You are on page 1of 7

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY

INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING


Grade 8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Baitang 8
Ikatlong Markahan

ENDURING ESSENTIAL PRACTICE


SUBTHEME TOPIC
UNDERSTANDING QUESTION TEACHER

Location Ang paraan ng Paano Pagpapasalamat BUMANGLAG,


pagpapahayag naipapahayag bilang Mahalagang Harold M.
pasasalamat ay ang pasasalamat Bahagi ng Mabuting
nagbabago batay sa sa kulturang Pagpapakatao CASTILLO,
kultura at lokasyon PIlipino? Jonah Micah A.
na iyong
kinabibilangan. Sa LEAL, Andrea D.
ating mga Pilipino,
naipapakita natin
ito sa maraming
bagay, berbal man o
hindi. Ang
pasasalamat ay
isang mahalagang
halagahan ng mga
Pilipino bilang
pagpapakita ng
respeto sa sarili at sa
kapwa.

CONTENT, STANDARDS, AND COMPETENCIES

CONTENT CONTENT PERFORMANC CODE COMPETENCIES


STANDARDS E STANDARDS

a. Kahulugan Naipamamalas Naisasagawa EsP8PBIIIa-9.1 Natutukoy ang mga biyayang


ng ng magaaral ng mag-aaral natatanggap
Pasasalamat ang pag- ang mga mula sa kabutihang-loob ng
b. Mga paraan unawa sa angkop na kapwa at mga
upang mga konsepto kilos sa paraan ng pagpapakita ng
matutuhan tungkol sa isang pasasalamat.
ang pasasalamat. pangkatang
pagiging gawain
mapagpasala ng
mat pasasalamat.
c. Mga
katangian ng
taong
mapagpasala
mat
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Grade 8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Preliminaries

Ikatlong Markahan Paksa: Pagpapasalamat bilang Mahalagang Petsa: Ika-28 ng Marso,


Week 1 Bahagi ng Mabuting Pagpapakatao (Part 1) 2022

Mga Layunin: Key Ideas:


Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: 1. Ang pasasalamat ay
Pangkabatiran:: Natutukoy ang mga katangian ng isang taong isang positibong
mapagpasalamat; emosyon na dulot ng
Pandamdamin: Nakakapagbahagi ng sariling karanasan tungkol sa kabutihang gawa sa atin
paraan kung paano natutuhan ang pagpapasalamat; at ng ating kapwa. Ito rin ay
Saykomotor: Nakagagawa ng gratitude photo bilang pagninilay sa isang tungkulin na dapat
mga paraan ng pagpasasalamat. natin ipahayag at
sanayin.

2. Ang pasasalamat ay
hindi likas sa atin ngunit
ito ay natututunan sa
tulong ng mga tao sa
ating paligid.

3. Ang isang taong


mapagpasalamat ay
hindi nagtataglay ng
entitlement mentality.

Mga Kagamitan: Sanggunian:


Zoom App Grade 8 Paano
Tablet, smart phone, at laptop Magpakatao book
Lapis at sulatang papel

Learning Activities

Teacher’s Activity Pupil’s Response

Motivational
Gawain #1: Institutional Video
Activity 1. Ang mga mag-aaral ay manonood ng dalawang-
minutong bidyo (institutional video) na
magpapakilala sa kanila sa sub-theme para sa
ikalimang linggo ng unang markahan.
2. Ang sub-theme ay lokasyon/location..
3. Ang bidyo ay ipalalabas sa pamamagitan ng
Zoom app sa kalagitnaan ng flag ceremony
(Lunes, 7:00 ng umaga)
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Grade 8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Mga katanungan:
Halimbawa ng Sagot:
1. Ano ang mensahe o aral na iyong napulot sa
institusyonal na bidyong iyong napanood? 1. Ang mensahe o aral na
aking napulot sa bidyo ay
__________________.

Gawain #2: Guess the What


PANUTO: Sa isang laro, magbibigay ang guro ng
isang tanong tungkol sa pasasalamat. Bilang isang
klase, tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga salitang
tumutugon dito sa loob ng tatlong minuto. Sa bawat
tamang sagot ay makakatanggap ang klase ng
puntos.
Engage/
Paksa: Ano ang Limang Katangian ng Isang Taong
Main Activity Mapagpasalamat

1. Hindi Makasarili - 15
2. Magalang - 25
3. Mapagpakumbaba - 35
4. Masayahin - 20
5. Mapagbigay - 5

Analysis
PAMPROSESONG TANONG: Halimbawa ng Sagot:
1. Ano ang inyong naging basehan sa pagtukoy 1. Naging basehan ko po
sa mga katangiang inyong binigay? ang aking mga
magulang at mga
2. Naging madali ba ang pagtukoy sa mga kabigan dahil madalas ko
katangiang inyong binigay? silang nakakasama at sa
kanila ako madalas na
3. Bilang isang kabataan, paano ninyo nagpapasalamat.
mapapaunlad ang mga katangiang ito sa
pagpapasalamat? 2. Opo, dahil kung
inuugali mo ang
pagpapasalamat, madali
mong maiisip ang mga
mabubuting katangiang
ito.

3. Mapapaunalad ko po
ito sa palaging
pagpapasalamat sa mga
bagay na mga
mabubuting bagay na
aking natatanggap at
maging isang taong
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Grade 8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

mapagpasalamat.

