You are on page 1of 3

Noong unang panahon, may isang batang ubod ng pilyo at pakialamero

sa lahat ng bagay. Marami tuloy ang nagagalit, kaya madalas mapalo at


mapagalitan si Kiko ng ama't ina. Gayunpaman, wala ring kadala-dala
ang batang ito na lalong tumigas ang ulo at wala pang galang sa
mattanda. Dahil dito, walang may gustong makipagkaibigan sa kanya.
Palibhasa'y walang kalaro, ang mga hayop na lang ang ginawang
libangan nito. Ang maaamong hayop ay nagiging mailap dahil sa
pananakit ni Kiko. Kalaunan, pati ang tanim ng may tanim ay lihim
nitong sinisira.

Isang araw, habang nagwawalis ng bakuran ang ina ay lumapit si Kiko sa


punso at walang sabi-sabing winasak ito. Galit na galit ang ina sa anak..
Pagkatapos ay abut-abot ang kanyang paghingi ng paumanhin sa mga
duwende.

"Mga nuno, patawarin po ninyo ang aking anak. Hinding-hindi napo siya
uulit. Mag-babait na po siya. Pangako po."

Pinangaralang mabuti ng ina si Kiko na huwag uulitin ang ginawang


paglapastangan nito sa punso dahil masamang magalit ang mga
lamang-lupa.

Subalit kinabukasan, matapos isuga ang kalabaw ay bayawak naman


ang napagtuunan ng pansin ng batang sutil. Sinundan ito ngunit nawala
nang sumuot sa nakausling ugat ng puno. Hawak ang tirador ay
sinaliksik ni Kiko ang buong paligid.

Laking galak nito nang matagpuan ang maraming itlog ng bayawak, at


tuwang-tuwa na tinirador ang mga itlog. Biglang nagulat ang bata nang
lumitaw sa harp niya ang isang duwende.
"HOY! BATANG SALBAHE, BAKIT MO BINASAG ANG MGA ITLOG? HINDI
MO BA ALAM NA MAY BUHAY SALOOB NITO? SA GINAWA MONG IYAN,
KITA'Y PARURUSAHAN. MAGIGING KALAHI KA NG BAYAWAK...!"

"Huwag po, maawa po kayo sa akin. Magpapakabait napo ako, peks


man."

"SINUNGALING! ILANG BESES KA NANG NANGANGAKO TUWING


PINAPALO KA NG TATAY MO. AT KAHAPON LANG, NANGAKO ANG
NANAY MO, PERO NAGBAGO KABA? NGAYON, BILANG PARUSA, IKAW
AY HAHALIK SA LUPA BAGO MAGTAKIP SILIM AT DAHIL IKAW AY TAO
NA NILALANG NG MAYKAPAL KAYA SA TAHANAN KA RIN MANANAHAN.
BUTIKI ANG ITATAWAG SA IYO!" Pagkawika'y dagling naglaho ang
duwende.

Dali-daling kumaripas ng takbo ang nahintakutang bata at nagsisigaw


nang...

"AYOKONG MAGING BUTIKI NANAY, TULUNGAN MO AKO... AYAW


KONG MAGING BUTIKI...!"

Napadungaw ang ina at kitang-kita niya ang pagkasubasob ng anak


bago paman ito nakaakyat ng hagdan. Nagtaka ito sa pagbabagong-
anyo ni Kiko hanggang maging maliit na hayop na animo'y bayawak.
Palibhasa'y "BUTIKI" ang huling katagang narinig sa anak, kaya butiki na
rin ang itinawag niya rito. Bagama't mabait ay mailap ang hayop na ito
dahil sa hiya.

Patuloy pa rin ang paghalik ng butiki sa lupa tuwing dapithapon.


Panahon na lang ang hahatol kung nararapat na ngang ibalik sa dating
anyo si Kiko. Para sa mga duwende, mabuti nang manatili itong butiki sa
habang panahon. (HOY! BATA, GUSTO MO MAGING BUTIKI?)

You might also like