You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF ROXAS CITY
CONGRESSMAN RAMON A. ARNALDO HIGH SCHOOL
Technical Vocational High School
Banica, Roxas City

Learning Activity Sheets


in
Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong


Akademik, Teknikal-Bokasyonal, Sining, Disenyo, at
Isports, Hanapbuhay o Negosyo na Naaayon sa
Lokal at Global na Demand
Ikaapat na Markahan: Una - Ikaapat na Linggo
Inihanda ni:

LEONY S. AGUILAR,PhD.
Teacher III

Ini-rekomenda ni:

ANGELITA B. BECARES, PhD.


HT III, Related Subjects Department

Inaprobahan ni:

RODRIGO D. JEREMIAS, JR.


Secondary School, Principal IV

Address: Banica, Roxas City


Tel. No.: (036) 6211-486
Email: craahs_banica@yahoo.com

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo

Susing Konsepto: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademik, Teknikal-Bokasyonal, Sining
at Disenyo, at Isports
1. Talento. Ang talento ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang
magsisilbi mong batayan sa pagpil ng tamang track o kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
sa iyong pagtatapos ng Junior High School.
Balikan natin ang mga Talino o Talentong ito mula sa teorya na binuo ni Dr. Howard Gardner (1983):
1. Visual Spatial 5. Musical / Rhythmic
2. Verbal / Linguistic 6. Intrapersonal
3. Mathematical / Logical 7. Intrpersonal
4. Bodily / kinesthetic 8. Existential
2. Kasanayan (Skills). Ang mga kasanayan o skills ay isa ring maituturing na mahalagang salik sa paghahanda
sa iyong pipiliing track o kurso. Ang mga kasanayang ating tinutukoy ay ang mga bagay kung saan tayo mahusay o
magaling. Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency).
Mg Kategorya ng mga kasanayan (Career Planning Workbook, 2006):
a. Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills) - nakikipagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod,
at naghihikayat sa iba na kumilos, mag-isip para sa iba.
b. Kasanaya sa mga Datos (Data Skills) - humahawak ng mga dokumento, datos, bilang, naglilista o nag-aayos ng mga
files at iniorganisa ito, lumilikha ng mga sistemang nauukol sa mga trabahong inatang sa kaniya
c. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills) - nagpapaandar, napapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos
ang mga kagamitan; nakauunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal, at biyolohikong mga functions.
d. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) - lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay at
nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.
3. Hilig. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong
puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot.
Hinati ng Sikolohistang si John Holland sa anim ang mga Jobs/Careers/Work environments, ito ay ang
sumusunod: Realistic, Investigative, Artistic, Social, Enterprising, at Conventional. Hindi lamang nasa iisang kategorya
ang hilig o interes ng isang tao, maaari siyang magtaglay ng tatlong kombinasyon. Halimbawa, maaaring tatlo ang
kombinasyon ng kaniyang trabaho gaya ng ESA (Enterprising, Social, at Artistic) o di kaya naman ISC (Investigative,
Social, at Conventional) o anumang dalawa o tatlo sa iba’t ibang kombinasyon.
Mga Interes Deskripsiyon Halimbawa ng mga Trabaho
Realistic Ang taong nasa ganitong interes ay mas Forester, industrial arts teachers, radio
nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang operator, auto engineer, mechanical
kanilang malikhaing kamay o gamit ang mga engineer, mining engineer,vocational
kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao at agriculture teacher, civil engineer, aircraft
makipagpalitan ng mga opinyon, Ang mga taong mechanic, architectural draftsman,
realistic ay matapang at praktikal, at mahilig sa mga electrican, jeweler, air conditioning engineer,
gawaing outdoor. carpenter, tailor, machine repairer
Investigative Ang mga trabahong may mataas na impluwensiya Economist, internist, physician, physicist,
rito ay nakatuon sa mga gawaing pang-agham. Ang chemist, astronomer, pathologist,
mga taong nasa ganitong interes ay mas gustong anthropologist, natural science teacher,
magtrabaho ng mag-isa kaysa gumawa kasama ang medical technologist,optometrist,
iba. Sila ay mayaman sa ideya at malikhain sa mga psychiatrist, psychologist, computer analyst,
kakayahang pang-agham, isa na rito ang mga botanist, zoologist, pharmacist, research
pananaliksik. Mapanuri, malalim, matatalino at task- analyst
oriented ang mga katangian nila.
Artistic Ang mga taong may mataas na interes dito ay Drama coach, language teacher, journalist-
mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas reporter, dancing teacher, foreign language
ang imahinasyon at may malawak na isipan. interpreter, philosopher, art teacher,
Nasisiyahan ang mga nasa ganitong interes sa mga literature teacher, music teacher, musician,
sitwasyon kung saan nakararamdam sila ng orchestra conductor, advertising manager,
kalayaan na maging totoo, nang walang anumang entertainer, public relations person, fashion
estrukturang sinusunod at hindi basta napipilit na model, writer, editor, radio program writer,
sumusnod sa maraming panuntunan. Nais nila ang dramatist, actor/actress, designer, interior
mga gawaing may kaugnayan sa wika, sining, decorator, critic, fashion illustrator, furniture
musika, pag-arte, pagsulat, at iba pa. designer, jewelry designer, furrier, garment
designer, decorator, architect, artist,
photographer, photograph retoucher,
photolithographer, music arranger,
composer
Social Ang mga nasa ganitong grupo ay kakikitaan ng Education, teaching, social welfare, human
pagiging palakaibigan, popular, at responsable. development, counseling,, health
Gusto nila ang interaksiyon at pinaliligiran ng mga professions (medicine, nursing etc…), social
tao. Madalas na mas interesado sila sa mga service, dorm director, interviewer,
prblema o sitwasyon ng iba at mga katulad na employment representative, funeral director,
gawain, kung saan mabibigyan sila ng chamber of commerce executive, food
pagkakataong magturo, magsalita, manggamot, service manager, claim adjuster, production
tumulong, at mag-asikaso expediter, health and welfare
coordinator,educational administrator,
training director, historian, environmental
health engineer,home service rep.,
community recreation administrator, physical
education teacher, therapist, political
scientist, sociologist, social and group
worker, personnel director, food and drug
inspector, teacher, minister, librarian, foreign
service officer, history teacher
Enterprising Likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang Sales and marketing field, banker, insurance
pagiging mapanghikayat, mahusay mangumbinsi ng underwriter, real state appraiser, florist,
iba para sa pagkamit ng inaasahan o target goals. industrial engineer, contractor, warehouse
Ang mga taong may mataas na interest dito ay manager, salesperson-technical products,
madalas na masigla, nangunguna at may pagkusa lawyer, judge, attorney, tv/radio announcer,
at kung minsan ay madaling mawalan ng pagtitimpi branch manager, director industrial relations,
at pasensiya government official, insurance manager,
managers such as
restaurant/office/traffic/human resource/
production, etc.., salary and wage
administrator, labor arbitrator, systems
analyst, director of compensation and
benefits, securities, salesperson, human
resource recuiter
Conventional Ang mga grupo o pangkat ng taong may mataas na Clerical, administrative, time study analyst,
interes dito ay naghahanap ng mga panuntunan at business (commercial) teacher, finance
direksiyon; kumikilos sila ng ayon sa tiyak na expert, accountant, credit manager,
inaasahan sa kanila. Sila ay maaaring mailarawan timekeeper, auto writing machine operator,
bilang matiyaga, mapanagutan, at mahinahon. bookkeeping machine operator,estimator,
Masaya sila sa mga gawaing tiyak, may sistemeng foreign trade clerk, office worker, payroll
sinusunod, maayos ang mga datos at organisado clerk, accounting machine operator,
ang record. personnel clerk, sales correspondent,
reservations agent, bookkeeper, cashier,
secretary, medical secretary, library
assistant, data processing worker, mail
clerk, personnel secretary, proofreader, at
iba pa
4. Pagpapahalaga. Bawat tao ay may natatanging pagpapahalaga. Ano man ang ipinapamalas na pagsisikap na
abutin ang mga ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-
unlad ng ating ekonomiya at para na rin sa kapakanan at kabutihan ng lahat ay masasabi natin na isang pagpapahalaga.
5. Mithiin. Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng
misyon sa buhay. Hindi lamang dapat umiral sa iyo ang hangaring magkaroon ng mga materyal na bagay at
kaginhawaan sa buhay, kailangan ay isipin rin ang pakikibahagai para sa kabutihang panlahat.

