You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

PAMANTASAN NG SILANGANING PILIPINAS


Pamantasang Bayan, Hilagang Samar
Web: uep.edu.ph; Email: uepnsofficial@gmail.com

KOLEHIYO NG SINING AT KOMUNIKASYON

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Masining na Pagpapahayag /Retorika
(1st Semester, SY 2020-2021)

Pangalan:______________________________Kurso/seksiyon:____________Petsa:_______________Iskor:__________
I-PAGPIPILI: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang wastong sagot mula sa
pagpipilian. Isulat ang sagot bago ang bilang.
1.Piliin ang higit na tiyak na kahulugan ng pangungusap na Ingles na "sing soft" sa salin
sa Filipino.
A. Umawit ng malambot C. Umawit ng mahina
B. Kumanta ng mahina D. Wala sa nabanggit
2. Ang pahayag na "Labing walong taon na siyang may ispiritung nagbibigay-sakit.
Nagkakandakuba na siya at di makatingala", ay halimbawa ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
3. Ang pangungusap na "May mga taong mas abala pa sa pag-aalaga sa mga hayop
kaysa mga tao, at mas iniisip pa ang batas at ang kaayusan kaysa ang kalagayan ng
mga mahihirap" ay halimbawa ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
4. Ang pahayag na "Nagtuturo si Hesus sa isang sinasagawa sa araw ng pahinga at may
isang babaeng dumating" ay halimbawa ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
5. Ang pahayag na "Nagalit ang pangulo ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa Araw
ng Pahinga kaya sinabi niya sa mga tao; “May anim na araw para magtrabaho kaya sa
mga araw na iyon kayo pumarito para magpagaling hindi sa Araw ng Pahinga",ay
halimbawa ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
6. Ang pahayag na "Hindi ba kinakailangan ng bawat isa sa inyo ang kanyang baka o
asno mula sa sabsaban nito sa Araw ng Pahinga at inilalabas para painumin", ay
halimbawa ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
7. Ang tekstong may tunguhing ipaliwanag ang isang pangyayari, opinyon, kaisipan at
proseso.
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
8. Naglalayong buuin ang imahen o isang biswal na konsepto ng bagay-bagay.
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentative
9. Naglalayong maghayag ng sunud-sunod na pangyayari tungo sa kalutasan ng
suliranin ng tauhan.
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
10. "Naninindigan sa sariling opinyon at hinihikayat na mapaniwala ang katalo sa
kanyang panig",ay halimbawa ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
11. "Nagdaragdag ng kaalaman o kabatiran tungkol sa mga bagay-bagay," ay halimbawa
ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
12. Ang pahayag na "Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang suliraning kasalukuyang
kinakaharap ng ating kapaligiran", ay halimbawa ng :
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
13. Ang pahayag na " Nakatutuwang pagmasdan maliban sa gobyerno, ang pribadong
sekto, ang simbahan, ang kababaihan, ang mga kabataan at mga paaralan ay patuloy
na nakikibaka sa patuloy na pagwasak ng ating kapaligiran at kalikasan", ay halimbawa
ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
14. Ang pahayag na "Siguro, mas mabuti pa nga na huwag na muna tayong magturuan
at magsisihan kung sino nga ba ang dapat sisihin, si Juan ba o si Pedro, at sa halip,
magtulung-tulungan tayo para mapigilan o mabawasan man lamang ang patuloy na
pagkawasak ng ating iisang planeta, ang ating iisang mundo", ay halimbawa ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
15. Ang pahayag na "Sa isyu ng ating mga ilog at lawa, hindi lingid sa atin na ang ating
