You are on page 1of 5

EMILIO AGUINALDO

Siya ang itinanghal na unang pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 23 Enero 1899. Ipinahayag niya
ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na siyang
iwinagayway sa Kawit, Cavite noong Hulyo 12, 1898.
ELPIDIO QUIRINO

Sa kanyang pamumuno, maayos na nakabangon ang bansa mula sa pagkasirang tinamo nito sa World
War II.

Sa tulong ng Estados Unidos at pangunguna ni Quirino, umusbong ang maraming pabrika sa bansa na
nagbigay ng oportunidad sa mga Pilipino na magkaroon ng trabaho.

At dahil lumalago ang industriyalisasyon sa bansa, ipinatayo niya ang mga hydroelectric power plants sa
Maria Cristina Falls at sa Bulacan upang punuan ang lumalaking pangangailangan ng bansa sa kuryente.
SERGIO OSMEÑA

Sa pagkakatalaga niya sa posisyon at muling pagkakatatag ng Commonwealth Government, unang


binigyang-tuon ni Osmeña ang pagbangon ng Pilipinas mula sa sinapit nitong pagkasira dahil sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Muli rin nyang isinaayos ang mga sangay ng gobyerno. Binuo niya ang
kanyang gabinete at binuhay ang kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman.Sa utos ni Osmeña, ang
kauna-unahan panukalang batas na tinutukan ng kongresong ay ang rehabilitasyon ng Philippine
National Bank. Naaayon ang panukala sa layunin ni Pangulong Osmeña na maka-angat muli ang
ekonomiya ng bansa.
MANUEL ROXAS

Sa pamamagitan ng ayuda mula sa United Nations at pag-utang sa Estados Unidos, nasimulan agad ang
mga proyekto para sa muling pagsasaayos ng mga nasirang istraktura tulad ng mga kalsada at paaralan.

Dagdag pa r’yan, tinutukan din ni Roxas ang Sektor ng Agrikultura. Ipinroklama niyang gawing epektibo
sa buong bansa ang Rice Share Tenancy Act of 1933, na sinusugan ng Republic Act 1946 o ang Tenant
Act. Ipinagkaloob din ni Roxas ang amnestiya sa lahat ng mga kinasuhan at sinasabing nakipagsabwatan
sa mga Hapon.
CARLOS GARCIA

Sa kanyang administrasyon, pinaigsi rin ang panahon pagpaparenta ng mga base militar ng Amerikano sa
bansa ng hanggang 25 taon na lamang, mula sa orihinal na 99. Nilabanan din ni Pangulong Garcia ang
komunismo sa bansa noong siya ang pangulo. Sa bisa ng Republic Act No. 1700, ipinagbawal ang pagsapi
sa rebolusyonaryong organisasyon na sumusuporta sa komunismo.

You might also like