You are on page 1of 3

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Ang Pambansang Wika ang tinuturing na kaluluwa ng ating


bayan, ang taling nagbibigkis sa pagkakaisa ng mga Filipino na
sumisimbolo sa Pambansang identidad. Ito rin ang instrumento ng
pag-unlad at tulay ng kapayapaan.
 
Ang kahalagahan ng Wikang Pambansa ay pinagtibay ng apat
na Saligang Batas ng Pilipinas – 1898 Konstitusyong Malolos, 1935
Konstitusyong Komonwelt, 1973 Konstitusyong Batas Militar, at
1987 Konstitusyong EDSA. Apat na hakbang ang dapat isagawa sa
pagbalangkas ng Wikang Pambansa: 1. Pagpili ng wikang saligan,
2. Kodipikasyon ng anyo ng napiling wika, 3. Elaborasyon ng
tungkulin ng wika, 4. Pagtanggap ng wika sa lipunan.
 
Makaraan ang masusing pag-aaral, ang wikang Tagalog ang
napili ng mga kasapi ng Institute of National Language bilang
batayan ng Wikang Pambansa. Napatunayan na ang Tagalog ang
tumutugon sa mga itinakda ng Batas Komonwelt bilang 184, s.
1936, seksiyon 8, talatang (5), “Ito ay wikang higit na maunlad na
estruktura/kayarian, mekanismo, at literatura at tinatanggap at
ginagamit sa kasalukuyang panahon ng pinakamaraming mga
Pilipino.”
 
Makatapos nito ay ipinahayag ni Pangulong Manuel L.
Quezon “Ama ng Wikang Pambansa” ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas na batay sa Tagalog sa ilalim ng E.O. No. 134 noong
1937. Samantala, ang E.O. No. 263 naman ay nag–aatas ng
paggamit at pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan
simula Hunyo 19, 1940.
 
Ang pagtawag sa Wikang Pambansa bilang “Pilipino” ay
pinasimulan ni Jose Romero, isang Bisaya na naging Kalihim ng
Edukasyon. Ngunit, ang Konstitusyon ng 1973 ang nagtakda na
ang Wikang Pambansa ay tatawaging “Filipino”. Ito ay sinang–
ayunan ng 1987 Konstitusyon na nagsasaad na “Ang Pambansang
Wika ay Filipino.”
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay itinuturing na kaluluwa ng ating bayan at nagbibigkis sa mga


Filipino na sumisimbilo sa pambansang identidad.

a. Filipino b. Tagalog c. Wikang Pambansa d. Pilipino

2. Ang kahalagahan ng Wikang Pambansa ay pinagtibay ng apat na


Saligang Batas ng Pilipinas -1898 Konstitusyong Malolos, 1935
Konstitusyong Komonwelt, 1973 Konstitusyong Batas Militar at __ .

a. 1887 Konstitusyong EDSA c. 1987 Konstitusyong EDSA


b. 1888 Konstitusyong EDSA d. 1999 Konstitusyong EDSA

3. Wikang napili ng mga kasapi ng Institute of National Language


bilang batayan ng Wikang Pambansa.

a. Filipino b. Tagalog c. Wikang Pambansa d. Pilipino

4. Tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” ng Pilipinas.

a. Manuel L. Queson c. Manuel A. Quezon


b. Manuel L. Quezon d. Manuel A. Queson

5. Ayon sa Konstitusyon ng 1973 at sinang-ayunan ng 1987


Konstitusyon, ito ay nagtatakda na ang Pambansang Wika ay ang
____ .

a. Filipino b. Tagalog c. Wikang Pambansa d. Pilipino

You might also like