You are on page 1of 5

Mga Katanungan (Agham Pampulitika) Mga Kasagutan (Tekstong Naratibo, Tekstong

Argumentatibo, Idyoma, Retorika, at Tayutay)

1. Sa papaanong paraan makatutulong Ang tekstong naratibo ay masining na ginagamit upang


ang tekstong naratibo sa pagbuo ng makapagpahayag ng detalyadong impormasyon sa payak at
mga akademikong sanaysay bilang maayos na kaparaanan. Sa loob ng isang akademikong
isang estudyante ng Agham sanaysay, ang paggamit ng tekstong naratibo ay makatutulong
Pampulitika? (Tekstong Naratibo) nang lubusan upang ipabatid sa mambabasa ang sunod-sunod na
pangyayari o impormasyon, takbo ng oras, ang mga ideya at
emosyon, bida at kontrabida, at kung paano ito naganap. Ito ay
isang mahusay na paraan upang maibatid ng isang estudyante
ng Agham Pampulitika ang ideya at detalyadong impormasyon
nang maayos, masinop, at organisado. Dagdag pa rito, ang
paggamit ng tekstong naratibo ay nakapagpapalawak at
nagbubukas ng kaisipan ng mga mambabasa lalo na kung ang
sanaysay ay isang opinyon. Higit sa lahat, ang tekstong naratibo
ay isang mahalagang sangkap upang ang detalyadong
impormasyon sa loob ng isang akademikong sanaysay ay
mabigyang kalinawan sa madla, ang teksto ay masalamin at
maintindihan, at upang mabigyan ng pagkakataon ang madla na
makapag pasya ng buong-buo at konkreto hinggil sa binasa.

2. Bakit mahalaga ang mga aral sa Mahalaga ang aral ng tekstong argumentatibo pagdating sa
tekstong argumentatibo pagdating pakikipagtalastasan o anumang debate sa kursong abogasya
sa pakikipagtalastasan at mga sapagkat sa pamamagitan nito, masinsin at masining na
debateng nagaganap sa ilalim ng ipinahahayag ng estudyante ang kanyang mga ideya, kuro-kuro,
kursong abogasya? o impormasyon sa talakayang nagaganap. Sa kursong ito,
nangangailangan na ang bawat estudyante ay nagtataglay ng
(Tekstong Argumentatibo)
abilidad at galing pagdating sa mahusay na pagpapahayag ng
wika - ang paggamit ng mga aral sa tekstong argumentatibo na
isa sa mga mahahalagang sangkap na makakatulong sa mga
estudyante upang ang argumento ay lubusang maintindihan, ang
mga tao ay mahikayat, at ang talastasan ay mapagtagumpayan.
Halimbawa nito ay nais ni Pedro na hikayatin ang mga tao sa
loob ng akademikong diskusyon - na dapat itaas ang sahod ng
mga Pilipinong kabilang sa laylayan ng lipunan, kung kaya’y
pinili niya ang panig ng proposisyon upang ilatag ang kanyang
mga argumento, at matapos nito ay ang pagdepensa mula sa
oposisyon. Dahil sa mapanghikayat na mga argumento,
matitibay na tindig at depensa, at kumpiyansa sa sarili ay
napagtagumpayan niya ang talastasan at nakakuha ng mataas na
marka mula sa kanyang propesor na abogado. Sa halimbawang
ito makikita ang mahalagang papel ng tekstong argumentatibo
bilang sangkap na makapagtitibay sa mga pahayag,
magpapanalo ng mga talastasan, at ang huhubog sa galing at
abilidad ng mga estudyante kapag sila na ay ganap na abogado
- sa mahusay na pagsagot ng mga katanungan, pagtanggol sa
korte ng mga inakusahan, at pagtindig araw-araw sa
katotohanan.

3. Ano ang matimbang na Sa panahon ngayon, hindi sapat na magaling ang isang
impluwensya ng paggamit ng mga indibidwal na mang-akit sa pamamagitan ng mga salita,
idyoma sa kursong Agham sapagkat mahalaga rin na masiguradong mayroong kalidad at
Pampulitika at bakit mas madalas timbang ang mga ipinararating na mensahe at nilalaman na mga
itong matatagpuan dito kaysa salita. Ito ay mapagtatagumpayan sa pamamagitan ng paggamit
anumang kurso? (Idyoma) ng mga idyoma sa kaparaanan na magpapalalim sa kahulugan
ng nilalaman ng mensahe. Sa kursong Agham Pampulitika,
kinakailangan ang matibay na pundasyon, malalim na
kahulugan, at kasabihan upang maging konkreto ang mensahe
sa tenga ng mga tao at upang ang binabasang teksto ay lalong
mapalapit sa mga mambabasa. Mas lamang ang idyoma sa
kursong Agham Pampulitika sapagkat sa kursong ito ay madalas
na puno ng talastasan, akademikong sanaysay, pag-aaral o tesis,
komparatibong pag-aaral, mapanghikayat na pagtindig sa
pulitika, at marami pang iba - kung kaya’t ang paggamit ng mga
idyoma ay isa sa mga hakbang upang ito ay maisakatuparan.
Higit sa lahat, ang matimbang na impluwensya nito ay ang
pagpapalawak at pagsagad ng ating abilidad sa pagbuo ng mga
makabuluhang mensahe.

