You are on page 1of 4

Pangalan: Score:

Baitang, Istran at Seksiyon:


PAKSA: MGA BARAYTI NG WIKA SESSIONS: 1-3

I – learning target
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Natutukoy ang kabuluhan at kabuoan ng mga konspetong pangwika.
2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at karanasan.
3. Nailarawan ang sariling pagpapakahulugan sa gamit ng wika.
4. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga narining o napanood na sitwasyong pangkomunikasyon.
5. Nakabuo ng isang artikulong online na pumapaksa sa natatanging idyolek.

A. Checking for Understanding


Sanaysay
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod.

Sa paanong paraan nagiging Paano niliklikha ang iba’t ibang


heterogenous ang wika? barayti??

I. Productive Collaboration

Individual work.
Panuto: Gamit ang tree diagram punan ito ng mga halimbawang nagmula sa inyong sariling kaalaman, karanasan at
pananaw batay sa paksang ating tinalakay. Tukuyin kung aling baryant ng wika ito nabibilang. Kung ito ba ay Idyolek,
Dayalek, Sosyolek, Etnolek, at Register. Maglaan lamang ng espasyo para sa inyong sagutang bahagi.

II. Analysis Questions


Critical Thinking: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano mo mailalarawan ang iyong idyolek?


2. Paano nagiging mahalaga sa isang pangkat ng mga tao ang kanilang sosyolek?

III. Synthesis(Indicator 1.4)

Panuto: pakinggan o panoorin ang sumusunod na mga programang panradyo o pantelebisyon at saka sagutin ang mga
tanong.

 Angelica spoof’s Kris ib Aquiknow & Aboonduh Tonight https://www.youtube.com/watch?


v=t23O2wrxso0
 Michael V as Ex-President Gloria Macapagal Arroyo
https://www.youtube.com/watch?v=LERL57oKnJE

1. Ano-anong barayti ng wika ang kapansin-pansin sa paraan ng pagsasalita ng host sa programang iyong
napakinggan?
2. Bakit sina Boy Abunda at Kris Aquino ang napiling gayahin o i-spoof sa mga napanood mo?

3. Ano ang masasabi mo sa kanilang idyolek?

IV – INDEPENDENT PRACTICE

Panuto: Ilapat ang natutuhan. Isulat ang mga markadong Idyolek.

Isa kang online entertainment columnist. Naisipan mong sumulat ng artikulo tungkol sa 5 personalidad sa showbiz na
markado ang idyolel. Bigyan ng maikling deskripsiyon ang idyolek ng bawat mapipiling personalidad at ipaliwanag,
kung bakit sa palagay mo lutang ito. Maaaring ayusin ang listahan mula sa di gaanong markado patungong may
pinakamarkadong idyolek.

PAKSA: GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN AT


PAGBABAHAGI

I – LEARNING TARGET
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika
2. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa
telebisyon
3. Natutukoy ang mga tungkulin ng wika
4. Nakapagbibigay ng halimbawa sa bawat paraan ng pagbabahagi ng wika.

A. Checking for Understanding

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin ang gamit o tungkulin ng wika sa
pahayag at bigyang-kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Aaaring higit sa isa ang gamit o
tungkulin ng wika sa pahayag.

1. “Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay na mahusay ang
modelo- ang mga guro.” Ito ang opinion ni Ruth Elynia-Mabanglo noong Agosto 2015, Kongreso ng
Pagpaplanong Pangwika.

2. Nagbigay ng lubos na pagsuporta si dating Pangulong Corazon Aquino sa paggamit ng Filipino sa


pamahalaan sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988. Ito ay “nag-aatas sa lahat
ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya at instrumentality ng pamahalaan na magasagawa ng
mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na ma transaksiyon,
komunikasyon at korespondensiya.”

I. Productive Collaboration
Work by pair.
Panuto: Ang sumusunod ay iba’t ibang pahayag mula sa palabas sa telebisyon at pelikula. Tukuyin
ang gamit ng wika at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.

a. “Wag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mahal mo ako. Because that is what I
deserve.”
--- Mia, Barcelona.

b. “She loved me at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang lahat ‘yun.”
--- Popoy, One more Chance.

II. Analysis Questions

Panuto: Isulat ang tungkulin ng wikang tinutukoy ng pahayag sa ibaba.

1. Kapag lumipat ang isang ta sa bagong lugar na gumagamit ng wikang hindi niya alam, ano ang kailangan
niyang gawin upang matutuhan niya ang wika ng mga naninirahan doon?
2. Paano nagiging susi sa pagbuo ng nagkakaisa at nagkakaunawaang lipunan ang wika?
III. Synthesis

Panuto: Magbigay ka ng sarili mong halimbawa para sa bawat paraan ng pagbabahagi ng wika ayon sa mga
sinabi ni Jakobson. Gawing malikhain subalit makatotohanan dahil sa sadyang nasasambit mo ang mga paraang
ito sa iyong pakikipag-ugnayan o pakikipag-usap.

Emotive Conative Phatic

- May isang taong - Gusto mong hikayatin - Isang bagong lipat na


matagal mo nang lihim ang mga producer at kamag-aral ang nakita
na minamahal subalit director ng pelikulang mong nag-iisa at wala
hindi mo masabi ang Pilipino upang bumuo pang kaibigan.
iyong nararamdaman. ng matitino at Lumapit ka at
Ilahad ang iyong mahuhusay na pelikula magsilmula ng usapan
sasabihin sa kanya kun tulad ng Heneral Luna para mapalagau ang
sakaling magkaroon ka sapagkat sawang-sawa loob niya.
ng lakas ng lob. ka na sa mga paksang
paulit-ulit na
tinatalakay sa
pinilakang tabong.
Paano mo sila
hihikayatin?
Referential Metalingual Poetic

- Lago mong sinasabi sa - Ang buwis - Muling isipin ang


kapatid mong tigilan binabayaran sa taong matagal mo
na niya ang labis na Pilipinas ay nang lihim na
pagkain sa fastfood pinakamataas sa minamahal o kahit
dahil hindi ito buong Asya subalit anong bersiyon ng
nakabubuti sa hndi nararamdaman ng iyong nararamdamn
kalusugan. Ngayon ay karamihan ang ngayon. Lumilkha ka
gumamit ka ng serbisyong ibinabalik ng pagpapahayag ng
sanggunian para sa taumbayan kapalit iyong damdamun sa
Makita niyang hindi ng mataas na buwis na patalinghagang paraan.
mo lang opinion ang ito. Magpahayag ka ng Maikli lamang.
sinasabi mo sa kanya. iyong kuro-kuro
kaugnay ng usaping
ito.

IV. INDEPENDENT PRACTICE

Panuto: Isa kang graphic artist. Kinomisyon ka ng isang kompanyang nagnenegosyong mga tsart. Ang iyong
gagawin ay tsart ng pag-unlad ng wikaa yon kay M.A.K Halliday. Target ng kompanya na pagbentahan ng
kanilang start sa mga paaralan, klinika at iba pang mga institusyong pambata na maaaring maging interesado sa
teorya ni Halliday. Ang disenyo ng iyong tsart ay nakasalalay sa iyo. Gawin malikhain ang presentasyon ng mga
impormasyon at tiyakin na wasto ito.

You might also like