You are on page 1of 41

4

EPP - AGRIKULTURA 4
Unang Markahan – Modyul 1: Week 1
Kasanayan at Kaalaman sa Pagbebenta
ng Halamang Ornamental
EPP – Agrikultura - Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 1: Week 1- Kasanayan at Kaalaman
sa Pagbebenta ng Halamang
Ornamental
Unang Edisyon, 2020
Ang “Modyul” na ito ay ekslusibong ginawa para sa mga mag-
aaral ng Dibisyon ng Lungsod ng Bacolod, lalawigan ng Negros
Occidental upang makatulong sa kanilang pag-aaral ng Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan Agrikultura. Ang mga nilalaman ng
araling ito ay ekslusibong pag mamay-ari ng mga may akda ng
proyektong ito. Kailangan muna ang pahintulot ng Dibisyon ng Lungsod
ng Bacolod kung ito ay ipamahagi, ipagparami o ipakopya.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Division of Bacolod City
Schools Division Superintendent: Gladys Amylaine D. Sales, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Michell L. Acoyong

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sarah V. Custodio and Herminia B. Salazar


Editor: Susan A. Jalwin
Tagasuri: Marilou G. Filoteo
Tagaguhit: Sarah V. Custodio
Tagalapat: Herminia B. Salazar
Tagapamahala: Dr. Janalyn B. Navarro-CLMD Chief
Susan A. Jalwin - EPS in EPP/TLE
Ellen G. De La Cruz- EPS in Charge of LRMS
4

EPP - Agrikultura 4
Unang Markahan – Modyul 1: Week 1
Kasanayan at Kaalaman sa Pagbebenta ng
Halamang Ornamental
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Ikaapat na Baitang, EPP
Agrikultura ng Self-Learning Module (SLM) Modyul para sa araling
Kasanayan at Kaalaman sa Pagbebenta ng Halamang Ornamental !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Ikaapat na Baitang, EPP Agrikultura ng
Self-Learning Module (SLM) Modyul ukol sa Kasanayan at Kalaman sa
Pagbebenta ng Halamang Ornamental!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
Isaisip
kung anong natutuhan mo mula sa aralin
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
iii
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Karagdagang
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

iv
Alamin
Sa araling ito, kailangan ang masusing pagtatala ng mga layunin
gawain, kagamitan, gastos upang maging gabay sa paggawa kung ito’y
masusunod nang wasto, nakatiyak na magiging matagumpay ang
proyekto/gawain kung nasusunod ito.
Ang modyul na ito ay may apat na aralin:
Aralin 1 – Plano sa Pagbebenta ng Halamang Ornamental
Aralin 2 – Mahusay na Pagbebenta ng Halamang Ornamental
Aralin 3 – Paano Aakitin ang Mamimili
Aralin 4 - Talaan ng Puhunan at Ginastos

Matapos mong mapag-aralan ang araling ito, magagawa mo na ang


sumusunod:
 Nakagagawa ng plano sa pagbebenta ng halamang ornamental.
 Naisasagawa ang wastong paraan ng pagsasaayos ng paninda.
 Naisasagawa kung papaano akitin ang mamimili.
 Nakagagawa ng talaan ng puhunan at ginastos.

Subukin

A. Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Lagyan ng T kung


tama ang sinasabi at M naman kung mali.
1. Mainam na isipin sa pagpaplano kung saan, kailan at paano
mabebenta ang mga produkto.
2. Kailangan nasusunod ang mga hakbang sa ginagawang plano.
3. Kailangang magbenta ng magbenta habang may bumili.
4. Dapat isama sa pagplaplano ang kagamitang gagamitin.
5. Kailangan kaakit-akit ang mga paninda mo.
6. Ang nagtitinda ay marunong makisama sa mga mamimili.
7. Ang nagtitinda ay may kaukulang tungkulin tulad ng pagkuha
ng lisensiya o magbayad ng kaukulang buwis.
8. Panatilihing malusog ang pangangatawan at malinis.
9. Salubungin ng maayos ang mga mamimili.

1
10. Maging magalang sa pakikipag-usap sa mga mamimili.

Kamusta ang iyong pagsagot? Ihambing ang iyong mga sagot sa


Susi sa Pagwawasto sa pahina 25.
Kung lahat ng iyong sagot ay tama, magaling! Nagpapakita na
may sapat ka nang kaalaman tungkol sa paksa. Maari mo pa ring
basahin ang modyul upang pagbalik-aralan ang iyong mga nalalaman.
Tiyak na may matutuhan ka pang bagong bagay.
Kung ikaw ay nakakuha ng mababang iskur/puntos, huwag
sumama ang loob. Nangangahulugan lamang na ang modyul na ito ay
para sa iyo. Ito’y makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang
mahahalagang konsepto na gagamitin mo sa iyong pang-araw-araw na
buhay. Kung pag-aralan mo ang modyul nang mabuti, matututuhan mo
ang maraming bagay tungkol sa paksa. Hindi ka pa mababahala sa
pagsagot sa pagsusulat.
O sige simulan mo na ang aralin 1

2
Aralin
Plano sa Pagbebenta ng Halamang
1 Ornamental
Sa bawat gawain, kailangan ang masusing pagplano ng mga ito.
Nararapat na nakatala ang mga layunin, kagamitan at tiyak na mga
hakbang upang maging kabay sa paggawa kung ito’y masusunod nang
wasto. Ito ay upang makatiyak na magiging matagumpay ang proyekto
at gawain.
Pagkatapos ng araling ito, magagawa mo ang sumusunod:
 Nakakagawa ng plano sa pagbebenta ng halamang ornamental.

