You are on page 1of 11

LESSON EXEMPLARY SA FILIPINO

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t
ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan
(Akademik)
Pamantayan sa Pagganap:
Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating
akademik ayon sa format at teknik

I. LAYUNIN

1. Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa


pamamagitan ng pinakinggang halimbawa (CS_FA11/12PN-0g-i-91)
1.1. Natutukoy ang katangian at paraan ng pagsulat ng talumpati
1.2. Nakasusulat ng talumpati batay sa iba’t ibang
senaryo/sitwasyong napakinggan
1.3. Nabibigkas nang wasto ang talumpating naisulat

PAKSA:
Talumpati
KAGAMITAN:

Laptop, Multimedia Projector, kartolina/manila paper, marker,


masking tape, at speaker.

SANGGUNIAN:

Teaching Guide, Pahina 46-57, Learner’s Materials, pahina 73-86

II. PAGPAPALAWAK NG ARALIN


A. Pagganyak
Laro: “Pass the Message”
 Hahatiin sa apat ang klase.
 Ang bawat pangkat ay unahang makahula kung sino
o kanino ang mga linyang tumatak sa narinig na mga
talumpati.
 Gagawa ng tuwid na pila ang bawat pangkat.
 Ang unang miyembro ang tatanggap at magpapasa
ng mensahe o sagot hanggang sa makarating sa
huling miyembro.
 Ang huling miyembro ang magsasabi ng sagot ng
pangkat.

…Ang pagtuntong dito sa entablado upang kunin ang mga diploma’t medalya ay
tunay ngang tagumpay na maituturing. Subalit ito pa lamang ang simula ng
pagharap sa isang bagong mundo ng pakikipagsapalaran

…Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo.
We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can
effectively respond to the people’s needs and aspirations.
…Ang layunin ng aming kandidatura ay mabawasan o tuluyan ng mawala ang
mga kalat sa ating paaralan at mapanatili ang kaayusan at mabawasan ang mga
hindi sumusunod sa mga patakaran o batas ng ating paaralan.

B. Pagbasa at Panonood
 Magparinig sa mga mag-aaral ng isang talumpati ni
Pangulong Benigno Aquino III. Maaaring gamitin ang bidyo
ng Pambansang Kongreso ng wika: Talumpati ni Pangulong
Benigno S. Aquino III
https://www.youtube.com/watch?v=cANB8bMTuiM
 Pagkatapos panoorin, itanong ang mga sumusunod:
 Ano ang paksa ng talumpating napakinggan?
 Ilarawan ang paraan ng pagtatalumpati ni Pang.
Aquino.
 Panonoorin ang videoclip tungkol sa katangian ng
Talumpati. https://www.youtube.com/watch?v=8jVoDPu-6io
 Ang bawat pangkat ay tatandaan at isusulat ang
konseptong mapapanood nila sa videoclip batay sa mga
gawain ng pangkat.
o Unang Pangkat: Kahulugan at Katangian ng
Talumpati
o Ikalawang Pangkat: Mga Dapat Taglayin ng
isang talumpati
o Ikatlong Pangkat: Hakbang sa Pagsulat ng
Talumpati
o Ikaapat na Pangkat: Paraan ng Talumpati

