You are on page 1of 12

MALAY 24.

1 (2011): 29-40

Pilosopiyang Pang-ekonomiya nina Recto, Tañada,


at Diokno: Isang Paghahabi /
The Economic Philosophy of Recto, Tañada,
and Diokno: A Synthesis
Bernardo N. Sepeda, Ed.D.
Pamantasang De La Salle-Dasmariñas
aidosepeda@gmail.com

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka na maghain ng mga prinsipyong pang-ekonomiya na


maaaring pagsandigan ng kaunlarang pang-ekonomiya para sa mga Filipino. Hinabi natin ang mga
kaisipan sa ekonomiya at kaunlarang pang-ekonomiya nina Claro M. Recto, Lorenzo M. Tañada, at
Jose W. Diokno, tatlo sa mga kinikilalang kontemporaring makabayang Filipino. Ipakikita natin na
kahit isinulat nila ang kanilang mga diwa noong ikalawang bahagi ng nakaraang siglo, maaaninag
pa rin ang kadalisayan at pagiging kontemporari ng kanilang mga pilosopiya. Datapwat maaari pa
ring pagsandigan ang mga nasabing diwa ng mga patakarang pang-ekonomiya sa kasalukuyang
panahon.

Ito ay isang ideolohikal na kasaysayan ng mga pang-ekonomiyang diwa nina Recto, Tañada at
Diokno na gumamit ng teorya ng mga pagsubok at pagtugon ni Arnold Toynbee. Ipakikita natin na
ang mga diwang ilalarawan ay ang mga naging pagtugon ng mga nasabing makabayan sa mga pang-
ekonomiyang pagsubok na hinarap ng sambayanang Filipino noong panahon nila. Ang pangunahing
salik ng datos ay ang kanilang mga isinulat na sanaysay at talumpati.

Nahahati sa tatlong bahagi ang paglalahad. Ang una ay tungkol sa konsepto ng ekonomiya,
ang mga katangian nito gayundin ang mga magpapatakbo nito o mga ekonomista. Ang ikalawa ay
tungkol sa konsepto ng kaunlarang pang-ekonomiya, mga patakaran nito gayundin ang papel dito
ng mga banyagang mamumuhunan. Ang panghuli ay paghahain ng ilang mga hamon at mungkahi
batay sa mga prinsipyong pang-ekonomiyang ilalarawan.

Mga Susing Salita: Claro M. Recto, Lorenzo M. Tañada, Jose W. Diokno, Arnold Toynbee,
pilosopiyang pang-ekonomiya, ekonomiya, ekonomista, banyagang mamumuhunan, pang-
ekonomiyang pagkamakabayan.

Karapatang-ari © 2011 Pamantasang De La Salle, Filipinas


30 MALAY TOMO XXIV BLG. 1

This study is an attempt to present some economic principles that may serve as foundation for
economic development for Filipinos. We weave together the thoughts on economy and economic
development of Claro M. Recto, Lorenzo M. Tañada, and Jose W. Diokno, three of the great
contemporary Filipino nationalists. We will show that even though they wrote their ideas during
the second half of the last century, their philosophies are still relevant today hence can still be used
as foundation for our present economic policies.

This is an ideological history of the economic thoughts of Recto, Tañada and Diokno that used
the theory of challenges and responses of Arnold Toynbee. We will show that their philosophies were
their responses to the economic challenges Filipinos faced during their time. The main source of
data were the essays and speeches that they wrote.

The presentation is divided into three parts. The first part is about their concept of economy,
its characteristics as well as the qualities of economists. The second part discusses their concept
of economic development, its policies as well as the role of foreign investors. The last part presents
some challenges that flow from the economic principles described.

Keywords: Claro M. Recto, Lorenzo M. Tañada, Jose W. Diokno, Arnold Toynbee, economic
philosophy, economy, economist, foreign investors, economic nationalism.

PANIMULA Nagluwas tayo ng pagkain sa kabila ng


katotohanan na laganap ang kagutuman sa mga
Hindi kaila sa atin na ang patuloy na krisis Filipino. Bukod pa rito, dahil wala tayong mga
pampinansyal na maaaring magbunga ng pangunahing industriya tulad ng industriya ng
pagbagsak ng ekonomiya ng maraming bansa ay bakal na maaaring pagmulan ng mga sekondaryang
isang malaking banta sa estado ng pandaigdigang industriya tulad ng maliliit na makinang ginagamit
ekonomiya lalong higit sa ekonomiya ng mga sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyales,
mahihirap na bansa tulad ng ating bansang kailangan nating umangkat ng mga makinang
Filipinas. Tila nakaangkla ang ating sariling kakailanganin sa produksiyon. At dahil sa higit
kabuhayan bilang isang bayan, kagustuhan man na mataas ang presyo ng mga inaangkat nating
natin o hindi, sa ekonomiya ng mga bansang nasa makina kaysa iniluluwas nating produkto,
Unang Daigdig. Balikan natin ang ilang pahina kailangan nating magluwas ng mas maraming
ng ating kasaysayan upang maunawaan natin produkto upang sumapat na pambayad sa ating
ang ating kasalukuyang kalagayan. Pagkatapos mga inaangkat. Isang palatandaan na dehado ang
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (DP II), mga Filipino sa hindi patas na pang-ekonomiyang
sa pamamagitan ng International Monetary kalakaran na pinaiiral noon.
Fund (IMF) at World Bank (WB), iginiit ng Dahil dito, lalong naging palaasa ang ating
Estados Unidos (EU) ang mga mala-kolonyal bansa sa pandaigdigang pamilihan sapagkat ito
na patakarang nagpapatuloy ng pagiging palaasa ang nagdidikta kung anong pangangailangan ang
natin sa banyagang ekonomiya. Tinagurian ito tutugunan ng mga maliliit na bansang tulad ng
ni Recto na “Our Mendicant Foreign Policy.” Filipinas. Samakatuwid, ang ekonomiya ay hindi
Halimbawa, dahil sa oryentasyong magluwas malaya at patuloy na nakasandig sa ekonomiya
ang estratehiya na ipinatupad ng IMF/WB sa ng ibang bansa. Kaya naman, pati ang ating likas
simula’t simula pa, napabayaan nang husto ang na paggawa ay ginamit at pinaunlad para lang
mga pangunahing pangangailangan ng mga tugunan ang pangangailangan ng mga banyaga
mamamayan (Diokno, Anti-Americanism 18). (Diokno, Economic Relations 105-106). Isa itong
PILOSOPIYANG PANG-EKONOMIYA NINA RECTO, TAÑADA, AT DIOKNO BERNARDO N. SEPEDA 31

tanda ng ating pagiging neo-kolonyal na bansa. Batay sa pundasyong pilosopiya ng pang-


