You are on page 1of 6

1/6

Pambungad na Pagmumuni- mapapakinggan mo ba ang iyong pandinig? Ngunit subukin nating


unawain ang ating pag-unawa. Sa pamamagitan ng mga
muni1 talinghaga. Harinawa’y makarating ang mga talinghaga sa buod.

ROQUE J. FERRIOLS, S.J. Pagmumulat

(4) Isang uri ng pagmumulat ang pag-uunawa sa pilosopiya.


(1) Isang umiiral na pag-uunawa ang pilosopiya. Hindi iyan
tumpak na pagpapaliwanag. Lahat ng disiplina sa isang (5) May mga bagay na alam na natin, ngunit hindi natin
pamantasan ay matatawag na umiiral na pag-uunawa. Ano ngayon napapansin ang ating kaalaman. Maaaring bigla na lamang nating
ang kaibhan ng pilosopiya? Mas madaling pairalin kaysa sabihin. mamulatan ito. Hindi ko namulatan kung gaano katalik ang aming
Kaya, pairalin natin. pagkakaibigan ni Juan hanggang hindi kami nagkahiwalay. Nang
namatay si Maria saka ko namulatan na kay lalim pala ng aming
pag-ibig.
Talinghaga
(6) Si Ernesto, taga-baryo. Buong buhay niya, sanay siyang
(2) May mga talinghagang pampaganda lamang sa salita. magsindi ng petromaks, matulog sa sahig, maglakad sa pilapil,
Halimbawa, maaaring sabihin mo sa iyong nililigawan na ang sumakay sa kalabaw. Lahat ng ito pangkaraniwan sa kanya. Isang
kanyang kulot na buhok ay parang alon sa dagat sa liwanag ng araw dinalaw siya ng pinsang si Pedro na taga-Maynila.
buwan. Mayroon namang talinghagang nakararating hanggang sa Nabaguhan si Pedro sa kawalan ng koryente. Hindi siya makatulog
pinakabuod ng isang bagay. Basahin natin itong mga bersong sa sahig, at palagi siyang nahuhulog di lamang sa kalabaw kundi
galing sa Awit ng mga Awit (8: 6-7): pati sa pilapil. Namulatan si Ernesto na ang kanyang buhay na
pang-araw-araw ay maaari palang mag-anyong pambihira sa
Pagkat pag-ibig kasing lakas ng kamatayan, ibang tao, na ang pangkaraniwan sa kanya ay bagong daigdig sa
Malupit ang paninibugho na gaya ng daigdig sa kailaliman. kanyang pinsan. Sumariwa ang pagtingin ni Ernesto sa kanyang
Ang mga liyab niya’y liyab ng apoy, sariling pamumuhay.
Liyab ng Panginoon.
Ang pag-ibig ay di masusupil ng bumubugsong tubig, (7) Ibang uri naman ang pagkamulat ni Pedro. Bago siya
Ni matatangay ng mga ilog na bumabaha. pumunta sa probinsiya, akala niya’y alam na alam na niya ang
pamumuhay doon. Marami na siyang narinig at nabasa. Marami
(3) Kung uulitin mo ang mga salitang ito sa iyong labi lamang, na siyang napanood sa sine. Kung kaalamang-larawan ang pag-
lalabas na bulaklak lamang ng dila. Ngunit isip-isipin mo nang uusapan, hindi siya makukulangan. Ngayon niya namulatan na
kaunti at maaaring maging sanhi ng tunay na pag-unawa. Ngayon ibang-iba pala ang kaalamang-larawan sa kaalamang-karanasan.
pinagsisikapan nating unawain ang ating pag-uunawa. Katawa- Kaya lumawak ang abot-tanaw ng kanyang diwa.
tawang tangka. Matitignan mo ba ang iyong pagtingin,

1Mula sa Nemesio S. Que, S.J. at Agustin Martin G. Rodriguez (patn.), Ferriols, S.J. (Quezon City: Ateneo de Manila University Office of Research and
Pagdiriwang sa Meron: A Festival of Thinking Celebrating Fr. Roque J. Publications, 1997), 239-250.