Kasanayang Pampagkatuto at koda:


Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig (mula Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito
sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo. (EsP9PK-IVa-13.1)

Gawain 1
Unang Bahagi (Talento)
Panuto: Tuklasin mo ang iyong talento at kakayahan. Sagutin ang Multiple Intelligences (MI) Survey Form (McKenzie,
1999) sa ibaba. Kopyahin sa sagutang papel ang halimbawang talahanayan. Dito mo isulat ang iyong sagot sa bawat
aytem ng MI Survey Form.
Multiple Intelligences Survey Form (Copyright 1999 Walter McKenzie)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang bilang 1 hanggang 90 sa bandang kaliwa ng
iyong dyornal na kuwaderno sa edukasyon sa Pagpapakatao. Gabay ang legend sa ibaba, isulat sa sagutang papel ang
bilang na naglalarawan sa iyong sarili. Maging tapat sa iyong sagot sa bawat bilang. Huwag kang mahiya kung Hindi (0) 0
Bihira (1) ang sagot mo sa ilang bilang.
Sagutan ang sumusunod na aytem ayon sa kaangkupan sa iyo. Isulat ang bilang ng kaukulang pagpipilian.
Legend:4 – Palagi 3 – Madalas 2 – Paminsan-minsan 1 – Bihira 0 – Hindi
1. Pinananatili kong malinis at maayos ang aking mga gamit.
2. Nasisiyahan akong magbasa ng iba’t ibang babasahin.
3. Nakabubuo ako ng ideya sa pamamagitan ng isip.
4. Madali akong makasunod sa mga patterns.
5. Nasisiyahan akong gumawa ng mga bagay sa pamamagitan ng aking mga kamay.
6. Natututo ako nang lubos kapag nakikipag-ugnayan ako sa iba.
7. May kamalayan ako sa aking mga paniniwala o pagpapahalagang moral.
8. Nasisiyahan akong pagsama-samahin ang mga bagay batay sa kanilang pagkakatulad.
9. Malaki ang naitutulong sa akin kung ang mga panuto ay isa-isang ipaliliwanag.
10. Malaki ang naitutulong sa aking memorya at pang-unawa kung inililista ang mahahalagang bagay.
11. Nasisiyahan akong mag-ayos ng silid.
12. Nabibigyang-pansin ko ang tunog at ingay.
13. Mahirap para sa akin ang umupo nang matagal sa loob ng mahabang oras.
14. Mas masaya ako kapag maraming kasama.
15. Higit na natututo ako kapag malapit sa aking damdamin ang isang asignatura.
16. Mahalaga sa akin ang mga isyung ekolohikal o pangkapaligiran.
17. Madali para sa akin ang lumutas ng mga suliranin.
18. Nakikipag-ugnayan ako sa aking mga kaibigan sa pamamagitan ng sulat, e-mail, texting (cellphone), telepono at
mga social network sites.
19. Nasisiyahan akong gumamit ng iba’t ibang uri ng pamamaraang pansining.
20. Madali para sa akin ang sumunod sa wastong galaw.
21. Gusto ko ang mga larong panlabas (outdoor games).
22. Higit na marami akong natututuhan sa pangkatang pag-aaral.
23. Ang pagiging patas (fair) ay mahalaga para sa akin.
24. Ang klasipikasyon o pag-uuri ay nakatutulong upang maunawaan ko ang mga bagong datos.
25. Madali akong mainis sa mga taong burara.
26. Ang mga word puzzles ay nakalilibang.
27. Nag-eenjoy ako sa lahat ng uri ng mga “entertainment media”.
28. Nasisiyahan ako sa paglikha ng musika.
29. Hilig ko ang pagsasayaw.
30. Mas natuttuto ako kung may kahalagahan sa akin ang isang asignatura.
31. Madalas akong maging pinuno ng pangkat sa aming mga magkakaibigan o magkakaklase.
32. Nasisiyahan ako sa paggawa sa hardin.
33. Madali sa akin ng paglutas ng mga suliranin.
34. Ang pagsulat ay nakatutulong sa akin upang matandaan at maintindihan ang itinuturo ng guro.
35. Ang mga tsart, graphs, at mga talahanayan ay nakatutulong sa akin upang maunawaan at maipaliwanag ang nga
datos.
36. Nasisiyahan ako sa mga tula.
37. Para sa akin, ang pagpapakita at pagpaparanas ay mas mainam kaysa sa pagpapaliwanang lamang.
38. Mahalaga sa akin ang pagiging parehas.