Sinasakop pa rin tayo ng isang makapangyarihang ekonomiyang pagkamakabayan nina Recto,
bansa (Estados Unidos) sa realidad kahit sa batas Tanada, at Diokno, nais kong ilahad ang isang
ay mayroon tayong tinatawag na kasarinlan. Ito ideolohikal na paghahabi ng kanilang mga isinulat
ang naging postura ng Estados Unidos sa ating tungkol sa paksa. Hinati ko sa tatlong bahagi
bansa mula 1946 pagkatapos ng DP II, hanggang ang paglalahad. Ang una ay tungkol sa kanilang
sa kasalukuyan (Diokno, Anti-Americanism 23). Ang konsepto ng ekonomiya, ang ikalawa ay tungkol
naging tugon nina Recto, Tanada, at Diokno sa sa konsepto ng kaunlarang pang-ekonomiya at
mga pagsubok na ito ay ang pang-ekonomiyang ang huli ay isang paghahabi ng kanilang diwa
pagkamakabayan. kung saan maghahain ng ilang mga hamon para
Ani Recto, sa sambayanan.

Para sa ating bansa…industriyalisasyon at KONSEPTO NG EKONOMIYA


pagkamakabayan ang kambal na tunguhin.
Sa katunayan, sila ay dalawang mukha ng Ano-ano nga ba ang dapat na maging katangian
iisang bansa. Ang pagkamakabayan ay hindi ng isang ekonomiya? Una, ito ay isang malayang
mapangyayari at mapayayabong kung walang
ekonomiya.
malawakang industriyalisasyon ng ating
ekonomiya ng mga Pilipino mismo. At hindi
Ang sentro ng pagsususmikap na ito upang
magkakaroon ng isang industriyalisadong
makamit ang kalayaang pang-ekonomiya ay
ekonomiyang Pilipino na kontrolado at
ang pagnanais ng mga makabayang pinuno
pinamamahalaan ng mga Pilipino kung walang
na mabawi para sa kanilang sambayanan ang
matinding pwersa ng isang malalim at matibay
patunguhan at pangangasiwa ng mga tradisyonal
na diwa ng pagkamakabayan (Nationalism and
na pasilidad para sa paglikom ng puhunan na
Industrialization 31).
kinakailangan sa pang-ekonomiyang pagbabago
at sa paglalaan ng nasabing puhunan tungo
Dagdag naman ni Tañada, sa mga higit na kapakipakinabang na mga
layuning pang-ekonomiya (Tañada, Foreign
Tanging pang-ekonomiyang pagkamakabayan, Banks 41)
na pinatatag ng isang matibay na anyo ng
pangangasiwa ng ating mga mamumuhunan
Ito ay isang ekonomiya na hindi nakasandig
sa mga pangunahing industriya at pasilidad
sa ekonomiya ng ibang bansa upang umunlad.
sa buong kapuluan, ang magseseguro sa
pagkakamit ng isang pangmatagalang solusyon Inulit ni Diokno ang sinabi ni Mabini na “ang
sa problema ng kahirapan, mataas na halaga isang bayang ang ekonomiya ay nakaasa sa iba
ng pamumuhay at sa mataas na bilang ng mga ay hindi maituturing na tunay na malaya (Anti-
walang trabaho (Economic Nationalism 13). Americanism 18)” Dagdag naman ni Recto:

Ayon naman kay Diokno, Ang bansang dinodomina ng mga dayuhan ay


nagpapayaman sa mga dayuhan, sa ilang mga
[K]ailangan natin ang isang ekonomiya mamamayan, subalit madalang sa kanyang
na pinatatakbo at pinananatili nating mga mga manggagawa. Kaya mahirap ang ating
Pilipino na ipinamamahagi ang mga benepisyo bansa...dahil tayo ay mayroong ekonomiya at
upang matugunan, sa simula ang mga buhay politika na dinomina ng mga dayuhan sa
pangunahing materyal na pangangailangan loob ng mahigit apat na siglo...kung ang mga
ng lahat, pagkatapos ay makapaglaan ng isang Pilipino ay naging malaya sa pananakop ng mga
bumubuting antas ng pamumuhay para sa lahat dayuhan sa apat na siglong yaon, gamit ang
(Concept of Justice 30). katakot-takot na likas yaman ng kanyang lupain,
malamang ay nakahanap sila ng higit na maayos
32 MALAY TOMO XXIV BLG. 1