Ferriols, Roque J. - Pambungad na Pagmumuni Ph 101: Pilosopiya ng Tao I (Guro: Michael Ner E. Mariano)
2/6

Liwanag Paningin, Pagkita, Pagtanaw: Talinghaga ng Pag-uunawa

(8) Marahil sa lahat ng wika ginagamit ang liwanag na (13) Ang katagang “paningin” may kahulugang-hubad at
talinghaga sa pag-unawa. Sinabi sa akin ng isang estudyante mayroon din namang kahulugang-talinghaga. Ang
kahapon na malabo raw ang aking mga pinagsasasabi sa klase. kahulugang-hubad may kinalaman sa nakikita ng mata: ang anyo,
“May kadiliman” o “mahirap makita” o “di matalaban ng liwanag”: kulay, at hugis ng mga bagay. “Nakikita ko iyong malaking punong
iyan yata ang kahulugan ng “malabo.” Ngunit ang ibig sabihin ng kahoy.” Ang kahulugang-talinghaga may kinalaman sa pag-
aking kaibigan ay hindi niya maintindihan ang aking sinasabi. uunawa. “Hindi ko nakita kung bakit kayo tawa nang tawa.” Ang
May talinghaga ng liwanag—at kadiliman—dito. ibig sabihin: “Hindi ko maintindihan kung bakit kayo tawa nang
tawa.”
(9) Kung sinasabi nating maliwanag magsalita ang isang tao,
ibig nating sabihing nauunawaan natin siya. Kung may nakalilito (14) Nagkakaliwanagan tayo kung tinitingnan natin kung ano
sa atin, mag-isip-isip muna tayo nang kaunti at marahil ang ibig sabihin ng ating kausap, kung nakikilala natin ang
maliliwanagan tayo. At kung hindi tayo magkasundo, huwag sana kahulugan ng kanyang mga ibinubunyag sa atin. Sa katapusan ang
tayong mag-away. Subukan nating mag-usapan nang tayo’y talinghaga ng liwanag nagiging talinghaga rin ng pagtingin,
magkaliwanagan. pagkita, pagtanaw.

(10) Kasama na rin ng talinghaga ng liwanag ang talinghaga ng (15) Nang huwag tayong malito, kailangan nating huminto
pagtingin, pagkita, pagtanaw. Hindi ko makita kung bakit siya muna at pagmasdan ang kaibhan ng pagtingin ng mata at
galit. Ang ibig sabihin: hindi ko maunawaan kung bakit siya galit. pagtingin bilang talinghaga sa buong larangan ng pag-uunawa.

Pandama Pagkita ng Mata at Pagkita ng Isip: Nagtatalaban

(11) Gaya ng mga aso, kambing, baboy at ilan pang uring (16) Ang tao, kagaya ng aso at iba pang mga hayop may lima—
hayop, mayroon tayong pandama: paningin, pandinig, pang-amoy, ayon sa mga pantas, higit pa sa limang—pandama. Ang paningin,
panlasa, pandama, atbp., ngunit may malaking kaibhan. pandinig, pang-amoy, panlasa, pandama at iba pa. Hindi gaanong
Nakakakita at nakaririnig ang aso. Tayo rin. Ngunit nakakita ka na madaling makita na iba ang pandama sa tao at, halimbawa, sa aso.
ba ng asong nalulungkot kasi hindi niya alam kung may kahulugan Nalulungkot din ang aso; nakayuko ang ulo, laylay ang buntot.
ang buhay? Tayong mga tao, kung minsan nalulungkot tayo sa Ngunit tao lamang ang malungkot sapagkat nagtataka siya kung
ating pagmumuni-muni at pagkalito tungkol sa kahiwagaan at ano kaya ang kahulugan o kung may kahulugan kaya ang buhay.
kasalimuotan ng buhay. Sa tao umiiral ang pandama at ang pag-unawa. Kaya ating
binibigyan ng isang tanging pangalan ang ating sariling
(12) Sa madali’t sabi: sa tao, ang pandama’y sangkap ng mas pagmamalay: malay-tao.
malawak na daigdig ng pag-uunawa. Umiiral ang ating paningin,
pandinig, atbp. sa larangan ng pag-uunawa, pagtanong, pag-asa, (17) Ang mga katagang “kita” at “tingin” ginagamit tungkol sa
pag-ibig, atbp. paningin ng mata. Ginagamit din naman bilang talinghaga sa
paningin ng isip.

