You are on page 1of 2

PANGALAN:____________________________________________PETSA: ______________

LS-1-Filipino- Pandiwa (JHS)

A. PANUTO: Isulat ang pandiwa na bubuo sa pangungusap. Pumili mula sa mga


pandiwa sa loob ng panaklong.

1. Minamasdan ni Lola ang mga apo niyang (naglaro, naglalaro, maglalaro) sa bakuran.
2. Humingi ng meryenda si Allan kaya (binigyan, binibigyan, bibigyan) ko siya ng turon.
3. Ikaw ba ang (gumuhit, gumuguhit, guguhit) ng larawang ito? Napakaganda ng gawa mo!
4. (Nagpahinga, Nagpapahinga, Magpapahinga) ngayon si Nanay sa silid dahil sumasakit
ang ulo niya.
5. Ang tatay mo ay (tumawag, tumatawag, tatawag) bukas nang alas otso.
6. Pinulot ni Sam ang mga manggang (nahulog, nahuhulog, mahuhulog) sa ilalim ng puno.
7. Magsisimba ako mamaya. (Sumama, Sumasama, Sasama) ba kayo sa akin?
8. (Natulog, Natutulog, Matutulog) pa ang sanggol kaya huwag kayong maingay.
9. (Nagsimula, Nagsisimula, Magsisimula) na ang sine. Hindi natin nakita ang umpisa nito.
10. Si Tatay ang nagluluto dahil (naglaba, naglalaba, maglalaba) pa si Nanay.
11. May adobong manok at pritong manok kami. Ano ang (pinili, pinipili, pipiliin) mo?
12. Kanina ko pa hinahanap ang susi ko. (Nakita, Nakikita, Makikita) mo ba?
13. Maghanda na kayo at (binasa, binabasa, babasahin) natin ang unang kabanata.
14. Hindi na po kami gutom dahil (kumain, kumakain, kakain) na po kami ng almusal.
15. Naririnig mo ba ang taong (nagsalita, nagsasalita, magsasalita) sa entablado?

B. Panuto: Sumulat ng sanaysay na binubuo ng 5 o higit pang pangungusap tungkol sa


isang karanasan o pangyayari sa iyong buhay na hindi mo makakalimutan.
Salungguhitan ang pandiwang ginamit. Gawing batayan sa pagsulat ang rubriks sa
ibaba. (5 puntos)

Ang Aming Kasal


(Pamagat)

Ang hindi ko makakalimutang karanasan sa aking buhay ay noong kinasal ako. Kinasal kami ng
asawa ko noong ika – 12 ng Agosto 2014 sa Lungsod ng Paraňaque. Hindi ko makakalimutan ang

LEARNING STRAND 1 – FILIPINO (Junior High School) | Nagagamit ang tamang salitang kilos / pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal
na karanasan.
araw na ito kasi ito ang pinakamahalagang araw sa aking buhay. Pagkatapos ng aming kasal, kumain
kami sa labas kasama ang aming mga mahal sa buhay. Sobrang saya ng naramdaman ko noong araw
na iyon dahil nagkasama – sama kaming buong pamilya.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG SANAYSAY


Nakamit ang Bahagyang Nakamit Hindi Nakamit ang
Kategorya Higit na Inaasahan
Inaasahan ang inaasahan Inaasahan
(5 puntos)
(4 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
Nakagagamit ng 5 pataas Nakagagamit ng 4-5 ng Nakagagamit ng 3-4 ng Nakagagamit ng 1-2 ng
ng angkop at tamang angkop at tamang angkop at tamang angkop at tamang
Ginamit na Pandiwa
pandiwa ayon sa uri at pandiwa ayon sa uri at pandiwa ayon sa uri at pandiwa ayon sa uri at
aspekto nito. aspekto nito. aspekto nito. aspekto nito.
Napakarami at
Walang Halos walang Maraming nakagugulo ang
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa mga
Mekaniks mga bantas, mga bantas, mga bantas, pagkakamali sa
kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at mga bantas,
pagbabaybay. pagbabaybay. pagbabaybay. kapitalisasyon at
pagbabaybay.
Lohikal ang
Naipakita ang
Lohikal at pagkakaayos ng
debelopment ng Walang patunay
mahusay ang mga talata
Organisasyon ng mga mga talata na organisado
pagkakasunudsunod ng subalit ang mga
Ideya subalit hindi ang pagkakalahad
mga ideya ay hindi
makinis ang ng sanaysay.
ideya ganap na
pagkakalahad
nadebelop.
Ang kalinisan ay nakita May kaunting bura sa
Ang nilalaman ng Walang kabuluhan at
Nilalaman (Kalinisan sa kabuuan ng sanaysay sanaysay gayundin ang
sanaysay ay kalinisang nakita sa
at Kahalagahan) gayundin ang nilalaman nilalaman ay hindi
makabuluhan at malinis. sanaysay.
ay makabuluhan. gaanong makabuluhan.

LEARNING STRAND 1 – FILIPINO (Junior High School) | Nagagamit ang tamang salitang kilos / pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal
na karanasan.

You might also like