39. Mas mahalaga sa akin ang pakikipag-ugnayan kaysa sa pag-iisip.
40. Naniniwala akong mahalaga ang pangangalaga sa ating mga parke at pambansang pasyalan.
41. Masaya ang lumutas ng mga “logic puzzles”.
42. Hindi ako nagpapabaya sa pakikipag-ugnayan sa aking mga kaibigan sa sulat, e-mail, o text.
43. Ang music video ay mas nakapagpapaigting ng aking interes sa isang kanta.
44. Natatandaan ko ang mga bagay kapag nilalagyan koi to ng ritmo.
45. Ang paggawa ng mga bagay na likhang sining ay nakalilibang at nakapagpapalipas ng oras.
46. Nakasisiya ang mga talk show sa radio at telebisyon.
47. Ang paggawa ng mag-isa ay produktibo din tulad ng pangkatang gawain.
48. Mahalaga sa buhay ko ang mga hayop.
49. Hindi ako makapagsisimulang gumawa ng takdang aralin hangga’t hindi nasasagot ang aking mga tanong.
50. Nasisiyahan akong gumawa ng liham.
51. Nagdudulot sa akin ng labis na kasiyahan ang mga three dimensional puzzle.
52. Mahirap mag-isip habang nanonood ng telebisyon o nakikinig ng radyo.
53. Ang pagpapahayag sa pamamagitan ng sayaw ay magandang ipakita sa publiko.
54. Ako ay team player.
55. Mahalagang malaman ko kung bakit kailangan kong gawin ang isang bagay bago koi to gawin.
56. May pamaraan ng pagreresiklo sa aming bahay.
57. Nakatutulong sa akin ang pagpaplano upang magtagumpay sa isang Gawain.
58. Nasisiyahan akong maglaro ng mga salita tulad ng puns, anagrams at spoonerisms.
59. Ang mga music video ay gumigising ng kaisipan.
60. Nasisiyahan akong pakinggan ang iba’t ibang uri ng musika.
61. Nais kong magtrabaho na gamit ang iba’t ibang kasangkapan.
62. Hindi ko nais magtrabaho nang nag-iisa.
63. Kapag nanininiwala ako sa isang bagay, ibinibigay ko nang buong-buo ang aking isip at lakas.
64. Nasisiyahan akong mag-aral ng Biology, Botany, at Zoology.
65. Kasiya-siya para sa akin ang magtrabaho gamit ang computer.
66. Interesado akong matutuhan ang mga hiram na salita.
67. Naaalala ko ang mga bagay kung ilalarawan koi to sa aking isip.
68. Ang mga musical ay higit na nakagaganyak kaysa mga drama.
69. Aktibo ang aking pamamaraan ng pamumuhay.
70. Masaya ang paglahok sa mga gawaing extra-cirricular.
71. Nais kong makilahok sa mga gawaing tumutulong sa kapwa.
72. Mahabang oras ang ginugugol ko sa labas ng bahay.
73. Kailangang may kabuluhan ang isang bagay o Gawain upang magkaroon ako ng kasiyahan ditto.
74. Nais kong makilahok sa mga debate at pagsasalita sa harap ng publiko.
75. Mahusay akong bumasa ng mga mapa at plano.
76. Madali para sa akin na makaalala ng letra o liriko ng awitin.
77. Higit akong natututo kung ako mismo ang gagawa.
78. Binibigyang-pansin ko ang mga isyung panlipunan.
79. Handa akong magreklamo o lumagda ng petisyon upang iwasto ang isang kamalian.
80. Nasisiyahan akong magtrabaho sa lugar na maraming halaman.
81. Mahalaga na alam ko ang bahaging ginagampanan ko sa kabuuan ng isang bagay.
82. Nasisiyahan akong talakayin ang mga makabuluhang tanong tungkol sa buhay.
83. Mahalaga sa akin ang relihiyon.
84. Nasisiyahan akong magmasid ng mga likhang – sining.
85. Mahalaga sa akin ang pagninilay at pagpapahinga.
86. Nais ko ang maglakbay sa mga lugar na nakapagbibigay ng inspirasyon.
87. Nasisiyahan akong magbasa ng isinulat ng mga kilalang pilosopo.
88. Mas madali para sa akin ang matuto kung nakikita ko kung paano ito inilalapat sa buhay.
89. Nakamamanghang isipin na sa daigdig ay may iba pang nilikhang may angking talino.
90. Mahalaga sa akin na madama na ako ay kaugnay ng mga tao, ideya, at mga paniniwala.

Sa inyong sagutang papel:


Isulat ang iyong pangalan baiting at seksiyon. Gumawa nang talahanayan gaya nito.