na paraan upang mapaunlad ang kanilang sektor na bumubuo rito: ang likas na kayamanan
pang-ekonomiyang kakayahan nang makamit at kakayahan ng paggawa; ang laki at bisa ng
ang isang mataas na antas ng pamumuhay at mga kagamitan; ang pamamaraan o teknolohiya
kasaganaan para sa lahat (Role of Labor 37). ng pagsasama-sama ng paggawa; pagpapaunlad
ng likas na yaman, paggawa at puhunan (Diokno,
Ikalawa, dahil malaya, ang ating ekonomiya Economic Relations 106).
ay nagsasarili. Ibig sabihin ang ekonomiya ay Ani Recto:
nasa kamay ng mga Filipino. Sa pananalita ni
Tañada: Aking isinusulong ang isang tunay na
programang pang-industriyalisasyon, hindi
Dapat tayo ang mga boss...dapat tayong isa na kung saan ang industriya ay umookupa
humiram ng pondong pangkaunlaran mula sa ng maliit na lugar sa isang ekonomiya na
ibang bansa, kung kinakailangan, at gumamit nakatuon sa produksyon ng hilaw na materyales
ng mga dayuhang teknikal na kakayahan, kung para iluwas, hindi isang plano kung saan ang
kinakailangan, subalit tayo ang dapat na tunay industriya ay nakatuon lamang sa pagbubuo ng
at hindi “huwad” na mga boss sa pagbuo ng mga bahagi o sa pagbobotelya o pag-eempake
patakarang pang-ekonomiya, lalo na sa mga ng mga inangkat na produkto. Aking isinusulong
patakaran ng industriyalisasyon, at sa paghahati ang industriyalisasyon na kinapapalooban ng
ng kita o yaman (Our Suicidal Attitude 28). mabigat na industriya at mula rito ay dadaloy
ang pag-unlad sa lahat ng dako kasama na
Ganito rin ang tinuran ni Recto, kailangan ang agrikultural na sektor ng ating bansa
nating kontrolin ang ating mga likas yaman para (Nationalism 51).
matugunan unang-una ang kapakanan ng mga
Filipino (Nationalism 33). Ibig sabihin, ang pangunahing sektor - ang
mga hilaw na materyales mula sa ating mga
Kailangan nating umasa sa ating mga sariling kabukiran, minahan, kagubatan, at karagatan
kakayahan, sa ating sariling katalinuhan, sa – ay dapat mapunta at gamitin ng ating mga
ating sariling pagpapasya na, tama man o mali, industriya (sekondaryang sektor) upang linangin
kahit papaano ay ginagabayan ng konsiderasyon dito sa ating bansa nang sa gayon ay hindi na tayo
na pangunahin ang pambansang kapakanan at kailangan pang umangkat mula sa ibang bansa.
ang pambansang ari-ariang mana ay laging Kung magkagayon, ang ating yamang tao, ang
ipagtatanggol at babantayan ng may buong
mga serbisyo sa paggawa (tersaryong sektor) ay
pagmamalasakit, kamalayan, dedikasyon at
pag-iingat na para rito ay ipinapangako ng hindi na kailangang pumunta pa sa ibang bansa
bawat Pilipino ang kanyang dangal mula sa sapagkat mayroon tayong maibibigay na trabaho
sinapupunan hanggang sa libingan (Recto, Our dahil yayabong ang agrikultural at industriyal
Raw Material 36). na sektor ng ekonomiya. At ang lahat ng ito ay
nakapaloob sa isang patakarang magsusulong
Tayo ang magdedesisyon kung ano ang tadhanang ng pagkakaugnay ng mga sektor ng ekonomiya
babagtasin at kung papaano ito babagtasin. tungo sa kabuuan (Diokno, Economic and Social
Tayo ang may kapangyarihan na pamahalaan Consciousness 120). Upang mangyari ito, malaki
ang kaniyang mga panloob at panlabas na ang papel ng mga Filipinong mamumuhunan,
gawain (Diokno, Philippine Nationalism 92). ayon kay Tañada.
Samakatuwid, ayon kay Diokno, tayo ang sarili
nating amo at hindi alipin ng sinuman (Anti- Ang mga Pilipinong mangangalakal gamit
Americanism 21). ang dolyar mula sa pagluluwas ng hilaw na
Ang ikatlong katangian ng isang ekonomiya materyales… ang maaaring magpatakbo ng mga
nasabing pangunahing industriya at maglaan ng
ay dapat may pagkakaugnay-ugnay ang apat na
mga pangunahing pasilidad. Ang pananaig ng
PILOSOPIYANG PANG-EKONOMIYA NINA RECTO, TAÑADA, AT DIOKNO BERNARDO N. SEPEDA 33

mga Pilipinong mangangalakal sa ilalim ng mga kapangyarihang moral ng bayan, upang


mapagkalinga at mapagtanggol na patakaran ipagtanggol at walang sawang kumilos para
ng pamahalaan… ang marubdob na tutugon sa ganap na pagkakamit ng kalayaang pag-
sa maraming oportunidad sa mga pangunahin ekonomiya, huwag na tayong magsumikap pa
at sekondaryang industriya, gayundin sa na maipapatupad pa ang iba pang makabayang
tersyaryong industriya, nang sa gayon ay patakaran, ibig sabihin, ang ating ekonomiya
makapagsulong ng malawakang pamamahagi ay patuloy na mapapasailalim sa pagdomina ng
ng kapangyarihang bumili na siyang tunay mga dayuhan (American Neocolonialism 38).
na simula ng isang tunay at nagsasariling
pambansang kaunlaran (Economic Nationalism Samakatuwid ang ganitong uri ng ekonomiya
11-12). ay nangangailangan ng mga makabayang
mamununo, mga makabayang ekonomista. Ayon
Ang ikaapat na katangian ay ang pagiging kay Diokno, ang kailangan natin ay hindi mga
maka-Filipino ng ating ekonomiya. Bakit teknokrat kundi mga ekonomista na hindi lamang
kailangan ang ganitong uri ng ekonomiya? Sabi basta ekonomista kundi:
ni Recto:
1. mga ekonomista na may kamalayang
Kung hindi ganito, imposibleng maabot-kaya ng panlipunan at kamulatang pampulitika;
nakararaming mga Pilipino ang mga pakinabang
2. mga ekonomista na kayang pagbukudin
mula sa mga nasabing industriya. Dapat nating
ang mga suliraning istruktural sa mga
alalahanin na kung ang mga industriyang
ganoon karami at kalawak ay tunay, ang mga suliraning personal, na humahanap
ito ay lilikha ng napakaraming yaman taun-taon. ng solusyon sa kahirapan hindi sa
Kung ang mga yamang nalikha ay mananatili pagkakawang-gawa at sa pagbibigay ng
sa Pilipinas at ipamumuhunan ng paulit-ulit sa limos kundi sa pagbabagong istruktural,
iba pang matubong negosyo na lilikha ng mga dahil nakikita nila na ang kahirapan ay
bagong yaman, kayang tustusan ng lahat ng sanhi, hindi ng kakulangan sa kakayahan
yamang yaon ang papalaki at papataas na antas o pagsasanay ng mga mahihirap, kundi ng
ng pamumuhay (Industrialization 34-35). kawalang katarungan sa ating sistemang
panlipunan;
Ang layunin nito, ayon kay Diokno, ay upang 3. mga ekonomistang ang mga sukatan ay
matugunan ang pangangailangan ng sambayanang hindi lamang kahusayan sa paggawa at
Filipino lalo na ng mga mahihirap nang sa gayon ay pangangatwiran, kundi may kasamang
unti-unting maiangat ang kanilang estado sa buhay katarungan at pagkakapantay-pantay,
at lumiit ang pagitan sa antas ng pamumuhay ng dahil para sa kanila ang mga suliraning
mga mayayaman at mga mahihirap. Ibig sabihin, pang-ekonomiya ay suliranin ng tao, hindi
lilinangin at pauunlarin ang kabuhayan ng mga lamang teknikal na problema (Economics
Filipino gamit ang likas na yaman at talino ng and Social Conscoiusness 123).
mga Filipino, na makasasapat upang magkamit
sila ng isang mas mainam na buhay na akma sa Bilang paglalagom sa bahaging ito, mula sa
kanilang dangal bilang tao. Sa madaling salita, ito makabayang pilosopiya nina Recto, Tañada at
ay isang ekonomiya ng mga Pilipino at para sa Diokno, kakailanganin natin ang isang ekonomiya
mga Filipino (Economic Relations 106). Dagdag na makabayan, nagsasarili, magkakaugnay-
naman ni Tañada: ugnay, at maka-Filipino, isang ekonomiya na
ang tunguhin ay isang tunay na kaunlarang pang-
Kung hindi natin ipaggigiitan ang ating ekonomiya para sa buong sambayanang Filipino.
lakas, hindi pakikilusin ang sambayanan,
Dumako tayo ngayon sa kanilang konsepto ng
hindi titipunin ang buong kakayahan at
kaunlarang pang-ekonomiya.
34 MALAY TOMO XXIV BLG. 1

