You are on page 1of 14

ii

Learning Activity Sheet in AP 5


NAME : ________________________________________ GRADE 5-GALILEO
TEACHER: HELEN REMO CAGASAN DATE: MAY 25,2022

Pag-aralan ang Tsart sa ibaba upang makita ang motibo ng pag-aalsa ng mga
Katutubong Pilipino at maging ang mga sektor na nanguna rito.
Pag-aalsa Ni/Nina Dahilan Sektor na Nagsagawa o
Nanguna
Lakandula personal at pampolitika pinuno/mga katutubo
Diego Silang at Gabriela pampolitika at pangkabuhayan mga katutubo/kababaihan
Silang
Francisco Maniago pampolitika at pangkabuhayan mga katutubo
Andres Malong pampolitika at pangkabuhayan mga katutubo
Juan Dela Cruz Palaris pampolitika at pangkabuhayan mga katutubo

Francisco Dagohoy panrelihiyon mga katutubo


Juan Sumuroy pampolitika at pangkabuhayan mga katutubo
Baylon Tamblot panrelihiyon mga katutubo/paro o
babaylan
Sultan Kudarat panrelihiyon at pampolitika sultan/mga katutubo

Pag-usapan Natin

Ang mga pangunahing dahilan ng mga


nangyaring pag-aalsa:
* Personal na dahilan
* Pampolitika
* Pang-ekonomiko o pangkabuhayan
* Pangrelihiyon
* Pang-aabuso

Ito ang mga dahilan kung bakit nag-aalsa ang mga katutubong Pilipino. Hindi
matagumpay ang ilan sa kanilang pag-aalsa dahil wala silang pagkakaisa at kulang sa
kakayahan kung papaano makipaglaban at higit sa lahat wala silang sapat na mga kagamitang
pagdigma.
Pag-aralan ang nasa larawan at alamin kung anu-anong mga rehiyon ang sumanib sa pag-
aalsa.

Gabuat, M. A. et. Al.,”Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa”, Vibal Group, Inc (2016)
Pagyamanin

Gawin A
Isulat ang/ang mga dahilan ng pag-aalsa sa mga sumusunod na pinunong
katutubo

1. B
aylonTamblot=
2.Francisco Dagohoy=
3. Sultan Kudarat=
4. Gabriela Silang=
5. Andres Maniago=
Gawin B
Ano anong mga rehiyon na sumapi sa pag-aalsa ng mga katutubong
Pilipino. Isulat ang mga ito at bumuo ng semantic web.

.
.
.
Mga Rehiyong
Sumanib sa
Pag-aalsa

Isaisip

Ang mga pangunahing dahilan ng mga nangyaring pag-aalsa:


Personal na dahilan
Pampolitika
Pang-ekonomiko o pangkabuhayan
Pangrelihiyon
Pang-aabuso
Mga Rehiyong Nag-alsa: Cebu, Bohol, Cotabato, Zamboanga, Panay,
Batangas, Tagalog Region, Laguna, Cavite, Morong, Manila, Pangasina,
Kalinga, Ilocos, Isabela, Tayabas, Cagayan
Isagawa
Gawain
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang sagot sa loob nga kahon.

Kulang sa pandigma/ArmasMayaman
kagamitang paghahanda at armas sila

Dahil mahina ang mga PilipinoWalang pagkakaisa

magkakaiba ang kanilang paniniwala

dahilan ng pagkatalo sa labanan ng mga Pilipino

1. Ang itinuturing na pangunahing dahilan ng pagkatalo ng mga Pilipino sa mga labanan ang
.

2. Ang mga Pilipino ay kulang sa para harapin ang mga mananakop.

3. Nanatili sa kapangyarihan ang mga pinunong Espanyol dahil .

4. Nagkaroon ng hidwaan sa pagitan sa iba’t ibang pangkat-etniko sa bansa dahil


.

