You are on page 1of 28

MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

Schools Division Office


BAGONG SILANGAN HIGH SCHOOL
J. P. Rizal St., Brgy. Bagong Silangan, Quezon City

BASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA


FILIPINO (P3F)
BAITANG 7
MODYUL: F BOLYUM: 3 MARKAHAN: 1

Pangalan ng Mag-aaral: ____________________________________


Telepono (Mag-aaral ): ____________________________________
Baitang at Pangkat: ____________________________________
Magulang/Tagapangalaga: __________________________________
Telepono (Magulang/Tagapangalaga): _________________________
Tirahan : _______________________________________________
Gurong Tagapayo: ________________________________________
Katuwang na Tagapayo:_________________________________
Manunulat
Lea Guevarra, Mae Bucad(ESP)
Lea M. Tulauan (Araling Panlipunan)
Maria Jayvee B. Lalaguna (Filipino)

Tagapagtayang Pangwika
Marivic P. Elises (Filipino)

Patnugot sa Pag-aanyo ng Pahina


Enrico C. Galang Jr.
Tagapagtayang Pangnilalaman
Gloria C. Cruz (Filipino)
Mary Jane Talag (Edukasyon sa Pagpapakatao)
Mailanie M. Manaban (Araling Panlipunan)
Noel V. Elises (Araling Panlipunan)
Konsultant
Modesto G. Villarin, EdD Pahina 0 ng 21
Punongguro IV, BSHS
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

I. LAYUNIN

A. Nakikilala at nauunawaan ang sariling talento at kakayahan;


B. Natutukoy ang sariling kahinaan at nagkakaroon ng kaalaman upang
mapagtayumpayan ito;
C. Naiisa-isa ang iba’t ibang implikasyon ng likas na yaman sa uri ng
pamumuhay ng mga tao sa Asya mula noon hanggang sa kasalukuyan;
D. Nabibigyang halaga ang iba’t ibang paraan ng tamang pangangalaga sa
timbang na kalagayang ekolohikal ng Asya;
E. Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari sa epiko;
F. Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa
akda (kung, kapag, sakali, at iba pa).

II . UNANG BAHAGI (EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO)

A. Panimulang Gawain

Pahina 1 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

Panuto: Suriin ang mga nakasulat sa “kahon ng mga propesyon”. Matapos nito,
sagutan ang mga sumusunod na tanong. (2 puntos/bilang)

(Larawan halaw sa : https://bit.ly/2CKcSY9)

1. Mula sa “kahon ng propesyon”, ano ang pinaka gusto mo dito? Ipaliwanag.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pahina 2 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

2. May kakilala ka bang katulad ng propesyon na nais mo? Anu-ano ang nakita mong
magandang katangian nila? Magbigay ng tatlo.

a. _________________________________________________________________
b. _________________________________________________________________
c. _________________________________________________________________

3. Suriin ang iyong sarili, tinataglay mo ba ang katangiang mayroon sila? Pangatwiranan.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Paano mo pa lubusang mapapaunlad ang iyong sarili?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

B. Pagbasa ng Teksto
Marahil ikaw ay nangangarap na isang araw ikaw ay maging matagumpay inhinyero,
chef, flight attendant at iba pa. Kadalasan, tayo ay naakit sa mga propesyong ito dahil sa mga
hinahangaan nating mga tao ay nasa ganitong larangan. Maaring nagugustuhan din natin ang
isang trabaho o propesyon dahil sa mga pananamit, tindig at kita na kaakibat nito. Hindi masama
na tayo ay mangarap at asamin na maging katulad tayo ng mga taong nagtagumpay bagamat
kailangan muna nating kilalanin ang ating sarili upang maabot natin ang ating hinahangad.
Mahalagang malaman natin ang mga kakayahang angkop sa mga ibat-ibang larangan upang
ngayon pa lamang ay mapaghandaan mo na ito.
Sa bolyum 2, tinalakay natin ang iba’t-ibang talino ayon sa teyoryang Multiple
Intelligences mula kay Dr. Howard Gardner.
Narito ang ilan sa mga larangang angkop sa ibat-ibang talino (Multiple Intelligences)

Pahina 3 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

Multiple Larangang angkop


Intelligences

Visual or Spatial artists, designers, cartoonists, story-boarders, architects,


photographers, sculptors, town-planners, visionaries, inventors,
engineers, cosmetics and beauty consultants: 

Verbal/Linguistic writers, lawyers, journalists, speakers, trainers, copy-writers,


english teachers, poets, editors, linguists, translators, PR
consultants, media consultants, TV and radio presenters, voice-
over artistes

Matematikal/ scientists, engineers, computer experts, accountants,


Logical statisticians, researchers, analysts, traders, bankers bookmakers,
insurance brokers, negotiators, deal-makers, trouble-shooters,
directors

Bodily/ Kinesthetic dancers, demonstrators, actors, athletes, divers, sports-people,


soldiers, fire-fighters, PTI's, performance artistes; ergonomists,
osteopaths, fishermen, drivers, crafts-people; gardeners, chefs,
acupuncturists, healers, adventurers

Pahina 4 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

Musical/Rhythmic musicians, singers, composers, DJ's, music producers, piano


tuners, acoustic engineers, entertainers, party-planners,
environment and noise advisors, voice coaches.