Balikan

Isulat ang iyong ideya sa espasyo sa ibaba.


1. Sa palagay mo, kailangan ba ng plano sa pagbebenta ng
halamang ornamental? Bakit?

2. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagplano?

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa Pagwawasto sa p. 25.

Tuklasin

Bago magsimula ng araling ito, alamin muna ang mga sumusunod na


kahulugan:

o Plano ay balak, gustong mangyari, gustong maganap.


o Pagbebenta ay isang ideya sa pagmemerkado na batay lamang
sa pagbebenta ng mga kalakal o serbisyo

3
Suriin
Ngayon, tingnan ang bahagi ng payak na plano sa pagbebenta ng
halamang ornamental
I. Mga Layunin:
1. Nasusunod ang mga wastong paraan ng pagbebenta.
2. Naipapakita ang kasiyahan sa nagbebenta.
3. Nakapagbebenta ng halamang ornamental.
4. Nakagagawa ng talaan ng puhunan at ginastos.
II. Pangalan ng Gawain – Pagbebenta ng Halamang ornamental
Mga kagamitan:
Mga halaman
Presyo ng mga halaman
Lalagyan ng mga halaman
Mga iba pang kagamitan
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
1. Pagpili kung saang lugar magbebenta
2. Paghahanda ng mga kagamitan
3. Pagsasaayos ng mga paninda
4. Pagbubukod-bukurin ang mga magkakauri
B. Paghahanda ng mga paninda
1. Paglilinis ng paninda
2. Pagtatala
3. Iba pang gawain ayon sa pangangailangan

Pagyamanin

Gumawa ng isang payak na plano ng proyekto gamit ang


sumusunod na hakbang.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa Pagwawasto sa pp.


25-26.

4
Isaisip

Narito ang dapat isaalang-alang sa pagpaplano sa pagbebenta ng


halamang ornamental:

Ang planong gawain ay isang mabuting gabay sa paggawa upang


makatiyak na magiging matagumpay ang gawain.
Ang layunin ay ang gustong makamit o maisakatuparan.
Ang Pangalan ng gawain ay mahalaga para malaman kung ano
ang pangalan ng gawain/proyekto.
Kagamitan ay ang mga kakailanganin sa paggawa/gawain.

Isagawa

Gumawa ng isang komik strip na nagpapakita ng mahusay na


pagbebenta ng halamang ornamental.

* Magpaturo
sa magulang, matatandang kapatid, sa mga kaibigan o
mga kakaklase

Tayahin
Basahin at piliin ang wastong sagot ng mga sumusunod:
1. Ang gawaing ito ay mabuting gabay sa paggawa upang makatiyak
na magiging matagumpay ang gawain.
A. Tindahan C. Pangalan ng gawain
B. Payak na Plano D. Pagtatala

5
2. Bahagi ito ng payak na plano nagsasaad ng mga hakbang upang
maisakatuparan ang gawain.
A. Layunin C. Mga kagamitan
B. Pamamaraan D. Pangalan ng Gawain
3. Ang bahagi ng payak na plano kung saan makikita ang pangalan
ng proyekto.
A. Paghahanda C. Pangalan ng gawain
B. Mga listahan D. Layunin
4. Ano ang tawag dito nakatala ang mga kailangan sa paggawa ng
proyekto/gawain?
A. Paghahanda C. Pamamaraan
B. Mga Kagamitan D. Lahat na nabanggit

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa Pagwawasto sa pahina 26.

Karagdagang Gawain

Bigyan ng mga sagot ang mga sumusunod:

A. Alamin ang mga taglay na katangian ng isang nagpapatakbo ng


tindahan.

B. Ano–ano ang mga dahilan sa pagbagsak o paglugi na hindi


inaasahan?

