You are on page 1of 6

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KOMISYON NG LALONG MATAAS NA EDUKASYON


SAMAR COLLEGES, INC.
Lungsod ng Catbalogan, Samar
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Tagapagsalita : Laica Cuntapay


Jinky Barredo
Elma Pabua
Ispeyalisasyon : BEEdMC 406
Pamagat ng Kurso : Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 2 (Panitikan ng Pilipinas)
Instruktor: : Keiron Ray H. Gelin, LPT

I. LAYUNIN

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Naipaliliwanag ang katuturan ng Panitikan.


2. Naiisa- isa ang Panitikan ng iba’y-ibang rehiyon sa Pilipinas.
3. Nakapagbibigay ng kahalagahan sap ag- aaral ng Panitikan.

II. KONSEPTO NG PAG-AARAL

Sa asignaturang ito ay ituturo ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo ng panitikan at kung
paano ito bibigyan ng pagtataya. Lalamanin din nito mga panitikang makatutulong sa mga mag-
aaral na magiging guro bilang kanilang lunsaran sa pagtuturo. Magtataglay din ito ng iba pang
mga prinsipyo, teorya at iba pang may malaking kinalaman sa pagtuturo at maging sa
pagtatayang panitikan.

Paksang Aralin:

Para sa ikatatamo ng mga kasanayang pagkatuto sa modyul na ito, ang mga nilalaman ng
mga paksa ay:

KABANATA I:
Ang Panitikang Filipino

Nilalaman:
A. Ang Uri ng Panitikan ayon sa Paghahalin
B. Ang Anyo ng Panitikan at ang mga Genre Nito
C. Mga Impluwensya ng Panitikan
D. Mga Akdang-Pampanitikan na Nagdala ng Malaking Impluwensya sa Buong Daigdig
E. Paraan ng Pagbasa at Pagpapaliwanag
F. Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Filipino
G. Mga Bahagi ng Panitikang Filipino
H. Katangian ng Bawat Panitikan
I. Ang mga Rehiyon sa Pilipinas at mga Anyo ng Panitikan

III. TALAKAYAN

Kabanata 1 ANG PANITIKANG FILIPINO


Alamin natin!
Ang Panitikang Filipino ay katulad din ng panitikan ng alinmang bansa sa daigdig na
sumasaklaw sa pasalita at pagsulat na nagpapahayag ng mga damdamin ukol sa mga gaawi at
kaugaliang panlipunan, paraan ng pamumuhay, kaisipang pampolitika, at sa kapaniwalaang
pangrelihiyon, ang mga kailang adhikain, ang kanilang mga pangarap, mula sa bukang liwayway
ng kanilang kabihasnan hanggang sa kasulukuyan.
May sari-sariling wika ang bawat bansa nanaghahatid ng sari-sariling kaugalian, pananaw
sa buhay, saloobin at pambansang pagkakakilanlan. May sariling panitikan ang mga Pilipino na
kinapapalooban ng kasaysayan ng kanilang lahi at kultura na minana pa nila sa kanilang mga
ninuno na hanggang sa kasalukuyan ay umiiral pa.
Ang Panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdamin at kaisipan
ng mga Filipino na nagsasaad ng kanilang kasaysayan, pamumuhay, pag uugali, paniniwala, at
pananampalataya. Umiikot anf buong Panitikang Filipino sa mga pasalita o pasulat na pahayag
na iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Kasama na rito ang panitikan na buhat sa mga Ivatan,
Negrito, Ilokano, Kapampangan, Mangyan, Bikolano, Bisaya, mga kapatid nating Muslim sa
Mindanao at iba pa.
Ang Panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,
pananampalataya, at mga karanasang kaugnay ng ibat- ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pagkapoot, pag-asa, paghihiganti, at pagkasuklam.
Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at
namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Ngunit nakakasama rin ditto ang mga
panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan
ito ng mga Pilipino, o ng mga may lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa.
Mayama ang Pilipinas sa sari-sariling anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa
kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga Ito- Bayan, Maikling kuwento o maikling katha,
sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabola, butong, alamat, tanaga, salawikain,
kasabihan, bulong, aiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na panradyo, pantelebisyon, at
pampelikula.
Sa basi ng Proklamasyon Blg. 968, s. 2015, ang “BUWAN NG PANITIKAN NG
FILIPINAS” ay pinagdidiriwang tuying buwan ng Abril. Ang Buwan ng Panitikan ng Filipinas
2018 na may temang “pingkain” ay kasabay ng ika-230 anibersaryo ng pagkasilang ni Francisco
Balagtasan, ang “Bayani ng Harayang Filipino”.