KONSEPTO NG KAUNLARANG “sa katotohanan, kinakalimutan natin ang ating


PANG-EKONOMIYA mismong pagkatao” (Our Cultural Minorities 51).
Kaya para kay Diokno, ang pang-ekonomiyang
Mula sa batayang karapatan ng sambayanan paglago (economic growth) at hindi katumbas ng
na umunlad bilang isang sambayanan, dumadaloy tunay na kaunlaran sapagkat ang pagtaas ng GNP
ang iba pang mga karapatan tulad ng “malayang at ng pambasang kita ay hindi nangangahulugan
pagpili ng mga layunin at paraan ng pag- ng mas mainam na buhay para sa sambayanan.
unlad, sa pang-industriya ng ekonomiya, sa Aniya, ang marami ay hindi nangangahulugan
pagpapatupad ng mga repormang panlipunan ng mas mainam dahil kahit marami o malaki
at pang-ekonomiya na nagtitiyak ng malaya at ang produksiyon, mahalaga ring isaalang-alang
malawakang pakikibahagi ng buong sambayanan kung ano ang mga produkto at kung sino ang
sa proseso at biyaya ng kaunlaran” (Diokno, makikinabang sa mga ito (Militarization 216).
Human Rights 5). Kaya naman kung kaunlarang Ngayon, bilang isang mahirap na bansa,
pang-ekonomiya ang ating pag-uusapan, ayon kailangan nating igiit na tayo, at wala nang iba,
kay Diokno “ang ating pag-uusapan o dapat ang dapat pumanday ng ating sariling patakaran
pag-usapan ay ang pagpapahusay ng antas ng sa pag-unlad dahil kung patuloy itong itatakda ng
pamumuhay ng lahat ng taong bayan, hindi lang mga banyagang gobyerno gaya ng Estados Unidos
ang pagpapayaman ng mga namumuno” (Human at ng mga institusyong pinansyal tulad ng IMF at
Rights 3). Ang kaunlaran ay hindi sinusukat WB, na ang tanging layon ay panatilihin tayong
sa yaman o sa dami ng kotseng tumatakbo isang neo-kolonya na mapagkukunan ng hilaw na
sa magagarang expressway at flyover. Hindi materyales at mapagtatambakan ng mga sobrang
rin sukatan ang nagtataasang mga gusali at konsumo ng kanilang domestikong pamilihan,
naglalawakang golf courses. Hindi rin ang dami patuloy ring babalewalain ang pangangailangan
ng pabrika lalo na kung ang mga ito ay pawang ng sambayanan lalo na ang mga mahihirap. Sa
tagapakete lamang ng mga “spare parts” na ganitong kalakaran, lalong yumayaman ang mga
ginawa sa ibang bansa, nag-stop-over sa atin at bansang mayayaman at lalong humihirap ang
ibabalik din sa kanila bilang mga buong produkto. mga mahihirap na bansa bukod pa sa patuloy
Ang kaunlarang tinutukoy dito, wika ni Diokno, na lumalalim ang pagkasandig ng huli sa una
ay isang anyo ng pag-unlad na humuhubog ng (Diokno, Anti-Americanism 3).
isang mas mainam na buhay para sa sambayanan Ito ang dahilan kung bakit iginigiit ni Diokno
– “sambayanang may konsensiya, sambayanang na kung hindi natin ilalagay sa ating mga kamay
may puso, sambayanang may lakas ng loob na ang pagkontrol sa ating mga patakaran tungo sa
panindigan at ipagtanggol ang kanilang karapatan” kaunlaran, hindi natin kailanman mapapaunlad
(Our Cultural Minorities 50). ang ating sarili at ang ating sambayanan.
Datapwa’t makatao ang kaunlaran na Samakatuwid, isinusulong din niya ang isang
isinusulong ni Ka Pepe dahil “sa likod ng bawat makabayang kaunlaran. Aniya, “kung walang
numero at bawat estadistika ay isang buhay na pagkamakabayan, hindi magkakaroon ng tunay na
pusong pumipintig, isang utak na nag-iisip, pang-ekonomiyang kaunlaran” (Anti-Americanism
isang kaluluwang dumarama, at isang taong 3). Dahil sa ito ay makabayan, tahasan din itong
nagmamahal” (Our Cultural Minorities 51). maka-Filipino. Ibig sabihin, ang makikinabang
Samakatuwid, kung nakatuon lamang tayo sa dapat sa kaunlaran ay ang lahat ng mga Filipino
pagtaas ng ating gross national product o GNP, hindi ang iilan lamang. Samakatuwid, nilalayon
sa kung gaano kalaki ang pambansang kita per nitong iwaksi ang pinakamatinding kalagayan
capita at sa kung gaano kalaki ang hatian sa tubo ng karukhaan upang matugunan kahit papaano
ng ekonomiya at kinalimutan ang mga tao sa likod ang ating mga pangangailangan sa pamamagitan
ng mga ito, hindi na tayo maituturing na Filipino, ng ating kaparaanan. Ito’y mangangailangan ng
PILOSOPIYANG PANG-EKONOMIYA NINA RECTO, TAÑADA, AT DIOKNO BERNARDO N. SEPEDA 35