* Ang mga sagot maaaring hanapin sa Deped Common o Google

6
Aralin
Mahusay na Pagbebenta ng Halamang
2 Ornamental
May dalawang paraan ng pagbebenta ng mga halamang
ornamental. Ito ay ang pakyawan. Ang halaman ay binibili nang
maramihan. Ang isa naman ay tuwirang pagbibili sa tingiang paraan.
Ang mga halaman ay binibili ng paisa-isa ng namimili. Ang tuwirang
pagbibili ang karaniwang ginagamit ng mga maliliit ng naghahalaman.
Sa pagtitinda o pabebenta ng ano mang produkto ay may mga
alituntunin na dapat sundin maging malakihan o maliitan ang gagawing
pagbebenta. Dapat magbayad ng kaukulang buwis at kumuha ng
lisensiya o pahintulot sa pagtitinda. Kailangan ding panatilihin ang
kalinisan sa lugar na pinagtitindahan.
Matapos mong mapag-aralan ang araling ito, magagawa mo na ang
sumusunod:
 Matalakay ang wastong paraan nang mahusay na pagbebenta
ng halamang ornamental
 Naisasagawa nang mahusay ang pagbebenta ng halamang
pinatubo.

Balikan

Sa mga nag-aalaga ng halamang ornamental na


namumulaklak at di-namumulaklak, may mga palatandaan na titingnan
kung ito ay maari nang ipagbili. Kadalasan, ang mga ito ay matataas,
malalago at magaganda ang mga dahon. Ang tamang pagkuha ng
mga bulaklak ay kung ito ay malapit nang bumuka at bumukadkad.
Tinatanggal ang ibang dahon at tinatali sa isang malilim na lugar. Ang
paglalagay sa mga timba na may tubig na malinis ay nagpapatagal ng
kanilang kasariwaan. Ang mga orchids mula sa Davao ay inilalagay sa
kahon upang mapanatiling sariwa at hindi malagas ang mga bulaklak.
Ang mga halamang ornamental ay hinahanay sa narseri ayon sa
pangangailangan ng sikat ng araw. May mga halamang ornamental na
nangangailngan ng sikat ng araw kaya ito ay inilalagay sa lugar na
nasisiskatan ng araw. Samantalang ang mga halamang hindi
nangangailangan ay inilalagay naman sa medyo malilim na lugar
(partial shade).

7
Tuklasin

Mga talasalitaan na dapat alamin bago magsimula ang araling ito:


o Pagtitinda ay negosyo, kalakalan o pangangalakal,
paglalabas ng pera bilang kapital sa gagawin pangangalakal.
o Pagsasaayos ng paninda ay magsiyasat ng mga paninda.
o Paninda ay kalakal, tinda, kagamitan, istak.
o Maayos na pagtitinda ay sumusunod sa mga wastong
paraan ng pagtitinda.

Suriin

Maayos na pagtitinda
Malaki ang naitutulong ng mabuting tindera sa pag-unlad ng
Isang tindahan. May mga katangiang dapat taglayin ang isang mahusay
na tindera. Narito ang ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng isang
mahusay na nagtitinda.
 Sikaping maging malinis at maayos upang maipakitang maganda
ang mga paninda.
 Maging mapagpasensya sa pakikitungo sa iba’t ibang uri ng
mamimili. Kung maraming hinahanap at tinatanong ang mga
mamimili, dapat na maging matiyaga at mapamaraan ang
pagtitinda sa pagtugon sa kanilang pangangailangan.
 Maging magiliw at masayahin sa pakikipag-usap at paglilingkod sa
mga mamimili sa lahat oras upang sila’y mawili sa pagtangkilik sa
iyong tindahan. Ang magaling na nagtitinda ay marunong bumati
at magpasalamat sa mamimili marami man o kaunti ang kanyang
binili.
 Tiyakin na maayos ang pagkukuwenta at pagsusukli. Kapag
nagbibigay ng resibo, ilagay ang tamang dami at halaga ng
panindang binili.
 Ganyakin ang mga mamimili sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mahalagang impormasyon tungkol sa paninda.

8
Mga Payak na gawaing pangtindahan na dapat gawin upang maging
maayos at matagumpay ang pagtitinda.
1. Linising mabuti ang loob at labas ng tindahan. Walisan ang paligid
nito upang makahikayat ng mas maraming mamimili. Maglaan ng
basurahan kung saan itatapon ang mga kalat.
2. Panatilihing may sapat na liwanag at bentilasyon ang tindahan.
3. Markahan ang mga paninda upang matiyak kaagad ang presyo.
4. Mag-ingat sa pagkukuwenta at pagbibigay ng sukli upang hindi ito
lumabas o magbibigay ng sukli upang hindi ito lumabis o
magkulang.
5. Makitungo nang mahusay, matapat, at pantay-pantay sa lahat ng
mamimili.
6. Sikaping magdulot ng pinakamataas na uri ng paninda sa
pinakamababang halaga.
Wastong Paraan ng Pagtitinda
Ang tagumpay ng isang tingiang tindahan ay nakasalalay sa
maayos at wastong paraan ng pagtitinda. Narito ang ilang paalala sa
pagtitinda na sapat tandaan upang maunlad at kumita ang tindahan.
1. Panatilihing malusog ang pangangatawan at malinis na pananamit
upang magampanan nang maayos ang mga tungkulin sa tindahan.
2. Salubungin nang maayos ang mga mamimili. Ang pagbati tulad ng
“Magandang umaga po. Maaari ko ba kayong matulungan?” ay
nakatutulong upang magkaroon ng mabuting pakikitungo ang
tindera sa mga mamimili.
3. Ganyakin ang mamimili sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mahalagang impormasyon tungkol sa paninda. Kung
kinakailangan, ipaliwanag kung paano ito pangangalagaan.