Intrapersonal Researcher, manunulat ng mga nobela, negosyante.

Interpersonal  therapists, HR professionals, mediators, leaders, counsellors,


politicians, eductors, sales-people, clergy, psychologists,
teachers, doctors, healers, organisers, carers, advertising
professionals, coaches and mentors

Naturalist Botanist, farmer, environmentalists

Existentialist Mga pilosopo, theorist, mga pari o pastor

Maaaring narito ang iyong larangang ninanais subalit nagdadalawang isip ka dahil sa
natuklasan mong angkop na kakayahang dapat taglayin base sa mga talinong ating nabasa sa
nakaraang aralin (Bolyum2). Mahalagang ngayon pa lamang ay mapagtuunan mo na ito ng

Pahina 5 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

pansin upang mahasa mo ang iyong kakayahan. Isa sa mga sikreto ng mga matagumpay na tao
ay ang kanilang pagsusumikap na malampasan ang kanilang kahinaan. May kasabihan sa Ingles
na “practice makes perfect”. Ang masusing pagsasanay ay mahalaga upang maging mahusay
tayo sa ating larangan. Kung nagnanais kang maging inhenyero, ngayon pa lamang ay pagbutihin
mo na lalo sa asignaturang matemetika.
Mahalaga rin ang pagkakaroon natin ng tiwala sa ating sarili at makatutulong ang
pagkilala natin sa ating kahinaan at kalakasan upang magkaroon nito. Tandaan, ang tiwala sa
sarili ay hindi namamana, ito ay natututunan. Maaaring hindi mataas ang iyong tiwala sa sarili sa
ngayon subalit maaari itong mabago sa paglipas ng panahon.
Upang masimulan mo ang pagpapaunlad ng iyong sarili, dapat kang gumawa ng plano o
hakbang. Una, dapat nating tukuyin kung masaan tayo ngayon, ang ating kahinaan at kalakasan.
Ikalawa, tukuyin kung saan natin nais o kailangang tumungo. Ano ang kailangan paunlarin, alin
ang uunahin. Ikatlo, kailangang lapatan ito ng mga paraan kung paano isasagawa ang mga
pagbabago.

C. Pag-unawa sa Binasa.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na kantanungan.

1. Mula sa iyong binasa, anong kakayahan o talino ang dapat taglay ng isang (2puntos/sagot)

Pahina 6 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

a. Engineer: ___________________________________________________________
b. Soldier: ___________________________________________________________
c. Clergy(Pari): ________________________________________________________
d. Botanist : ___________________________________________________________
e. Designers; __________________________________________________________
f. Journalists: _________________________________________________________
g. DJs; _______________________________________________________________
h. Manunulat ng nobela: _________________________________________________

2. Ilahad ang larangang nais mo batay sa binasa at anong kakayahan ang dapat mong taglay?
(2 puntos)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Upang maabot ang larangang nais mo, dapat mong pagyamanin o paunlarin ang iyong
kakayahan sa: (2 puntos)

Pahina 7 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Bakit mahalagang masuri ang ating kakayahan at kahinaan? (2 puntos)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa ating pag-unlad?(2 puntos)

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Pahina 8 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

6. Ibigay ang mga hakbang upang mapaunlad mo ang iyong sarili?(3 puntos)

a. ____________________________________________________________________
b. ____________________________________________________________________
c. ________________________________________________________________

D. Pagyamanin
Gawain 1. Dugtungan ang mga salita sa lobo ng usapan upang makabuo ng pahayag
tungkol sa iyong kakayahan.Isulat ang iyong sagot bawat aytem sa mga
patlang.

3 puntos
Upang makamit ko ito kailangan kong
Pangarap kong maging paunlarin ang aking kakayahan sa:
____________________________________
2 puntos ___________________________________

_____________________________

(5 puntos)
Ito ang aking mga paraan upang paunlarin ang sarili:
1.__________________________________________________

2.__________________________________________________

3.__________________________________________________

4._________________________________________________

5.__________________________________________________ Pahina 9 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

Gawain 2. Gumupit ng iyong larawan na nakabihis ng ayon sa nais mong propesyon at idikit
sa unang kahon, Punan ang patlang sa kasunod na kahon .

(5 puntos)
Halimbawa
Sampung taon mula ngayon, paano mo ipakikilala ang
iyong sarli?
Larawan halaw sa - https://bit.ly/2ZQqDgT
Ako si ___________________________-________, isang
_____________________ na nagtatrabaho bilang
____________________________________________
sa ___________________________________________.

III. IKALAWANG BAHAGI (ARALING PANLIPUNAN)

Pahina 10 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

A. Panimulang Gawain

Panuto. Mula sa awiting “Masdan mo ang Kapaligiran” ng Asin, sagutin ang katanungan sa
ibaba.

Masdan mo ang Kapaligiran


by: Asin

Wala ka bang napapansin? Sa iyong mga May hangin pa kayang matitikman


kapaligiran.
May mga puno pa kaya silang aakyatin
Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog
natin. May mga ilog pa kayang lalanguyan.
REFRAIN 1
Hindi nga masama ang pag-unlad REFRAIN 3
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Bakit 'di natin pag-isipan
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim.
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, 'wag na nating paabutin; Hindi nga masama ang pag-unlad
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman. Kung hindi nakakasira ng kalikasan.