aktibong pakikisangkot ng mga mamamayan. sangkap nito, tukuyin ang mga lokal na
Hindi lang sila tagatanggap ng mga pakinabang, likas yaman na pwedeng gamitin sa mga
katulong din sila sa pagpanday ng isang mainam sangkap na iyon, at igiya ang produksyon
na buhay para sa lahat. Datapwat, kailangang upang tugunan ang mga pangangailangang
pukawin sa kamalayan ng mga mamamayan nabanggit;
lalo na sa mga mahihirap na mayroon din 2. pagtatatag ng industriya ng asero at bakal
silang angking kakayahan at kapangyarihan na bilang unang priyoridad gamit ang ating
makaambag sa kanilang kaunlaran (Diokno, malawak na minahan ng bakal at uling
Foreign Military Bases 226). Ito ay bahagi ng [na] magiging industriya ng kagamitang
kanilang ganap na pag-unlad bilang tao. Ani pangmakina at industriya ng capital goods
Diokno, “ang ipagkait sa kanila [sambayanan] na gagawa ng mga makinang gagawa ng
ang pakikibahagi sa pagpapasya kahit sa anyo at makina;
patunguhan ng kanilang buhay pang-ekonomiya 3. sentralisasyon ng mga mabibigat ng
[ay] pagkakait na rin sa kanila ng pagkakataong industriya na capital intensive gaya ng
makamit ang ganap na makataong pag-unlad” industriya ng bakal at asero at pagpapakalat
(Political Life 299). ng mga industriya ng pangkonsumong
Sapagkat ang layon ng pag-unlad, sa produkto na dapat ay pag-aari ng mga
pamamagitan ng aktibong pakikibahagi ng lahat kooperatiba o maliliit na pamilya;
sa tunguhing ito, ay mapayabong ang likas na 4. pagtataas ng sapat na sahod ng mga
talino ng bawat Filipino upang makamit ang isang manggagawa;
mas mainam na buhay na nangangailangan ng 5. sosyalisahin ang sistema ng pananalapi
pagsandig sa sariling kakayahan at pagpapasya, upang kung ano man ang nakalaan na
hinihingi nito na tayo’y magsarili at umasa sa salaping kapital ay magamit upang
sarili. Datapwat, ito ang hamon ni Recto sa maisulong ang plano ng kaunlaran;
sambayanang Filipino, na gaya ng pagtatanggol sa 6. magsagawa ng malawakang reporma sa
ating mga karapatan, “hindi natin [ito] puwedeng lupa;
ipaubaya sa iba. Tayo ang dapat gumawa nito” 7. solusyonan ang mga suliranin sa ekonomiya
(Namfrel Symposium 124). gaya ng pag-aaksaya, katiwalian, sobrang
pagtataas sa presyo ng inaangkat, mga
Mga Estrahehiya ng Pang-ekonomiyang maluhong konsumo, “dollar salting”,
Kaunlaran pamumuslit at kawalang trabaho;
8. pagbibigay-diin sa kolektibong
Ano-ano ang mga tukoy na estratehiya na pagkonsumo sa pamamagitan ng pagtatayo
dapat gawin upang mangyari ang kaunlarang ng mga maliliit na pangkalahatang hospital
inilarawan sa itaas? Naghain si Diokno ng mga na pampubliko sa buong bansa; ng mga
mungkahi kung ano ang mga nakapaloob sa isang medium at mababang presyong pabahay,
estratehiya upang makamit ang uri ng kaunlaran ng mga kalye sa baryo, ng mga hostels na
na inilarawan sa itaas. Ilan sa mga ito ay ang mga pinatatakbo ng pamilya, at bawasan ang
sumusunod: pagkonsumo ng pampublikong “goods”
sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng
1. pagpaplano hindi lamang para sa paglago ng tulong medikal, libreng edukasyong
produksyon, kundi para rin sa pagkonsumo pampubliko at iba pa sa mga sektor na
at pamamahagi na nangangailangan may mababang sahod sa lipunan;
na tukuyin ang minimum na antas ng 9. pagtatatag ng mga bagong anyo ng
pamumuhay na dapat tamasahin ng mga pagkonsumo ng enerhiya gaya ng paggamit
Pilipino; alamin ang mga pangunahing ng organiko kaysa “fossil fuel” na pataba;
36 MALAY TOMO XXIV BLG. 1

ng mga bus at mass transit kaysa mga Papel ng Banyagang Pamumuhunan


pribadong kotse; ng kahoy at uling sa
pagpapainit kaysa mga produktong petrolyo Sa ganitong patakarang pang-ekonomiya, ano
(Economic Relations 114-115). ang magiging papel ng mga banyaga at banyagang
mamumuhunan? Sa Joint House Resolution No.
Sa isa pang sulatin, idinagdag ni Diokno ang mga 2 na inakda ni Diokno noon sa Senado, nakasaad
sumusunod: ang mga sumusunod na patakaran:

1. kailangan nating humanap ng mga lokal 1. Ang patakarang panlabas ay isang


na pamalit sa mga inaangkat natin upang pundamental na instrumento ng kaunlarang
makatipid tayo ng sapat na dolyar para panlipunan;
ipambayad sa utang natin; 2. Ang rehiyonal na kooperasyon na
2. siguruhin na ang lahat na uutangin sa nakabagay sa pambansang interes ay dapat
hinaharap ay gagamitin ng kapaki- isulong upang masiguro ang pakikipag-
pakinabang at magpapasok ng sapat na unawaan at pakikipagkolaborasyon sa
dolyar para pambayad sa mga utang na ating mga kalapit bansa;
yaon, sa pamamagitan, halimbawa, ng 3. Ang pang-ekonomiyang patakarang
pagdadagdag ng iluluwas o pagbabawas panlabas ay dapat magsikhay tungo sa
ng aangkatin; pag-iiba-iba ng mga pinanggagalingan ng
3. kailangang palakihin ang ating domestikong ating inaangkat at ng pamilihan para sa
pamilihan sa pamamagitan ng pagtataas ng mga produktong ating iniluluwas;
produktibidad at ng tunay na kita ng mga 4. Gawin dapat ang lahat ng makakaya
magsasaka at manggagawa; upang magkaroon ng mga ugnayang
4. kailangang pagtuunan natin ang paggamit pangangalakal sa pinakamaraming bansa
ng ating sariling hilaw na materyales kung maaari at magpanatili ng balanseng
upang gumawa ng kung ano ang kailangan pangangalakal sa kanila;
ng ating mga mamamayan; 5. Ang banyagang pamumuhunan ay
5. siguraduhin na ang mga bagong negosyo maluwag na tinanggap upang tumulong
na tutugon sa mga patakarang nabanggit sa pang-ekonomiyang kaunlaran ng bayan.
sa itaas ay pag-aari at pamamahalaan ng Subalit, hindi ito dapat hayaang dominahin
mga Pilipino (Anti-Americanism 5-6). ang ekonomiya o ang alinman sa mga
estratehikong larangan nito (Talumpati sa
Sa mga tukoy na hakbanging nabanggit sa PCA).
itaas na iminungkahi ni Diokno, ninanais niya na
tayo ay maging isang industriyalisadong bansa Ilan lamang ito sa mga batayang patakaran na
sa abot ng ating makakaya. Ito, ayon sa kaniya, dapat ipatupad ng pamahalaan tungkol sa papel
ay abot-kamay lang natin, kaya lamang kulang ng mga banyaga sa ating ekonomiya. Mahihinuha
sa determinasyon ang mga taong humahawak sa na hindi laban sa mga banyaga ang isinusulong
kapangyarihan at atubili sila na magsakripisyo na pang-ekonomiyang kaunlaran ni Diokno. Sa
para makamit ito. Dagdag pa, kaya nating kanya nga lang, hindi dapat maging sagabal ang
maging industriyalisadong bansa sapagkat ang mga banyaga upang makamit natin ang pangarap
mga kakailanganin ay nasa ating bansa; likas na maging isang maunlad at modernisadong bansa.
na yaman, yamang tao, puhunan at maging ang Aniya, “inaasahan naming [mga Filipino] ang mga
teknolohiya ay puwede nating gawin mismo o banyagang mamumuhunan at ang kanilang mga
kaya’y bilhin natin (Diokno, Economic Relations negosyo ay kikilos bilang mabuting kapitbahay,
107). iginagalang ang aming mga tradisyon at ang aming
PILOSOPIYANG PANG-EKONOMIYA NINA RECTO, TAÑADA, AT DIOKNO BERNARDO N. SEPEDA 37