Bilang Palagi Madalas Paminsan Bihira Hindi Bilang Palagi Madalas Paminsan- Bihira Hindi
(4) (3) -minsan (1) (0) (4) (3) minsan (1) (0)
(2) (2)
1 46
2 47
3 48
4 49
5 50
6 51
7 52
8 53
9 54
10 55
11 56
12 57
13 58
14 59
15 60
16 61
17 62
18 63
19 64
20 65
21 66
22 67
23 68
24 69
25 70
26 71
27 72
28 73
29 74
30 75
31 76
32 77
33 78
34 79
35 80
36 81
37 82
38 83
39 84
40 85
41 86
42 87
43 88
44 89
45 90

Ngayon,ilipat mo ang iyong sagot sa angkop na kahon sa ibaba.


Logical/ 1 9 17 25 33 41 49 57 65 73 TOTAL
Mathematical

Linguistic 2 10 18 26 34 42 50 58 66 74

Spatial 3 11 19 27 35 43 51 59 67 75

Musical 4 12 20 28 36 44 52 60 68 76

Bodily – 5 13 21 29 37 45 53 61 69 77
kinesthetic

Intrapersonal 6 14 22 30 38 46 54 62 70 78

Interpersonal 7 15 23 31 39 47 55 63 71 79

Naturalist 8 16 24 32 40 48 56 64 72 80

Existentialist 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90

Pagkatapos, kunin ang kabuuang bilang ng iyong sagot sa bawat hanay at isulat sa espasyo sa dulong hanay.
Halimbawa: Logical Mathematical: 2+3+2+3+3+2+3+2+4+2 = 26
Isulat ang intelligence kung saan ka nakakuha ng pinakamataas na iskor.
1.
2.
3.

Ikalawang Bahagi (Hilig)


Panuto: Ang sumusunod ay nagpapakita ng iba’t ibang hilig. Alin sa mga ito ang gustong-gusto mong gawin? Itiman ang
bilog na nagtataglay ng iyong gustong gawain. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
R I A S E C
1. Mga gawaing may kaugnayan sa mga sasakyan O
2. Paglalaro ng puzzle O
3. Paggawa ng gawain mag-isa O
4. Paggawa ng gawain kasama ang iba O
5. Mangarap at magplano O
6. Isaayos ang gamit at ilagay sa lalagyanan ang mga ito O
7. Magkumpuni ng kung ano-anong bagay O
8. Magbasa ng mga babasahing may kaugnayan sa sining O
9. Gawin ang isang bagay ayon sa tamang pamamaraan O
10. Iniimpluwensiyahan at himukin ang ibang tao O
11. Gumawa ng eksperimento o pag-aaral O
12. Tinuturuan at sinasanay ang ibang tao O
13. Tulungan ang ibang tao sa kanilang problema O
14. Mag-alaga ng hayop O
15. Magtrabaho sa higit sa walong oras O
16. Magbenta ng iba’t ibang bagay O
17. Malikhaing pagsusulat O
18. Gawaing may kaugnayan sa Agham O
19. Magluto O
20. Iniisip kung ano ang puwedeng mangyari sa isang bagay O
21. Nakikinig at inuunawa ang baway panuto O
22. Tumugtog at umawit O
23. Mamasyal sa iba’t ibang lugar O
24. Mag-isip ng pagkakakitaan O
25. Umarte sa teatro. O
26. Gawaing ginagamitan ng mga tools O
27. Gawaing may kaugnayan sa bilang o numero O
28. Pag-usapan ang iba’t ibang isyu O
29. Magsaayos ng mga dokumento O
30. Manguna o mamuno O
31. Gawaing panlabas (outdoor activities) O
32. Gawaing pang-opisina O
33. Gawaing pang-matematika O
34. Tulungan ang nangangailangan O
35. Gumuhit O
36. Magtalumpati O
Kabuuang Iskor

Pagkatapos gawin ang sumusunod:


1. Bilangin ang bilog na iyong initiman sa bawat hanay.
2. Ilipat ang nakuhang bilang ayon sa pagkakasunod nito sa talahanayan sa itaas at kahon ang may pinakamataas
na iskor. May halimbawa na para sa iyo.
Halimbawa
R I A S E C
5 3 2 6 2 2
Sa halimbawa, makikita na mataas ang iskor sa kategoryang S na ang ibig sabihin ay mas hilig niyang gumawa
kasama ang iba.
Ikaw, ano ang nagging resulta ng iyong pagsusuri? Isulat ang iyong iskor.

Realistic Investigative Artistic Social Enterprising Conventional

Isulat dito ang pagkakasunod-sunod ng hilig na may pinakamataas kang nakuhang iskor.
1.
2.
Ikatatlong Bahagi (Kasanayan)
Panuto: Ang kasanayan (skills) ay isa sa pinakamahalagang salik sa pagpili ng track o kurso. Bilang indibidwal na unti-
unting namumulat sa mundo ng paggawa, mahalagang magkaroon ka ng kaalaman kung ano ang mga kasanayang kaya
mong gawin at kailangang paunlarin. Ang tseklist sa ibaba ay isang pamamaraan ng pagsusuri sa iyong mga kasanayan.
Mahalagang maunawaan mo na ang pagsagot ng tapat sa pagsusuring ito ay higit na makapagbibigay gabay sa iyo.
Gawin sa iyong sagutang papel.
Tseklist ng mga Kasanayan
(Personal Skills Checklist)
Kasanayan Kayang Kailangang
(Skills) gawin Paunlarin
1. Pangunguna sa mga gawaing pampaaralan o pampamayanan
2. Pakikisalamuha sa iba’t ibang tao
3. Pagtuturo sa kabataan
4. Nakikilahok sa mga gawaing may kinalaman sa pagtulong sa mga
nangangailangan
5. Pagsasaliksik sa mga isyu sa lipunan
6. Pagpaplano ng mga Gawain
7. Pagbibigay at pagwawasto ng pagsusulit
8. Pag-aanalisa ng mga dokumento
9. Pag-oorganisa ng mga datos
10. Pagkukumpuni ng mga sirang gamit
11. Pagmamaneho
12. Paggamit ng mga makina at iba pang mga kagamitang pang-kunstruksiyon
13. Pagbuo ng mga gusali at iba pang istraktura
14. Pagsasaayos at pagsisinop ng mga gamit sa bodega, warehouse at iba pa
15. Pagtutuos (computation)
16. Pag-eeksperimento sa syentipikong pamamaraan
17. Pagpapaunlad ng mga inobasyon at makabagong pamamaraan ng
pagsasaliksik
18. Pagtuklas ng mga makabagong teknolohiya
19. Pagbibigay kahulugan sa mga pag-aaral at eksperimento
20. Pagpapaliwanag sa pagkakaugnay-ugnay ng mga bagay o pangyayari