Ang Uri ng Panitikan ayon sa Paghahalin


Ayon sa pagkaka-unlad ng panitikan saan mang bansa, ito ay nauuri sa paraan ng
isinasagawang paghahalin o pagpapamanagtutu nito sa bawat pumapalit na henerasyon.
Sa kadalasang pagsasa-awit, pagkukuwento o pagsasatula, ito’y namememorya ng
karamihan. Ang paraang ito ay pasalindila o sa simpleng pananalita ay pabigkas o pasalita.
Natutuhan ng mga ninuno ang Sistema ng pasulat. Sa pamamagitan ng Alibata. Ang
tawag sa alpabeto nila noong araw, ang mga kaalamang dati ay bukambibig lamang ay nakuha
nilang maisulat sa mg dahon o balabak ng halaman o maiukit sa mga bato at kahoy.
Dumating ang panahon na naimbento ang imprenta kaya ang mga naisatitik nang
kaalaman ay nagawang maipalimbag. Sa paraang ito ay lalo napalaganap ang panitikan dahil
naisaaklat na, naitatabi, at napag- iingatang mabuti, tulad sa pagbigkas na habang lumalaon ay
nalilimutan na kaya unti-unting nawawala. Ang paraang ito kung gayon, ay tinatawag na
pasalisulat o simpleng pasulat.
Ang pasulat na tradisyon ng panitikan sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya ay
nagkaroon ng makulay at komplikadong paraan ng pagsalin. Mas masining ang paraan na ito
dahil halos lahat ng uri ng sining, musika, sayaw, arketektura, fotograpiya, pintura atbp., ay
pinagsasama-sama. Kabilang sa paraang ito ang radio, telebisyon, at pelikula. Ang paraan na ito
ay matatawag na psalintroniko o paelektroniko.
May tatlong kaparaanang-uring ito: pabigkas, pasulat, at paelektroniko naipapamanang-
tuto o nalilipat lahi ang panitikang Filipino.

Ang Anyo ng Panitikan at ang mga Genre nito


Ang panitikan naipapahayag sa tatlong kaanyuhan:
1. Patula
2. Patuluyan at
3. Patanghal

Patula ang anyo nitto kapag taludturan at saknungan. Ang bawat taludtod ay maaring may sukat
at tugmaang pantig sa hulian o sadyang Malaya na ang ibig sabihin ay walang sukat o tugma.
Pantuluyan ang anyonito kapag sa karaniwan o anyo sa tuwirang kasanayang pasasalita ng tao
ay ipinapahayag. Madali itong basahain at unawain, di tulad ng patula na kailangan mo pang
pakaintindihan dahil napakatatalinghaga at hindi lagi naririnig ang ginagamit na mga
panananlita.
Patanghal naman ang anyo nito kung ito’y ipinapalabas sa tanghalan o isinasadula.
Pumapailalimm ito sa dalawang naunang anyo – patula at patuluyan – dahil ang mga dayalogo
ay maaring isulat sa alinmang ditto. Pasalitaan o padayalogo kung ito’y ilahad at karaniwang
nahhati sa yugto na maaring iisahin, dadalawin o tatluhing yugto, ang kabuuan. Ang bawat yugto
ay binubuo ng naman ng mga tagpo. Sumakatuwild, ito ay drama o dula.

