You are on page 1of 11

ST.

PAUL COLLEGE OF
TARLAC
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

______________________________________________

PANUKALANG PROYEKTO

ISINUMITE NILA:
Joy Manalac

Melissa Lansangan

Erika Hidalgo

Mark Lagunero

ISINUMITE KAY:
Bb.Precious kyan P. Belecina
KAHULUGAN NG PANUKALANG PROYEKTO
Ang kahulugan ng Panukalang Proyekto ay isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin
ang isang sponsor na ang isang proyekto ay kailangang gawin upang malutas ang isang partikular
na problema sa negosyo o oportunidad. Inilalarawan nito nang malalim, kung paano ang
proyekto magsisimula.

KATANGIAN NG PANUKALANG PROYEKTO


Ang mga panukalang proyekto o policy projects sa Ingles ay ang mga proyekto na may mahaba o
maikling termino ng pagpapatupad. Kadalasang bunga ito ng masusing pananaliksik at
pakikipagtulungan ng mga mambabatas at mga taga-gawa ng mga polisiya sa pamahalaan sa
mga pamayanan.

Ilan sa mga importanteng panukalang proyekto ay ang mga may kinalaman sa kalusugan,
kaligtasan, kalinisan, at edukasyon.

PROSESO NG PANUKALANG PROYEKTO


Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto

(PANIMULA, KATAWAN, at KONKLUSYON)

• Sa unang bahagi, ilalahad ang rasyonal o ang mgasuliranin, layunin, o motibasyon.

• Sa katawan, ilalagay ang detalye ng mga kailangang gawain at ang iminumungkahing badget
para sa mga ito.

• Kongklusyon, ilalahad ang mga benepisyong maaaring idulot ng proyekto.

Espisipikong laman ng Panukalang Proyekto

• PAMAGAT -Tiyaking malinaw ang pamagat. Halimbawa, “ Panukala para saTULAAN 2015
sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika. ”
• PROPONENT NG PROYEKTO -Tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng
proyekto. Isinusulat dito ang address, e-mail, cell phone o telepono, at lagda ng tao o
organinsasyon.

• KATEGORYA NG PROYEKTO -Ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya,palihan,


pananaliksik, patimpalak, konsiyerto o outreach program?

• PETSA -Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto?

• RASYONAL -Ilalahad dito ang mga pangangailangan sapag sasakatuparan ng proyekto at


kung ano ang mga kahalagahan nito.

• DESKRIPSYON NG PROYEKTO - Isusulat dito ang mga panlahat at tiyak na layunin o


kung ano ang nais matamo ng panukalang proyekto.Nakadetalye rito ang mga pinaplanong
paraan upang maisagawa ang proyekto at ang inaasahang haba ng panahon upang makompleto
ito.

• BADYET- Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng


proyekto

. • PAKINABANG -Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maaapektuhan nito sa


ahensiya o indibidwal na tumutulong upang maisagawa ang proyekto. Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto

• Ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng


komunidad o organisasyong pag-uukulan ng project proposal .

• Upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.

• Magiging tiyak, napapanahon, at akma kung matutumbok ang tunay na pangangailangan ng


pag-uukulan nito. Samadaling salita ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na
panukala.

• Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o


organisasyon.Maaaring magsimula sa pagsagot ng mga tanong.

• Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakakalap ka ng mga ideyang
magagamit sa pag-uumpisa ng pagsulat ng panukalang proyekto.(mga suliranin)

• Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan upang malutas ang suliranin
Pagsulat ng katawan ng Panukalang Proyekto

• Layunin Makikita rito ang mga bagay na gustong makamit o angpinaka-adhikain ng panukala.
Kailangang maging tiyakang layunin ng proyekto. Isulat ito batay sa mgainaasahang resulta ng
panukalang proyekto at hindibatay sa kung paano makakamit ang mga resultang ito.

Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008) ang layunin ay kailangang maging SIMPLE

• S PECIFIC- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sapanukalang proyekto

• I MMEDIATE- nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian matatapos

• M EASURABLE- may basehan o patunayan na naisakatutuparan angnasabing proyekto

• P RACTICAL- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin

• L OGICAL- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto

• E VALUABLE- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto

Halimbawa:

• Makapagpagawa ng break water o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng


tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga
ari-arian at hanap buhay sa susunod na mga buwan.

Pagsulat ng katawan ng Panukalang Proyekto

• Plano ng Dapat Gawain

–Pagbuo ng mga tala ng gawain o PLAN OF ACTION na naglalaman ng mga hakbang na


isasagawa upang malutas angsuliranin

.-Ayon dapat ito sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong
kailangan sa pagsasakatuparan ng mga gawain.

-Ito rin dapat ay makatotohanan o realistic. Kinakailangan ikonsidera rin ang badyet sa
pagsasagawa nito

Badyet

• Talaan ng mga gastusin na kakailanganin sapag sasakatuparan ng layunin.

• Mahalagang pag-aralan nang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin.

• Pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay tapat na paglalatag ng


kakailanganing badyet para rito.
Badyet (mula sa modyul ng: Paghahanda ng isangsimpleng proyekto.)

• Gawing simple at malinaw ang badget upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay
ng pamahalaan o institusyon namag-aapruba at magsasagawa nito.

• Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang mga ito.

• Isama sa iyong budyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng pamahalaan,
o maaaring kompanya namagtataguyod ng nasabing proyekto ay kadalasang nagsasagawarin ng
pag-aaral para sa itataguyod nilang proposal.

• Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mgagastusin. Iwasan ang mga
bura o erasure sapagkat ito ay nangangahulugan ng intergridad at karapat-dapat na pagtitiwala
para sa iyo.

Konklusyon (paglalahad ng benepisyo ng proyekto at mgamakikinabang nito)

• Nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kungpaano ito makatutulong sa
kanila.

• Maaaring makinabang nito ay mismong lahat ng mamamayan ngisang pamayanan, mga


empleyado, o kaya naman ay miyembro ng isang samahan.

• Maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng


layunin.

• Isama na rito ang katapusan at konklusyon ng panukala.

• Maaari ring mailahad dito ang mga dahilan kung bakit dapat aprubahan ang ipinasang
panukalang proyekto.

Mga Dapat Gawin Bago ang Pagsulat ng Panukalang Proyekto

• Pag-iinterbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo.

• Pagbabalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto.

• Pagbabalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mgaproyekto.

• Pag-oorganisa ng mga focus group. • Pagtingin sa mga datos estatistika.

• Pagkonsulta sa mga eksperto.

• Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa.

• Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad


KAHALAGAHAN NG PANUKALANG PROYEKTO
Ang kahalagahan nito ay pagkakaroon ng sistematiko at maayos na pag-oorganisa ng isang
kaganapan, plano at/o paggawa na siyang paksa ng proyekto.

Pagsulat ng Panukalang Proyekto

1 • Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o ahensiya sa pag-


aapruba ng panukalang proyekto

2 • Bigyang-diin ang mga pakinabang na maibibigay ng panukalang proyekto. Mahihirapang


tumaggi ang nilalapitang opisina o ahensiya kung nakita nilang Malaki ang maitutulong nito sa
mga indibidwal o grupong target ng proyekto

3 • Tiyaking malinaw, makatotohanan, at makatuwiran ang badyet sa gagawing panukalang


proyekto

4 • Alalahaning nakaaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-apruba o hindi sa panukalang


proyekto. Gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap. Iwasan ang maging maligoy. Hindi
makatutulong kung hihigit sa 10 pahina ang panukalang proyekto.

KARAGDAGANG IMPORMASYON SA PANUKALANG PROYEKTO

Panukalang proyekto/Project proposal-Kadalasan, ginagawa ito kapag kailangan itong


marebyu ng isang indibidwal o grupo sa kanyang aprobal.

Aprubal-Ito ay kailangan para mabigyang hudyat ang opisyal na pagsisimula ng proyekto.