Kayang Kailangang
Gawin Paunlarin
1-5 Kasanayan sa pakikiharap sa tao (People Skills) ________ _________
6-10 Kasanayan sa mga datos (Data Skills) ________ _________
11-15 Kasanayan sa mga bagay (Thing Skills) ________ _________
16-20 Kasanayan sa mga ideya (Idea Skills) ________ _________

Ikaapat Bahagi (Pagpapahalaga)


Panuto: Ang gawaing ito ay naglalayong gabayan ka upang matuklasan ang mga pinahahalagahan mo sa buhay. Ang
mga pahayag sa ibaba ay nagsasaad ng iba’t ibang kasiyahan na natatamo ng tao sa paggawa ng mga bagay. Gamit ang
panukat (scale) na ibinigay, bilugan ang bilang batay sa iyong pagpapahalaga o pinahahalagahan. Gawin sa sagutang
papel.
Pagsusuri ng Pagpapahalaga
(Values Test)
Panukat: 1 = Hindi Mahalaga (HM)
2 = Medyo Mahalaga (MM)
3 = Napakahalaga (N)

Mga Pinahahalagahan HM MM N
Pagtulong sa lipunan (Helping Society) Paggawa ng mga bagay na nakatutulong sa 1 2 3
pagsasaayos ng lipunan
Pagtulong sa Kapwa (Helping Others) Pagiging aktibo sa mga gawaing 1 2 3
nakatutulong sa kapuwa kagaya ng kawanggawa at iba pa
Kompetisyon (Competition) Pagpapayaman ng aking mga bailidad sa 1 2 3
pamamagitan ng pakikipagpaligsahan sa iba
Pagka-malikhain (Creativity) Paglikha ng mga bagong ideya, rograma, at 1 2 3
organisasyon
Pagka-malikhain sa Sining (Artistic Creativity) Pakikilahok sa mga Gawain kagaya 1 2 3
ng pagpipinta, pagsusulat, at pag-arte
Kaalaman (Knowledge) Pagtuklas ng mga bagong ideya at karanasan 1 2 3
Kapangyarihan at Awtoridad (Having Power and Authority) Pagkakaroon ng 1 2 3
impluwensiya sa iba
Pakikisalamuha (Public Contact) Madalas na pakikisama at pakikisalamuha sa 1 2 3
kapuwa
Paggawa ng Nag-iisa (Working Alone) Paggawa ng mga Gawain ng nag-iisa 1 2 3
Relihiyoso (Religious) Pagkikiisa sa mga gawaing simbahan o may kinalaman sa 1 2 3
pananampalataya
Pagkilala (Recognition) Pagkikiisa sa mga gawaing simbahan o may kinalaman sa 1 2 3
pananampalataya
Pagkilala (Recognition) Nakikilala sa mga bagay na nagagawa 1 2 3
Pisikal na Kalakasan (Physical Strength) Pagpapalakas ng katawan sa pamamagitan 1 2 3
ng mga gawaing pisikal
Pagiging Matalino (Intellectual Status) Pagpapakita ng kagalingan at katalinuhan 1 2 3
Kayamanan/Karangyaan (Profit-Gain) Pagkakaroon ng maraming pera 1 2 3
Kasiyahan (Fun) Pagiging masaya sa ginagawa 1 2 3
Pakikiisa sa mga Trabaho o Gawain (Working with Others) Pakikiisa tungo sa iisang 1 2 3
layunin
Pakikipagsapalaran (Adventure) Pagiging aktibo sa mga gawaing may thrill 1 2 3
Kasarinlan ( Independence) Kalayaang gawin ang nais ng hindi umaasa sa iba 1 2 3
Teknikal (Technology) Kahusayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya 1 2 3

Ngayon, muling balikan ang iyong ginawang pagsusuri. Sa mga aytem na binilugan mo ang bilang tatlo,
pumili ng tatlong pinakamahalaga para sa iyo.
1.
2.
3.

Ikalimang Bahagi (Mithiin)


Panuto: Sagutan ang sumusunod at isulat ang sagot sa kuwaderno. Punan ang sumusunod na kahon ng angkop na
sagot.

Mga Hakbang sa Pagtupad

Pangarap

Personal na Pahayag
ng Misyon sa Buhay

Mithiin

Gawain 2
Panuto: Sa talahanayan, isulat ang naging resulta ng iyong pagsusuri noong nasa Baitang 7 ka at ngayong nasa Baitag 9
ka na.
Mga Pansariling Salik Resulta ng Pagsusuri Noong Resulta ng Pagsusuri
nasa Baitang 7 Ako Ngayong nas Baitang 9 na
Ako
1. Talento
2. Hilig
3. Kasanayan
4. Pagppahalaga
5. Mithiin
PASIYA
Batayan o Dahilan ng Pasiya (kung nabago o hindi)

Mga Tanong:
1. Ano-anong pagbabago satalento, hilig, kasanayan, pagpapahalaga, at mithiin noong nas Baitang 7 ka?
2. Nagbago ba o hindi ang track o kursong kukunin ko noong Baitang 7 ako? Ipaliwanag.
3. Sa pagbabago ng mga ito, ano ang track o kursong plano kong kunin sa Senior High School?