REFRAIN 2 Darating ang panahon, mga ibong gala

Mayro'n lang akong hinihiling Ay wala nang madadapuan

Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag

Gitara ko ay aking dadalhin Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan.

Upang sa ulap na lang tayo magkantahan.


Ang1.mga batang
Batay ngayonmagbigay
sa awitin lang isinilang
ng tatlong (3) mga pagbabagong napansin sa kapaligiran? (5
puntos)________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
REFRAIN 4

2. Sa iyong sariling pagkaunawa, ano kaya ang mensahe


Lahat ng
ng awitin nais ipabatid
bagay na narito sa lupanito sa
mamamayang Plipino? (5puntos)
Biyayang galing sa Diyos kahit nu'ng ika'y wala pa
Pahina 11 ng 21
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
'Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala
na.
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
B. Pagbasa ng Teksto
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano
Ang lahat ng ating nasa paligid- ang mga kabundukan, dagat, hayop, halaman at mineral,
ay mga likas na yaman na siyang puhunang nililinang ng tao upang matugunan ang kaniyang
mga pangangailangan. Noon pa man at magpahanggang ngayon, ang uri ng pamumuhay at
gawain ng tao ay nakaangkop sa kaniyang kapaligiran. Pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay
kung ang tao ay naninirahan sa kapatagan. Kung sa baybaying dagat naman ay pangingisda ang
ikinabubuhay. Tunay nga na ang ganitong ugnayan ng tao at kapaligiran ay isang natural na
prosesong ipinagkaloob ng kalikasan upang ang lahat ay mabuhay.
Talahanayan 1: Larangan at ang Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano.
Larangan Implikasyon
Agrikultura Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong
panluwas nito ay nagmumula sa pagsasaka. Sa pagpapalaki ng produksyon,
ang ilan ay gumagamit ng mga makabagong makinarya. May ilang mga
mamamayan na may maliliit na sakahan at nagbubukid para sa pansariling
ikabubuhay lamang.
Ekonomiya Marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad bunsod sa kasaganaan nito sa
likas na yaman. Ang mga ito ay pinagkukunan ng mga materyales na
panustos sa kanilang mga pagawaan. Maging ang mauunlad na bansa ay
dito kumukuha ng mga hilaw na materyales kung kaya't halos nauubos ang
likas na yaman ng huli at hindi sila ang nakikinabang dito. Sa kabilang
banda, likas na yaman din ang kanilang iniluluwas, kasabay ng paggamit ng
mga tradisyunal at makabagong teknolohiya upang mapataas ang antas ng
pambansang kita nang sa gayon ay mapabuti ang pamumuhay ng mga
mamamayan nito.
Panahanan Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy rin ang pagdami ng
nangangailangan ng ikabubuhay at pananahanan nito. Ang dami ng
populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa katangian ng likas na yaman nito.
Isang katotohanan na ang populasyon ay lumalaki ngunit ang lupa ay hindi,
kung kaya't ang ilan ay isinasagawa ang land conversion, na nagdudulot
naman ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop. Gumagamit ang tao ng
teknolohiya upang baguhin ang kakayahan ng lupa at ang kanilang
kapaligiran

Pangangalaga sa Timbang na Kalagayan ng Ekolohiya


Ang pagtaas ng kamalayan ng mga Asyano hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran ay
nangyari dahil may mga bansa nang nagpapatupad ng mga patakaran para sa pangangalaga ng
Pahina 12 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

mga ito. May mga bansa na naglaan ng protected areas at mayroon naming mga bansa na
nagpatupad ng batas na nangangalaga sa mga halaman at hayop. Ang mga Endangered Species
ay hangarin pangalagaan ng Convention on International Trade in Endanger Species of Wild
Fauna and Floral at United Nations Conference on Environment and Development na naglabas
ng mga pandaigdigang kasunduan para pangalagaan ang biological diversity ng mundo.
Ilang Gawain na Makatutulong sa Pangangalaga sa Ekolohiya ng Mundo
1. Patayin ang mga ilaw kapag matutulog na sa gabi o kapag lalabas ng silid.
2. Sa halip na gumamit ng mga kagamitang electronic sa paglilibang, mas mainam na
magbasa ng aklat o makipaglaro ng mga board games sa mga kaibigan o kapamilya.
3. Iwasang buksan ang refrigerator nang matagal.
4. Tanggalin ang plug ng mga appliances kapag hindi ginagamit.
5. Bumili ng mga appliances na energy efficient.
6. Gumamit ng compact fluorescent light bulbs.
7. Kung malapit lang ang pupuntahan, mainam na gamitin ang pampublikong
transportasyon sa halip na sariling sasakyan.

Ang Biodiversity
Ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng buhay na bumubuo sa
natural na kalikasan ay tinatawag na biodiversity. Ang masusing ugnayan at pagbabalikatan ng
bawat isa sa loob ng isang bansa, at sa pagitan ng bawat bansa ay mahalaga upang
makapagbalangkas at makapagpatupad ng akmang solusyon sa mga suliraning ito.