Panukalang proyekto-Ito ay isang detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na


naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema.

Project justification-Sa panukalang proyekto, dito makikita ang detalyadong pagtatalakay sa


dahilan at pangangailangan sa proyekto.

Activities and implementation timeline-Sa panukalang proyekto, dito makikita ang panahon sa
pagsasagawa ng proyekto.

Human, material, and financial resources required-Sa panukalang proyekto, dito makikita
ang mga kakailanganing resorses.
Internal-Ito ay uri ng panukalang proyekto na yaong inihahain sa loob ng kinabibilangang
organisasyon.

Eksternal-Ito ay isang panukala para sa organisasyong di-kinabibilangan ng proponent.


Solicited/invited/imbitado-Ito ay isang panukalang proyektong isinasagawa dahil may pabatid
ang isang organisasyon sa kanilang pangangailangan ng isang proposal.

Unsolicited/prospecting-Ito ay isang uri ng panukalang papel na kung saan wala naman at kusa
o nagbabaka-sakali lamang ang proponent.

Halimbawa ng Panukalang Proyekto


Posted on October 14 by:renzrose

Pamagat ng Proyekto: Kahaandaan sa oras ng Kalamidad

Kategorya ng proyekto: Ang gawain ay isang seminar para sa mga estudyante bilang
paghahanda sa mga darating na kalamidad

Proponent ng Proyekto: Bb. Rose Ann Mangoba at G. Renz Geronimo

Deskripsyon ng Proyekto: Ang Seminar ay tinatawag na “Disaster Preparedness” para sa mga


mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o mga dapat gawin bago at sa panahon ng
Kalamidad. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang mga dapat gawin sa panahon ng
kalamidad. Ipapaliwanag dito ang mga mahahalagang impormasyon upang hindi mailto o
maguluhan ang mga mag-aaral kung paano ang gagawin sa oras ng kalamidad.

Petsa: Ang seminar ay magtatagal ng 2 oras mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng hapon ng
Agosto 17,2018

Rational: Walang nakakaalam kung kailan darating ang isang kalamidad. Sinasabing maari
itong maganap sa hindi inaasahang oras. Kaya’t ang proyektong Kahaandaan sa oras ng
Kalamidad ay napapanahon at hindi mawawala sa uso. Ito ay naglalayong gawing handa ang
mga estudyanteng senior high na mula sa Lagro High School. 100 estudyante ang inaasahang
dadalo sa seminar bilang mga respondente. Maituturing na mapalad ang gagawing proyektong
ito dahil dadalo ang ilang opisyal ng NDRRMC at Red Cross bilang mga speaker.

Gastusin ng Proyekto: Sa proyektong ito tinatayang nasa P4,000 ang kabuuang halaga na
inilalaan sa sumusunod na pagkakagastusan.

Aytem Halaga Kabuuan

Honorarium ng Ispiker P2,000 P2,000


Pagkain ng Ispiker P500 P500

Sertipiko ng Ispiker na may Frame P200 P200

Sertipiko ng mga Kalahok P2 x 100 P200

Tarpaulin P550 x 2 P1,100

KABUUAN: P4,000

Benipisyong Dulot ng Proyekto: Ang makikinabang ay mag-aaral ng Lagro High School Senior
High School. Ang layunin ay maging handa ang bawat mag-aaral sa pagdating ng sakuna o
kalamidad.

Halimbawa ng Panukalang Proyekto

I. Pamagat: Panukalang Proyekto sa pagkakaroon ng maayos na silid-aklatan

II. Proponent ng proyekto: Cristine Joy Cabuga

Petsa Mga gawain Lugar/Lokasyon

Pebrero 25-30, 2018 Pag aaproba ng punong guro LHS

Maghahanap ng donasyon para sa mga


Marso 03-24, 2018 LHS
libro

Paghahanap ng murang bagong libro para


Marso 26-April 05, 2018 sa pagdadagdag sa mga kinakailangang ABC Bookstore Company
libro

Inaasahang araw ng pangongolekta ng mga


Marso 27-April 10, 2018 LHS
libro.

