Professional Documents
Culture Documents
District Achievement Test ESP 6 Q1-Q4-ANCAJAS, JOHNA
District Achievement Test ESP 6 Q1-Q4-ANCAJAS, JOHNA
S.Y. 2021-2022
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
TALAAN NG ISPESIPIKASYON
Kabuuan 5 11 4 20
Inihanda ni :
JOHNA G. ANCAJAS
Teacher I/Class Adviser
Rebokon elementary school
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat sa
patlang bago ang bawat bilang.
_______ 1. Galing ka sa malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga magulang mo
sa pagpapa-aral sa iyo sa kolehiyo at sa pagbibigay ng mga kailangan
ninyong magkakapatid. Ano ang mas nararapat mong gagawin?
A. Titigil sa pag-aaral
B. Babawasan ang kinakain
C. Iiwasang bumili ng mga bagay na mamahalin
D. Hahanap ng puwedeng sideline na trabaho sa libreng oras habang nag-
aaral.
_______ 2. Madalas kang sumali sa mga palaro sa paaralan. May isa kang kamag-aral na
alam mong higit na magaling sa iyo. Nais mong patunayan ang kanyang
kakayahan. Ano ang gagawin mo?
A. Ipakilala siya sa tagapagsanay para mabigyan ng pagkakataon.
B. Sasabihin sa klase na siya ang papalit sa iyo
C. Sasabihin sa tagapagsanay na wala siyang disiplina sa mga pagsasanay
D. Magkunwaring walang nalalaman sa kakayahan ng iyong kamag-aral
______ 6. Inutang ng kaibigan mo ang inilaan mong pera para sa iyong pamasahe pauwi
pagkatapos ng klase. Nangako siyang babayaran ka niya sa recess kapag
naibigay na ng kuya niya ang baon niyang pera. Subalit, naglakad ka na lang
pauwi sa bahay dahil hindi ka niya binayaran. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. Magalit ka at huwag na siyang pautangin muli.
B.Paalalahanan siya sa kahalagahan ng pagbayad ng utang sa takdang
oras na pinag-usapan.
C.Awayin siya at isumbong sa inyong guro.
D.Isuplong sa pulis dahil hindi siya tumupad sa inyong kasunduan.
______ 7. May usapan kayo nang bestfriend mo na ipapasyal ka niya sa Museum sa darating
na Sabado. Isinugod sa hospital ang kanyang nanay sa mismong araw ng inyong
kasunduan. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. Magalit ka sa kanya ngunit hahayaan mo na lang siya.
B. Pupunta ka sa Museum mag-isa.
C. Intindihin na lamang siya at ipagdasal ang kaligtasan ng kanyang
nanay.
D. Iiwasan mon a siya at hindi na ito kikibuin habang buhay.
_____ 8. Mahirap ang itinakdang gawain ng guro sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Mangopya ng gawain ng iba.
B. Humingi ng tulong sa kaklase.
C. Hayaan ang magulang na gumawa nito.
D. Gawin ang itinakdang gawain ayon sa makakaya.
_____ 9. Ayaw ni Carmen ang maabala. Nais niyang mapag-isa sa parke. Ano ang gagawin
mo?
A. Tawagin ang mga kaibigan mo para kausapin siya.
B. Huwag siyang kausapin kahit kalian
C. Hayaan muna siyang mapag-isa at hihintayin kung kailan niya gustong
lalapit sa iyo.
D. Isusumbong ito sa kanyang magulang.
_____ 11. Bakit kailangan nating pahalagahan ang mga magaling at matagumpay na mga
Pilipino sa ating bansa?
A. Papahalagahan natin sila dahil sa sakripisyo na kanilang ginawa upang
magtagumpay
B. Papahalagahan natin sila dahil wala silang nagawa para sa ating bansa.
C. Papahalagahan natin sila dahil sa karangalan na ibinigay para sa ating
bansa.
D. Lahat ng sagot A at C
_____ 12. Ano ang dapat mong gagawin upang ikaw ay magtagumpay sa iyong minimithi sa
buhay?
A. Matulog buong araw
B. Magsikap at magtiyaga
C. Mainggit sa ibang taong nagtagumpay
D. Wala kang pakialam sa mundo.
_____ 13. Bilang mamamayan, bakit kailangan nating sundin ang mga ipinapatupad na
mga batas hinggil sa pangangalaga ng ating kalikasan?
______ 15. Sa iyong palagay, alin sa mga sitwasyon ang HINDI makatutulong sa
pagpapanatili ng kapayapaan ng ating bansa?
A. Magtatag ng Samahan ng Magkakapitbahay at iba pang samahang
tutulong sa pamayanan
B. Makialam ang Pilipinas sa dalawang bansang may matagal nang
hidwaan.
C. Pairalan ang diwa ng kapatiran sa pamayanan.
D. Iwasang makilahok sa mga protesta sa lansangan na naglalayong
labanan ang mga programa ng gobyerno.
______ 20. Namatay ang mga magulang ni Sarah dahil sa bagyong Yolanda. Bilang
panganay sa tatlong magkapatid siya ay hindi nawawalan ng pag-asa na
kakayanin niyang maging magulang sa mga kapatid at naniniwalang
makakabangon at makapagsisimulang muli. Ano ang isinasabuhay ni Sara?
A. Pagiging sanay na sa sakuna
B. Paghihintay ng ayuda mula sa pamahalaan
C. Pagkakaroon ng tiwala sa sariling kakayahan
D. Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay at tiwala sa Diyos.
SUSI SA PAGWAWASTO
1. D
2. B
3. C
4. A
5. D
6. B
7. C
8. D
9. C
10. A
11. D
12. B
13. D
14. A
15. B
16. B
17. D
18. B
19. A
20. D
District Achievement Test
S.Y. 2021-2022
ANSWER SHEET
FILIPINO ENGLISH SCIENCE MATH ARPAN EPP MAPEH ESP
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
TOTAL