You are on page 1of 21

6

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Digmaang Pilipino-Amerikano

1
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 6: Digmaang Pilipino-Amerikano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na
ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Raybeth Joy L. Gumbao


Editor: Achremah M. Balayanan
Tagasuri: Ritchel E. Wong, Maria Runa C. Orbe, Ruth E. Lacasandili
Tagaguhit: Raybeth Joy L. Gumbao
Tagalapat: Jim Ryan S. Dela Cruz
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Carlito D. Ricafort, CESO V – Regional Director
Rebonfamil R. Baguio, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE- Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Amg-ug- REPS, ADM
Johnny M. Sumugat - REPS, Araling Panlipunan
Ismael M. Ambalgan- Chief, CID
Sheryl L. Osano- EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada- EPS, ADM
Haron C. Kartil – EPS, Araling Panlipunan

Printed in the Philippines by Department of Education –SOCCSKSARGENRegion

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

i
Alamin

Kumusta? Ako ay nagagalak na makakasama ka sa iyong paglalakbay sa


pagtuklas ng bagong kaalaman sa araling ito. Handa ka na bang madagdagan
ang iyong natutunan?

Ang modyul na ito ay naglalahad ng mga pangyayari tungkol sa


pinagsimulan ng labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano. Isa itong
malawakang digmaan na tumagal nang halos dalawang taon. Maraming mga
Pilipino ang nakipaglaban at nagbuwis ng buhay sa panahon ng digmaang ito.
Matututunan mo din dito, ang mga pagsisikap at pagpupunyagi ng mga Pilipino
na magtagumpay sa labanan para makamit ang kalayaan. Subalit, dahil sa
makabagong armas at kasanayan sa pakikipagdigma ng mga Amerikano kung
kaya tuluyang nilang nasakop ang Pilipinas.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ay inaasahang matututunan ang layuning
ito:

1. Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang


Pilipino-Amerikano: (AP6PMK-Ig-10)

• Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa

• Labanan sa Tirad Pass

• Balangiga Massacre

Sa lahat ng gawain, intindihing mabuti ang binabasa at sumunod sa


bawat panuto. Isulat mo sa kalakip na sanayang papel ang mga sagot sa bawat
pagsasanay.

Handa ka na ba para sa ating paglalakbay sa araling ito? Halina at iyong


alamin ang mga pangyayari sa pagsiklab ng alitan na pinagsimulan ng
digmaang Pilipino-Amerikano.

1
Subukin

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong para malaman natin
ang iyong kaalaman sa mga pangyayari noong Digmaang Pilipino-Amerikano.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sanayang papel.

1. Saan nagpaputok ang isang sundalong Amerikano nang makita nito


ang isang sundalong Pilipino noong gabi ng Pebrero 4, 1899?
a. Kalye ng Singco at Camp Dumlao
b. Kalye ng Don Buencamino at Luneta
c. Kalye ng Alamander at Camp Siongco
d. Kalye ng Silencio at Sociego sa Sta Mesa Maynila

2. Ano ang iniutos ng pinuno ng mga Amerikano sa kanyang mga


sundalo matapos makita ang sundalong Pilipino?
a. hulihin at dalhin sa himpilan
b. patayin ang mga sundalong Pilipino
c. bitayin ang mga nahuling sundalong Pilipino
d. huwag magpaputok kung hindi lumalaban ang mga Pilipino

3. Kailan nagsimula ang digmaan ng mga Pilipino at Amerikano?


a. Abril 10, 1899 c. Marso 6, 1898
b. Pebrero 4, 1899 d. Oktubre 16, 1896

4. Sino ang tinamaan ng bala noong nagpaputok ang sundalong


Amerikano?
a. Corporal Anastacio Felix c. Corporal Aurelio Feliz
b. Corporal Cornelio De Juan d.Corporal Juanita De Chiva

5. Sino ang namuno sa kabataan sa Pasong Tirad sa Pilipinas?


a. Hen. Gregorio del Pilar c. Marcelo H. del Pilar
b. Emilio Aguinaldo d. Hen. Antonio Luna

6. Sino ang nagturo ng isang lihim na daanan sa mga Amerikano para


matunton ang kinalalagyan nina Heneral Gregorio del Pilar?
a. Juan Miquel Gallon c. Juanito Asuncion
b. Januario Galut d. Januan Silva