Ferriols, Roque J. - Pambungad na Pagmumuni Ph 101: Pilosopiya ng Tao I (Guro: Michael Ner E. Mariano)
3/6

(18) Halimbawa: ngayon napatawa akong talaga at nakita kong talaga. Katawa-
tawa nga si Dolphy.
1. Hindi siya makakita at mayroon siyang katarata sa mata.
2. Nakakakita na siya ngayon at naoperahan siya.
(26) Si Juan at si Pedro dalawang batang nag-aaral ng
multiplikasyon. Saulado ni Juan ang buong leksiyon. Sabihin
(19) Sa dalawang pangungusap na ito tinutukoy ang pagtingin mong 7 x 9, parang kidlat ang kanyang sagot. Ngunit hindi niya
ng mata. alam ang ibig sabihin ng 7 x 9. Saulado rin ni Pedro ang buong
leksiyon, ngunit kasabay nito alam niya ang ibig sabihin ng 7 x 9:
3. Talagang nakikinig na ako at nag-iisip, ngunit di ko pa kunin mong makapito ang siyam. At masipag niyang binilang na
makita-kita kung ano ang kanyang ibig sabihin. talagang 63 nga ang kinalabasan. Maaaring nagkukunwari si Juan.
Maaari rin naman na ni hindi niya naisipang kailangan niyang
(20) Dito, paningin ng pag-uunawa ang tinutukoy. hanapin at tingnan kung ano ang kaugnayan ng mga numerong
pinag-aaralan niya. Maaaring galing sa kawalang malay ang
4. Sa kanyang kilos at anyo nakikita kong mabuting tao siya.
kabulagan ni Juan.
(21) Nagtatalaban dito ang paningin ng mata at ang paningin
ng pag-uunawa.
Hangganan ng Talinghaga
(22) Kaya nga, kung naririnig mo ang mga katagang “tingin” at
“kita,” patalasin mo ang paningin ng iyong isip nang makita mo
(27) Napakasimple nitong mga halimbawang kabibigay natin.
ang kahulugan ng ganito o ganoong pagbigkas. Sapagkat kailangang magsimula sa mga simpleng bagay upang
makaabot sa isang wastong paraan sa mga malalalim na usapan.
Pati ang eroplano kailangang gumapang muna bago makalipad.
Paningin, Pagkukunwari, Kawalang Malay Ngunit mabuting pansinin sa mula’t mula pa na may mga
hangganan ang bawat talinghaga. Nakatutulong ang isang
(23) Nang mamulatan natin ang ating kakayahang makakita, talinghaga hanggang sa makarating tayo sa ilang malalalim na
pagmuni-munihan muna natin ang ilang halimbawa. sulok na nangangailangan marahil ng ibang talinghaga o ng ibang
uring pananaliksik.
(24) Nanunuod ako ng sine. Nandodoon ang anino ni Dolphy sa
tabing. Mayroon siyang ginawa at sinabi at biglang napatawa ang
(28) Pagmasdan natin ang taong tinatawag nating
buong sinehan. Nagulat ako. Kasi may problemang nakagugulo sa maunawain. Madaling makipagliwanagan sa ganitong tao, hindi
akin. Ito ang aking binabali-baligtad sa aking isip; kaya di ko ba? Hindi na kailangan ang pagkukunwari o ang mahabang
napansin si Dolphy. Di ko nakikita kung bakit tumatawa ang paghahanay ng mga dahilan. Nakikita niya kung anong uring tao
aking mga kasama. Ngunit, nang huwag akong mapahiya, tumawa ako at kasabay nito ginagalang niya ang lihim ng aking kaibuturan.
rin ako. Kunwari nakita ko rin. Nakikita niya na mayroon siyang di nakikita, na mayroon siyang
di kayang makita, na mayroon siyang di dapat makita. Ang
(25) Ngunit ngayon isinasaisangtabi ko ang aking problema at taong maunawain marunong lumapit at umurong kaya’t tunay
talagang pinapanuod ko si Dolphy. Mayroon siya uling sinabi at siyang kapwa tao.