 Ipaliliwanag ng bawat pangkat sa harap ng klase


Rubrik sa Presentasyon
KATEGORYA 4 3 2 1 MARKA
Ang mag-aaral ay Ang mag-aaral ay Ang mag-aaral ay di Ang mag-aaral ay
Kahandaan handa at alam ang naghanda ngunit gaanong naghanda hindi naghanda at
sinasabi paligoy-ligoy sa hindi alam ang
sinasabi sinasabi
Napakaayos ang Naipaliwanag nang Hindi gaanong Malabo ang sinabi
pagkakalahad ng maayos ngunit naipaliwanag nang at mali ang sagot
ulat at naging daan hindi gaanong maayos at hindi sa katanungan
ito sa napakalinaw nasagot nang tama gaanong nasagot
Nilalaman na pagkakaunawa ang katanungan nang tama ang
sa ulat at nasagot katanungan
nang maayos ang
katanungan
Malakas ang boses, Malakas ang boses Hindi gaanong Mahina ang boses
tama at naaayon ngunit may isa o malakas ang boses at hindi
ang mga salitang dalawang salitang ngunit maraming maintindihan ang
Pagsasalita ginamit sa mali ang pagbigkas salita na mali ang sinasabi
paliwanag o pagkagamit bigkas at
pagkakagamit
Malikhain, nababasa Nababasa at Hindi gaanong Hindi nababasa
, maayos na nagamit maayos na nagamit nababasa nang nang maayos o
at epektibo para sa ang kagamitan sa maayos ang walang kagamitan
Kagamitan pag-uulat pag-uulat kagamitan sa pag- sa pag-uulat
uulat
Nakatayo nang Nakatayo nang Hindi gaanong Hindi maayos ang
maayos at maayos at nakatayo nang pagtayo at hindi
tinitingnan ang mga tinitingnan ang mga maayos at palibot- tinitingnan ang
Tindig kausap kausap ngunit libot ang mata. kausap
nagmamadali sa Nagpapakita ng
pagsasalita pagkakaba
TALUMPATI
 Ang talumpati ay isang tekstong binibigkas sa harap ng
maraming tao at ito ay isang uri ng akademikong
teksto/sulatin na maaaring gamitan ng paglalarawan,
pagsasalaysay, paglalahad at pangangatwiran.
 Ang talumpati ay isang uri ng panitikan.
 Ito ay paraan ng pagbabatid ng mga opinyon o kaisipan
na ginagawa sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado.
 Layunin nitong mapakinggan sa harap upang
manghikayat, tumugon o mangatwiran sa isang paksa,
magbigay ng kaalaman o maglahad lamang ng
paniniwala. Maaaring ito ay pinaghanda, sinulat man o
sinaulo, biglaang talumpati.

MGA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG TALUMPATI


UPANG ITO’Y MAGING MABISA:

 Panimula: Dito inilalahad sa mga tagapakinig ang


paksang tatalakayin upang mapukaw ang kanilang
interes
 Paglalahad: Dito nakapaloob ang pinakadiwa ng
talakayan. Nagsisilbi itong katawan ng talumpati na
naglalaman ng mga kaisipan o mga detalye ukol sa
paksa. Ito ay kinakailangang maging malinaw upang
maging mabisa ang pakikipagtalastasan.
Nilalaman ang mga makabuluhang
punto na mananalumpati. Ang talumpati ay
maaaring nakapanghihikayat, nagbibigay-
galang, pang-akit, nagbibigay kabatiran,
pampalibang, papuri at pampasigla.
 Paninindigan: Kinakailangang mapatunayan ng
mananalumpati ang kanyang gustong ipunto o linawin
na susuporta ng kahalagahan ng kanyang paksa.
 Pamimitawan: Dito nilalahad ang buod ng nilalaman
ng talumpati. Nagsisilbing wakas at pangsara sa
talakayan na naglalaman ng maindayong kaisipan.

HAKBANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI

1. Pumili ng paksa. Piliin ang paksang nakabatay sa


iyong interes, karanasan at kaalaman
2. Pagtitipon ng mga materyales. Dito na nagkakaroon
ng pagkakataong humanap ng mga materyales na
may kaugnayan sa paksang gagamitin sa pagsulat ng
talumpati
3. Pagbabalangkas ng mga Kaisipan. Ang mga nakalap
na kaisipan ay isasaayos bilang panimula, katawan at
wakas ng talumpati.
4. Paglinang sa mga kaisipan. Ilahad ang mga
mahahalagang impormasyon na sumusuporta sa
pangunahing kaisipan ng paksa.

PARAAN NG TALUMPATI
Mga katangian ng isang magaling na mananalumpati
1. Magsalita nang may angkop na lakas ng boses na
maririnig ng lahat ng tagapakinig
2. Isaalang-alang ang paghina at paglakas ng boses o
pagbibigay diin sa mga kaiisipan na nakapaloob sa
iyong talumpati
3. Lakasan ang iyong loob at maniwala sa iyong
kakayahan na kaya mong magsalita sa harap ng
maraming tao.
4. Tumayo nang maayos, huwag magpakita ng
anumang kaba kapag nagsimula nang magsalita.
5. Huwag masyadong gumalaw nang gumalaw. Huwag
din namang hindi ka na gumagalaw. Katamtaman
lamang. Ang lahat ng sobra ay nakasasama.
6. Iwasan ang hindi kinakailangang paggalaw ng mga
kamay katulad ng paghawak sa ID, laylayan ng damit,
panyo at iba pa.
7. Bukod sa paglakas ng boses, maaari ring gumamit ng
angkop na pagkumpas ng mga kamay upang
mabigyang diin ang iyong pinaninindigan o katuwiran
8. At higit sa lahat humingi ng gabay sa Poong
Maykapal