Talahanayan 2: Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

Suliranin Kahulugan
1. 1.Desertific  pagkasira ng lupain na hahantong sa permanenteng pagkawala ng
ation kapakinabangan o productivity
 hal. China, Jordan, Iraq, Lebanon, Syria, Yemen, India at Pakistan
2. Salinization  lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng
tubig papunta sa lupa.
 Hal. Bangladesh,
3. Habitat  Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang
pangunahing apektado ng land conversion o ang paghahawan ng
kagubatan, pagpapatag ng mga mabundok o maburol na lugar
upang magbigay-daan sa mga proyektong pangkabahayan

Pahina 13 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

4. Hinterlands  Malayong lugar, malayo sa mga urbanisadong lugar ngunit


apektado ng mga pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod tulad
ng pangangailangan ng huli sa pagkain, panggatong, at troso para
sa konstruksiyon na itinutustos ng hinterlands na humahantong sa
pagkasaid ng likas na yaman nito

5.Ecological  Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng


Balance kanilang kapaligiran

6.Deforestation  pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat


 hal. Bangladesh, Indonesia, Pakistan, at Pilipinas
7. Siltation  Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na
tubig sa isang luga
 Hal. lawa ng Tonle Sap sa Cambodia.

8. Red Tide  Sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat


9. Global Climate  Pagbabago ng pandaigdigan o rehiyunal na klima na maaaring
Change dulot ng likas na pagbabago sa daigdig o ng mga gawain ng tao.
Karaniwang tinutukoy nito sa kasalukuyan ang pagtaas ng
katamtamang temperature o global warming.

10. Ozone Layer  Isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming


konsentrasyon ng ozone. Mahalagang pangalagaan ang ozone
layer sapagkat ito ang nagpoprotekta sa mga tao, halaman, at
hayop mula sa masamang epekto ng radiation na dulot ng
ultraviolet rays.

C. Pag-unawa sa Binasa (Kabuuang puntos 10)

a. Panuto. Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang WASTO kung ito ay tama at
DI-WASTO kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_________________1. Ang Habitat ay pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng


anyo ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasan.

_________________2. Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa katangian ng


likas na yaman nito.

_________________3. Ang dating mabundok at sakahan ay ginagawang subdibisyon upang


matugunan ang pangangailangan ng tirahan ng mga tao.

Pahina 14 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

_________________4. Gumagamit ang tao ng teknolohiya upang baguhin ang kakayahan ng


lupa at ang kanilang kapaligiran.
_________________5. Habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga tao hindi nagbabago ang
pangangailangan sa likas na yaman.
b. Makikita ang apat (4) na suliraning pangkapaligiran sa loob ng Bubble Map Graphic
Organizer. Magsulat ng isang (1) mungkahing solusyon sa mga suliraning ito. Isulat ang
sagot sa loob ng Bubble Map Graphic Organizer. (2 puntos sa bawat soulsyon)

2. Deforestation
1. Desertification Solusyon: _________________
Solusyon: __________________________
_______________________ __________________________
_______________________ _________
_______________________
_________ Suliraning
Pangkapaligiran at
Mungkahing
Solusyon

4. Siltation
3. Pagkasira ng Ozone Layer Solusyon:
Solusyon: _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _________
_________
D. Pagyamanin
Panuto: Ngayong alam mo na ang mga suliraning kinakaharap ng tao kaugnay ng kaniyang
1.____________________________________________________________________________
kapaligiran. Sumulat ng tatlong pangungusap (3) na kaya mong ipangako sa tamang
pangangalaga at ikauunlad ng kalikasan. Isulat ito sa loob ng iskrol (scroll) (3 puntos
ang isang pangungusap) (9 kabuuang puntos)
_____________________________________________________________________________

2.____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
Pangako ng Pangangalaga sa Kalikasan
3. ___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Pahina 15 ng 21
_____________________________________________________________________________
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

V. IKATLONG BAHAGI (FILIPINO)


A. Kasanayan sa Pagbuo

Gawain1

A. Panimulang Gawain
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang makilala ang mga taong nasa larawan at
isulat ito sa patlang. Iguhit sa kahon ang masayang mukha kung maituturing silang
bayani at malungkot kung hindi. Ipaliwanag ang iyong sagot at isulat sa mga linya.

1. halaw mula sa http://bit.ly/3fTVU8q

____________________________
_____________________________

DKTORO
________________________
__ 2. Halaw mula sa :https://bit.ly/3eTua2z

_______________________________
_______________________________

SDNAUOL
________________________
__
3. Halaw mula sa : https://bit.ly/30SAT7Z

________________________________

Pahina 16 ng 21

DNAOT
________________________
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

________________________________

B. Pagbasa ng Teksto
Panuto: Basahin at unawain ang teksto.
Si Sultan Eskander at ang Malupit na Higanteng si Tarabusao
Epiko ng Maguindanao

Ang Epiko ay isang uri ng panitikan na tumatalay sa mga kabayanihan at


pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil ang mga taqgpuan ay pawing mga kababalaghan at di-kapani-
paniwala. Galing ito sa salitang Greek na Epos na nangangahulugang salawikain o awit.
May layunin itong pukawin ang interes ng mga mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob
na kagandahang asal,kultura,tradisyon,paniniwala,mithiin at kaugalian ng mga tauhan.

