
C. pagdadagdag ng dalawa pang taon sa Basic Education
D. pagkakaroon ng accreditation sa engineering programs ng iba’t ibang
bansa

10. Bumagsak ang presyo ng sibuyas sa pamilihan bunsod ng pagdagsa ng mga


imported na sibuyas mula sa ibang bansa. Alin sa sumusunod ang nararapat
gawin ng pamahalaan upang matulungan ang mga lokal na namumuhunan?
A. pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong
nagmumula sa ibang bansa
B. pagbibigay ng tax incentives sa mga foreign companies na magtatag ng
pasilidad sa bansa
C. pagbibigay ng subsidiya sa mga namumuhunang dayuhan
D. pabayaan na lamang at tataas din naman ang presyo nito sa hinaharap

11. Si Aling Nena ay kumita at naibalik ang puhunan matapos maibenta sa


tamang presyo ang mga inani niyang gulay kamakailan. Alin sa sumusunod
ang naranasan ni Aling Nena?
A. Guarded Globalization
B. Fair Trade
C. Pagtulong sa Bottom Billion
D. Global Standards

12. Ang sumusunod ay hindi magawa dahil sa mas mura at mababang pasahod sa
ibang bansa, MALIBAN sa:
A. pagtaas ng pasahod
B. pagkakaroon ng seguridad sa trabaho
C. pagdadagdag ng benepisyo
D. wala sa nabanggit

21
13. Tama ba o mali ang ginagawa ng mga manggagawa sa larawang nasa ibaba?
-

A. Tama, dahil karapatan ng mga manggagawa na ipahayag ang kanilang


mga hinaing
B. Mali, dahil hindi na sila nagtatrabaho
C. Tama, dahil mas mahalagang mag-rally kaysa magtrabaho
D. Mali, dahil dapat na lamang manahimik kung may mga maling
nararanasan ang mga manggagawa

14. Kung ikaw ay opisyales ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng


mga OFW, alin sa sumusunod ang dapat mong gawin sa mga kaso ng pang-
aabuso sa mga Pilipino?
A. pabayaan na lamang ang mga ito dahil isolated cases lang naman ang
mga ito

22
B. ipaubaya ang mga gagawing aksyon sa pamahalaan ng bansa kung saan
nagtatrabaho ang OFW
C. pauwiin ang lahat ng OFW at bigyan na lamang ng trabaho sa Pilipinas
D. magtatag ng mga mekanismo upang ma-monitor ang kalagayan ng mga
OFW at gumawa ng kaukulang hakbang kung mayroong pang-aabuso

15. Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang maaari mong
magawa upang masiguro na maaangkop ka sa pangangailangan ng ating
bansa na umunlad sa kabila ng globalisasyon?
A. magpalipas ng panahon at umasa na lamang sa pamilya
B. maging layunin ang makapagtrabaho sa ibang bansa upang yumaman
C. magsumikap sa pag-aaral upang makatapos at magkatrabaho
D. tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na upang kumita ng pera

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang pagaaral sa


huling modyul ng Ikalawang Markahan. Dahil dito, handa ka nang harapin ang
mga susunod modyul sa Ikatlong Markahan. Kung iyong
nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa mga
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa
aralin. Muli ang aking pagbati!
Karagdagang Gawain

A. Panuto: Sumulat ka ng isang spoken poetry tungkol sa iyong saloobin sa


globalisasyon sa ating bansa. Ang tulang isusulat ay dapat may malayang
taludturan. Ang piyesa ay kailangang orihinal at isinulat mo mismo.
Kinakailangang may tatlo hanggang limang minuto ang haba ng presentasyon.
Isusumite mo ito sa isang video format at mamarkahan ayon sa mga sumusunod
na kraytirya:

 Nilalaman 20%
(kabuluhang hatid ng tula at bigat ng diwang nakapaloob)
 Pisikal na Kaanyuan 15%
(tindig, kasuotan, tingin)
 Boses 15%
(lakas at hina, bilis at bagal, intonasyon at tamang pagbigkas)
 Dramatikong Kaangkupan 35%
(paraan ng pagbibigay-kahulugan sa tula at istilong ginamit)
 Kabuuang Pagtatanghal at Impak sa Madla 15%
KABUUAN 100%

23
B. Panuto: Makipanayam ng isang kasalukuyan o dating OFW ukol sa kanilang
mga karanasan sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Gumawa ng sipi ng sampung
katanungan na sasagutan nila na may kinalaman kung mayroon silang masamang
karanasan, o di kaya’y nahirapan sa pagtatrabaho roon. Maaaring mong i-record
ang panayam at umaktong isang talk show host o di kaya’y itala ito sa inyong
kuwaderno.

 Pagiging handa sa panayam 25%

 Organisasyon ng mga katanungan 25%

 Pananamit, pananalita at kilos 25%

 Audio/Video Editing 25%

KABUUAN 100%

24
25
Sanggunian

K To 12 Basic Education Curriculum | Department of Education”. 2020.


Department of Education. Accessed June 15. https://www.deped.gov.ph/k-
to12/about/k-to-12-basic-education-curriculum/.

K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10. 2017. Ebook. 1st. Pasig:


Department of Education.

K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga


Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. Ebook. Pasig:
Department of Education.

"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource


Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/
download/18275.

"The K To 12 Basic Education Program | GOVPH". 2020. Official Gazette Of The


Republic Of The Philippines. Accessed June 15.
https://www.officialgazette.gov.ph/k-12/.

26
27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)

Telephone Number: (045) 598-8580 to 89

E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like