Tunay na hindi ganoon kadali ang pumili at tumukoy ng mga pagbabagong naranasan noong ikaw ay nasa
Baitang 7 na may kaugnayan sa talento, hilig, kasanayan, pagpapahalaga, at mithiin ngunit dahil sa angking kalayaan sa
pagpapasiya ay magagawa mo nang walang alinlangan ang mahalagang bagay na ito sa buhay mo.

Mga Sanggunian
1. Gabay sa Pagtuturo: Pahina 105 - 111
2. Kagamitan ng Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pahina 201 - 225
Susi sa Pagwawasto:
Gawain 1 at 2: Nakadepende sa mag-aaral ang isasagot. Walang tama o mali sa kasagutan maging tapat lamang sa
pagsasagot dahil ito ay makakatulong sa sariling pagpili ng track o kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining o
isports, negosyo o hanapbuhay.

Ikaapat na Markahan: Ikalawang Linggo

Susing Konsepto: Lokal at Global na Demand


Sa kasalukuyan, malaki pa rin ang problema sa kakulangan ng trabaho sa
bansa,lalo pa itong nadaragdagan dahil sa kawalan ng impormasyon tungkol sa mga trabahong “in demand” sa Pilipinas
at sa ibang bansa. Kasama rin sa suliraning ito ang maraming bilang ng mga mag-aaral na nakatapos na di sapat ang
kaalaman sa mga trabahong maaaring pasukan; idagdag pa ang mga pagpapahalagang hindi naisasabuhay na may
kaugnayan sa paggawa.
Ilang taon na lang at magiging kabahagi ka na sa mundo sa paggawa. Mabilis ang
takbo ng panahon. Pagkatapos ng isa pang taon, nasa Senior High School ka na. Bago pa dumating ang pagkaktaon
na iyan dapat alam mo na kung anong track ang pipiliin mo na may kaugnayan sa kursong gusto mo. Mahalaga ring
malaman mo ang mga “in demand” na trabaho sa PIlipinas at sa ibang bansa na maaari mong maging batayan sa pagpili
ng kurso at magkaroon kaagad ng trabaho pagkatapos ng iyong pag-aaral.
Ang sumusunod na uri ng trabaho ang in demand sa bansa at sa buong at sa buong mundo, ayon sa
Department of Labor ang Employment at sa mga search engine:

Key Employment Generators Mga Kaugnay na Trabaho


I. Hotel ang Restaurant a. Front Office Agent/Attendance
b. Baker
c. Food Server and Handler
d. Food and Beverage
e. Service Attendant
f. Waiter
g. Bartender
h. Room Attendant
i. Other Housekeeping Services
j. Reservations Officer and other Frontline
Occupation
k. Tour Guides
l. Commissary Cook
m. Pastry Cook
n. Hot-Kitchen Cook
o. Pantry Worker/Cold Kitchen
II. Cyberservices a. Accountant (Back Office Processing)
b. HR Outsourcing Specialist (Back Office
Processing)
c. Call Center Agent
d. Medical Transcription Editor
e. Medical Transcription
f. Software Development
g. Computer Programmers
h. Developer (Software, Web)
i. IT/Information Technology (MIS Developer,
Platform Engineer)
j. Specialist (Learning Solution, System and
Technical Support)
k. Animation Artist
l. Clean-Up Artist
m. In-between Artist/In-betweener
n. Clean-Up Art Checker
o. In-between Checker
p. Animation Checker
q. Web Designer
r. Multimedia Artist
s. Library builder
t. Layout Artist
u. 2D digital animator
III. Banking and Finance a. Operations Manager
b. Teller/Accounting Clerks
c. Bookkeepers
d. Auditor
e. Cashier
f. Credit Card Analyst
g. Finance Analyst/Specialist
h. Accountant (Accountant Officer, Analyst)
i. Risk Management Officer/Manager
IV. Overseas Employment a. Domestic Helpers and Related Workers
b. Production and Related Workers
c. Nurses ( anesthetic, critical care/ICU,
pediatric, scrub, and cardiac)
d. Caregivers Plumbers, Pipe-fitters, and
Related Workers
e. Cooks and Related Workers
f. Wiremen, Electrical, and Related Workers
V. Agribusiness a. Animal Husbandry
b. Agricultural Economist
c. Aqua-culturist
d. Coconut Farmer
e. Entomologist (Plant)
f. Farmer (Fruit, Vegetable and Root Crops)
g. Fisherman
h. Horticulturist
i. Plant Mechanic
j. Rice Thresher Operator-Mechanic
k. Veterinarian
l. Pathologist
m. Food Processor/Food Technician
n. Fishery Technologist
VI. Health Wellness and Medical Tourism a. Nurse
b. Herbologist
c. Optician
d. Optometrist
e. Doctor
f. Physical Therapist
g. Pharmacist
h. Medical Technologist
i. Laboratory Technician
j. Physician/Surgeon
k. Spa/ Massage Therapist
l. Masseur
VII. Manufacturing a. Electrical Technicians
b. Finance and Accounting Managers
c. Food Technologist
d. Machine Operators
e. Sewers
f. Chemist
g. Electrical Engineer
h. Industrial Engineer
i. IT Specialist
j. Machinist
k. Mechanical Engineers
l. Mechanical Technicians
m. Chemical Engineer
VIII. Ownership Dwellings, Real/Retirement a. Building Manager
Estate b. Construction Manager
c. Construction Worker
d. Foreman
e. Mason
f. Welder
g. Real Estate Agents/Brokers
h. Marketer
i. Civil Engineer
j. Mechanical Engineer
k. Surveyor
l. Architect
IX. Construction a. Fabricator
b. Pipe Fitter
c. Welder
d. Civil Engineer
e. Electrical Engineer
f. Design and Structural Engineer
g. Planning and Contract Engineer
X. Mining a. Mining engineer
b. Geodetic Engineer
c. Metallurgical Engineer
d. Mining and Metallurgical Technician
e. Welders, Flame-Cutters, and Related
Workers
f. Laborers, General Workers, and Related
Workers
g. Char workers, Cleaners, and Related
Workers
XI. Transport and Logistics a. Checker
b. Maintenance Mechanics
c. Stewardess
d. Gantry Operator
e. Ground Engineer
f. Heavy Equipment Operator
g. Long Haul Driver
h. Pilot
i. Transport and Logistics
j. Machinery Operator
k. Aircraft Mechanic and other related skills
XII. Wholesale and Retail a. Cashier
b. Merchandiser
c. Buyer
d. Salesman or Saleslady
e. Promodizer
EMERGING INDUSTRIES a. Fisherman
I. Diversified/Strategic Farming and Fishing b. Aqua-culturist
c. Horticulturist
d. Farmer ( root crops, fruit & vegetable: upland
and lowland)
II. Creative Industries a. Broadcast Engineer
b. Video Editor
c. Video Graphic Artist (Animators)
d. Visual Artist Designer
e. 3D modelers
f. 3D Artist
g. 3D Animators
h. Flash Animators
III. Power and Utility a. Electrical Control Operator
b. Equipment Operator
c. Electrical Technician
d. Mechanical Technician
IV. Renewal Energy a. Checker
b. Loader
c. Electrical Engineer
d. Mechanical Engineer
e. Quality Control Engineer