kultura at higit sa lahat ang pagkakapantay-pantay na mamumuhunan mula sa pagdodomina ng mga


ng lahat dahil sa dangal ng tao” (Diokno, Foreign banyaga. Ang ganitong postura ni Diokno ay hindi
Investors 132). Samakatuwid, ang mga banyagang kataka-taka dahil tugon niya ito sa pagsubok ng
mamumuhunan ay dapat tratuhing kapantay tila paurong na pag-unlad ng ating ekonomiya
natin kaya hindi dapat mas paboran kaysa mga noong panahon niya. Isang pag-unlad na nakaasa
Filipinong mamumuhunan. Sa madaling salita, sa banyagang pautang, at maging ang sistema
ang mga banyaga, ani Diokno, ay “maluwag at pamamalakad ng ekonomiya ay banyaga rin
nating tanggapin bilang mga katuwang, hindi na kasabwat ang mga lokal na elitista at mga
bilang katunggali; bilang mga panauhin, hindi teknokrat ng pamahalaan. Kaya naman hindi
bilang mga amo” (Guest or Masters). Subalit, bago maiwasan na walang humpay ang pagsasamantala
tanggapin ang mga banyagang mamumuhunan, ng mga banyaga sa ating likas na yaman at yamang
kailangan muna silang lumampas sa apat na tao lalo na noong panahon ng batas militar.
sukatan: Dahil sa kondisyon ng IMF-WB na magpalit
ng pang-ekonomiyang oryentasyon ng bansa
Una, kakailanganin ba ng ating ekonomiya mula pag-aangkat tungo sa pagluluwas, naging
ang produkto o serbisyo na dadalhin [ng palabigasan tayo ng mga mayayamang bansa sa
mga ito]?; pangunguna ng Estados Unidos at Japan para sa
Ikalawa, kung kailangan, hindi ba natin mga hilaw na materyales na kinakailangan nila.
kayang gumawa ng katulad na produkto Ito ay ginawa ng pamahalaan ni Marcos upang
sa ganang sarili, gamit ang mga lokal makakuha ng mga pautang at “tulong” pinansyal
na hilaw na materyales at katutubong na ginamit niya para mapanatili ang “kaayusan” sa
puhunan (native capital)?; ilalim ng batas militar (Diokno, Military Bases 189).
Ikatlo, kung hindi natin kaya, meron pa Pabor naman ito sa mga banyagang mamumuhunan
bang ibang paraan upang makuha ang dahil naging bukas na pamilihan ng kanilang mga
produktong iyon - pagpapalisensya produkto ang Filipinas kahit mga luho at hindi
(licensing) halimbawa (Diokno, Economic lubhang makatutugon sa pangangailangan ng
Relations 116-117)? nakararaming Filipino ang mga produktong iyon.
At panghuli, kung hindi natin kaya, kailangan Kaya naman, ipinaliwanag ni Diokno na “ang
nating alamin kung ano ang magiging kaunlaran ay hindi lang pagbibigay sa mga tao
mga epekto ng produkto o sebisyong ng sapat na pagkain, damit at tirahan; ginagawa
iyon sa ating kalikasan (environment)? rin ito ng maraming bilangguan. Kaunlaran din
Sa pag-empleyo? Sa palitang panlabas kung ang tao ang nagpapasya kung anong pagkain,
(foreign exchange)? Gaano kalaki ang damit o tirahan ang makakasapat, at kung papaano
lokal na pautang ang kanilang kailangang ang mga ito ilalaan” (Diokno, Martial Law 42).
kunin? Pwede bang mas maiging gamitin Kung gayon, ano ang puwedeng gawin ng
ang pautang na iyon sa ibang proyekto?” mga banyagang pamahalaan at mamumuhunan
(Diokno, Anti-Americanism, 25) upang matulungan tayong maging isang maunlad
at modernong bansa ayon sa pamantayan ng mga
Kitang-kita ang paninindigan ni Diokno sa makabayang Filipino tulad nina Recto, Tañada, at
pagsasarili ng ating ekonomiya. Hanggat maaari Diokno? Isang magandang halimbawa ang sinabi
ay subukan muna nating gawin ang lahat ng ni Diokno sa mga Hapones kung papaano sila
paraan upang umasa sa ating sariling likas na makakatulong:
yaman at paggawa, upang pandayin ang kaunlaran
ng ating ekonomiya. Malinaw na kung susundin Una, sa pamamagitan ng pagpapautang
ang mga pamantayang nabanggit, protektado ang na walang anumang kondisyon, upang
ating ekonomiya gayundin ang ating mga lokal matustusan ang pagtatayo ng mga
38 MALAY TOMO XXIV BLG. 1