 Pagkatapos talakayin ang katangian ng talumpati,


babasahin at pakikinggan naman ng mag-aaral ang isang
halimbawa ng talumpati :

Basahin at pakinggan ang halimbawa ng talumpati…

Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal


Binigkas sa pagdiriwang na Ika – 150 Anibersaryo
ng Kapanganakan ni Jose Rizal
Calamba, Laguna, 19 Hunyo 2011
Pangulong Benigno Simeon Aquino III
Nagsimula ang kwento ni Rizal hindi sa kanyang kapanganakan, kundi sa mga
pangarap ng kanyang mga magulang na bigyan ng maginhawang buhay ang kanilang
pamilya. Bago pa man italaga sa kanila ang apelyidong Rizal, tumungo ang mag-
asawang Mercado dito sa Calamba upang itaguyod ang kanilang tahanan at sakahin
ang lupaing ipinaupa sa kanila ng mga Dominiko.
Gawa na rin ng pagsusumikap, naabot ng mga Mercado-Rizal ang kanilang mga
mithiin. Isinilang po si Jose Protacio Rizal sa isang bahay na bato, na bibihira noong
mga panahong iyon. Hindi tulad ng marami sa ilalim ng rehimeng Espanyol lumaki
siyang nakakakain ng masasarap na pagkain, nakatira sa isang tahanang hindi
natatangay ng bagyo ang mga pader at bubong, at nakapag-aaral sa mga tanyag na
paaralan.
Ngunit ang kanilang marangyang pamumuhay ay hindi po nagtagal. Labing-isang
taong gulang si Rizal nang dakpin ang kanyang ina, palakarin ng limampung kilometro
patungong Sta. Cruz, at itapon sa bilangguan. Wala po siyang naging sala, napag-initan
lang ng isang alkaldeng sinasabing alipores ng mga fraile. Hindi pa rito natapos ang
kalbalyaro ng kanilang pamilya. Di nagtagal, nagsimula na rin ang pagsamsam ng mga
fraile sa mga lupain at ilang ari-arian ng mg Mercado-Rizal.
At kung sa may-kayang pamilya, nagagawa ng mga nasa katungkulan ang
ganitong kalupitan, paano pa kaya sa mga Filipinong sa kubo lamang nakatira? O ang
mga pamilyang ni hindi makapagpaaral ng kanilang mga anak? Silang mga nakontento
na sa bansag ng Indio; silang yumuyukod sa pagdaan ng fraile o guwardya sibil; silang
mga kayumangging nakayapak na kinukutya ng mga de-kalesang Espanyol.
Marahil, ang ganitong mga sitwasyon ng kawalang-katarungan ang unang
gumising sa malay at damdamin ni Jose Rizal: may mali sa lipunang kanyang
kinabibilangan; may ilang nasanay na sa baluktot na utos at panlalamang ng mga nasa
kapangyarihan; at may mga Filipinong tila manhid at bulag na sa kanilang pagiging alipin
at sunud-sunuran.
Humarap din sa sangandaan si Jose Rizal: sa isang banda, maaari niyang
huwag pansinin ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Puwede niyang gamitin ang
mga pinag-aralan niya sa iba’t ibang pamantasan sa Maynila at sa ibang bansa para
magpayaman at maghanap ng magandang mapapangasawa. Maaari siyang
magpatangay na lamang sa agos ng baluktot na sistema, at kahit pa alam niyang mali,
ay makipagplastikan na lang sa mga fraile tuwing may handaan.
At sa sunod-sunod na pagharap niya sa sangandaan-mula sa pagkabinatang
pinagkaitan ng ilang karangalan, hanggang sa pagkabayaning tinawag na mag-alay ng
buhay para sa bayan-hindi naligaw si Rizal sa tuwid na daan.
Nasanay tayo na ang ipinagdiriwang ay ang araw na barilin si Rizal sa
Bagumbayan. Marahil, pinakatanyag nang sagisag ng kanyang pagkabayani ang
pagharap niya sa balang babaon sa kanyang dibdib. Maaari siyang naglupasay o
lumuhod, ngunit hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, buong-tapang siyang
nagpamalas ng paninindigan.
Sa harap ng sinasagisag ng kanyang pagkabitay, madaling matabunan ang
marami pang ibang pagpapasiyang ginawa ni Rizal na nagsilbing punla ng atin pong
kalayaan.
Kung sa loob ng isang silid na puno ng insulares ay tratuhin kang mababang uri
dahil sa kulay ng iyong balat, ilan po kaya sa atin ang makatatagal upang magtapos ng
medisina? Kung sa harap ng taglamig ay napilitan tayong pagkasiyahin ang isang latang
biskuwit mula almusal hanggang hapunan, mapili pa kaya nating magtapos ng nobelang
magsisilbing mitsa ng himagsikan? Kung pagmalupitan ang iyong mahal sa buhay,
magawa mo kayang tumugon sa paraang mapakikinabangan ng buong bayan?
Pang-araw-araw na sangandaan po itong kinakaharap ni Rizal, at di nalalayo rito
ang mga sangandaaang kinakaharap ng marami rin sa atin. Maaaring may ilang bagay
na sa unang tingin ay simple at walang agarang epekto sa malawakang sakop ng
lipunan, ngunit paglaon ay mag-iiwan ng bakas at magdudulot ng malaking ginhawa sa