4. Bakit talamak ang paggamit ng Sa bawat halalan na nagaganap sa bansa, hindi na mawawala sa
retorika ng mga pulitikong sinumang politiko ang mga mapanghikayat na mga pangako,
tumatakbo sa mababa o mataas na matatamis na tagline, at mabubulaklak na mga salita na
posisyon sa bansa? (Retorika) ginagamitan ng retorika upang mapukol ang interes ng mga
Pilipino at sila ay iboto. Sa katunayan, ang dating presidenteng
si Joseph Estrada ay gumamit ng mahusay na retorika, “Erap
para sa mahirap” sa kanyang pangangampanya na talagang
pumatok sa masa at ang isa sa mga pangunahing dahilan kung
bakit siya naluklok sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno.
Dagdag pa rito, sa nagdaang halalan ay mapapansin ang gamit
na gamit na mga retorikang (1) “sa gobyernong tapat, angat
buhay lahat”; (2) “sama-sama tayong babangon muli”; (3) “bilis
kilos”; at marami pang iba. Hindi lamang ang mga kandidato
ang gumagamit ng mga retorika, sapagkat ang mga botante rin
ay nakikilahok sa mga ito upang kanilang malayang
maipahayag ang suporta nila sa kanilang kandidatong
napupusuan. Patunay lamang ito na hindi limitado ang
kagandahan ng retorika sa loob ng mga unibersidad, bagkus sa
pulitika ay ito rin ay kitang-kita.

Ang paggamit ng mga tayutay ay naipamamalas ng mga


5. Saan naipamamalas ng mga
estudyante ng Agham Pampulitika sa larangan ng pagsusulat ng
estudyante ng Agham Pampulitika
mga akademikong papel at pakikipagtalastasan. Ang pagsusulat
ang kanilang kahusayan sa paggamit
ng mga akademikong papel ay nangangailangan ng masining na
ng mga tayutay? (Tayutay)
pamamaraan kung kaya’t ang mga tayutay na pagwawangis,
pagtatambis, klaymaks, at marami pang iba ay madalas na
mahahagilap sa tuwing mababasa ang mga ito. Pagdating naman
sa talastasan, upang ang mga argumento ay maging matibay ay
ginagamitan ito ng mga tayutay tulad na lamang ng hayperbole
na nakadaragdag ng suntok sa pananalita at nilalaman ng
argumento. Hindi sapat ang karisma sa isang talakayan sapagkat
sinasamahan ito ng kagalingan sa paggamit ng tayutay patungo
sa isang malusog na akademikong diskusyon at mainam na
relasyon sa pagitan ng manunulat at mambabasa o tagapagsalita
at tagapakinig. Ang mga ito’y ginagamit upang mas mapalalim
ang konteksto ng mga akademikong papel at mas maging
epektibo ang pakikipagtalastasan sa loob ng kursong Agham
Pampulitika.

Riserts: Batay kay Dr. Andrew Crines Bilang mga estudyante ng kursong Agham Pampulitika at mga
(2017) ng Unibersidad ng Liverpool, susunod na pulitiko, abogado, propesor, o eksperto, ang
mayroong napakalaking papel at paggamit ng retorika pati na rin ng mga kaugnay nitong mga
napakahalaga ng paggamit ng retorika idyoma, tayutay, at marami pang iba ay isang mahalagang
pagdating sa pulitika o anumang kaugnay kasangkapan sa bawat yugto ng kursong tinatahak. Ito ay
nitong larangan sapagkat ito ang nagdidikta mayroong malaking papel na ginagampanan sapagkat sa
ng magiging takbo ng bansa at galaw ng pagsusulat ng mga akademikong papel o pakikipagtalastasan,
mga tao. ang retorika at mga kaakibat nito ay ang bumubuo ng nilalaman
at pamamaraan ng paglalahad patungo sa isang epektibo at
mainam na resulta. Dahil ang pulitika ang sinasaklaw ng
kursong Agham Pampulitika, at dahil ang retorika ay isang
pangangailangan sa larangan ng pulitika, ang mga akademikong
iskolar ng Agham Pampulitika ay tahasang gumagamit ng mga
retorika upang mas lalo ring maintindihan ang estado at
sitwasyon ng bansa. Dagdag pa rito, dahil ang retorika ay isang
mahalagang aspeto ng mga kampanya, talumpati, at paghikayat
sa mga tao na sumunod sa mga polisiya ay ito ay gamit na gamit
ng mga namumuno, kung kaya’t ang impluwensya ng retorika
sa pamamaraan ng paglalahad ng mga namumunong ito ay
pinag-aaralan din. Higit sa lahat, hindi natatapos ang retorika sa
simpleng pangungumbinsi o masining na paglalahad ng ideya,
dahil kaakibat din nito ay ang pagbabago at pag-unlad patungo
sa mapayapa at masaganang kinabukasan ng bawat Pilipino.
.

GE5: Masining na Pagpapahayag

Panapos na Pagsusulit: Agham Pampulitika at Kaakibat na Retorika

Isinumite kay

G. Rafael Julian

Isinumite nina

Alvaran, Mar Anthony, Casupanan, Micah Beatriz, Jalbay, Altaire Joshua,

Reyes, Hans Stephen, Samaniego, Joshua Mhel

POL1A

May 12, 2022

Sanggunian:

Crines, A. (2017, September 18). What is Rhetoric and Why Do We Need It? Department of Politics - University
of Liverpool. https://www.liverpool.ac.uk/politics/blog/2017/politicians-
rhetoric/?msclkid=382560d7d13111ec93ec251c5fc3f5a6

You might also like