mabibigat na industriya tulad ng industriya PAGHAHABI NG MGA DIWA


ng bakal at asero;
Inilahad sa itaas ang mga kaisipan nina Recto,
Ikalawa, [sa paghikayat] na kailangang Tañada at Diokno tungkol sa ekonomiya, sa
gumawa ang pamahalaan ng Japan ng lahat kaunlarang pang-ekonomiya, sa mga patakarang
ng hakbang upang mapigilan ang pagdami pang-ekonomiya at sa papel ng mga banyagang
ng mga kapantay na pamumuhunan ng mamumuhunan sa ating ekonomiya. Sa mga
mga korporasyong Hapones sa ating ipinaliwanag sa itaas, kitang-kita na nakasalig
bansa; sa marubdob na pagkamakabayan ang kanilang
pang-ekonomiyang pilosopiya. Ipinakita rin nila
Ikatlo, kung gagawin ng Japan ang lahat ng na ang kanilang mataas na pagturing at pananalig
paraan upang hikayatin ang IMF at WB na sa kakayahan ng mga Filipino na pandayin ang
hayaan ang Pilipinas na tahakin ang isang sariling buhay at kaunlaran, may ayuda man o
makabayang estratehiya ng kaunlaran, wala mula sa mga banyaga, ay hindi kailanman
ang ibig sabihin, pagpapatupad ng isang magbago. Sa katunayan ito’y lalong tumindi.
ekonomiya na may saradong pamilihan Bukod pa rito, mahalaga ring salik ang kasaysayan
(closed market economy) katulad ng sa kanilang mga kaisipan. Sa pangunguna nina
ginawa at patuloy na ginagawa ng Japan Mabini at Rizal noong panahon pa lang ng
(Proper Role for Japan). pagsilang nito, ang pagkamakabayang Filipino,
ayon kay Diokno, ay may pang-ekonomiya nang
Ang hiling niya sa Japan ay maaari at nararapat sangkap (Philippine Nationalism 102). Dahil noon
ding hilingin sa lahat ng mga banyagang pa man ay wala na sa ating mga kamay ang
pamahalaan tulad ng Estados Unidos lalo na kung pagpanday ng ating tadhana at kabuhayan kundi
tungkol sa utang panlabas at sa mala-neo-kolonyal nasa mga banyaga -- mga Kastila at Intsik noong
na patakaran ng IMF-WB ang pag-uusapan. panahon ni Rizal, mga Kastila at Amerikano noong
Sapagkat ang mga ito ay bahagi ng tanikala panahon ni Mabini. Kaya ang tugon nina Recto,
na gumagapos sa pamahalaan at sambayanang Tañada, at Diokno ay hindi iba sa naging tugon
Filipino. Kaya naman hindi makahulagpos ang nina Rizal at Mabini -- kalayaan, kasarinlan at mas
Filipinas sa pagdidikta ng Estados Unidos kung mainam na buhay para sa mga Filipino sapagkat
anong klaseng patakarang pang-ekonomiya ang ang bansa ay patuloy pa ring isang neo-kolonya
tatahakin ng sambayanan. Datapwat, dapat nang ng banyagang puwersa ng Estados Unidos.
wakasan ang ganitong mga patakaran. Unang sinalo ni Recto ang sulo ng krusada
Samakatuwid, ang mga banyagang ng pagkamakabayan. Bunsod din ng hungkag
mamumuhunan ay dapat maging katuwang at hindi na pag-unlad ng lipunan dulot ng “mapanlimos
sagabal sa pangarap ng mga makabayang Filipino na patakarang panlabas” ng pamahalaan noong
na marating natin ang isang industriyalisadong panahon niya, sinimulan ni Recto ang isang
ekonomiya na umaasa sa ating sariling likas na makabayang krusada upang alisin ang kontrol
yaman at kakayahan. Ang hinihiling lamang ng mga dayuhan sa lahat ng aspekto ng lipunan
nila sa mga banyaga ay “kaunting pang-unawa at noon. Ayon kay Recto, ang pang-ekonomiyang
kung nararamdaman [nilang] kapaki-pakinabang, pagkamakabayan ay:
tulong upang mapadali ang proseso, at ng hindi
gaanong mahirap; pero kung hindi naman nila Adhikain, kagustuhan, at pagnanais ng isang
maramdamang kapaki-pakinabang, ay pabayaan bayan na paunlarin ang kanyang materyal
kaming mag-isa” (Diokno, Philippine Nationalism at kultural na kalagayan sa pamamagitan ng
102). kanyang sariling mga talento, kakayahan, at
walang humpay na paggawa, para sa kapakanan
ng buong mamamayan. Ang pangunahing batis
PILOSOPIYANG PANG-EKONOMIYA NINA RECTO, TAÑADA, AT DIOKNO BERNARDO N. SEPEDA 39