4. Maging magalang sa pakikipag-usap sa mga mamimili. Kausapin


sila nang nakangiti at may masayang mukha. Laging pasalamatan
ang mga mamimili upang bumalik silang muli.

9
5. Magpamalas ng karapatan sa pagtitinda. Bilanging mabuti ang
bayad ng mamimili upang maiwasan ang maling pagsusukli. Ilagay
sa ayos ang pagpepresyo ng mga paninda upang maiwasan ang
pagkalugi o ang labis na pagpapatubo. Maging matapat sa
pagbibilang, paghahambing at pagsusukat ng mga panindang
ipinagbibili.

Pagyamanin

Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong:


1. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagtitinda ng isang
produkto?

2. Ano-ano ang mga paraan sa pagbebenta?

3. Sa palagay mo, bakit kailangang isaalang-alang ang lahat ng


alituntunin sa pagtitinda?

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 26.

10
Isaisip

Sa araling ito, laging alalahanin ang mga sumusunod:

Malaki ang naitutulong ng mabuting tindera sa pag-unlad ng


isang tindahan.
Sa pagtitinda o pagbebenta ng mga halamang ornamental ay may
mga gabay na dapat sundin.
Dapat magbayad ng kaukulang buwis o kumaha ng lisensya o
pahintulot sa pagtitinda.
Kailangan ding panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa
lugar na pinagtitindahan.

Isagawa

Gamawa ng mahusay na pagbebenta ng halamang ornamental sa


harap ng iyong bahay.
Pumili sa mga halaman na mayroon kayo.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 27.

11
Tayahin

Basahin at unawain. Piliin tamang sagot. Isulat ang titik.


1. Ang gawaing ito ay maituturing na isang sining na nangangailangang
ng sapat na talino at kasanayan.
A. pagtitinda B. bilihin C. paglilinis D. mamimili
2. Ang gawaing pagtitinda ay nangangailangan din ng kaaya-ayang __?
A. talino C. takot at pangamba
B. pag-uugali at kawilihan D. lahat na nabanggit
3. Ang maagang pagsuko dahil sa hindi inaasahang pagkalugi o
pagbagsak ng negosyo.
A. Mahina ang loob C. May sapat na kaso
B. May sapat na kaalaman D. lahat na nabanggit
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi payak na gawaing pangtindahan
na dapat gawin?
A. Linisin ang loob at labas ng tindahan
B. Sariling kapakanan lamang ang iniisip
C. Sapat na liwanag at bentilasyon
D. Markahan ang mga paninda upang matiyak ang presyo

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 27.

12
Karagdagang Gawain

Gawin ang mga sumusunod na panuto:


A. Iguhit sa paglalarawan sa gusto mong pagsasaayos ng
panindang halamang ornamental.

B. Gumawa ng pagmamarka (label) ang paninda at idikit sa loob ng


kahon.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 27.

13
Aralin
Pag-akit sa mga Mamimili ng
3 Halamang Ornamental
Ang tagumpay ng isang tingiang tindahan ay nakasalalay sa
maayos at wastong paraan ng patitinda.
Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, magagawa
mo ang sumusunod:
 Naisasagawa kung papaano kumbinsihin ang mamimili.

Balikan

1. Bakit kailangan akitin ang mamimili?

2. Ano ang kabutihang dulot ng pag-aakit sa mamimili sa ating


pagtitinda ng halamang ornamental?

3. Dapat bang sundin ang paalala sa pagtitinda? Bakit?

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 27

14
Tuklasin

Sa araling ito, alamin muna ang kahulugan ng mga sumusunod:

o Kaaya-aya ay maganda, aliwalas, nakalulugod, nakawiwili,


masaya.
o Pag-uugali ay tumutukoy sa kabuuan ng pagkatao ng isang
tao na binubuo ng emosyon, ang ating pag-iisip
at motibasyon at ano ang ating ikikilos.
 Sa maayos na pagtitinda ng halamang ornamental kailangan
masunod ang mga wastong paraan at mga tamang gawain sa
tindahan para makumbinsi ang mga mamimili ng halamang
ornamental.

Suriin

Mga paalala sa pagtitinda na dapat tandaan upang maakit ang mga


mamimili
1. Panatilihing malusog ang pangangatawan at malinis na pananamit
upang magampanan nang maayos ang mga tungkulin sa tindahan.
2. Salubungin nang maayos ang mga mamimili. Ang pagbati
tulad ng “Magandang umaga po. Maaari ko ba kayong matulungan?”
ay nakatutulong upang magkaroon ng mabuting pakikitungo ang
tindera sa mga mamimili.
3. Ganyakin ang mamimili sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mahalagang impormasyon tungkol sa paninda. Kung
kinakailangan, ipaliwanag kung paano ito pangangalagaan.