Mga Akdang-Pampanitikan na Nagdala ng Malaking Impluwensya sa Buong Daigdig

1. Banal na Kasulutan O Bibliya. Ito’y naging batayan ng Kakristiyanuhan. Mula sa


Palestino at Gresya.
2. Koran. Ang pinakabibliya ng mga Muslim. Ito ay nanggaling sa Arabia.
3. Lliad at Odyssey. Ito ang kinatutuhanan ng mga milohiya at paalamatan ng Gresya.
Akda ito ni Homer.
4. Mahabharata. Ito ay ipinapalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
Naglalaman ito ng kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.
5. Canterbury Tales. Naglalarawan ito ng pnanampalataya at pag-uugali ng mga Ingles
noong unang panahon. Galing ito sa Inglatera at isinulat ni Chaucer.
6. Uncle Tom’s Cabin. Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos.
Kababasahan ito ng naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan
ng demokrasya.
7. Divine Comedia. Akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayg ito ng pananampalataya at pag-
uugali ng mga Italyano nang panahong yaon.
8. El Cid Compeador. Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at ng
kanilang kasaysayang Pambansa.
9. Awit ni Rolando. Kinpapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya.
Nagsasalaysay ng gintong panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya.
10. Ang Aklat ng mga Patay. Naglalaman ito ng mga kulto ni Orisis at ng mitolohiya at
teolohiya ng Ehipto.
11. Ang Aklat ng mga Araw. Akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik
sa kanilang pananampalataya.
12. Isang Libo’t Isang Gabi. Mula ito sa Arabia at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling
pampamahalaan, pangkabuhayan, at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.

Paraan ng Pagbasa at Pagpapaliwanag


Mayroong dalawang pamamaraan ng pagbasa at pagpapaliwanag ng mga tekstong
pampanitikan: ang makasaysayan o historical na paraan at ang pormalistikong kaparaan.

Paraang Historikal
Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan na pagbasa at pagpapaliwanag ng mga tekstong
pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang
pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-
unlad ng panitikan sa Pilipinas.

At Kaugnay ng panitikang Filipino, sina Jose Villa Panganiban at Teofilo del Castillo,
ang unang gumamit ng ganitong paraan upang makamit ang interpretasyon ng pangliteraturang
mga teksto.

Ang paraang pormalistiko ay isang pormal at empirikal na pamamaraan ng pagbasa at


pagpapaliwanag – maging pagsulat – ng tekstong pampanitikan na Dumating sa Pilipinas ang
ganitong paraan sa pamamagitan ng Amerikanong sistemang pang-edukasyon.

Sa ganitong paraan, mas detalyado at empirikal (batay sa karanasan, obserbasyon, pagsubok


o eksperimento, ayon sa praktikal na karanasan, sa halip na teoriya) ang pamamaraan ng pagbasa
ng pampanitikang teksto na may layuning tuklasin ang kung ano talaga ang makapampanitikan o
literaryo sa teksto. Nag-iiba-iba ang mga kaparaanan mula sa diin at patutunguhan o direksyon
ng mga gumagamit nito. Kabilang sa pinagtutuunan ng pansin dito ang pagkakaroon ng
pagkakaisa o unidad ng katawan ng teksto, o sa madalaing sabi: nakatuon mismo sa pinakateksto

Bakit dapat pag-aralan ang panitikan?

1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating pinagyaman
ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.

2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal na
tradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating
bansa.

3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na
ito'y matuwid at maayos.
4. Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito'y
malinang at mapaunlad.

5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang


maipamalas ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan.

MGA BAHAGI NG PANITIKANG FILIPINO


1. Katutubong Panitikan
 Mula sa sinaunang panahon hanggang sa pananakop ni Legazpi noong 1565.
2. Panitikan sa Ilalim ng Krus at Espada
 Mula noong 1565 hanggang sa pag-aalsa sa Cavite noong 1872 nang bitayin ang
GOMBURZA

3. Panitikan sa Pagkagising ng Damdaming Makabayan


 Mula noong 1872 hanggang 1896.
4. Panitikan ng Paghihimagsik at Patuloy na Pakikipaglaban
 Mula 1896 hanggang sa pananakop ng mga Amerikano.