7. Sa labanan sa Samar, maraming namatay na sundalong Amerikano


at bilang ganti minasaker nila ang mga taga Samar. Pati ang mga
batang lalaking may gulang 10 pataas ay kanilang pinatay. Ano ang
tawag sa kaganapang ito?
a. Balangiga Massacre c. Pasong tirad
b. Labanan ng Maynila d. Mock Battle of Manila

2
8. Paano gumanti ang mga sundalong Amerikano sa mga Pilipino
matapos silang mamatayan ng higit kumulang 40 katao?
a. pagsunog ng mga sundalong Amerikano ng mga kabahayan at ari-
arian ng mga Pilipino
b. pagpatay ng mga bihag na gerilya, pati ng mga sibilyan at alagang
hayop
c. pagmasaker sa mga taga-Samar

d. lahat ng nabanggit

9. Anong katangian ang ipinakita ng mga Pilipino sa pakikipaglaban sa


mga Espanyol at Amerikano?
a. pagtulong sa kapwa c. katapangan
b. pagmamahal sa bansa d. lahat ng nabanggit ay tama

10. Bakit tinaguriang pinakatanyag na labanan sa pagitan ng mga


hukbong Pilipino at Amerikano ang “Balangiga Massacre”?
a. dahil sa labanang ito namatay si Hen. Emilio Aguinaldo
b. dahil sa labanang ito puro mga Pilipino lamang ang namatay
c. dahil ang labanang ito ang unang pagkatalo ng mga Amerikano
d. dahil ang labanang ito ang tinaguriang “Mock Battle”

3
Aralin
Digmaang
1 Pilipino-Amerikano

Balikan
Kumusta ang iyong pagsagot sa katanungan? Mayroon ka na bang ideya
tungkol sa ating aralin ngayon? Alam kong ikaw ay nasasabik na, pero bago mo
simulan ang pag-aaral ng bagong aralin, magbalik-aral ka muna.

Masdan mo ang larawan.

Source: www.google.com
Naaalala mo pa ba ito? Anong mahahalagang pangyayari ang
ipinahihiwatig sa larawan? Gaano kahalaga sa isang bansa ang pagkakaroon
ng kalayaan?

Magaling at iyo pang naalala ang iyong nakaraang aralin. Ngayon, siguradong
handa ka na para sa iyong bagong matututunan. Halina at
Sa modyul na ito ay mapupukaw ang iyong damdaming simulan na natin

4
Tuklasin
Gawain 1: Halo-halo Espesyal!

Panuto: Ayusin ang mga letra sa ibaba upang makabuo ng isang salita batay sa
kanyang nakasaad na kahulugan. Isulat ang sagot sa loob ng kahon. Sagutin
ito sa iyong sanayang papel.

MIAKEARON
-tawag sa taong ipinanganak at
nakatira sa Amerika

AANIGDM
-alitan, labanan, di-pagkakaunawaan

ILONIPPI
-taong ipinanganak at nakatira sa Pilipinas

GOERGIOR LED RILAP


-isa siyang Pilipinong siyentipiko at
magiting na Pilipinong heneral na
nakipaglaban noong sakupin ang
Pilipinas ng mga Amerikano.

AKLWA

-nangangahulugang sundalo

RAMSA

-isang lalawigan sa Visayas kung saan


naganap ang Balangiga Massacre

KOGUL
-tabak, itak, kampit

Nabuo mo ba ang mga salita? Ano-ano ang mga salitang iyon?

Magaling! Ito ang mga salitang iyong mababasa sa patuloy na pagaaral


ng iyong aralin.

Handa ka na bang matuto? Simulan mo na!

5
Suriin

Alam mo ba na nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at


Amerikano noon? Marahil ay itinatanong mo sa iyong sarili kung bakit
naganap ang digmaang ito. Para maunawaang mabuti, halina at ating
tuklasin ang mga pangyayari at pakikibakang naganap sa pagitan ng mga
sundalong Pilipino at Amerikano. Handa ka na ba? Sige simulan mo na.