mga pangunahing ilog at lawa dito sa Metro Manila tulad ng Pasig-Marikina River
System, ang Navotas Malabon-Tenejeros-Tulluhan River System, baybaying dagat ng
Maynila at ang Laguna De Bay ay masasabi nating biologically dead," ay halimbawa ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
16. "Sa isyu ng polusyon sa hangin sa Pilipinas, ang pangunahing nagdudulot ng
polusyon ay nanggagaling sa natural (bulkan, atbp.) o sa kagagawan ng tao (man-made
sources)", ay halimbawa ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
17. "Ang mga man-made sources ay nanggagaling sa mga sasakyan at emisyong
industriyal. Dito sa kalakhang Maynila, ang polusyon sa hangin ay nanggagaling sa
nakahintong sors tulad ng energy generating facilities at pabrika; o ang mobile sources",
ay halimbawa ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
18. "Sa kabila ng mga batas na pinatutupad, pagbibigay-impormasyon ng media, at
pagtulong ng NGOs ay patuloy pa rin ang paglala ng kalagayan ng ating kapaligiran
partikular na dito sa Metro Manila", ay halimbawa ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
19. Ang isa sa kayarian ng argumentasyon na tumutukoy sa panimulang paglalahad
ng paksang pagtatalunan.
A. Konklusyon C. Eskplanasyon
B. Katibayan D. Introduksiyon
20.Ang isa sa kayarian ng argumentasyon na tumutukoy sa pagpapahina sa pahayag
ng katalo o pagsalungat dito.
A. Konklusyon C. Eskplanasyon
B. Katibayan D. Introduksiyon
21.Ang isa sa kayarian ng argumentasyon na tumutukoy sa mga patibay upang maging
malakas ang pinaninindigang panig.
A. Konklusyon C. Eskplanasyon
B. Katibayan D. Introduksiyon
22.Ang isa sa kayarian ng argumentasyon na tumutukoy sa pagbubuod at pagbibigay ng
kongklusyon sa argumentasyong ginawa.
A. Konklusyon C. Eskplanasyon
B. Katibayan D. Introduksiyon
23. Ang isa sa kayarian ng argumentasyon na tumutukoy sa mga patibay upang maging
malakas ang pinaninindigang panig.
A. Konklusyon C. Eskplanasyon
B. Katibayan D. Introduksiyon
24. Ang isa sa kayarian ng naratib na tumutukoy sa kasukdulan (climax) na nagpapakita
na makamit na ang layunin.
A. Coda C. Resolusyon
B. Hakbang D. Layunin at problema
25. Ang isa sa kayarian ng naratib na tumutukoy sa pamamaraan upang malutas ang
problema: ipinakikita ng mga pangyayari kung paano nilulutas ng bida ang problema
upang makamit ang layunin.
A. Coda C. Oryentasyon
B. Hakbang D. Layunin at problema
26.Ang isa sa kayarian ng naratib na nagbubuod o nag-eebalweyt sa kaangkupan ng
kwento. Nagtataglay ito ng moral, impresyon o kakintalan.
A. Coda C. Oryentasyon
B. Hakbang D. Layunin at problema
27.Ang isa sa kayarian ng naratib na tumutukoy sa panahon, lugar at mga tauhan at
papel na ginagampanan.
A. Coda C. Oryentasyon
B. Hakbang D. Layunin at problema
28. Ang isa sa kayarian ng naratib na tumutukoy kapag kumpleto na ang oryentasyon,
kadalasan ang bida o pangunahing tauhan ay binibigyan ng layunin ang buhay na
nahihirapan niyang makamit dahil may mga suliraning sumasagabal.
A. Coda C. Oryentasyon
B. Hakbang D. Layunin at problema
29. "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa", ay halimbawa ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
30. "Sa bawat desisyong ginawa ito ay may karapatang resulta maging tama o mali man
ang mga ito, handa sana tayong humarap sa katototohan", ay halimbawa ng:
A. Deskriptiv C. Informativ
B. Narativ D. Ekspositori o argumentativ
II-TAMA O MALI: Basahin nang mabuti at suriin ang pahayag. Isulat ang salitang ‘’T’’
kung ang kaisipan ay tama at salitang ‘’M’’ kung hindi tama. Isulat sa ang sagot bago
ang bilang.