5. Ang di pagkakaunawaan sa pagitan ng Muslim at ng Kristiyano ang .


Dahilan ng Pag-aalsa/Rebelyon
Pampolitika Panrelihiyon Pang-aabuso
Balikan

Panuto: Isulat sa tama ang mga pangalan ng mga namumuno sa pag-aalsa laban
Espanyol sa mga dahilan ng kanilang pag-aalsa

Francisco ManiagoJuan SumurayMagat Salamat Tapar SulaymanLakandulaBancao


TamblotAndres Malong

Alamin

Sa loob ng mahabang panahon na pamamalagi ng mga Kastila sa Pilipinas, maraming


panukala ang kanilang inilunsad. Mayroon para sa paggawa, agrikultura, relihiyon at maging
sa pangangalakal. Maliban sa Pilipinas ay mayroon pa silang ibang mga nasasakupan at
ginamit nila ang mga ito maging sa paglilipat at pagdadala ng mga kalakal na siyang
nagbunsad sa pagkakabuop ng galyon at nang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ng
Acapulco, Mexico.
Sa araling ito, inaasahang matatalakay ang kalakalang galyon at ang epekto nito sa bansa
Ano ang nakikita nyo sa larawan?
Naranasan nyo na bang sumakay ng
barko?

https://www.google.com/search?q=SHIP&tbm
=

Suriin

Ano ano kaya ang nagging epekto ng kalakayang Galyon sa ating Bansa? May
mabuti kaya itong naidulot sa buhay n gating mga ninuno noon? Pagmasdan ang larawan sa
ibaba, may makikita pa ba tayong ganitong barko sa ngayon?

