You are on page 1of 2

YUTUC, PATRICIA ANNE D.

BSAR-4E

ARALIN 4 EKSPRESYONG LOKAL (Slides 32 sa ppt)


Panoorin ang isang bidyo https://youtu.be/kWRvzHBk1MM tungkol sa eksresyong lokal
ARALIN 4 GAWAIN 4 EKSPRESYONG LOKAL
Panuto:
Gawain 1. Sagutin ang mga ilang tanong ukol dito
1. Ano kaya ang mga dahilan kung bakit nagsasalita tayo nito?

Ang mga salitang ekspresyong lokal ay hango sa mga salitang nababanggit dahil sa bugso
ng damdamin. Kadalasang nabubuo ang mga salitang ito dahil sa pagkakamali ng
pagbanggit ng tamang salita, pagbaligtad ng mga pantig ng isang salita, at iba pa. Maaari
din dahil sa galit, saya, yamot, pagkabigla, takot at pagkataranta. Ang mga salitang
ekspresyong lokal ay nagbibigay sigla at kulay sa mga diskusyon at kwento na nababanggit
at sumasalamin sakamalayan at damdamin ng mga Pilipino. Sabi nga niWalter Fisher, “Ang tao ay
isangmakuwentong nilalang at anumang anyo ngkomunikasyon ng mga tao ay dapat tingnan
bilangnaratibo o kuwento (Griffin, 2012).

2. May mga positibo at negatibo ba na epekto ang paggamit ng ekspresyong local sa ating
buhay? Ipaliwanag.

Ang mga salitang ekspresyong lokal ay nagbibigay kulay sa komunikasyon ng Pilipino at


nailalahad ang pagkamalikhain sa pagbuo ng mga salita ang mga Pilipino. Nakakatuwang
pakinggan dahil bago sa pandinig at masasabing ito ang positibong epekto ng mga
ekspresyong lokal sa buhay ng mga Pilipino. Bagaman may positibong epekto ay mayroon
din itong negatibong epekto. Iyon ang paglimot ng mga Pilipino sa mga tamang salita na
dapat ay gamitin sa wasto. Nagiging inpormal kung pakinggan sa ibang sitwasyon,
nababastos ang wikang Filipino sa paraang pagbabago ng mga salitang dapat ay salitang
pilipino lamang.

3. Sa paanong paraan makikilala ang mga lokal na ekspresyong bilang pagkakakilanlan ng


mga Pilipino?

Sa paraang nagiging malikhain ng mga salita ay nakikilala ang mga lokal na ekspresyong
salita at nagsisimbolo ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Nalalaman at nakikilala ito sa
paraang paggamit ng pauli-ulit ng mga salitang ekspresyong lokal ng mga Pilipino. Dahil
sa paraan ng paggamit ng paulit-ulit ay nagagamit ito at kumakalat na siya namang
nakakasanayan ng ibang pilipinong patuloy na gumagamit sa mga salita.
YUTUC, PATRICIA ANNE D.
BSAR-4E

Gawain 2. Gumawa ng tigsasampung (10) ekspresyong local na naririnig sa inyong lugar. Gumawa
ng talahanayan na may tatlong kolum. Sa UNANG KOLUM, isulat ang ekspresyon narinig; sa
PANGALAWA KOLUM, ilagay ang paliwanag sa kahulugan nito; at sa PANGATLO KOLUM, ilarawan
ang isa o higit pang sitwasyon kung saan ito ginagamit.

Ekspresyong lokal Kahulugan Sitwasyong Ginagamit


1 emap hindi maganda Hindi pagsang-ayon sa nasabi
ng kausap
2 lodi idol/idolo Pagbibigay ng pagkamangha
sa sitwasyon o bagay na
nasabi ng kausap
3 petmalu malupet
4 pampam papuri Maaring negatibo o positibo
na kadalasang nababanggit
kapag may nasabing
maganda o panget ang
kausap
5 chaka panget Komento na naibibigay sa
mga hindi magandang bagay
6 jang dirit/jan dirit kahit anong mangyari Pagbibigay ng katiyakan,
tiwala na gagawin o hindi mo
gagawin ang isang bagay
lingid pa sa iyong alam
7 shemay pagkadismaya Pagbibigay komento sa mga
bagay o sitwasyon na hindi
nagtagumpay o
napagtagumpayan
8 breezy mabilis Nababanggit kapag nagawa
ang isang bagay sa
mabilisang paraan
9 tirador kahanga-hanga Nakokomento sa isang tao na
kahanga-hanga ang pisikal na
anyo o “charismatic” sa
wikang ingles
10 erpat Father/tatay/papa Pagtawag ng ibang Pilipino sa
kanilang mga “haligi ng
tahanan” o ama

You might also like