You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
CINENSE INTEGRATED SCHOOL
BRGY. CINENSE, TALUGTUG, NUEVA ECIJA 3118

Mala-Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino V


Isinanib sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Grade Level: V Date:______________________


Learning Area: FILIPINO
Quarter: 4TH
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman:

Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan

B. Pamantayan sa Pagganap:

Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa napakinggan

C. Pamantayan sa Pagkatuto:

Nakakagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong


napakinggan F5PN-IVa-d-22
Nakapagbibigay ng maaaring solusyon sa isang naobserbahang suliranin.
F5PS-IVe-9

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Paggawa ng dayagram ng ugnayan sanhi at bunga


Integrasyon: Nakapagbibigay ng maaaring solusyon sa isang naobserbahang
suliranin
Kagamitan: PPT, mga larawan, chart, kartolina

Sanggunian: MELC p.292, CG p.190

Address: Brgy. Cinense, Talugtug, Nueva Ecija 3118


Cellphone No.: 0936 114 6535
Email: cinenseintegratedschool2018@gmail.com
Facebook Page: https://www.facebook.com/CISTalugtugNE
III. PAMAMARAAN
A. Engagement
1. Balik Aral/ Paghahawan ng mga balakid

Tuluyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Piliin sa loob ng kahon ang iyong sagot.
a. Tumutukoy sa panahon kung saan ay maulap at malapit ng umulan
b. Nagpapahiwatig
c. minalas o nasa masamang kalagayan

1. Kitang kita ang mga bituin sa langit na nagbabadya ng mainit na panahon bukas.
2. Makulimlim ang panahon nung kami ay pauwi galing sa paaralan.
3. Si Shiella ay dadalo sa isang salo-salo, sa kasamaang palad biglang umulan nang malakas.

2. Pagganyak

Laro: “SALAWIKAPIC”
Panuto: Hulaan ang akmang salawikain kaugnay sa mga larawan na ipapakita.

B. Explore

Paglalahad at pagbabasa ng teksto:

Mga Pamantayan sa pakikinig


1. Umupo nang maayos at pakinggan ang tekstong babasahin
2. Unawaing Mabuti ang teksto upang makasagot sa talakayan
3. isulat ang mga mahahalagang detalye sa tekstong napakinggan.

Isang araw, si Juan ay sinabihan ng kanyang in ana magdala ng payong sapagkat


nagbabadya ang ulan dahil sa makulimlim na kalangitan. Ngunit hindi na niya inintindi and
bilin ng kanyang ina at dali daling nagtungo palabas.
Habang naglalakad si Juan mga ilang metro na ang layo mula sa kanilang bahay ay
biglang bumuhos ang ang malakas na ulan. Sa kasamaang palad ay wala siyang dalang
payong kaya naman dali dali siyang tumakbo palayo at sumilong. Sa huli matapos ang araw,
umuwi si Juan na nilalagnat.
Sagutin ang mga tanong.

1. Bakit nagbilin ang nanay ni Juan na magdala siya ng payong?


2. ano ang dahilan ng hindi niya pag-intindi ng bilin ng ina?
3. ano ang naging bunga ng hindi niya pagdadala ng payong?
4. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng lagnat ni Juan?

C. Explain

Hindi pinansin ni Juan ang bilin ng kanyang ina sa


siya ay nagmamadali

Bakit hindi pinansin ni Juan ang Ano ang resulta ng pagmamadali


bilin ng kanyang ina? ni Juan?
  >Hindi pinansin ni Juan ang bilin
Alin ang sanhi sa dalawang pangungusap?
ng kanyang ina<
>Dahil sasasiya
“Dahil aynagmamadali”
siya ay nagmamadali<
Bakit? “Dahil ito ay nagsasaad ng dahilan ng pangyayari”
Alin ang bunga?
“Hindi pinansin ni Juan ang bilin ng kanyang ina.”
Bakit? “Dahil ito ang kinalabasan ng pangyayari”

Naulanan si Juan kaya siya ay nilagnat.

Ano ang resulta ng pagkabasa sa Bakit nilagnat si Juan?


ulan ni Juan?
  >Dahil siya ay naulanan<
>Siya ay Nilagnat<
Alin ang sanhi sa dalawang pangungusap?
“Dahil siya ay naulanan”
Bakit? “Dahil ito ay nagsasaad ng dahilan ng pangyayari”
Alin ang bunga?
“Siya ay nilagnat”
Bakit? “Dahil ito ang kinalabasan ng pangyayari”

A. Elaborate
1. Panlinang na Gawain

Pangkatang gawain

Bumuo ng dalawang pangkat.


Pangkat 1
Sanhi ko, Tukuyin mo!

Pangkat 2
Bunga ko, ibigay mo!

2. Paglalapat

Sanhi at Bunga, Ihanay mo!


3. Paglalahat

Tandaan:
Sanhi- ito ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng panyayari. Ito ay nagsasabi ng mga
kadahilanan ng mga pangyayari.
Ang mga hudyat na salita na ginagamit upang matukoy ang sanhi ay ang sapagkat, dahil,
dahil sa, palibhasa, kasi at iba pa.
Bunga- ito ay tumutukoy sa resulta o kinalabasan ng pangyayari. Ito ang epekto ng
kadahilanan ng pangyayari.
Ang hudyat na salita na ginagamit upang matukoy ang bunga ay ang resulta ng, bunga ng,
dulot ng, kaya, kaya naman at iba pa.
Ang Dayagram ay isang simbolikong representatsyon ng mga impormasyon. Ito ay
ginagamit upang mas maipakita sa biswal na pamamaraan ang kaugnayan ng mga
impormasyon.

B. Evaluation

1. Unti - unting nawawala at namamatay ang mga isda at iba pang mga lamang dagat.
Sanhi:___________________________________________________________________
Bunga:___________________________________________________________________
2. Nakatulog ng mahimbing ang guwardiya ng grocery store kaya napasok ito ng
magnanakaw.
Sanhi: __________________________________________________________________
Bunga: __________________________________________________________________
3. Lumawak ang kaalaman ni Faye dahil sa pagbabasa niya ng iba’t ibang aklat.
Sanhi____________________________________________________________________
Bunga___________________________________________________________________
4. Laging napaglipasan ng gutom si Mhel kaya nagkasakit siya.
Sanhi____________________________________________________________________
Bunga___________________________________________________________________
5. Dahil sa sagupaan ng sundalo at rebelde, nagsilikas ang mga tao.
Sanhi____________________________________________________________________
Bunga__________________________________________________________________
_
C. TAKDANG ARALIN

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga maaaring maging bunga ng sanhing
nasa loob ng bilog.

Inihanda ni:
AILENE A. SAMSON
Teacher III

Noted:
ELIZABETH F. CINCO
School Principal IV

You might also like