Noong unang panahon, ang pulo ng Mindanao ay isang malapad na lupaing natatabunan
halos ng makapal na kagubatan. Wala pang taguri o pangalan ito noon at dito ay isinilang ang
isang higanteng nagngangalang Tarabusao. Ang hitsura ni Tarabusao ay hindi maintindihan kung
tao ba o kabayo. Isa siyang malupit na nilalang.
Sa pamamagitan ng kamay na bakal, naghari sa buong kapuluan si Tarabusao. Ang
kanyang pagkain ay tao-ang laman ng mga lalaki. Bunga nito, ang mga kalalakihan sa kapuluan
ay nakatakdang mamatay. Kung hindi man magkagayon, kailangang tumakas sila at magtago sa
mahiwagang pulo ng Mantapuli.
Ano na lamang ang buhay ng kababaihan sa pulong iyon? Pinagsasayaw ni Tarabusao
ang mga ito upang ang higante ay aliwin at nang maibsan ang kanyang pagkabagot. Kawangis
nila ay ang mga buhay na manyika. Ang mga kababaihan ay sumasayaw paikot kay Tarabusao
habang kinakanta ang ang mga awiting kinagigiliwan nitong pakinggan.Nang mga panahong
yaon, ang namumuno ng Mantapuli ay si Sultan Skander, isang maginoo, matapang at
tagapagtanggol ng karunungan at kalayaan. Nabalitaan at napag-alaman niya ang kalupitan ni
Tarabusao sa mga mamamayan sa karatig-pulo. Labis-labis ang pangambang nadama ni Sultan
Skander. Hindi niya hahayaang mamayani ang kalupitan at kawalan ng katarungan sa pulong
yaon. Nang sumunod na araw, pinatawag niya ang tagapayong pampolitika at pangkawal.
Pinulong niya ang ma ito. Nangako si Sultan Skander na ililigtas niya ang mga mamamayang
sinasakupan ni Tarabusao.

Pahina 17 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

Umaga ng BIyernes, nang sumunod na araw, libo-libong mamamayan ng Mantapuli


ang mga nasa daungan at naghahanda para sa dakilang pakikihamok na naghihintay. Ang mga
armas ay inilagak sa tamang posisyon. Naghanda sila ng mga pagkain, inumin at ang mga isdang
dadalhin. Inilulan ang mga ito sa malaking barkong sasakyan ni Sultan Skander para sa kanyang
pagtawid sa karagatang naghihiwalay sa Mantapuli at sa pulong pinaghaharian ni Tarabusao.
Bago sumapit ang tangahali ng araw ring iyon, buong kakisigan at katapangang
umakyat sa barko si SultanSkander, kasunod ang kanyang mga alalay. Nagmistula itong
prusisyong ang tinutumbok ay ang barko. Makapal na tao ang sumaksi sa nakatakdang
paglalakbay ni Sultan Skander. Kabilang sa mga ito si Bai Labi Mapanda, isang dilag nakalulan
sa napapalamutiang tangongan, isang papag na binubuhat ng mga kalalakihan. Si Bai Labi
Mapanda ang napupusuan ni Sultan Skander na makaisang dibdib. Naroon siya upang maghatid
sa sultan. Habang nakatayo sa isang bato, buhat doon ay natatanaw niya ang dagat. Binitawan
niya ang kanyang panyo at habang nananalangin ay pumatak ang luha mula sa pisngi nito.
Habang palapit nang palapit ang barko sa pulong pinananahanan ni Tarabusao, palaki
nang palaki ito sa paningin ng mga lumulusob. Nag-utos si Sultan Skander sa mga tauhan nito
upang maghanda sa anumang maaaring maganap. Pagdaong ng barko sa dalampasigan ay agad
lumundag si Sultan Skander. Naghudyat ito sa mga tauhan para sa paglusob kay Tarabusao.
Nagwika siya na hindi sila babalik sa Mantapuli hangga’t hindi niya tangan ang ulo ni Tarabusao
na siyang magiging simbolo ng kanyang pananagumpay at ng pagwawagi ng kalayaan laban sa
mga malulupit na tauhan ni Satanas.
Nagmistulang mga gutom na leon ang mga taga-Mantapuli. Pinasok nila ang kagubatan
at hinanap siTarabusao. Sa pagkakataong ito si Tarabusao ay nasa tuktok ng bundok ng Apo
habang tuwang-tuwang pinanonood ang mga babaeng nagsasayaw at nag-aawitan.
Ang mga sundalaong taga-Mantapuli ay maingat na inakyat ang bundok sapagkat batid
nilang naroon siTarabusao. Sa paanan ng bundok ay naroon si Sultan Skander at nagpasyang
humiwalay sa mga kasamahan. Sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang handog ng langit,
kinuha niya ang kanyang mga pakpak at pumaimbulog it sa kalawakan tungo sa pinakatuktok ng
bundok na kinarororonan ni Tarabusao.
Sa gitna ng kalawakan ay tumigil sa paglipad si Sultan Skander at nagwika kay
Tarabusao, “Tarabusao! Naririto ako, ang Sultan ng Mantapuli. Halika rito’t makipagtunggali sa
akin.” Pagkarinig nito, tumayo si Tarabusao at humanda para sa sagupaan. Dumampot ito ng
malaking bato at ipinukol sa sultan. Ngunit naiwasan ito ni Sultan Skander. Hindi siya nilubayan
sa kababato ni Tarabusao ngunit isa man sa mga ito ay hindi tumama. Nang maramdamang
pagod na si Tarabusao, Kinuha ni Sultan Skander ang kanyang kampilan at animo’y kidlat na
bumulusok at pinutol ang ulo ni Tarabusao. Gumulong sa kabatuhan ang ulo at katawan ni
Tarabusao. Ang katawan naman nito ay unti-unting lumubog sa lupa nang ito ay bumagsak.
At sa wakas ang malupit na si Tarabusao ay naglaho. Sa pagbabalik ni Sultan Skander sa
kanilang lupain ay inihayag nito ang kanyang pag-iisang-dibdib na gaganapin sa pagsapit ng
kabilugan ng buwan. Muli ang kaharian ng mantapuli ay ipinakita sa buong mundo na ang
Pahina 18 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

