You are on page 1of 32

PANUKALANG

PROYEKTO
ANO NGA BA ANG
PANUKALANG
PROYEKTO?
 Dr. Phil (Bartle of TheCommunity Empowerment
Collective) Ayon sa kanya ang panukalang proyekto ay
nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing
naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at
magpapatibay nito.

 Besim Nebiu (May akda ng Developing Skills of NGO


Project proposal Writing) Ang panukalang proyekto ay
isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing
gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o
suliranin.
 Bartle (2012) Ang isang panukalang proyekto
ay kailangang nitong magbigay ng
impormasyon at makahikayat ng positibong
pagtugon mula sa pinag-uukolan nito.
Mga Dapat Gawin sa
Pagsulat ng Panukalang
Proyekto.
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa kanilang
aklat na A Guide to Proposal Planning and Writing, sa
paggawa ng panukalang papel, ito ay kailangang
magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay
ang sumusunod.

A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto.


B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto.
C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga
Makikinabang nito.
Pagsulat
ng
Panimula ng
Panukalang
Proyekto.
• Maisasagawa ang unang bahaging ito sa
pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o
kompanya. Maaring magsimula sa pagsagot sa
sumusunod na mga tanong.

1. Ano-ano? ang pangunahing suliranin na dapat


lapatan ng agarang solusyon?
2. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o
samahang ito na nais mong gawan ng panukalang
proyekto?
• Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang
tanong ay makakalakap ka ng mga ideyang
magagamit sa pag-uumpisa ng pagsulat ng
panukalang proyekto.
Hal.
Sa Barangay Lupok Purok Wasaag, ang dalawang
suliraning nararanasan ng mga mamamayan ay ng
sumusunod:
1. Paglaganap ng sakit na dengue.
2. Kakulangan sa suplay ng tubig.
Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang
mga kailangan ng Barangay Lupok, Purok
Wasaag upang malutas ang kanilang mga
sumusunod.

1. Paglaganap ng sakit na dengue.


a. Pagturo sa mga mamamayan tungkol sa
pangangalaga sa kalinisan ng kapaligiran upang
maiwasan ng paglaganap ng dengue.
2. Kakulangan sa suplay ng tubig.

a. Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong


paggamit at pagtitipid ng tubig.
b. Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok sa
barangay.
Isa ang Barangay Lupok Purok Wasaag aa mabilis na
umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite.
Ito ay nananatiling pamayanang agrikultural bagama't unti-
unti ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar na ito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Lupok
Prurok Wasaag sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha
tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking
problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng
kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim.
Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay pag-apaw ng tubig sa
ilog na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang Barangay Lupok Purok
Wasaag ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na
pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipapatayo
tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga
mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan na
ang proyektong ito sa madaling panahon par sa kapakanan
at kaligtasan ng mga mamamayan.
Pagsulat
ng
KATAWAN
NG
PANUKALANG
PROYEKTO
Layunin
• Makikita ang mga bagay na gustong makamit o pinaka-
adhikain ng panukala.
• Kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto.
• Kailangang isulat ito batay sa mga inaasahang resulta ng
panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano
makakamit ang mga resultang ito.
( Jeremy Miner at Lynn Miner)
Specific - Nakasaad ang bagay na nais
makamit o mangyari sa panukalang proyekto.

Immediate - Nakasaad ang tiyak na petsa


kung kailan ito matatapos

Measurable - May basehan o patunay na


naisakatuparan ang nasabing proyekto.
Practical - Nagsasaad ng solusyon sa
binanggit na suliranin.

Logical - Nagsasaad ng paraan kung paano


makakamit ang proyekto.

Evaluable - Masusukat kung paano


makatutulong ang proyekto.
Layunin - Makapagpagawa ng breakwater o pader
na maktutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng
tubig ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga
mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at
hanapbuhay sa susunod na mga buwan.
PLANO
NG
DAPAT
GAWIN
• Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang
buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action na
naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang
malutas ang suliranin.
• Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang
pagkasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang
mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng
mga gawin.
• Ito rin ay dapat na maging makatotohanan
o realistic.
• Kailangan din ang badget sa pagsasagawa
nito.
• Mas makabubuti kung isasama sa
talatakdaan ng gawain ang petsa kung
kailan matatapos ang bawat bahagi ng
plano at kung ilang araw ito gagawin.
• Kung hindi tiyak ang mismong araw na
maaaring matapos ang mga ito ay maaaring
ilagay na lamang kahit ang linggo o buwan .
• Matutulong kung gagamit ng Chart o
Kalendaryo para sa markahan ang
pagsasagawa ng bawat gawin. Suriin ang plano
ng mga gawain sa pagpapatayo ng breakwater
o pader para sa Barangay Lupok Purok
Wasaag.
Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog
ng Barangay Lupok Purok Wasaag

1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet ( 7 araw )


2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o
mangongontrata sa pagpapagawa ng breakwater o pader ( 2 linggo )
• Ang mga contractor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng
kani-kanilang tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama
ang gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng
contractor na gagawa ng breakwater ( 1 araw )
• Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng
napiling contractor para sa kabatiran ng nakrarami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng
pamamahala ng konseho ng Barangay Lupok Purok
Wasaag ( 3 na buwan )
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater ( 1
araw )
Badget
• Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang
proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag ng
kakailanganin sa para dito.
• Ang badget ay ang talaan ng mga gastusin na
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
• Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang
makatipid sa mga gugugulin.
• Maaring magsagawa ng bidding sa mga contractor na
kadalasan ay may mga panukalang badyet na para sa
gagawing proyekto.
• Huwag ding kaligtaang isama sa talaan ng badget ang iba
pang mga gastuhin tulad ng suweldo ng mga manggagawa,
allowance para sa mga magbabantay sa pagsasagawa nito,
at iba pa.
Dapat Tandaan Sa Paggawa Ng
Badget Para Sa Panukalang
Proyekto
a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali
itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng pamahalaan
o institusyon na mag-aaproba at magsasagawa nito.
b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon
nito upang madaling sumahin ang mga ito.
c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo.
Ang mga ahensiya, sangay ng pamahalaan, o maaring
kompanya na magtataguyod ng nasabing proyekto ay
kadalasang nagsasagawa rin ng pag-aaral para sa
itataguyod nilang proposal.
d. Siguradong wasto o tama ang ginawang
pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura
o erasure sapagkat ito ay nangangahulugan ng
integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.
Mga Gastusin Halaga

Halaga ng pagpapagawa ng breakwater Php


batay sa isinumite ng napiling contractor 3,200,000.00
(Kasama na rito ang lahat ng materyales at
suweldo ng mga trabahador)
Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 20,000.00
pagbasbas nito
Kabuoang Halaga Php
3,220,000.00

You might also like