kapuwa. Mga simple at pang-araw-araw na desisyon gaya ng: gagamit ba ako ng
overpass, o mag-jay walking nalang?Magbabayad ba ako ng tamang buwis, o ilulusot ko
ang puwedeng ilusot?Kung may makita akong mali, magwawalang-kibo ba ako, o
gagawa ng paraan para itama ito?
Hindi po lahat ay pinapalad na tawagin upang magbuwis ng buhay para sa
bayan. Subalit para sa nakararami, nasusukat ang pagkabayani sa araw-araw nating
pagharap sa maliliit na sangandaan: Ang pagsunod sa batas, ang paggalang sa
kapuwa, ang paggawa ng tama sa sinumpaan nating mga tungkulin, at ang manindigan
sa atin pong prinsipyo.
Marahil po, matapos ang isa’t kalahating siglo, mababaon lamang sa mga libro
ang mga ginagawa ng inyo pong gobyerno. Ang pagpapasabay ng ARMM elections sa
pambansang halalan; ang pagbabantay sa mgamonopolyo; ang pagbubuhos ng pondo
sa edukasyon, kalusugan, at conditional cash transfer program – lahat po ito, sakaling
mabasa o maikuwento natin sa ating mga apo, ay marahil tatapatan lamang nila ng
hikab at kibit ng balikat. Hindi po mauukit sa ginto ang lahat ng ating mga Executive
Order, ang mga batas na pinagpuyatan ng ating lehislatura, at maging ang
pinakamalalalim na desisyon ng hudikatura.
Tinatanggap ko po ito, at ilang ulit ko na pong idiniin na hindi palakpakan o
pagpupugay ang nagtutulak sa aking bumangon araw-araw upang maglingkod sa akin
pong mga Boss. Nagtatrabaho tayo para sa bata sa lansangan na kayang maghibla ng
isang kuwintas ng sampagita, ngunit ni hindi pa nakakatapak sa loob ng eskuwela.
Nagtatrabaho tayo dahil sa isang malayong baryo, sa isang maliit na isla ng Filipinas,
maaaring may sanggol na magiging tulad ni Rizal: tapat ang puso, walang-kapantay ang
talino, walang-hanggan ang malasakit sa kapuwa, at may wagas na pag-ibig sa bayan.
Nagtatrabaho po tayo upang wala nang Filipino ang mangailangan pang magbuwis ng
buhay para sa kapakanan ng mga susunod sa kanya.
Noong ika-19 ng Hunyo, 1861, isang sanggol ang isinilang dito sa bayan ng
Calamba. Wala pong kakaiba sa kanya: Marahil kasinlaki lang ng isang nakakuyom na
kamao ang kanyang ulo, at ni hindi kayang humawak ng panulat ang kanyang maliliit na
kamay na paglaon ay lilikha ng dalawang dakilang obra.
Nabanggit ko na rin lang po, hinihikayat ko po kayong bisitahin ang mga orihinal
na manuskrito ang mga nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo sa National
Library. Bukas po iyan ngayong kaarawan ni Rizal, at kung hindi kayo makadaan
ngayon, puwede pa rin po ninyo itong bisitahin bukas. Kaya nga po natin idineklarang
holiday bukas: para habang ginugunita natin si Rizal, mas makikilala rin natin ang mga
gawa niya.
Malinaw po: Hindi ipinanganak na superhero si Jose Rizal. Walang prediksyon
sa kanyang kadakilaan; walang nakapagsabing ang anak ng mag-asawang Mercado ay
magiging pambansang bayani ng lahing Filipino.Isa’t kalahating siglo ang nakalipas,
ginugunita pa rin natin ang kanyang kapanganakan, at tinitingala ang kanyang
kadakilaan.
Kinikilala natin si Jose Rizal dahil sa harap ng mga sangandaan ng ating
masalimuot na kasaysayan, may isang Fillipinong muli’t muli ay piniling gawin ang tama-
ang unahin ang kapakanan ng kanyang kapuwa, ang itaguyod ang pagkakaisa para sa
kalayaan ng atin pong bansa-kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili niyang buhay.
Matagal na pong nakahanay si Rizal sa iba pang mga dakila ng kasaysayan.
Ngunit sinabi po niya, sa bibig ng tauhang si Elias sa kanyang Noli me Tangere:
“Mamamatay akong di man nakita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa
aking inang bayan! Kayong makakikita, batiin ninyo siya – at huwag kalilimutan ang mga
nalungkot sa dilim ng gabi!”
Wala po akong dudang binabati na natin ang bukangliwayway ngayon, nang
hindi nakalilimot sa mga nalugmok sa dilim, at sumusumpa: Sa bawat pagsubok,
kapakanan ng Filipino ang isasapuso namin; sa bawat sangandaan, tuwid na landas ang
aming tatahakin.
Tandaan lang po sana natin:Kung ang mga dinadakila natin tulad ni Jose Rizal
ay namili ng pansarili, nasaan na kaya tayo ngayon? Narito tayo dahil may mga
nanindigan para sa atin. Maging kaaya-aya naman po ang gawin natin, para talaga
naman pong sulit ang kanilang isinakripisyo sa atin.
C. Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Gamit ang concept map, bigyan ng kahulugan ang