Ferriols, Roque J. - Pambungad na Pagmumuni Ph 101: Pilosopiya ng Tao I (Guro: Michael Ner E. Mariano)
4/6

(29) Sapat na bang ihambing sa pananaw ang pag-uunawa ng (32) Sa palagay ko, ito ang masasabi natin: alam ko na ito ang
taong maunawain? Sa palagay ko kailangan nating pumasok sa teoriya ng ating mga dalubhasa sa agham. Nakikita ko na mayroon
larangan ng damdamin. May isang di makitang bumubuklod ng silang kaalaman. Sabi nila na ito ang kanilang natuklasan.
kanyang damdamin sa damdamin ng kanyang kapwa. Dito Nakikita ko na hindi ito isang teoriyang inimbentong basta-basta
nagtatalaban din ang damdamin bilang damdamin ng katawan lamang. At kaya nakikita kong karapat-dapat paniwalaan na batay
(halimbawa, naiinitan, nagiginaw) at ang damdamin bilang sa datang naipon nila hanggang sa kasalukuyan ito ang
pakikiramay ng tao sa kapwa. Sapagkat ang damdamin ng pinakamagaling na teoriyang naisipan ng mga nakaaalam tungkol
diwa di maiuuwi sa damdamin ng katawan, at di naman sa bagay na ito.
mahihiwalay. Kung pagsisikapan lamang natin, kaya natin
makiisang damdamin sa katawan, puso, kalooban at diwa ng ating (33) Malawak ang bahagi ng ating kaalaman na nababatay sa
kapwa. paniniwala sa ating kapwa. Ang tungkol sa ating kalusugan;
kung malubha ang sakit mo, magpapagamot ka sa doktor. Ang
tungkol sa mga pangyayaring di natin nasaksihan. At iba pa. Di
Ano ba ang Talagang Nakikita Mo? natin nakikita ang mga bagay na ito sa personal na paningin ng
ating pag-uunawa, ngunit kaya nating suriin: kapani-paniwala ba
(30) Kailangan nating mamulatan na may paningin ang ating itong taong ito? Itong peryodikong ito? At iba pa.
isip nang lumiwanag sa atin kung ano ang ating talagang nakikita
at kung ano naman ang akala nating nakikita natin. May mga (34) (Hindi natin pinag-uusapan ang paniniwala sa Maykapal.
bagay na akala nating nakikita natin ngunit sa katotohanan May kaugnayan ito sa paniniwala sa tao, ngunit ibang-iba pa rin.
tinanggap lamang natin sa madla. Sa pag-uulit-ulit ng karamihan Walang hanggan ang Maykapal. Biyayang dulot din Niya ang
o ng ating barkada pumapasok sa ating isip hanggang sa inuulit- paniniwala sa Kanya.)
ulit na rin natin at pinapalaganap. Kung minsan may
pagkukunwari rito: ibig nating mag-anyong may alam tungkol sa
mga bagay na higit sa abot ng ating isip. Madalas galing ito sa Nagtutulungan Tayo
kawalang malay. Ni hindi natin maiisipang pagmasdan sa ating
sarili: ano bagá ang talagang nakikita ko? (35) Di maiwasan na magtulungan tayo sa larangan ng pag-
uunawa. Nagsasabog tayo ng liwanag at dilim. Mabuting unawain
(31) Halimbawa, iniinog ba ng araw ang lupa o iniinog ng lupa ang pag-uunawa nang matuto tayong mangilatis sa liwanag at
ang araw? Sasabihin mo: iniinog ng lupa ang araw. Nakikita mo ba dilim at nang mapagsikapan nating magsabog ng liwanag sa abot
ito? Maliwanag na di ito nakikita sa paningin ng mata. Ngunit ng ating kaya.
ibig kong tanungin: nakikita ba natin ito sa paningin ng ating
isip? Nakikita ba natin ang kahulugan ng daan-daang taóng (36) Marami ang tulong na maidudulot natin sa isa’t isa sa
pagmamasid, pagsukat, pagmumuni-muni ng kung sino-sinong larangan ng pag-uunawa. Dito pag-uusapan lamang natin ang
pantas na sa katapusan inipon, iniugnay, at namunga ng ganitong dalawa.
teoriya? Nakikita ba natin ang kahulugan ng mga matematika at
pagmamasid na pinagmulan nitong teoriyang ito? O ugali ba
(37) Una: Tinutulungan mo akong tumingin at dahil dito
lamang nating ulit-ulitin ang alinmang kuro-kuro habang inuulit- nakikita ko na rin. Kung paningin ng mata ang usapan,
ulit ng ating barkada? maipapakita mo sa akin, halimbawa, na may tao sa bubungan
doon. Hindi ko makita-kita. Sasabihin mo naman: tingnan mo