4. Maging magalang sa pakikipag-usap sa mga mamimili. Kausapin


sila nang nakangiti at may masayang mukha. Laging pasalamatan
ang mga mamimili upang bumalik silang muli.
5. Magpamalas ng karapatan sa pagtinda. Bilanging mabuti ang
bayad ng mamimili upang maiwasan ang maling pagsusukli. Ilagay sa
ayos ang pagpepresyo ng mga paninda upang maiwasan ang
pagkalugi
o ang labis na pagpapatubo. Maging matapat sa
pagbibilang paghahambing at pagsusukat ng mga panindang
ipingabibili.
15
Maayos na pagtitinda
Malaki ang naitutulong ng mabuting tindera sa pag-unlad ng
Isang tindahan. May mga katangiang dapat taglayin ang isang
mahusay na tindera. Narito ang ilan sa mga katangiang dapat taglayin
ng isang mahusay na nagtitinda.
 Sikaping maging malinis at maayos upang maipakitang maganda
ang mga paninda.
 Maging mapagpasensya sa pakikitungo sa iba’t ibang uri ng
mamimili. Kung maraming hinahanap at tinatanong ang mga
mamimili, dapat na maging matiyaga at mapamaraan ang
pagtitinda sa pagtugon sa kanilang pangangailangan.
 Maging magiliw at masayahin sa pakikipag-usap at paglilingkod
sa mga mamimili sa lahat oras upang sila’y mawili sa pagtangkilik sa
iyong tindahan. Ang magaling na nagtitinda ay marunong bumati
at magpasalamat sa mamimili marami man o kaunti ang kaniyang
binili.
 Tiyakin na maayos ang pagkukuwenta at pagsusukli. Kapag
nagbibigay ng resibo, ilagay ang tamang dami at halaga ng
panindang binili.

Pagyamanin

Ang tagumpay ng isang tindahan/pagbebenta ng halamang


ornamental ay nakasalalay sa maaayos at wastong paraan sa
pag-aakit ng mga mamimili. Ilagay ang mga kahulugan sa mga
sumusunod:
A. Mapagpasensya
B. Pakikitungo
C. Matiyaga
D. Magiliw
1. Bakit kailangan ganyakin ang mamimili?

2. Ano-ano ang mga dapat sundin upang maakit ang mga mamimili?

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 27.

16
Isaisip

Madaling maakit ang mga mamimili ng halamang ornamental


kapag maaayos ang pagkakalantad ng mga paninda.
Ang katangian ng wasto at maaayos na pagmamarka ng mga
panindang halamang ornamental ay malinaw, tama ang presyo at
malinis tingnan.
Salubingin ng maaayos ang mga mamimili
 Ang pagbati tulad ng “Magandang umaga, po.”
 Maaari po ba kayong matulungan? Ay nakatutulong
upang magkaroon ng mabuting pakikitungo sa mga mamimili.
Ganyakin ang mga mamimili sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mahalagang impormasyon tungkol sa panindang halamang
ornamental.
Maging magalang sa pakikipag-usap sa mga mamimili. Kausapin sila
nang nakangiti at may masayang mukha.

Isagawa

Paano mo gawin ang tamang gawain sa pag-akit sa


mga mamimili. Ilarawan.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 27

17
Tayahin

Basahin at unawain. Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik.


1. Ano ang dapat gawin ng tindera upang makatulong sa mga mamimili?
A. Salubungin ng maayos
B. Magkwentuhan sa iba
C. Maghanda ng hindi kailangan ng mamimili
D. Lahat na nabanggit
2. Upang maiwasan ang maling pagsusukli, ano ang gagawin?
A. Bilanging mabuti ang bayad ng mamimili.
B. Pabayaan kung mali ang bayad ng mamimili.
C. Pagbayarin ang mamimili ng sobra.
D. Lahat ng nabanggit
3. Ang mga sumusunod ay mga mabuting gawi para maakit ang mga mamimili
maliban sa isa. Alin dito?
A. Magalang sa pakikipag-isip
B. Ngumiti at masayang mukha
C. Pasalamatan ang mga mamimili
D. Magkwento ng mga maling impormasyon tungkol sa paninda.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 27.

Karagdagang Gawain

Magbenta ng mga halamang ornamental na makikita sa paligid ng


bahay/kung anong mayroon kayo.
Ibenta ito sa loob ng kalahating araw dito mo maipakita ang pag-akit.
Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 27.