sumusunod na mga salitang nasa loob ng bilog. Iugnay ang
talumpati sa bawat isa.

D. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Batay sa binasa at napakinggang talumpati, tukuyin ang


mga pangungusap o talatang nagpapakita ng mga sumusunod:

Sumasagot Nanghihikayat
Pagpapakita
sa mga itong pumanig Pagkukuwento.
tanong na ng
sa opinyon ng
Sino, Ano, katangian.
tagapagsalita.
Bakit, Saan,
Kailan at
Paano.

Paglalahad Pangangatwiran Pagsasalaysay Paglalarawan

III. Mga Gawain


A. Pangkatang Gawain
Panuto: Ang bawat tanong ay sasagutin ng bawat pangkat
batay sa iniatas na gawain.

UNANG PANGKAT: Paglalahad


1. Sino ang tagapagsalita ng talumpati at sino ang
tagapakinig?
2. Kailan binigkas ang talumpati at ano ang okasyon?
3. Ano ang usaping inilahad ng tagapagsalita?
4. Naging mabisa ba ang paglalahad? Ipaliwanag
ang sagot.
IKALAWANG PANGKAT: Pangangatwiran
1. Isa-isahin ang mga inihaing argumento ng
tagapagsalita batay sa usaping inilahad.
2. Magbigay ng 1-2 ebidensya na sumuporta sa
bawat argumento.
3. Naging mabisa ba ang pangangatwiran?
Ipaliwanag ang sagot.

IKATLONG PANGKAT: Paglalarawan


1. Ibigay ang mga katangian ni Rizal na inilarawan ng
tagapagsalita.
2. Ilarawan ang tuwid na daan batay sa talumpati.
3. Naging mabisa ba ang paglalarawan? Ipaliwanag
ang sagot.

IKAAPAT NA PANGKAT: Pagsasalaysay


1. Isalaysay ang buod ng isang kwentong ginamit ng
tagapagsalita sa talumpati.
2. Naging mabisa ba ang pagsasalaysay? Ipaliwanag

 Ilalahad ng bawat pangkat ang kanilang sagot sa harap ng


klase.

B. Paglalahat
Panuto: Nabigyan kayo ng pagkakataong magsalita sa
Araw ng inyong Pagtatapos,paano magiging mabisa ang
iyong talumpati? Ano-ano ang dapat taglayin ng iyong
talumpati?Paano mo ito bibigkasin sa harap ng mga
tagapakinig?

Dapat Taglayin
ng isang
Paraan ng
talumpati…
pagtatalumpati

Hakbang sa
pagsulat ng
talumpati

C. Paglalapat
Panuto: Bumuo ng maikling talumpating nakabatay sa mga
sumusunod na sitwasyon:
(Bubunot ang lider ng pangkat kung anong bilang ng sitwasyon ang
kanilang gagawan ng maikling talumpati)
SITWASYON 1: Kinatawan ka ng mga mag-aaral sa
Grade 12 na magbibigay ng talumpati para sa mga bagong
pasok na mag-aaral sa Grade 11 sa pag-uumpisa ng klase
sa senior high school.