Basahin Natin

Source:http://dlrciligan.weebly.com
Ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay isang makasaysayang yugto sa
pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan nila matapos ang pananakop ng
Espanya. Ang digmaang ito ang armadong hidwaan sa pagitan ng Unang
Republikang Pilipino at ng Estados Unidos na nagsimula noong Pebrero 4,
1899 hanggang Hulyo 2, 1902. Matatandaan na habang malapit nang matalo
ng mga mandirigmang Pilipino ang hukbong Espanyol, dumating ang mga
Amerikano sakay ng mga barko na dumaong sa baybayin ng Maynila.
Ipinalabas nila na magiging kasangga at kakampi sila ng mga Pilipinong
Rebolusyonaryo sa pakikipaglaban sa mga Espanyol para sa kalayaan.
Matatandaang nag deklara ng kasarinlan ang Pilipinas at tinawag itong Unang
Republika ng Pilipinas subalit, hindi ito kinilala ng mga Amerikano. Kung kaya
napilitan ang mga Pilipino sa pamumuno ng kanilang pangulong Emilio
Aguinaldo na labanan ang mga Amerikano at bawiin ang kanilang kalayaan
mula sa mga mapanlinlang na Amerikano.

Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa


Sa simula ng pamamahala ng mga Amerikano, nagkaroon ng kasunduan sa
pagitan nila at ng mga Pilipino sa pamumuno ni Pangulong Emilio Aguinaldo na
huwag lumapit sa teritoryo na pinamamalagian ng bawat pangkat. Subalit
nagbago ang pangyayari noong ika-4 ng Pebrero, 1899 sa ganap na ikawalo
at kalahati ng gabi nang naganap ang barilan na siyang naging hudyat ng
6
labanan. Ito ay nangyari ng pinaputukan ni Private Willie W. Grayson ang
isang sundalong Pilipino na si Corporal Anastacio Felix at ang kanyang mga
kasama sa panulukan ng mga Kalyeng Sociego at Silencio sa Santa Mesa,
Maynila. Gumanti naman ng putok ang mga sundalong Pilipino at sa loob ng
isang oras, ang dalawang hukbo ay ganap na humanda sa pagsimula ng
Digmaang Pilipino-Amerikano. Tumagal ng humigit kumulang na dalawang
taon ang itinagal ng digmaan at batay sa estatistika, tinatayang 4,234 na
sundalong Amerikano at 16,000 sundalong Pilipino ang nasawi.

Ninais sana ng pangkat ni Pangulong Emilio Aguinaldo sa tulong ni Pedro


Paterno na pigilin ang lumalaganap na labanan. Katunayan, ipinaabot ni
Emilio Aguinaldo kay Heneral Elwell Otis na ang barilang naganap ay hindi
ayon sa kaniyang kagustuhan. Gayunpaman, ikinagalit ito ng mga Amerikano
at ipinahayag ni Heneral Otis ang pagpapatuloy ng nasimulang laban
hanggang sa matapos ito. Mabilis na lumaganap ang labanan sa paligid ng
Maynila gaya ng La Loma, Quezon City, at Daang Azcarraga (Claro M. Recto
Avenue ngayon). Pinamunuan ni Heneral Antonio Luna ang mga sundalong
Pilipino sa pakikipaglaban sa Maynila. Ngunit sila ay natalo sa may bahaging
Caloocan. Maging sa mga karatig lalawigan ay lumaganap din ang digmaan.
Dahil sa lakas ng pwersa at armas ng mga Amerikano ay madali nilang
nalusob ang maraming lugar sa Maynila at mga karatig lalawigan nito. Kanila
ring tinugis ang mga Pilipino at pinagpapatay ito. Isinunod nila ang pagkubkob
sa kabisera ng pamahalaang Rebolusyunaryo sa Malolos, Bulacan noong ika-
30 ng Marso 1899. Umatras ang grupo ni Aguinaldo pahilagang Luzon at
inatasan niya ang kanyang pinakapinagkatitiwalaang heneral na si Gregorio
del Pilar na maiwan nang magkaroon ng distansiya ang pwersa ng mga
Amerikano at ng kaniyang pwersa.

Labanan sa Tirad Pass


Tumalima si Hen. Gregorio Del Pilar sa utos ni Hen. Emilio Aguinaldo
na magpaiwan sa Pasong Tirad upang mapigilan ang tropang Amerikano na
humahabol sa kanila. Ang Pásong Tírad ay isang makitid na lagusan sa
Bundok Tirad na matatagpuan sa Ilocos Sur. Estratehiko ang lokasyong ito
para sa digmaan dahil sa taas nito kitang-kita ang mga paparating na
tumutugis sa kanila. Pinili ni Heneral Gregorio del Pilar ang nasabing lugar
upang harangin at gulatin ang pangkat ng Amerikano na nais hulihin si
Pangulong Emilio Aguinaldo na tumatakas nang pahilaga. Inutusan niya ang
kaniyang 59 na piling sundalo na maghukay sa tatlong lebel ng paso. Dito,
maaari nilang barilin at tapunan ng bato ang mga paakyat na Amerikano.