Kasanayang Pampagkatuto at koda:


Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad ang kanyang talento at
kakayahan ayon sa kanyang hilig, mithiin, lokal at global na demand (EsP9PK-IVa-13.2)

Gawain
Panuto: Matapos mo na mapagnilayan kung ano ba ang iyong talento, kakayahan, hilig, at mithiin, maglista ng sampung
napupusuang trabaho at lagyan ng tsek kung ito ay naaayon sa lokal o global na deman d. Pagkatapos ay bilangin ang
kabuuang tsek sa bawat kolum.

Napupusuang Trabaho Lokal na Demand Global na Demand


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Kabuuang Tsek

Sagutin ang sumusunod at isulat ang sagot sa sagutang papel.


1. Saan ang may mas maraming tsek batay sa kolum ng lokal at global na demand? Ano ang nalaman mo sa iyong sarili
batay rito?
2. Saan mo mas pipiliing magtrabaho, sa Pilipinas ba o sa ibang bansa? Bigyan ng suporta ang iyong mga dahilan.
3. Masasabi mo bang maaaring maging matagumpay o magkaroon ng masaganang buhay ang isang taong mas piniling
magtrabaho sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa? Ipaliwanag.

Mga Sanggunian
1. Gabay sa Pagtuturo: Pahina 121 - 126
2. Kagamitan ng Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Pahina 255 - 264

Susi sa Pagwawasto:
Gawain 1: Nakadepende sa mag-aaral ang isasagot.

Ikaapat na Markahan: Ikatatlong Linggo

Susing Konsepto: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademik, Teknikal-Bokasyonal, Sining
at Disenyo, at Isports

Ang limang pansariling salik sa pagpili na kurso ay ilan lamang na gabay tungo sa iyong maayos na pagpili
patungo sa maunlad na hanapbuhay na nag-aantay sa iyo sa pagtatapos mo sa Senior High. Kaya, ngayon pa lamang
mula sa iyong kakayahang mag-isip (intellect) at kalayaan ng kilos-loob (freewill) ay gamitin ito tungo sa tama at wastong
pagpili o pagpapasiya.
Mahalagang malaman at maunawaan mo ang iyong mga pansariling salik sa pagpili ng track o kurso ngunit hindi
lamang ang mga ito ang dapat na iyong batayan. Marapat lamang na alam mo rin ang mga panlabas na salik na
maaaring makaapekto sa iyong pagpapasiya. Ilan sa mga panlabas na salik ay impluwensiya ng pamilya, impluwensiya
ng kaibigan o barkada, gabay ng guro o Guidance Advocate, kakayahang pinansiyal at lokal na demand. Ilan lamang ang
mga ito sa mga karaniwang panlabas na salik na nakaapekto sa kabataang tulad mo.
Kung magagawa mo ngayon na pumili ng tamang track o kurso para sa Baitang 11, makakamit mo ang tunay na
layunin nito:
Una, ang pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay. Dito, hindi lamang makatutulong na maiangat ang antas
ng iyong buhay dahil sa magandang kita/sweldong kalakip nito kundi ang halaga ng pagkamit ng iyong kaganapan mula
sa kasiyahang nakukuha at pagpapahalaga sa iyong paggawa. Mas lalo mong naibibigay ang iyong kahusayan dahil ang
talento, kasanayan, at interes ang iyong puhunan.
Pangalawa, tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa. Ang produktibong manggagawa
ay masasabing isang asset ng kaniyang kompanya o institusyong na kinabibilangan. Katulong siya sa pagpapaunlad ng
mga programa at adhikain ng kaniyang pinagtatrabahuhan tungo sa sama-samang paggawa.
Pangatlo, kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain, ikaw rin ay nakikibahagi sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Naipamamalas ito sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng oras sa
pagtapos ng gawain, pagpapasa ng mga proyekto sa takdang-araw, paggamit ng teknolohiya para sa mabilis na
produksiyon, at maayos na pakikitungo sa iba at naaabot mo ang iyong itinakdang layunin. Kung ang isang mag-aaral na
katulad mo ay may paghahanda sa hinaharap, hindi malayo na taglayin mo ang mga kahanga-hangang gawi na ito at
maging bahagi ka ng lumalaking bilang ng mga magagaling na manggagawa ng ating bansa.
Ang pagsusuri ng maigi at pagbabalanse ng kahalagahan at epekto sa iyo ng mga pansarili at panlabas na salik
ay higit na makapagbibigay ng tamang pasiya na makatutulong upang maging produktibo bilang isang mamamayan.
Mahalaga sa kukunin mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap ay maibalik mo sa Diyos kung ano

Kasanayang Pampagkatuto at koda:


Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan (requirements) sa
napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon ng
makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa. (EsP9PK-IVb-13.3)

Gawain
Panuto: Mula sa iyong nabasa sa susing konsepto mula noong unang linggo sa ating aralin hanggang ngayon, subukan
natin ang iyong pagkaunawa sa pamamagitan ng pagsagot sa ibaba at isulat ito sa iyong sagutang papel.Patunayan ang
bawat kasagutan.