Ferriols, Roque J. - Pambungad na Pagmumuni Ph 101: Pilosopiya ng Tao I (Guro: Michael Ner E. Mariano)
5/6

iyong bubungang pula, sundan mo ang aking daliri, sa kalapit bagay, hindi ko na gaanong mapapansin ang kanyang kapaligiran.
doon may bubungang berde, sa likod nito, isang bubungang May pinagmamasdan, mayroon din namang hindi na tinititigan.
walang pintura, patalasin mo ang iyong paningin at makikita
mong may taong nakatindig doon. Sa tulong mo nakita ko na rin (41) Ganoon din ang paningin ng ating pag-uunawa. Ibig nating
ang tao sa paningin ng aking sariling mata. Totoo rin ito sa malaman ang lahat ng bagay, ngunit wala tayong malalaman kung
paningin ng pag-uunawa. May mga bagay na kung ituro at nagkakalat lamang ang ating isip. Kailangan nating titigan ang
ipaliwanag sa atin, nakikita na rin natin sa sariling paningin ng isang bagay o tao o gawain o bahagi ng isang bagay nang
ating isip. Sa mga madadaling bagay maaari itong mangyari maunawaan natin itong bagay o tao o gawain o bahagi ng bagay na
kaagad. Sa mahihirap, unti-unti. ito. Matuto tayong magmahinahon, isa-isahin natin ang ating
kaalaman at sa katapusan marahil tutubuan tayo ng tunay na pag-
(38) Pangalawa: Mayroon kang alam na higit sa abot ng aking uunawa.
sariling pag-uunawa. Maaangkin ko itong karunungang ito kung
maniniwala ako sa iyo. Ngunit kailangan ko ring tingnan at (42) Sinasabi kong marahil at palaging may alanganin sa
tanungin: karapat-dapat ka bang paniwalaan? Madalas ang sagot paghahagilap ng pag-uunawa. Hindi maiwasan na titigan natin
sa ganitong uring tanong hindi isang “oo” o “hindi.” Magkahalo ang isang bagay. Ngunit baka malimutan natin na kung alam na
iyong dalawa. Kung minsan mabigat ang “oo”; kung minsan natin ang isang bagay, maraming ibang bagay na di natin alam.
naman mabigat ang “hindi.” Palaging may alanganin at Kung alam natin ang isang bahagi, maraming ibang bahagi na ni
paghahagilap. hindi natin pinaghihinalaan. Itong kaalaman ng di ko pagkaalam,
pagmumulat sa di ko pagmumulat, kailangang kailangan nang
huwag tayong lumayo sa katotohanan.
Agaw-dilim
(43) May isang katagang Latin na madalas gamitin upang
(39) Ang alanganin at paghahagilap umiiral di lamang sa tukuyin itong kilos ng isip na tinititigan at di gaanong napapansin
larangan ng paniniwala kundi sa buong larangan ng pag-uunawa. ang ibang mga bagay; kinukuha ang isang bahagi at halos
Kung may maliwanag sa atin, palagi ring may malabo. Kung nalilimutan ang nalalabi. Abstractio. Tractio: isang paghila o
liwanag ang kaalaman at dilim ang di kaalaman, agaw-dilim ang pagkuha. Abs: tanda ng paghihiwalay. Ang nag-aabstraksyo may
paghahanap. Kung minsan wala tayong ibang masabi kundi: kinukuha, may iniiwan.
hanggang dito lamang ang aking alam ngayon.
(44) Galing sa Latin ang salitang Ingles na abstraction. Noong
pinag-usapan natin itong salitang ito sa klase, lumabas sa inyong
May Kinukuha, May Iniiwan mga halimbawa na ang katagang Ingles nababatay sa Latin. May
nagbigay ng halimbawa tungkol sa pintor na hindi kinukuha ang
(40) Hindi natin kaya makitang sabay-sabay ang lahat ng buong tanawin kundi iyongmga detalye lamang na nababatay sa
bagay sa ating kapaligiran. Ang ating mata kung minsan paruparo kanyang nililikha o iyong pintor na iniiwan ang mga bagay at
na kung saan-saan dumadapo. Ang sulyap na pagala-gala wala ginagamit lamang ang kulay at tinitingnan kung ano ang malilikha
talagang nakikita. Kung gusto kong makita ang isang bagay niya sa purong kulay. May halimbawa naman tungkol sa purong
kailangan kong titigan ito ng mata. At kung tinititigan ko ang isang matematiko na iniiwan ang mga bagay na mabibilang o masusukat
at kinukuha ang purong bilang at purong sukat. Sa lahat nito, ang
kilos ng pag-uunawa, ng isip at pandama ay kuha at iwan.