7
Source: https://philippineculturaleducation.com.ph

Puspusang tinugis ng mga Amerikanong sundalo ang puwersa ng mga


Pilipinong mandirigma. Noong Disyembre 2, 1899, dumating ang mahigit 500
na mga sundalong Amerikano na pinamunuan ni Major Peyton C. March.
Subalit nahirapan silang makausad dahil pinaulanan na sila ng bala ng mga
Pilipinong nagtatago sa kabundukan. Gayunman, nakapasok din ang mga
Amerikano sa Pasong Tirad sa tulong ng isang Igorot na si Januario Galut.
Itinuro niya ang tanging daan papunta sa itaas ng Pasong Tirad sa mismong
likuran nina del Pilar. Nabigla ang grupo ni del Pilar sa pagsalakay ng mga
Amerikano kaya’t sinubukan nilang tumakas subalit nang papasakay na siya
ng kabayo ay may biglang bumaril sa kanya. Nasawi si del Pilar noong
Disyembre 2, 1899 at nilapastangan ng mga kalaban ang kanyang bangkay.
Ngunit sa kabila ng matinding labanan, sinikap ng isang Igorot na bigyan ng
dangal ang kamatayan ni Heneral Gregorio del Pilar sa pamamagitan ng
paglilibing dito. Dahil sa kabayanihang ito ni Heneral Gregorio del Pilar,
hinirang siyang “Bayani ng Pasong Tirad”.

Masaker sa Balangiga
Noong ika-28 ng Setyembre, 1901 naitala sa Samar ang isa sa mga
tagumpay ng hukbong Pilipino sa panahon ng Digmaang PilipinoAmerikano.
Ito ay tinawag nilang “Masaker sa Balangiga”. Pero ito rin ang isa sa
pinakamalagim na karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Amerikano.
Ang Balangiga ay isang maliit na bayan sa gawing timog ng Samar. Dito
nagtayo ng garison ang Company C ng 9th US Infantry Regiment noong Agosto
11, 1901. Layon nila ang magmanman sa mga gawain ng mga Pilipinong
gerilya sa pamumuno ni Heneral Vicente Lukban. Ipinasara din nila ang
daungan ng bayan at hinarang ang suplay para sa mga gerilya.
Mainam sa simula ang ugnayan ng mga Pilipino sa mga Amerikano. Ngunit
nabalitaan ng mga Amerikano ang pagdalaw ng isang pangkat ng gerilya kung
kaya’t naghigpit sila. Itinipon ang mga lalaki sa bayan at hindi pinakain
magdamag. Sinamsam din nila ang mga gulok sa mga kabahayan. Dahil dito
nagplano ng ganti ang mga taga-Balangiga.

8
Ilang araw bago ang planong pagsalakay, nagkunwaring abala ang
kalalakihan sa paghahanda sa pista. Nagpasok sila ng maraming tuba para
malasing ang mga sundalo. Ilang oras bago ang
pagsalakay, pinatakas nila lahat ng mga babae at
bata. Nagbihis babae ang mga lalaki at kunwari ay
pupunta ng misa. Sa pamumuno ni Valeriano
Abanador, hepe ng pulisya sa bayan, sinunggaban
nila ang mga Amerikano at halos hindi makapaputok
dahil sa kabiglaan at kalasingan. Sa 74 tauhan ng
Company C, 36 ang napatay sa labanan, kasama
sina Kapitan Thomas W. Connell at Medyor
Richard S. Griswold, 22 ang nasugatan, at apat ang
ay nawawala samantalang sa parte naman ng mga
Pilipino ay 28 ang nasawi at 22 ang sugatan.
Nakakuha din ng mahigit 100 na riple at maraming
.oerdgia
Source :https://upload.wikim
amyunisyon ang mga taga-Balangiga.

Isang malaking dagok ito sa mga Amerikano kung kaya’t galit na galit na
iniutos ni Heneral Jacob Smith na puksain ang mga taga-Samar. Ipinasunog
niya ang mga bahay, ipinapapatay ang mga bihag na gerilya, pati ang mga
sibilyan na may kakayahang humawak ng armas, kabilang na ang mga
batang sampung gulang pataas at mga alagang hayop, hanggang
magmistulang tiwangwang ang maraming bayan ng Samar. Ayon sa mga
historyador libo-libo ang napuksa sa Samar bago
matapos ang digmaan. Ninakaw din ng
mga Amerikano ang tatlong batingaw ng
Balangiga, bilang “war booty”.
At dahil din sa panawagan ni Pangulong
Rodrigo Duterte ay pormal ng isinauli ng
pamahalaang Amerika ang tatlong “Balangiga
Bells” pagkalipas ng 117 taon. Ito ay dumating
sa Villamor Airbase noong Disyembre 11, 2018
at tuluyang naibalik sa simbahan sa Samar
noong Disyembre 15, 2018.