18
Aralin
Talaan ng Puhunan at Ginastos
4
Sa araling ito, makatulong at magkaroon ng kasanayan sa pagtala
ng puhunan at ginastos sa pagbebenta ng halamang ornamental. Nakikita
sa dito ang payak na patutuos ng kita sa paghahalaman. Nakaayos
makamit para makamit pamantayan sa pagkakasunod-sunod.
Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, magagawa mo
ang sumusunod:
 Makilala ang mga ideya sa talaan ng puhunan at ginastos
 Maipaliwanag ang kaibahang puhunan sa ginastos
 Maipaliwanag ang konsepto sa pagtala ng puhunan at ginastos
 Mailarawan ang kontribusyon ng pagtala ng puhunan at ginastos
sa pagbebenta ng halamang ornamental.

Balikan

Sagutan ang mga tanong:


1. Nasubukan mo na bang ninyong bumili at magbenta? Bakit kailangan
itala ang puhunan at ginastos? Anu-ano ang kahalagahan ng puhunan
at ginastos?

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 28.

Tuklasin


 Talaan ng Gastusin ay halaga ng pananim/halaga ng pataba,
pamatay kulisap at peste/bayad sa serbisyo o paglilingkod /iba pang
gastusin
 Halaga ng Pinagbilhan ay talaan ng mga panindang halamang
ornamental, uri, at ang presyo ng bawat isa.
 Pagkuwento ng Paninda – upang malaman ang ilalagay na
presyo sa bawat panindang halamang ornamental.
19
 Pagtutuo – pagtala ng halaga ng panagbilhan, ibawas ang
pinaggastusan sa halaga ng pinagbilhan. Ang
natirang halaga ay kinita.

Suriin

Pag-aralan ang pagkukwenta ng Paninda


A. Pesos ……………………. Puhunan
X …………………… 15% idagdag sa puhunan
Presyong pantinda
Halimbawa:
Santan = 4.00 pesos puhunan
x.15
2000
400
.6000 / .60
4.00 pesos
+.60
4.60 pesos presyong pantinda
B. Kuwentahin ang halaga ng paninda na ginagamit ang sumusunod na
pormula
Pesos – Puhunan
X – 15% idagdag sa puhunan
Presyong pantinda = Puhunan + 15%
Puhunan Presyong Pantinda
1. 5.00 pesos
2. 10.50 pesos
3. 15.00 pesos
4. 18.50 pesos
5. 25.00 pesos
Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 28.
C. Pormula sa Pagkuha ng Kabuuang Tubo
Halimbawa:
1,203.40 …………… Halaga ng pinagbilhan
- 1,041.50 …………… Puhunan
161.90 …………… Kabuuang tubo

20
Pormula sa Netong Tubo
Kabuuang tubo – Mga gastos – Netong Tubo
Halimbawa:
161.90 ……………. Kabuuang Tubo
- 5.00 …………… (pasahe pambalot)
156.00 …………… Netong Tubo
D. Gamitin ang mga sumusunod na pormula sa pagkukwenta ng kabuuang
tubo at netong tubo.
Pinagbilhan – Puhunan = Kabuuang tubo
Kabuuang tubo – Mga gastos = Netong tubo

Pinagbihan Puhunan Kabuuang Mga Gastos Netong


Php Php Tubo (Php) (Php) Tubo (Php)
1. 860.00 720.00 ______ 4.00 _____
2. 550.00 415.00 ______ 8.00 _____
3. 995.00 785.00 ______ 5.00 _____
4. 775.00 490.00 ______ 10.00 _____
5. 678.00 512.00 ______ 4.50 _____
Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 29.
Isulat sa talaan ng puhunan at ginastos
E. Talaan ng Gastusin
Halaga ng pananim ....................... 1000.00
Halaga ng pataba at ibapa ........... 500.00
Bayad sa Serbisyo ........................ 500.00
Iba pang gastuin ............................ 200.00
2,200.00
F. Halaga ng Pinagbilhan
5 pasong Rosas ............................. 1,500.00
5 pasong Palmera .......................... 1,400.00
5 pasong Santan ............................ 500.00
5 pasong Snake Plant .................... 500.00
3,900.00
Halaga ng pinagbilhan ................... 3,900.00
Halaga ng gastusin ....................... 2,200.00
Kita o Tubo .................................. 1,700.00

21
Halaga Puhunan Kabuuang
Paninda Dami Puhunan Kabuuang ng Dami ng na halaga ng Dami
ng isa Puhunan Paninda naipagbili Napagbili Naipagbili ng
(bawat
isa)
natira
Santan 10 paso Php 10.25 Php 102.50 Php 11.80 8 82.00 Php94.00 2
Rose 20 paso Php 5.75 Php115.00 Php6.60 15 86.25 Php99.00 5
Palmera 10 paso Php 16.25 Php160.00 Php18.90 10 160.00 Php189.00 0
Fern 10 paso Php 16.50 Php165.00 Php19.00 8 132.00 Php152.00 2
Sampaguita 15 paso Php 38.50 Php581.00 Php44.60 15 581.25 Php669.00 0
Kabuuan Php1,123.75 Php1,04.50 Php1,203.40

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 29.