1. Ano-ano ang pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kursong Akademik, Teknikal-Bokasyonal, Sining at
Disenyo, at Isports sa pagtuntong mo ng Senior High School (Baitang 11-12)?
2. Bakit mahalaga ang mga pansariling salik na ito sa pagpili mo ng track o kurso at hanapbuhay?
3. Alin sa mga pansarilingnsalik sa pagpili ng track o kurso ang iyong higit na isinaalang-alang? Alin ang hindi?
Ipaliwanag.
4. Bakit kailangang tugma ang personal na salik sa pipiliin mong kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at
isports o negosyo? Ipaliwanag.

Mga Sanggunian
3. Gabay sa Pagtuturo: Pahina 105 - 111
4. Kagamitan ng Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Pahina 226 - 227

Susi sa Pagwawasto:
Gawain 1: Nakadepende sa mag-aaral ang isasagot.

Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo

Susing Konsepto: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademik, Teknikal-Bokasyonal, Sining,
Disenyo, at Isports, Hanapbuhay o Negosyo na Naaayon sa Lokal at Global na Demand

Sa pinaunlad na Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng K to 12, may pitong disiplina; Languages, Literature,
Communication, Mathematics, Philosophy, Natural Sciences, at Social Sciences na may tatlong track: Ito ay ang
Akademiko, Sining at Palakasan at ang Teknikal-Bokasyonal. Nahahati ang kursong akademiko sa tatlong stream: ang
STEM (Science, Technology, Engineering, Mathematics), ABM (Accountancy, Business and Management), at HESS
(Humanities, Education, Social Sciences). Ang pagpili ng track at strand ay magsisilbing hakbang upang makapili ng
kursong may kaugnayan sa iyong hilig, talento o kakayahan. Tunghayan ang talahanayan sa ibaba para sa mga kurso na
maaaring piliin ayon sa track o kurso na angkop sa iyo:

Track Mga Kaugnay na Kurso


Academik
STEM
Science Pharmacy, Radiology Technology, Medical Technology, Atmospheric Science and Environmental
Science, Pathology, Agricultural Science and Fishery. Animal Science
Technology Information Technology and Computer Studies, Multi-Media, Animation, Programming, Computer
Science and Information System Management
Engineering Mechanical, Electronics, Communication, Metallurgical, Computer, Biomedical, Chemical,
Geodetic, Electrical, Meteorological, Mining and Geological Engineering
Math BS Mathematics, Physics and Statistics

Track Mga Kaugnay na Kurso


Academik
HESS
Humanities Philosophy, Literature, Liberal and Fine Arts
Education Education major in Math, Science, Physics, Chemistry, Reading, English, Educational
Media/Technology and Special Education (SPED), Music, Physical Education and Health
Social Communication, Psychology, Social Work, Criminology
Sciences Sociology, Anthropology, Political Science, and Law
Track Mga Kaugnay na Kurso
Academik
ABM
Accountancy Bookkeeping ang Accounting Technology
Business Business Management, Banking ang Finance Services, Business Information Technology
Management Management Sciences, Advertising and Public Relations, Hotel Restaurant and Management

Track Mga Kaugnay na Kurso

Teknikal - Auto Gas Mechanic, Auto Diesel Mechanic, Auto Electrical Mechanic, Basic Banking, Basic
Bokasyonal Computer, Basic Cosmetology, Basic Drafting, Basic Dressmaking, Basic Electronics, Basic
Tailoring, High Speed Sewing, Building Wiring Installation, Computer Repair, Food Processing,
International Cuisine, Shielded Metal Arc Welding (SMAW), Practical Nursing, Housekeeping, Care
Giving, Basic Carpentry

Kasanayang Pampagkatuto at koda:


Natutukoy ang kanyang mga paghahandang gagawin upang makamit ang piniling kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at palakasan o negosyo (hal. Pagkuha ng impormasyon at pag-unawa sa mga tracks sa Senior High
School). (EsP9PK-IVb-13.4)

Gawain
Panuto: Batay sa track na pinaunlad na Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng K to 12, bumuo ng talaan ng kurso na
ayon sa iyong hilig, talento, at kakayahan at sa mga trabahong maaaring pasukin na in demand sa Pilipinas at sa ibang
bansa ayon sa DOLE o sa website na ito http://www.jobopenings.ph/article_item
367/DOLE_Lists_Most_in_Demand_Jobs_in_the_Philippines.html

Halimbawa:
Track Hilig, Kakayahan at Kurso Trabahong Maaaring
Talento Pasukan
Academic Mahilig sa mga bagay na Information and Technology Programmer o IT Expert
Technology may kaugnayan sa
(STEM) paggawa ng program sa
Computer
Sining at Disenyo Pagguhit at pagpinta Fine Arts Artist
Teknikal-Bokasyonal Mahilig sa pagkalikot ng Auto Gas Mechanic o Auto Mekaniko
mga bagay na may Diesel Mechanic
kaugnayan sa makina ng
sasakyan
Pagnenegosyo Mahilig magluto Food Processing Chef o Cook
Magtayo ng sariling
karinderya

IKAW NAMAN:
Track Hilig, Kakayahan at Kurso Trabahong Maaaring
Talento Pasukan

Mga Sanggunian
1. Gabay sa Pagtuturo: Pahina 121 - 126
2. Kagamitan ng Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Pahina 262 - 266

Susi sa Pagwawasto:
Gawain 1: Nakadepende sa mag-aaral ang isasagot.

You might also like