Source:https://news.abs-com/news

Pagwawakas ng Digmaang Pilipino-Amerikano


Sa patuloy na pakikipaglaban ng mga Pilipino ay maraming buhay ang
nasawi. Unti-unti nang natatalo ang mga rebolusyunaryong Pilipino. Noong
Marso 23, 1901 nahuli si Heneral Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Sunod na
sumuko sa mga Amerikano si Hen. Miguel Malvar sa Lipa, Batangas at huling
sumuko naman si Hen. Simeon Ola sa Guinobatan, Samar.
Naunawaan mo ba ang iyong binasa?
9
Anong nararamdaman mo habang binabasa mo ang teksto? Bakit?
Sa iyong palagay, bakit tuluyang nasakop ng mga Amerikano ang
Pilipinas?

Pagyamanin
Gawain 2: Hanapin Mo!
Panuto: Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa loob ng kahon. Isulat ang
mga sagot sa patlang na katapat nito at bilugan ito sa cross word puzzle sa
ibaba.

1. Isang pangalan ng kalye sa Sta. Mesa, Maynila:


2. Tawag sa mga taong taga Espanya:
3. Bumaril sa isang sundalong Pilipino:
4. Isa sa mga namuno sa mga sundalong Pilipino:
5. Kasingkahulugan ng kawal:
6. Kasingkahulugan ng kontrata:
7. Kasingkahulugan ng digmaan:
8. Nangangahulugan kanto o sulok:
9. Kabisera ng Pilipinas:
10. Unang Pangulo ng Pilipinas:

10
Gawain 3: Isip-isip!
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sanayang papel.

1. Bakit pinili ng pangkat ni Heneral Gregorio del Pilar na tumigil sa


Pasong Tirad?

2. Ipaliwanag ang naging papel ni Hen. Gregorio del Pilar sa Labanan


sa Pasong Tirad.

3. Paano napasok ng mga Amerikano ang kuta ng mga Pilipino sa


Pasong Tirad?

4. Ano ang nangyari kay Hen. Del Pilar sa labanan sa Pasong Tirad?
Bakit?

Gawain 4: Kilala Mo Ba Ako?

Panuto: Ilarawan o bigyang katuturan ang mga nakatalang salita na maaaring


karakter, bagay, lugar o pangyayari sa ibaba. Sagutin ito sa iyong sanayang
papel.

1. Balangiga, Eastern Samar:

2. gerilya:

3. Heneral Jacob Smith:

4. Setyembre 28, 1901:

5. Batingaw ng Balangiga:

11
Isaisip

Matapos mong nagawa ang mga pagsasanay at napag-aralan


ang mga konsepto at ideya ng aralin, kumpletuhin ang
pangungusap para matukoy kung naunawaan mo ang nais ipabatid ng
modyul na ito. Punan ang mga patlang ng tamang salita o mga salita upang
mabuo ang pangungusap. Sagutin ito sa iyong sanayang papel.

1. Nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano


noong sa panulukan ng Kalye________________
at , Sta. Mesa, Maynila.

2. Si ang pinuno ng mga Pilipino sa

panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano. Siya rin ang naging unang


Pangulo ng Unang Republika ng Pilpinas.

3. Si Heneral ang namuno sa mga rebolusyunaryo sa


Caloocan.

4. Tinaguriang pinakabatang heneral na nakipaglaban sa mga Amerikano si


. Siya rin ay kinilalang “Bayani ng
Pasong Tirad” dahil sa kanyang ipinakitang tapang at talino bilang pinuno ng
mga Pilipino.

5. Ang ay isang makitid na lagusan sa Bundok


Tirad kung saan pumosisyon ang grupo ni Hen. Del Pilar.

6. Ang ay isang tagumpay ng

hukbong Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano na naganap


sa Lalawigan ng Samar. Dahil sa pangyayaring ito naghiganti ang mga
at pinadanas nila ng matinding hirap ang mga
Pilipino.