5. Panitikan sa Ilalim ng Amerika at sa Malasariling Pamahalaan


 Mula 1910 hanggang 1941.
6. Panitikan ng Mabilis na Pagbabago
 Pananakop ng mga Hapon (1941-1945) at pagkatatag ng Republika (1945) hanggang sa
kasalukuyan (1995).

Katangian ng Bawat Panahon


 Ang panahon ng mga Kastila ay panahon ng panunulad, pagkabaguhan sa kaisipang
kanluranin, ngunit pagkagising sa Doktrina ng pag-ibig pangkristiyano.
 Ang pagkagising naman ng damdamin makabayan at simula ng pagkakaisang Pambansa
ay mga katangian ng panahon ng propaganda at himagsikan.
 Ang panahon naman ng Amerikano ay ang pag-adbentura sa mga bagong anyo at diwa
ng panitikan at pagkapuri ng henyong pampanitikan.

 Ang panahon naman ng kasarinlan ay kaakbay ang maraming suliraning iniwan ng


digmaan at ng pagpupunyaging matagpuan ang sariling pagkakakilanlan at nang nawaglit
na kaluluwa ng lahi.

Mga Rehiyon sa Pilipinas at mga Anyo ng Panitikan


Mga Rehiyon Anyo ng Panitikan
Rehiyon I
Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan Bukanegan (timpalak o laro sa pagtula)
Rehiyon II
Batanes, Cagayan, Isabela Baliwayway (hele)
Nueva Vizcaya, Quirino Dimulat (Kuwentong- bayan) Kabungi
(bugtong)
CAR (Cordillera Administrative Region)
Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga Kabaataken (kuwentong-bayan) lajo
Apayao at Mt. Province (awiting-bayan)
Rehiyon III
Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Kuwentong-bayan, dula, tula, harana
Tarlac-B NEPT
Rehiyon IV
Aurora, Batangas, Cavite Dula, nobela, sanaysay, tula, awiting-bayan
Laguna, Marinduque, Mindoro Occidental at Kuwentong-bayan, hele
Oriental, Palawan, Quezon, Rizal at Romblon
Rehiyon V
Albay, Camarines Norte at Sur, Catanduanes Ibalon (epiko)
Masbate, Sorsogon Maikling kuwento, dula, tula, Tigib (epiko)
Rehiyon VI
Aklan, Antique, Capiz, Guinarao, Iloilo at Labaw, Donggon (epiko), Pagkatakon
Negros Occidental (bugtong), Asory (dula)
Rehiyon VII
Cebuano/Central Visayas, Bohol, Cebu, Ambahan (patula ng Mangyan)
Negros Oriental, Siquijor
Rehiyon VIII
Eastern Visayas, Biliran, Eastern Samar at Ang Lubi/ Ang Niyog (Tulang Waray)
Leyte
Rehiyon IX
Basilan at Zamboanga Yakan (alamat), Guman (epiko), Diole (awit
ng pag-ibig), Buwa (oyayi), Giloy (awit sa
patay)
Rehiyon X
Bukidnon, Camiguin, Misamis Oriental at Limboy (tula), alamat, bugtong
Occidental
Rehiyon XI
ARMM (Basilan, Tawi-tawi, Zamboanga del Darangan (epiko), Totul (kuwento), Kisa
Sur at del Norte, North Cotabato, (kuwentong-bayan), Bayok (awit at tula),
Maguindanao, Sultan Kudarat, Lanao del Didaw sa wata (oyayi), Pananaroon
Norte at del Sur, South Cotabato) (salawikain)
Rehiyon XII
Lanao del Norte Totul (kuwento), Kisa (kuwentong-bayan)
North Cotabato Bayok (awit at tula)
Rehiyon XIII
Agusan del Norte at del Sur Kasabihan, Kuwentong-bayan
Surigao del Norte at del Sur

SANGGUNIAN:
Dr. Remedios A. Sanchez at Dr. Juvy Jane S. Reyes. Panitikang ng Pilipinas, Unlimited Books
Library Services & Publishing Inc., Intramuros Manila, 2019.

You might also like