Ferriols, Roque J. - Pambungad na Pagmumuni Ph 101: Pilosopiya ng Tao I (Guro: Michael Ner E. Mariano)
6/6

(45) Ngayon sa ating kasalukuyang usapan gagamitin natin ang


katagang abstraksyo hindi lamang sa pintura at matematika
kundi sa buong larangan ng pagkuha at pag-iwan ng ating pag-
uunawa. Ito’y isang kilos na ginaganap natin sa iba’t ibang anyo
at paraan.
(46) Kung iniibig mo si Maria at wala kang makita o maisip
maghapon kundi ang kanyang mukha, abstraksyo iyon. Kung
nagmamaneho ka pinagmamasdan mo ang batang naglalaro sa
tabi ng kalsada at baka bigla siyang tumawid. Pinapansin mo ang
kotse sa harapan mo at baka biglang magpreno ang tsuper.
Ngunit hindi mo pinapansin ang pasikot-sikot na usapan ng iyong
mga pasahero.
(47) Maraming uring abstraksyo at di natin mabibilang ang
lahat. Ngunit masasabi natin na madalas may dalawang
kinagagawian ang abstraksyo. Una: pagtitig ng panimdim sa iisang
bagay o tao o pangyayari. Iyong walang maisip kundi si Maria
gumagawi sa ganitong uring abstraksyo. Pangalawa: pagtitig ng
panimdim sa isang bahagi ng mararaming bagay o tao o
pangyayaring kinukuhang sabay-sabay. Kung sasabihin ko na ang
tao mamamatay, kinukuha kong sabay-sabay ang lahat ng tao sa
isang bahagi: mamamatay tayong lahat. Masaya ang bakasyon.
Dito sinasabugan ko ng isang pangkalahatang sulyap ang mga
sari-saring bakasyon, ngunit sa isang bahagi: ang kasayahan. Ang
pormula ni Newton sa grabitasyon may binibigkas tungkol sa lahat
ng mga pangyayaring grabitasyon ngunit tungkol lamang sa mga
bahaging masusukat sa pamamagitan ng mga paraang
matematiko.
(48) Di natin maiiwasan ang abstraksyo. Likas na ganito ang
kilos ng ating pag-uunawa. Kailangan nating hanapin at tupdin
ang wastong pagganap sa kilos na ito. At kailangan palaging may
kasamang kaalaman tungkol sa kakulangan ng aking kaalaman,
pagmumulat na di ko namumulatan ang buong katotohanan.

Ferriols, Roque J. - Pambungad na Pagmumuni Ph 101: Pilosopiya ng Tao I (Guro: Michael Ner E. Mariano)

You might also like