kalayaan ay isang mahalagang adhikain at dapat itong ipagtanggol kahit ang ilang buhay ay
mabuwis makamtan lamang ito.

C. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Ilagay ang kasagutan sa nakalaang
patlang. (2 puntos bawat bilang)

1. Ilarawan ang pulo ng Mindanao ayon sa nabasang epiko.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano naghari si Tarabusao sa kapuluan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sang-ayon ka ba sa paggamit ng kamay na bakal ng isang namumuno? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Anong kabayanihan ang ipinakita ni Sultan Skander sa binasang akda?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong kabayanihan sa kasalukuyang
nangyayari sa ating bansa?
______________________________________________________________________________

D. Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari


Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari upang mabuo ang isang akda na pinamagatang
“Si Prinsipe Bantugan”. Isulat ang A, B, C, D, E sa nakalaang patlang.

________1. Nalungkot si Prinsipe Bantugan. Siya ay naglagalag, siya ay nagkasakit at namatay


namatay sa harap ng isang palasyo.
________2. Nalaman ni Haring Madali ang pagkamatay ng kanyang kapatid kaya ginawa niya
ang lahat para mabawi ang kaluluwa nito. Muling nabuhay si Prinsipe Bantugan.
________3. Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang
Prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan kaya’t maraming dalaga ang naaakit sa
kanya.
________4. Nainggit si Haring Madali sa kapatid, nag-utos siya na ipagbabawal ang pakikipag-
usap ng sinuman kay Prinsipe Bantugan.

Pahina 19 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

________5. Nalaman ni Haring Miskoyaw na namatay si Prinsipe Bantugan kaya lumusob sila
sa kaharian ng Bumbaran. Hindi nila nalaman na buhay nang muli ang prinsipe at
buong giting na nakipagdigma sa kanila. Natalo nila ang hukbo ni Haring Miskoyaw
at nanumbalik ang katahimikan sa buong kaharian.

Gawain 2. Gramatika
A. Alamin

Retorikal na Pang-ugnay na Panubali


Ang Retorikal na Pag-ugnay na Panubali ay mga salitang nag-uugnay ng
salita o pahayag na nagsasaad ng walang katiyakan o pag-aalinlangan.

Baka - salitang nagsasaad ng walang katiyakan


Sakali - salitang nagsasaad ng pag-aalinlangan
Kung - salitang nagsasaad ng di-katiyakang kondisyon
Kapag- salitang nagsasaad ng tiyak na kondisyon
Disin sana- salitang nagsasaad ng kondisyon
Kung gayon- salitang nagsasaad ng panubali

B. Pagsasanay 1
Panuto: Salungguhitan ang mga salitang ginamit na panubali sa mga pangungusap.
1. Kung hindi tayo susunod sa alituntunin ng ating pamahalaan tiyak na tayo ay
mapapahamak.
2. Ipakita mo na ikaw ay tunay na nagsisi baka isang araw ay mapapatawad kita.
3. Sakaling may humingi sayo ng tulong, huwag kang mag-atubiling ipagkaloob ito.
4. Malalagpasan natin ang krisis na kinakaharap kapag tayo ay magkakaisa at
magtutulungan.
5. Nais mong bumalik sa normal ang lahat, kung gayon alagaan mo ang iyong kalusugan.
C. Pagsasanay 2
Panuto: Magtala ng mga pangungusap sa teksto na ginagamitan ng panubali. Pagkatapos,
bilugan ang panubaling ginamit. ( 2 puntos )