https://www.google.com/search?q=barkong+gallon&safe=active&rlz
=

ANG KALAKALANG GALYON AT ANG EPEKTO NITO SA BANSA


Napakalaki ng naging epekto sa pamumuhay ng ating mga ninuno noon ang kalakalan
sa pagitan ng Pilipinas at ng Mexico na nagtagal mula 1565 hanggang 1815.Ito ang tinatawag
na kalakalang galleon o kalakalang Maynila-Acapulco (Mexico). Nagkaroon ng palitan ng
produkto sa pagitan ng Asya, Mexico at Amerika.
Noong 1576, naging matatag ang kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco,
Mexico. Ang mga produkto mula sa Asya tulad ng rekado, telang seda, bulak mula saIndia, at
mantas na tawag sa telang mula sa Ilocos ay dinadala sa Mexico. Iniluluwasdin sa Mexico ang
mga palamuti sa katawan na yari sa iba’t ibang bato, perlas, pamaypay, suklay, relos, mga
mineral tulad ng tanso at ginto.
Nakarating naman sa Pilipinas ang iba’t ibang uri ng prutas at halaman, tulad ng chico,
avocado, cacao, maguey, bayabas, cactus, mani, pinya, calachuchi, ipil-ipil, at marami pang
uri ng halaman. Sa Mexico din galling ang mga hayop tulad ngtandang, kabayo, at baka. Mga
imahen tulad ng Black Nazarene at Birhen ng Antipolo, gayundin ang pagtatanghal ng moro-
moro at Moriones ay pawing nagmula saMexico.
Tumagal nang may halos 250 na taon ang kalakalang galyon hanggang ipagutos ng
hari na itigil ito noong 1813. Noong una, naging maganda ang takbo ng kalakalang galyon.
Nagdiriwang ang mga taga-Maynila sa aalis o babalik ang galyon.
Ito ang barko na naglalaman ng mga produkto mula sa Maynila. Nagtutungo
saMaynila ang maraming pinunong bayan tulad ng mga alcalde at gobernadorcilloupang
tiyaking maisasama sa galyong ang kanilang mga produkto. Dahil dito,napabayaan nila nag
kanilang mga nasasakupan. Ang mga lupain ay ginamit para sapagtatanim ng mga produktong
kinakailangan para sa pangangalakal na dadalhin nggalyon. Nawalan ng laya ang mga
magsasaka na magpasiya kung anong produkto
ang nais nilang itanim.
Ang Kalakalang Galyon ay naging monopolyong kalakalan na ang nangasiwaay ang
pamahalaan. Ito ay bilang pagsunod sa utos ng hari ng Espanya. Ang kautusang ito’y
isinagawa upang protektahan ang mga mangangalakal na Kastila saCadiz at Seville na humina
ang negosyo nang mga panahong iton. Mula 1583 yaonlamang mga sasakyang-dagat ang
makapagdadala ng mga produkto sa Pilipinaspatungong Mexico at pabalik sa Pilipinas.
Nagtakda pa ang kota na halagang P250,000 ang mga produktong mailuluwas ng mga
mangangalakal sa Acapulco, Mexico. Yaon namang mga produktong maipapasok sa Mexico
ay pinatwan ng taripa. Ang mga produktong maaaring ipadala sa Maynila mula saMexico ay
nagkakahalaga ng P500,000.Sa ganitong patakaran, napayaman nang husto ang mga prayle sa
pangangalakal. Naakit sila nang husto sa nakukuhang pakinabang sa Kalakalang Galyon kung
kaya’t minabuti nilang manatili sa Maynila at iniwan ang kanilang gawain sa lalawigan.
Nakilahok na lamang sila sa Kalakalang Galyon kung kaya’t napabayaan nila ang kani-
kanilang tungkulin.
Nakatulong ang mga prayleng Kastila sa pakikipagkala-kalan nang panahong iyon.
Hindi ito nagbigay ng magandang imahe sa tunay nna tungkulin nila sa pagpapalaganap ng
pananampalataya. Bunga tuloy nito ay nakilahok din ang mga biyuda at ulila ng mga namatay
na opisyales ng pamahalaan. Hindi lamang mga produkto ang paroo’t paritong iniluluwas sa
Maynila at ACAPULCO. Maging ang tulong na pinansyal ng pamahalaang Kastila sa
Pilipinas na tinatawag na situado real o tulong na royal ay dala-dala rin nito. Hindi kasi
makasapat na matustusan ng pamahalaang kolonyal sa Pilipinas ang mga gugulin sa
pagpapatakbo nito. Taun- taon, dalawang daan at limampung pisong tulong ang tinatanggap
ng Pilipinas bilang situado real.
Dala-dala rin ng Galyon ang mga kasulatan, batas, kagamitan at mga pinuno at kawal
na Kastila mula sa Espanya. Ganito nang ganito ang naging kalakaran mula noong 1565
hangggang 1821. Nangailangan ng malaking halaga bilang puhunan ang nais makilahok sa
kalakalang galyon. Dahil dito ay napilitan ang mga mangangalakal na mangutang sa Obras
Pias.
Ang halagang naipon ng Obras Pias na nakalaan na mangutang sana sa kawanggawa ay
naipautang sa mga mangangalakal. Pinatungan ito ng malakinginteres o tubo. Yaong
nangutang sa Obras Pias ay mga kalahok sa kalakalang galyon. Naubos ang pondo ng Obras
Pias dahil di nakabayad ang mga nangutang bunga ngpagkalugi ng mga ito. Pagsapit ng ika-19
na siglo, unti- unting lumiit ang kita mula sa kalakalang galyon. Mahigpit na kasi ang
kompetisyon sa pagitan ng mga bansa na
nagdadala ngmga kalakal sa Mexico. Bukod dito, madalas ang paglubog ng mga galyon sa
karagatan. Ang mga dahilang ito ang nagging sanhi ng pasiya ng hari na itigil na ang
kalakalang galyon.
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Isulat ang mga kalakal na natanggap ng
Pilipinas mula sa Acapulco na dati rati ay wala sa Pilipinas

HALAMAN HAYOP

Gawain B
Isulat kung Tama sa patalng kung sang-ayon ka sa pangungusap sa bawat bilang at
Mali naman kung hindi.

1. Walang magandang naidulot ang kalakalang galyon sa Pilipinas

2. Lalong umunlad ang mga sakahan sa Pilipinas dahil sa galyon

3. Ang Kalakalang Galyon ay sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

4. Dahil sa Galyon ay hindi na nakipagkalakalan sa Tsina at


mga karatig na bansa ang Pilipinas.

5. Higit na napagtuunan ng pansin ng mga namumunong alcalde


at gobernadorcillo ang kanilang mga nasasakupan dahil sa Galyon.
Gawain C
Sa isang maikling talata, ipaliwanag kung bakit sa palagay mo ay nakatulong o hindi
nakatulong ang Kalakalang Galyon sa bansa.
A. Sagutin:
1. Sa iyong palagay, ano ang pinakamagandang epekto
ng kalakalang galyon? Bakit?
2. Alin naman ang pinakamasamang epekto
nito? Bakit? _
B. Sa iyong kwaderno isulat ang natutunan mo sa araling ito.

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education - Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

You might also like