1. Ayon kay Salipan, ito ay isang sining at agham na nangangailangan ng malawak


na kaalaman sa larangan ng mga kakayahang panlinggwistika at pansemantika.
2. Ayon kay Rubin, ito ay isang pagtatangkang halinhan ang nakasulat na mensahe
o pahayag sa isang wika sa pamamagitan ng parehong mensahi o pahayag sa
target na wika.
3. Ang tagapagsaling-wika ay kailangang may sapat na kaalaman sa dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin.
4. Basta’t may alam sa paksa ay maaari nang magsaling-wika.
5. Hangga’t maaari, ang wikang pagsasalinan ay siyang unang wika ng tagapag-
salin.
6. Kailangang sapat ang kaalaman ng tagapagsalin sa kultura ng dalawang
bansang kaugnay sa pagsasalin.
7. Kahit sino ay maaaring maging tagapagsaling-wika.
8. Ang komiks ay isang akdang patula na kailangan ng mas malalim na pag-unawa.
9. Ang "Florante at Laura" ay halimbawa ng isang awit.
10. Ang komiks at awit ay magkatulad dahil iisa lamang kanilang mga nais
ipahiwatig.
11. Ang "Lastikman" ay isang halimbawa ng komiks.
12. Ang sikat na manunulat sa larangan ng komiks ay si Carlo J. Caparas.
13. Ang "Dekada '70" ay halimbawa ng isang awit.
14. Ang "Dear Jasmin" ay isang dulang panradyo.
15. Ang mga soap opera ay halimaba ng dulang pantelebisyon.

16-25. Tukuyin at suriin ang mga halimbawa na nasa ibaba ay dulang panradyo o dulang
pantelebisyon. Isulat ang "R", kung isinasaad sa pahayag ay dulang panradyo, isulat
naman ang "T" kung isinasaad sa pahayag ay dulang pantelebisyon. Isulat ang sagot
bago ang bilang.

16. Love Radio 20. May Bukas Pa 24. Jack FM


17. Honesto 21. Dear Jasmin 25. Sugar Dolly
18. DYSM 22. 100 Days To Heaven
19. Dear Tiya Delly 23. Mga Mata ni Angelita

III-MATCHING TYPE: Pagtapat-tapatin ang wikang Ingles sa salin nito sa


Filipino at iba pang kaisipan sa pahayag. Titik lamang ng pinakawastong
sagot ang isulat.
HANAY A SAGOT HANAY B

1. Good morning! a. Ikinalulugod kong makita ka!

2. Thank you very much. b. Magandang umaga

3. How are you? c. Hanggang sa muling pagkikita


4. What is your name? d. Maraming salamat

5. What can I do for you? e. Aalis na ako.

6. Till we meet again. f. Kumusta ka na?

7. I am pleased to see you. g. Anong maipaglilingkod ko sa


iyo?

8. I hope you remember me. h. Maganda ka.

9. I’ll be going now. i. Sana ay maalala mo ako.

10. You are beautiful. j. Ano ang pangalan mo?

11. Si Milamowitz ay isang kilalang k. Seryoso


___________ at praktisyuner.

12. Ang pagsasaling-wika ay hindi l. Perpekto


__________ gawain.

13. Kung may sampung tagapagsalin m. Estilo


at bibigyan ng isang piyesa ay
mapatutunayang ang resulta ay
sampu ring iba’t ibang _________ ng n. Biru-biro
salin.

14. Ayon sa kanya, ang o. Pagsasaling wika


_____________ ay tulad ng paglilipat
ng kaluluwa ng isang nilalang sa
katawan ng patay.

15. Nagkakaisa ang mga awtoridad p. Teorista


sa larangang ito na walang
___________ salin.

Inihanda:
MARGIE D. VICARIO CARLA CASIṄAS
Guro sa Filipino Guro sa Filipino

Itinala :
ANATOLIA B. BASISTA, DALL
Tagapangulo, Departamento ng Wika
Pinagtibay:

MARIA ALFE G. BANAWIS, DALL


Dekana, Kolehiyo ng Sining at Komunikasyon

You might also like