Paglalahad ng tawad para sa mga


Abril 17- May 30, 2018 materyales na gagamitin sa pag papagawa DEF Hardware Company
ng lagayan ng mga libro.

Abril 11-16, 2018 LHS


Inaasahang pagsisismula ng proyekto sa
pag sasaayos ng lagayan mga libro.

Mayo 25-31, 2018 Pagsasaayos ng mga nakolektang libro. LHS


Enero 02, 2018 Pagtatapos ng proyekto LHS
Enero 05, 2018 Pormal na pagbubukas ng silid-aklatan LHS
Maricar Raven Carcosia

III. Kategorya:

Ang proyektong pag sasaayos ng silid aklatan ay pangangalapan ng pondong galing sa


gagawing fund raising upang makakalap ng sapat na pera para sa proyekto ito sa tulong ng mga
guro,magulang at punungguro ng paaralan.

IV. Petsa:

Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang masimulan at matapos
ang pag sasaayos ng lagayan ng libro at pagdadagdag ng mga libro sa silid-aklatan na ilalahad sa
ibaba.

V. Rasyonal:

Ang kahalagahan ng proyektong ito ay makapagbigay ng pakinabang sa pagkakaroon ng maayos


at organisadong silid- aklatan sa Lagro High School.

VI. Deskripsyon ng Proyekto:

Ang proyektong ito ay aabutin ng mahigit limang buwan upang maisakatuparan ang nais
matamong pag babago sa silid-aklatan.

VII. Badget:

Sa Proyektong ito inaasahang badget na igugol sa paaralan ay ilalahad sa ibaba.

Presyong pangkalahatan
Bilang ng Aytem Pagsasalarawan ng Aytem Presyo ng bawat aytem
(php)

Pangangalap ng donasyong
0 0
libro
Pagbili ng mga dagdag na Base sa sinumiteng presyo ng
500 15,000
libro ABC Company

Pagpapagawa ng mga bagong


2,500 15,000
lagayan ng mga aklat

Kabuuang gastusin Php 30,000

VIII. Pakinabang:

Ang mga mag aaral ng LHS ang makikinabang sa proyektong ito upang hindi na mahirapang
mag hanap ang mga mag aaral mula sa ikapitong baitang hanggang ikalabing dalawang baitang
ng sagot sa gagawing proyekto o takdang aralin. At makatulong din ito sa pagkakaroon ng
kredibilidad para sa gagawing pananaliksik ng mga mag aaral sa tulong ng pagkakaroon ng
mataas na antas ng sanggunian na hindi kakailanganin pang pumunta sa ibang silid -aklatan.
PAGSUSULIT SA PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING
LARANGAN
-PANUKALANG PROYEKTO
Panuto: Isulat sa sagutang papel kung anong bahagi ng panukalang proyekto ang inilarawan sa
bawat bilang.

I.1-3ANU-ANO ANG TATLONG BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO?(1point


each)

1.PANIMULA-DITO INILA LAHAD ANG MGA RASYONAL O MGA


SULIRANIN,LAYUNIN, O MOTIBASYON.

2.KATAWAN-DITO INILALAGAY ANG MGA DETALYE NG MGA KAILANGANG


GAWIN AT IMINUMUNGKAHING BUDGET PARA SA MGA ITO.

3.KONKLGUSYON-DITO INILALAHAD ANG MGA BENIPISYONG MAAARING


IDULOT NG PROYEKTO.

II.IBIGAY ANG WALONG MGA ESPISIKONG LAMAN NG PANUKALANG


PROYEKTO.(8POINTS)

1.PAMAGAT

2.PROPONENT NG PROYEKTO

3.KATEGORYA NG PROYEKTO

4.PETSA

5.RASYONAL

6.DESKRIPSYON NG PROYEKTO

7.BADYET

8.PAKINABANG

You might also like