Discuss /
Balangkas:
Abstraction a. Kahulugan ng Pasasalamat
b. Mga paraan upang matutunan ang pagiging
mapagpasalamat
c. Mga katangian ng taong mapagpasalamat

Nilalaman:

Ang pagpapasalamat ay isa sa mga kaugalian ng mga


Pilipino. Ito ay itinuturing na pagpapahalaga na
nakaugat na sa ating pagiging Pilipino.

a. Kahulugan ng Pasasalamat
Mayroong dalawang pagpapakahulugan sa
salitang pasasalamat:
-Ito ay isang positibong emosyon o
pakiramdam.
-Ito ay isang tungkulin o obligasyon.

b. Mga Paraan upang Matutuhan ang Pagiging


Mapagpasalamat
1. Mula sa Magulang - natututuhan ng
isang bata ang pagpapasalamat sa
pagmamasid at direktang pagtuturo
mula sa mga magulang.
2. Mula sa Guro - may mga tiyak na
asignatura na nagtuturo ng kabutihang
asal sa loob ng paaralan at ang guro ang
pangunahing taga pag gabay at turo nito.
3. Mula sa Lider ng Relihiyon - isa sa mga
mabubuting turo sa ating relihiyon ang
pagiging mapagpasalamat.

Katanungan: Halimbawang Sagot:


1. Sa mga nabanggit na paraan paano tayo Opo, mayroon po ito po
natutong magpasalamat, may naalala ba ay ang aking magulang,
kayong ganito na karanasan sa inyong buhay? guro, at lider ng relihiyon.

c. Mga Katangian ng Taong Mapagpasalamat


1. May Kababaang-loob - hindi
mapagmalaki bagkus tanggap na siya ay
may kahinaan.
2. Kontento sa Buhay - may pang-unawa
na hindi lahat ng kagustuhan ay
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Grade 8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

makakamtan.
3. Hindi Mapanghusga - nakatuon sa kung
ano ang mabuti, hindi sa kung ano ang
kakulangan ng kapwa.
4. Nagpapalakas ng Loob - maayos ang
nagiging sitwasyon kapag magkakasama
ang mga taong mapagpasalamat.
5. Masayahing Tao - nauunawaan na higit
pa sa materyal na bagay ang dapat
ipagpasalamat.

Katanungan:
1. Alin sa ating mga pinag-usapang katangian
ang sa tingin mo ay taglay mo na at iyong Halimbawang Sagot:
madalas na sinasanay? May kababaang-loob po,
dahil kung ako po ay
marunong
magpasalamat, alam ko
sa sarili ko po na hindi ko
kailangan itong
Bilang isang tao, mahalaga na maunawaan natin ang ipagmalaki ng nakatapak
konsepto at pagpapahalagang pasasalamat. Ito ay ng ibang tao.
isang repleksyon ng ating karanasan mula sa ating
mga magulang, guro, at lider na ating sinusunod. Sa
tulong nila, nabubuo ang ating pagkatao upang
magkaroon ng mga katangiang nakatutulong sa
ating sarili at sa ating kapwa. Bilang isang kabataan,
mahalagang maisabuhay ang mga pagpapahalagang
ito sa paggawa ng mabuti at pagiging mabuti tungo
sa kabutihang panlahat.

Gawain #3: Gratitude Photo


PANUTO: Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang
gratitude photo. Ang gratitude photo ay maglalaman
ng larawan, maaaring tao, bagay, hayop, o lugar, na
ipinagpapasalamat nila para sa araw na ito. Matapos
ilagay ang larawan, sasagutin ang mga tanong na:
1. Paano ako napasaya nito?
Innovate / 2. Ano ang maaari kong gawin upang maipakita
Application ang pasasalamat sa mga ito?
Rubric:
Pagkamalikhain – 15%
Orihinalidad – 15%
Larawang Ginamit - 25%
Sanaysay – 30%
Kaugnayan sa Tema – 15%
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Grade 8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Gawain #4: Quiz


PANUTO: Sa pamamagitan ng Kahoot, ang mga mag-
aaral ay magkaroon ng maikling pagsusulit. Ang mga
mag-aaral ay pipili ng pinaka tamang sagot sa bawat
katanungan.

Tama o Mali (2 items)


1. Ang mga tao ay isinilang na marunong nang Mali
magpasalamat.
2. Obligasyon ng isang tao ang pasasalamat sa Tama
kabutihang ginawa ng kapwa.

Multiple Choice (3 items)


1. Bakit naging tungkulin o obligasyon ang D.
pasasalamat?
a. Sapagkat ito ay nararapat kahit hindi bukal
sa iyong puso.
b. Sapagkat kailangan ito para iwas sa gulo o
away.
Assess /
c. Sapagkat kailangan itong gawin dahil lang
Assessment sinabi ng magulang at guro.
d. Sapagkat ito ay nagpapahayag ng katuwaan
at kasiyahan sa ginawang kabutihan ng
kapwa.
D.
2. Kanino natin pangunahing natututuhan ang
pasasalamat?
a. Guro
b. Lider
c. Sarili
d. Magulang
D.
3. Ano ang ibig sabihin ng entitlement mentality?
a. Ito ay isang karangalan.
b. Paniniwalang lahat ng tao ay mabuti.
c. Serbisyong natatanggap mula sa ibang tao.
d. Paniniwalang lahat ng tinatamasa ay
karapatan.

Inihanda nina:

Harold M. Bumanglag
Practice Teacher (Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao), PNU-ITL
bumanglag.hm@pnu.edu.ph
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Grade 8 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Jonah Micah A. Castillo


Practice Teacher (Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao), PNU-ITL
castillo.jma@pnu.edu.ph

Andrea Liz D. Leal


Field Study Teacher (Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao), PNU-ITL
leal.ald@pnu.edu.ph

You might also like