SITWASYON 2: Kinatawan ng mga mag-aaral sa


Grade 12 na magbibigay ng talumpati para sa araw ng
pagtatapos ng klase sa senior high school na may temang
“Kabataang Mula K to 12, Tagapagdala ng Kaunlaran sa
Bansang Pilipinas.”

SITWASYON 3: Kinatawang mag-aaral ng paaralan


na magbibigay ng talumpati sa isang paaralan sa junior high
school upang himuking pumasok sa inyong paaralan para
mag-aral sa senior high school.

SITWASYON 4: Kinatawang mag-aaral ng paaralan


na magbibigay ng talumpati sa lahat ng mga papasok na
mag-aaral sa senior highschool upang himuking kumuha ng
Academic Track.

D. Pagtataya

Panuto: Bumuo ng talumpating batay sa inyong kagustuhan


o interes na nais ninyong ihayag sa mga tagapakinig.
Maaaring kumuha ng mga ideya sa mga talumpating inyong
nabasa at napakinggan.

 Pagwawasto: Babasahin ng mga mag-aaral ang


gawa ng kanilang kamag-aral at mamarkahan nila
gamit ang rubrik
 Bibigkasin ng mga mag-aral ang kanilang
nabuong talumpati sa harap ng klase pagkatapos
maiwasto.

RUBRIK SA PAGSULAT NG TALUMPATI

Katangian 5 4 3 2
Pokus at May isang May isang May isang Hindi malinaw
Detalye malinaw at malinaw at paksa. Hindi ang paksa at
tiyak na paksa, tiyak na gaanong ang mga
na paksa, ngunit malinaw ang argumento.
sinusuportahan hindi mga
ng mga detalyado ang suportang
detalyadong mga impormasyon
impormasyon o suportang o argumento.
argumento. impormasyon
o argumento.

Organisasyon Kawili-wili ang May introduk- May Hindi malinaw


introduksyon, syon, introduksyon, ang
naipakilala mahusay na pagtalakay, at introduksyon
nang mahusay pagtalakay, at pagtatapos o pagtalakay sa
ang paksa. may konklusyon. paksa, at ang
Mahalaga at karampatang pagtatapos o
nauukol sa pagtatapos o konklusyon.
paksa ang mga konklusyon.
impormasyon
na ibinahagi sa
isang maayos
na paraan.
Mahusay ang
pagtatapos o
konklusyon.

Tinig ng Malinaw ang May May kaunting Hindi malinaw


Manunulat intensyon at intensyon at kalinawan sa ang intensyon
layunin ng layunin ang intensyon at at layunin ng
manunulat. manunulat. layunin ng manunulat.
Kapansin- May manunulat.
pansin ang kaalaman ang Limitado ang
kahusayan ng manunulat sa kaniyang
manunulat sa paksa. kaalaman.
paksa.

Pagpili ng Malinaw ang Nasasabi ng Limitado ang


mga angkop Malinaw ang paggamit ng manunulat paggamit sa
na salita paggamit ng mga salita ang nais mga salita.
mga salita. bagaman sa sabihin,
Angkop ang ilang bagaman
gamit ng mga pagkakataon walang
salita, natural ay hindi baryasyon sa
at hindi pilit. angkop at paggamit ng
natural. mga salita.

Estruktura, Mahusay ang Mainam ang Nakagagawa Hindi maayos


Gramatika, pagkakaayos pagkakaayos ng mga ang mga
Bantas, ng mga salita ng mga salita pangungusap pangungusap
Pagbabaybay at at na may at hindi
pangugusap. pangungusap. saysay. maunawaan.
Walang May kaunting Maraming Lubhang
pagkakamali pagkakamali mga maraming
sa gramatika, sa gramatika, pagkakamali pagkakamali
bantas at bantas at sa gramatika, sa gramatika,
baybay. baybay. bantas at bantas at
baybay. baybay.

Mga Komento
at mungkahi
Inihanda nina:

Jennifer R. Mendoza- Tarlac Province


Princess C. Reyes- Nueva Ecija
Kavin F. Tipay- Tarlac Province
Annaliza Cruz- Angeles
Ma. Teresa Dagan- Zambales
Diana Mañez- Bulacan
Cecilia Nabong- Bulacan
Generosa C. Fetalvero- Tarlac Province
Elsie M. Mariano- Tarlac Province

You might also like