Edukasyon
Ni Andres P. Castillo Jr.
Ang edukasyon ay napakahalaga sa bawat mag-aaral. Ito ang pinakamahalagang pamana
sa atin ng ating mga magulang. Ito ay hindi mananakaw kahit ninuman. Subalit marami sa atin
ang gustong mag-aral ngunit may mga hadlang. Pahina 20 ng 21
Una, kahirapan. Hindi matutustusan ng mga magulang ang pangangailangan ng
kanilang mga anak kapag wala rin silang maayos na trabaho. Ikalawa, ang barkada. Isa ring
dahilan ito kaya hindi nakakapagtapos ang isang mag-aaral. Naliligaw ng landas dahil sa udyok
ng barkada. Kung minsan dito nagsisimulang matutuhan ang mga bisyo, paninigarilyo, droga at
fraternities. Ikatlo, ang kawalan ng interes sa pag-aaral.
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

Mas gustong maglaro ng ML at iba pang computer games kaysa pumasok sa paaralan bagamat
may hatid ding maganda ang paglalaro ng mga video games sakali mang malaman nila kung
paano hubugin ang mga kakayahang inilaan nila sa paglalaro. Huli nang napagtanto nila na
mahalaga pala ang edukasyon. Kung ganoon ang mangyayari sa iyo, kailangan mong mag-isip-
isip dahil hindi pa huli ang lahat.
Kaya, halina’t mag-aral nang mabuti. Gawin natin ang ating mga takdang-aralin upang
tataas ang ating marka. Kaya mga kaibigan, mag-aral na tayo.

1.____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2.____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3.____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

4.____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5.____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

D. Pagnilayan
Panuto: Bumuo ng isang “BLOG POST” tungkol sa mabuting naidudulot ng Quarantine sa
panahon ng Pandemya sa ating kapaligiran na binubuo ng limang pangungusap.
Pahina 21 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na "talaan sa
web"). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Karamihan sa mga tao ang
makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog na iyon. Tinatawag na
Halimbawa:
mga blogero (mula sa Ingles na blogger o literal na "taga-blog") ang mga taong sumusulat sa mga
blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero
Sa kasalukuyang sa mga
panahon blog ang kanilang
nakaaalarma mga opinyon
na ang nangyayari at mga
sa ating naiisip.
kalikasan
ngayon dahil sa ating kapabayaan. Dahil kung anong ginanda noonHalaw ay
mulaiyon naman ang
sa: https://bit.ly/39jLSep
kinabaliktaran sa panahon natin ngayon sapagkat hindi natin napapangalagaan ng
maayos. Kung ito lang ay natratrato ng tama e’di sana’y hindi natin nararanasan ang
mga dilubyo at krisis na sinasagupa sa panahon natin ngayon. E’di sana’y walang mga
sirang daan, sirang kalikasan at sirang kabuhayan tayong nararanasan ngayon!. Sana ay
habang may panahon pa at hindi pa huli ang lahat ay matutunan natin itong alagaan.
Sana ay hanggang maaga pa ay masolusyonan na ang problemang ito. Wag na nating
hintayin ang paghihiganti ng ating kalikasan na siguradong kikitil sa maraming buhay
dito sa mundo. Sana’y huwag naming humantong sag anon!, wag naman sana !.
MARK ANGELO FRANCISCO halaw mula sa : https://bit.ly/39lXbTb

_______________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

Pamantayan sa pagbuo ng “BLOG POST” Puntos Talaan ng Puntos


Angkop na paggamit ng mga retorikal na pang-ugnay na 2 puntos
panubali (baka, sakali, kung, kapag, disin sana, kung

Pahina 22 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

gayun)
Maayos na pagkakalahad ng mga ideya 4 puntos
Wastong gamit ng bantas 2 puntos
Orihinalidad 2 puntos
KABUUAN 10 puntos

Mga Sanggunian:

I. Edukasyon Pagpapakatao
Sanggunian:

 Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ( Students Manual )


 https://bit.ly/2CKcSY9
 https://bit.ly/30qS2Fx

II. Araling Panlipunan


Sanggunian
Aklat
 Samson, M. C.et.al. (n.d.). Kayamanan: Ang Pilipinas sa Asya. Quezon City: Rex Book Store.
 ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Batayang

Website
 https://www.allthelyrics.com/lyrics/asin/masdan_mo_ang_kapaligiran-lyrics-961653.html
 https://www.slideshare.net/jovenMarino/pangangalaga-sa-timbang-na-kalagayang-ekolohiya
 https://www.cartoonstock.com/directory/e/environmental_protection.asp

III.Filipino
Sanggunian
 Asuncion, Gary D.et.al (2019). Pitak 7,pahina 19,24.

Pahina 23 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

SUSI NG PAGWAWASTO ( KOPYA NG GURO )


I. Edukasyon Sa Pagpapakatao
A. Gawain
A. Panimulang Gawain (8puntos)

(maaaring magkakaiba ang tugon ng mga-aaral)

C. Pag-Unawa sa Binasa

1. a. Engineer: d. Botanist g. DJs


b. Soldier e. Designers h. Manunulat ng nobela
c. Clergy(Pari) f. Journalists

2. (maaaring magkakaiba ng sagot)

Pahina 24 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

3. (maaaring magkakaiba ng sagot)


4. Upang mapagyaman pa ang kakayahan at mabigyan ang sarili na matutunan ang mga
kinakalilangang kasanayan.
5. makatutulong ito upang matapos ang isang gawain nang may kahusayan.
6. a. (Halimbawa: maglaan ng oras para magsanay, magpaturo sa mga nakatatanda,
magbasa atbp.)
b.

c.
C. Pagyamanin (15 PUNTOS)
Sariling sagot ng mag-aaral

Kabuuang Puntos – 50
II. Araling Panlipunan
A. Gawain 1-(10 puntos)
1.Madumi na ang hangin, at ilog, ang dagat kulay itim.
2. Pangalaagaan at ingatan ang kalikasan upang mapakinabangan pa ng susunod na
henerasyon at maging balance angugnayan ng tao, hayop, at kalikasan.