Pagyamanin

Sa talaan ng puhunan at ginastos, dito malalaman ng isang


nagnenegosyo kung saan siya kumita o nalugi.
A. Ibigay ang mga kahulugan ng sumusunod:
1. Puhunan
2. Ginastos
3. Kita
4. Impok
B. Itala ang halaga ng pinagbilha o (sales), ibawas ang pinagkagas-
tusan sa halaga ng pinagbilhan. Ang natirang halaga ay ang kinita
o kita.

C. Mahalaga ang paggawa ng talaan ng puhunan at ginastos para


makita mo kung ikaw ay nalulugi o kumikita. Magbigay nga
halimbawa:

D. Sa paghahalaman, kailangan marunong magkuwenta o


magtuos. Magbigay ng ilustrasyon:

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 28-29.

22
Isaisip

Mahalaga ang paggawa ng talaan ng puhunan at ginastos para


makita mo kung ikaw ay nalulugi o kumikita.
Sa talaan ng puhunan at ginastos ditto malalaman kung kumita o
nalugi.

Isagawaaw

Mamasyal sa iba’t ibang maghahalaman at magtanong kung


bakit magkakaiba ang presyo ng pare-parehong halaman.

Uri ng Halaman Maghahalamang Naghahalamang


A B
1. Rosas

2. Pamera
3. Snacks Plant

Ihambing ang iyongsagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 29.

Tayahin

1. Alin sa mga sumusunod ng porsyento (%) ang idagdag sa puhunan?


A. 5% B. 15% C. 205 D. 1%
2. Paano makakuha ng kabuuang tubo?
A. Puhunan – 15% C. Pinagbilhan - puhunan
B. Kabuuang Tubo – 20% D. Kabuuang Tubo – 20%
3. Paano ang pagkuha ng kabuuang tubo?
A. Puhunan ÷15%
B. Pinagbilhan-puhunan = kabuuang tubo
C. Kabuuang tubo + 15%
D. Lahat ng nabanggit

23
4. Bakit kailangan itala ang puhunan at ginastos?
A. Para Makita mo kung ikaw ay nalulugi o kumikita
B. Para ipakita sa iba
C. Para may sundin ang iba
D. Lahat na nabanggit

Karagdagang
Gawain

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 29.


Isulat sa talaan ng puhunan at ginastos
Halaga ng Pina Puhunan Mga Gastos Netong Tubo
gbilhan

Ihambing ang iyong mga sagot sa Susi sa pagwawasto sa pahina 29.

24
Susi sa Pagwawasto

Subukin (pahina 1- 2)
A. 1. T
2. T
3. M
4. T
5. T
6. T
7. T
8. T
9. T
10. T
A. Aralin 1
Balikan - (pahina 3)
1. Opo, ito ay isang mabuting gabay sa paggawa upang makatiyak
na magiging matagumpay sa pagbebenta ng halamang ornamental.
2. a. Malinaw ang layunin
b. May titulo o pangalan ang gawain at kompleto ang mga
kagamitan.
c. Maaayos na sundin ang mga pamamaraan sa paghahalaman.
Pagyamanin – (pahina 4)
I. Mga Layunin:
1. Nakapipili ng mga halaman ornamental na medaling buhayin
o patubuin.
2. Naipakita ang kasiyahan sa pagtatanim ng halamang ornamental.
II. Titulo ng Gawain: Pagpili ng halaman medaling buhayin o
patubuin.
Mga Kagamitan:
a. Lalagyan/taniman/flower pots
b. Iba pang kagamitan
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
1. Pumunta sa mga nagbebenta ng mga punla.
2. Maghandang mga kagamitan
3. Pagpili ng mga halaman
4. Pagsaayos ng mga taniman
5. Pag-aalaga ng mga taniman