nito ay ang isang matinding pakakabuklud- ang sagot sa lumalalang suliraning panlipunan at
buklod ng sambayanan tungo sa isang pagnanais pang-ekonomiya noon ay ang “mas pinag-aralan
na umunlad, na umangat ang antas ng kanilang at mas malayong–tanaw na patakarang pang-
kabuhayan, na magkamit ng mga bagay ekonomiya at ang tamang pananaw sa problema
na kapaki-pakinabang at marangal, upang ng kaunlarang pang-ekonomiya, i.e., tunay na
patayugin pa ang magandang pangalan, pati na
industriyalisasyon” (Economic Nationalism 120).
ang karangalan, ng pambansang pamayanan, ng
bansa na siyang lupang tahanan, ng bandila na Ipinapakita rito na silang lahat ay may
sumisimbulo sa bansa, sa bayan at sa adhika at hangarin na magpanday ng isang maunlad at
kasaysayan ng bayan (Industrialization 34). industriyalisadong ekonomiya para sa mga
Filipino na kontrolado at pinamamahalaan ng
Isa pa sa mga tumanggap ng sulo ng mga Pilipino at may layuning mabigyan ng mas
pagkamakabayan na muling sumilang sa mga mainam na buhay ang nakararaming mamamayan
Filipinong tulad ni Recto ay si Tañada. Kaya na mahihirap. Subalit sa kanilang tatlo, tila si
naman halos ganito rin ang kanyang naging Diokno lamang ang may iminungkahing mga
paninindigan. Ani Tañada: detalyadong patakarang pang-ekonomiya tungkol
sa mga dayuhang mamumuhunan at mga utang
Tanging ang pagkamakabayan na gumagamit panlabas na nakaangkla sa kaniyang mga
ng lakas at alab ng damdamin ng buong pagninilay sa batayang karapatan ng sambayanan
sambayanan. . . ang makapag-aangat ng na umunlad bilang isang sambayanan. Bagamat
motibong kapangyarihan para sa pambansang nanindigan silang tatlo, gaya ng mga bayaning
kadakilaan at kaganapan. Kaya naman ang Filipino tulad nina Rizal at Mabini, na mahalaga
tunay na layunin ng pagkamakabayang Pilipino ang pagkakabuklud-buklod ng sambayanan dahil
ay ang pagtataguyod sa kapakanan ng buong nasa kanila ang kapangyarihang pamahalaan ang
sambayanan, at hindi lamang ng iilan [at]
tadhana ng kanilang buhay at kinabukasan.
ang pagpapaliit ng malawak na pagitan na
naghihiwalay sa kakaunting mayaman at sa Kaya naman ayon kay Diokno, kung “nais
napakaraming naghihirap (Future of Filipino nating baguhin ang takbo ng ating ekonomiya…
Nationalism 143). kailangang makamit muli ng sambayanan ang
kanilang kalayaan at ang kanilang soberenya
Hindi kataka-taka ang pagkakahawig ng [kapangyarihan]” (Economic Relations 117)
kanilang kaisipan sapagkat halos magkasabay “… dahil ang mga ito [kalayaan at soberanya]
nilang isinulong ang krusada ng pang-ekonomiyang ang mga dinamikong pwersang nagpapakilos
pagkamakabayan noong ikalawang bahagi ng upang masiguro ang katuparan ng mga layuning
nagdaang siglo. Subalit ayon kay Diokno, si Recto pang-ekonomiya (Recto, Nationalism 33). Isang
ang unang nagpatuloy ng pakikibaka upang ang soberanya na hindi lamang tumutukoy sa “isang
pagkamakabayan ay maging kagalang-galang at estado na malaya sa diwa at sa batas kundi isa
sa banding huli ay katanggap-tanggap sa kabila ring bansa na ang kapangyarihan ay nanahan
ng kakaunti ang naniniwala rito noong panahon sa pamayanan ng mga mamamayan” (Tañada,
niya (Claro M. Recto 148). Magkakapareho sila Filipino Nationalism 143). Ang paggamit sa
sa paninindigan na ang patunguhan ng pang- kapangyarihang ito ng mamamayan ay isang
ekonomiyang pagkamakabayan ay ang pag-aangat mahalagang bahagi ng pakikibaka para sa isang
ng antas ng pamumuhay ng buong sambayanan. ekonomiyang makatutulong sa ating mga Filipino.
Naniniwala rin sila na dapat kasama ang buong Kaya, kaugnay sa pang-ekonomiyang kaunlaran
sambayanan sa pagpanday ng kaunlaran. Para kina ang pampolitikang pagbabago sapagkat ang
Recto, Tañada, at Diokno, industriyalisasyon sa “ekonomiya ay hindi lamang kinapapalooban
ilalim ng pamamalakad ng mga Filipino ang dapat ng pagpapalitan ng mga produkto kundi nang
tunguhin ng ating ekonomiya. Dagdag ni Tañada, pagganap din sa kapangyarihan ng sambayanan”
PILOSOPIYANG PANG-EKONOMIYA NINA RECTO, TAÑADA, AT DIOKNO BERNARDO N. SEPEDA 29

(Diokno, Economic Relations 117). Ito marahil ang ---. “Philippine American Economic Relations.”
pinakamalaking hamon na ating kinakaharap Manalang 103-117. Print.
bilang isang bayan, isang hamon na panibaguhin ---. “Philippine Nationalism.” Manalang 90-102.
ang ating sistemang politikal upang lubos na Print.
maisulong ang isang ganap na kaunlarang ---. “Political Life: It’s Place in Full Human
pang-ekonomiya na magbibigay ng isang higit Development.” Manalang 227-238. Print.
na kaaya-ayang antas ng pamumuhay sa mga ---. “A Proper Role for Japan in the Philippines.”
Filipino. Isang hamon na sinuong nina Recto, Isang Talumpati. n.p. n.d.
Tañada, at Diokno noong sila ay nabubuhay pa. ---. “Talumpati sa Harap ng Philippine Columbian
Isang hamon na ating minana bilang isang bayan Association.” Philippine Columbian
at patuloy nating babakahin nang sama-sama Association, 30 July 1969. n.p. Talumpati.
bilang isang sambayanan. ---. “What the Philippines Expect of Foreign
Investors.” Manalang 124-133. Print.
Manalang, Priscila S., ed. .A Nation for Our
TALAGASUNGGUNIAN Children: Selected Writings of Jose W. Diokno.
Quezon City: Jose W. Diokno Foundation and
Constantino, Renato, ed. The Essential Tañada. Claretian, 1987. Print.
Quezon City: Karnel, 1989. Print. Recto, Claro M. “Address at the Namfrel
---, Renato, ed. Recto Reader: Excerpts from the Symposium.” Recto Reader. Ed. Constantino
Speeches of Claro M. Recto, Manila: Recto 122-123. Print.
Memorial Foundation, 1965. Print. ---. “Industrialization and Economic Nationalism,”
Diokno, Jose W. Anti-Americanism: Twenty- Recto Reader. Ed. Constantino 34-35. Print.
four Questions About Filipino Nationalism. ---. “Nationalism and Industrialization.” Recto
KAAKBAY Primer Series No. 2. 12 Pebrero Reader. Ed. Constantino 31, 33, 51. Print.
1984. n.p. ---. “Our Raw-Material-Export Economy.” Recto
---. “Claro M. Recto.” Manalang 147-154. Print. Reader. Ed. Constantino 36. Print.
---. “Economics and Social Consciousness.” ---. “The Role of Labor in Our Economic
Manalang 118-123. Print. Emancipation.” Recto Reader. Ed. Constantino
---. “A Filipino Concept of Justice.” Manalang 37. Print.
16-31. Print. Tañada, Lorenzo M. “American Neocolonialism
---. “Foreign Military Bases and the Third World.” and Retail Trade Nationalization.” Essential
Manalang 181-191. Print. Tañada. Ed. Constantino 36-40. Print.
---. “Foreign Policy and Philippine-American ---. “Economic nationalism,” Essential Tañada.
Relations: Past and Present.” Manalang 239- Ed. Constantino 9-13. Print.
257. ---. “Foreign Banks and Economic Independence,”
---. “As Guests or Masters.” University of the Essential Tañada. Ed. Constantino 41-46.
Philippines, 7 March 1963. n.p. Talumpati. ---. “The Future of Filipino Nationalism.”
---. “Human Rights Make Man Human.” Nationalism: A Summons to Greatness. Ed.
Manalang 1-15. Print. Ileana Maramag. Quezon City: Phoenix, 1965.
---. “Martial Law in the Philippines.” Manalang 137-143. Print.
32-45. Print. ---. “Our Suicidal Attitude Towards Foreign
---. “The Militarization of Asian Politics.” Investment,” Essential Tañada. Ed. Constantino
Manalang 201-226. Print. 18-28. Print.
---. “Our Cultural Minorities and Development
Projects.” Manalang 46-52. Print.

You might also like