C. Pag-unawa sa Binasa (10 puntos)


A.
1. DI-WASTO 4. WASTO
2. WASTO 5. DI-WASTO
3. WASTO
B. Bubble Map Graphic Organizer (Kahit isa lang sa nabanggit, 2 puntos bawat
solusyon)
1. Desertification- Iwasan ang paggamit ng insecticide, Pagkakaroon ng pahinga sa
paggamit ng lupa, Reforestation
2. Deforestation- Mahigpit na pagpapatupad ng batas sa ilegal na pagpuputol ng puno,
Pagtatanim ng punong kahoy,
3. Pagkasira ng Ozone Layer- Iwasan ang pagsunog ng goma at plastic, Reforestation,
Mahigpit na batas laban sa mga sasakyan at pabrika na nagbubuga ng maitim na usok.
4. Siltation- Huwag magtapon ng anumang basura sa anyong tubig. Tamnag
pangangalaga sa kalikasan.
D. Pagyamanin (9 puntos)
 Ipinapangako ko na magtatapon na ako ng basura sa tamang tapunan
 Ipinapangako ko na makikiisa ako sa mga programa ng pamahalaan tungkol sa
pangangalaga ng kalikasan
 Ipinapangako ko na hindi ako magsusunog ng plastic o anumang bagay na
makakapagdulot ng matinding polusyon sa hangin
Pahina 25 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

(Kabuuang puntos 34)

III. Filipino
A. Gawain 1
a. Panimulang Gawain (3 puntos)
1. DOKTOR – ( maaring magkakaiba ang sagot at nasa guro ang papasya)
2. SUNDALO- ( maaring magkakaiba ang sagot at nasa guro ang papasya)
3. TANOD-( maaring magkakaiba ang sagot at nasa guro ang papasya)

c. Pag-Unawa Sa Binasa (2 Puntos)

1. Ang pulo ng Mindanao ay isang malapad na lupaing natatabunan halos ng makapal na


kagubatan. (nasa pagpapasiya ng guro)
2. Naghari sa buong kapuluan si Tarabusao sa pamamagitan ng pagamit niya ng kamay na
bakal. (nasa pagpapasiya ng guro)
3. Oo at hindi, bakit? Sapagkat Oo maaring may maidudulot na magandang kalalabasan
ang minsang paggamit ng isang pinuno ng kamay na bakal lalong-lalo na’t kadalasang
sa atin dito sa ating bansa ay medyo may katigasan ang ulo. Hindi, kapag naman labis
na ang paggamit ng isang pinuno sa pamamaraang ito. (nasa pagpapasiya ng guro)
4. Ginamit ni Sultan Skander ang kanyang lakas at talino upang matalo si Tarabusao at
mailigtas niya ang mga nasasakupan ni Tarabusao. (nasa pagpapasiya ng guro)
5. Bilang mag-aaral, maipapakita ko ang aking kabayanihan sa gitna ng kinakaharap na
krisis n gating bansa ay sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin upang
maiwasan ang paglaganap ng sakit na ito, taimtim na mananalangin upang tayo ay
kaawaan n gating Panginoon na sugpuin ang sakit na lumalaganap, magbahagi ng kahit
kunting tulong basta ito ay bukal sa puso lalo na sa mga taong nangangailangan. (nasa
pagpapasiya ng guro)

D. PAGSUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI


1. C 3. A 5. E
2. D 4. B

B. GAWAIN 2
A. Pagsasanay 1
1. Kung 3. Sakali/Sakaling 5. Kung gayon
2. Baka 4. Kapag

B. Pagsasanay 2
1. Hindi matutustusan ng mga magulang ang pangangailangan ng kanilang mga anak
kapag wala rin silang maayos na trabaho.
2. Isa ring dahilan ito kaya hindi nakakapagtapos ang isang mag-aaral.
3. Kung minsan dito nagsisimulang matutuhan ang mga bisyo, paninigarilyo, droga at
fraternities.
Pahina 26 ng 21
MODYUL F PAGBASA, PAG-UNAWA AT PAGSULAT SA FILIPINO (P3F) BAITANG 7 BOLYUM 3 MARKAHAN 1

4. Kung ganoon ang mangyayari sa iyo, kailangan mong mag-isip-isip dahil hindi pa huli
ang lahat.
5. Mas gustong maglaro ng ML at iba pang computer games kaysa pumasok sa paaralan
bagamat may hatid ding maganda ang paglalaro ng mga video games sakali mang
malaman nila kung paano hubugin ang mga kakayahang inilaan nila sa paglalaro.
C. Pagnilayan (10 puntos)
Nasa guro ang pagpapasya.
Kabuuang Puntos - 50 puntos

Pahina 27 ng 21

You might also like