25
IV. Pamamaraan
A. Paghahanda
1. Pumunta sa mga punlaan at sa bakuran o paligid
2. Maghanda ng mga kagamitan.
3. Magpili ng mga halaman
4. Pagsasaayos ng mga taniman
5. Pag-aalaga ng mga taniman
Isagawa –(pahina 5)
(Basi sa gabay ng magulang, nakakatandang kapatid, kaibigan o
kaklase)
Tayahin – (pahina 5-6)
1. B
2. B
3. C
4. B
Karagdagang Gawain - (pahina 6)
A. 1. Panatilihing malusog ang pangangatawan
2. Salubungin nang maaayos ang mga mamimili.
3. Ganyakin ang mga mamimili sa pagbibigay ng mahalagang
impormasyon tungkol sa paninda.
4. Maging magalang sa pakikipag-usap sa mamimili.
5. Magpamalas ng katapatan sa pagtitinda.
B. 1. Kulang sa kaalaman tungkol sa wastong pagpapatakbo.
2. mahina ang loob
3. iniisip ang sarili kapakanan
4. mainipin.
Aralin 2
Pagyamanin – (pahina 10)
1. a. Panatilihinng malusog ang pangangatawan at malinis na
pananamit.
b. Salubungin ang maaayos ang mga mamimili
c. Ganyakin ang mga mamimili sa pagbibigay ng mahalagang
impormasyon.
d. Maging magalang
e. Magpamalas ng katapatan
2. a. Pakyawan ay binibili ng maramihan
b.Tingiang ay binibili ng paisa-isa.
Isagawa – (pahina 11)
(Gabay ng inyong magulang, mga kapatid o mga kaibigan gagawing
ito. Kunan ng larawan)
26
Tayahin – (pahina 12)
1. A
2. B
3. A
4. B
Karagdagang Gawain – (pahina 13)
(Magpagabay sa inyong pamilya)
Aralin 3
Balikan – (pahina 14)
1. Kailangan hikayatin ang mamimili upang bibili sla ng iyong paninda mo.
2. Maraming bibili ng panindang halamang ornamental, mabilis maubos
at uunlad ang pagtitinda. Masaya ang pakiramdam at gaganahan at
gagalingan mo pa.
3. Sundin ang paalala sa pagtitinda dahil dito nakasalalay ang pag-uunlad
ng iyong buhay.
Pagyamanin – (pahina 16)
1. Paraan ito upang maudyok ang mga mamimili na bibili.
2. * Maayos, kaaya-aya at kaakit-akit tingnan ang mga paninda.
* Malinaw ang pagmamarka
* Matapat sa pagkukwenta ng kanyang binili.
* Malinis, magiliw at mapagpasenya
Isagawa – (pahina 17)
(Magpagabay sa magulang, kapatid, kaklasi atbp.)
Tayahin – (pahina 18)
1. A
2. A
3. D
Karagdagang Gawain – (pahina 18)
(Sa tulong ng magulang, kapatid at kamag-anak gagawin ang
pagsasanay)

Aralin 4
Balikan – (pahina 19)
1. Oo, Mahalaga ang puhunan upang mayroon kang gagamitin sa
pagsisimulang pagnenegosyo. Kailangan itala ang lahat na ginastos
upang malaman kung kumikita o lugi ang pagtitinda.

27
Suriin – (pahina 20)
B. Puhunan Presyong Pantinda
1. 5.00 pesos 3.75
2. 10.50 pesos 12.10
3. 15.00 pesos 17.25
4. 18.50 pesos 21.30
5. 25.00 pesos 28.75
D. – (pahina 21)
Pinagbihan Puhunan Php Kabuuang Mga Gastos Netong
Php Tubo (Php) (Php) Tubo (Php)
1. 860.00 720.00 140.00 4.00 136.00
2. 550.00 415.00 135.00 8.00 127.00
3. 995.00 785.00 210.00 5.00 205.00
4. 775.00 490.00 285.00 10.00 275.00
5. 678.00 512.00 166.00 4.50 161.50
Pagyamanin – (pahina 22)
A. 1. Puhunan – capital o halaga ng pera sa pagsisimula ng negosyo
2. Ginastos – halaga ng mga gastusin
4. Kita – natirang pera nabawas na ang mga ginastos.
5. Impok – perang tinago na galing sa tubo/kita.
B. 2 pasong Rosa - 1,400.00
2 pasong Snake Plant - 800.00
Kabuuan - 2,200.00
Halaga ng Gastusin - 900.00
Kita o Tubo - 1,300.00
C. Halaga ng pinagbilhan - Php 3,575.00
Halaga ng Puhunan - 1, 100.00
Kabuuan Tubo/Kita - 2,475.00
Mga Gastusin - 570.00
Netong tubo/kita - 1,885.00
D. 1 palmera - 40.00 - Puhunan
x .15
6.00
40.00 + 6.00 = 46.00 pesos presyong pantinda

28
Isagawa – (pahina 28)

Uri ng Halaman Maghahalamang Naghahalamang


A B
1. Rosas 350.00 305.00

2. Pamera 475.00 325.00


3. Snake Plant 350.00 225.00

Tayahin – (pahina 24)


1. B
2. C
3. B
4. A

Karagdagang Gawain – (pahina 24)

Halaga ng Pinagbilhan Puhunan Mga Gastos Netong Tubo


a. 4,220.00 1,890.00 878.00 2,330.00
b. 3,765.00 1,180.00 476.00 2,109.00
c. 1,985.00 760.00 320.00 905.00
d. 1,340.00 490.00 220.00 630.00
e. 840.00 120.00 60.00 660.00

29
Mga Sanggunian:
* Doblon, Teresita B.; Macawile, Ma. Shirley A.; Abletes, Ernesto R.; and
Rondina, Judy R. Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan 4, 2015.

* Patnubay ng Guro – Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan 4, 2015.

30
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO-Bacolod City

Rosario-San Juan Sts. Brgy. 14


Bacolod City

Telefax: 704-2585

Email Address: depedbacolod.net*bacolod.city@deped.gov.ph

31
32
11
12

You might also like