12
Isagawa

1. Kung anak ka ng isang sundalong Pilipino noong panahon ng Digmaang


Pilipino-Amerikano, sasang-ayon ka ba sa ipinaglalaban ng iyong mga
magulang? Bakit?

.
2. Ang ating mga bayani ay nagbuwis ng kanilang mga buhay para
ipagtanggol ang kalayaan ng ating bansa. Ito ang paraan nila ng
pagpapadama ng kanilang pagmamahal sa ating lupang sinilangan.
Bilang isang batang Pilipino ng makabagong henerasyon, paano mo
maipakikita ang iyong pagmamahal sa ating bansa? Magbigay ng 3
paraan. Sagutin ito sa iyong sanayang papel.

a.
b.
c.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Isulat ng letra ng tamang sagot
sa iyong sanayang papel.

1. Sino ang tinamaan ng bala noong nagpaputok ang sundalong


Amerikano?
a. Corporal Anastacio Felix c. Corporal Aurelio Feliz
b. Corporal Coenelio De Juan d.CorporalJuanita De Chiva

2. Sino ang namuno sa mga Pilipino sa labanang Pasong Tirad?


a. Hen. Gregorio del Pilar c. Marcelo H. del Pilar
b. Emilio Aguinaldo d. Hen. Antonio Luna
3. Kailan nagsimula ang digmaan ng mga Pilipino at Amerikano?
a. Abril 10, 1899 c. Oktubre 16, 1896
b. Marso 6, 1898 d. Pebrero 4, 1899
13
4. Ano ang utos ng pinuno ng mga Amerikano sa kanyang mga
sundalo?
a. patayin ang mga sundalong Pilipino
b. hulihin at dalhin sa himpilan
c. bitayin ang mga nahuling sundalong Pilipino
d. huwag magpaputok kung hindi lumalaban ang mga

5. Saan nagpaputok ang isang sundalo na Amerikano nang makita


nito ang sundalong Pilipino noong gabi ng Pebrero 4, 1899?
a. Kalye ng Silencio at Sociego sa Sta Mesa Maynila
b. Kalye ng Singco at Camp Dumlao
c. Kalye ng Don Buencamino at Luneta
d. Kalye ng Alamander at Camp Siongco

6. Bakit tinaguriang pinakatanyag na labanan sa pagitan ng mga


hukbong Pilipino at Amerikano ang “Balangiga Massacre”?
a. dahil sa labanang ito namatay si Hen. Emilio Aguinaldo
b. dahil sa labanang ito puro mga Pilipino lamang ang namatay
c. dahil ang labanang ito ang unang pagkatalo ng mga
Amerikano
d. dahil ang labanang ito ang tinaguriang “Mock Battle”

7. Sa labanan sa Samar maraming namatay na sundalong Amerikano


at bilang ganti minasaker nila ang mga taga Samar. Pati ang mga
batang lalaking may gulang 10 pataas ay kanilang pinatay. Ano ang
tawag sa kaganapang ito?
a. Balangiga Massacre c. Pasong tirad
b. Labanan ng Maynila d. Mock Battle of Manila

8. Sino ang nagturo ng isang lihim na daanan sa mga Amerikano para


matunton ang kinalalagyan nina Hen. Gregorio del Pilar?
a. Juan Miquel Gallon c. Juanito Asuncion
b. Januario Galut d. Januan Silva

9. Paano gumanti ang mga sundalong Amerikano sa mga Pilipino


matapos silang mamatayan ng higit kumulang 40 katao?
a. pagsunog ng mga sundalong Amerikano ng mga kabahayan at
ari-arian ng mga Pilipino
b. pagpatay ng mga bihag na gerilya, pati ng mga sibilyan at
alagang hayop
c. pagmasaker sa mga taga-Samar
d. lahat ng nabanggit

10. Anong katangian ang ipinakita ng mga Pilipino sa pakikipaglaban


sa mga Espanyol at Amerikano?
a. pagtulong sa kapwa c. katapangan
b. pagmamahal sa bansa d. lahat ng nabanggit

14
Karagdagang Gawain

Gawain 6: Saliksikin Mo!

Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga posibleng dahilan ng pagsakop ng


Estados Unidos sa Pilipinas gayong isa na silang mayaman at
makapangyarihang bansa. Isulat ang iyong sagot sa concept map sa ibaba.
Sagutin ito sa iyong sanayang papel.

Dahilan ng
pagsakop ng
Estados Unidos
sa Pilipinas

Magaling! Binabati kita dahil ikaw ay nagpamalas ng kahusayan at


kasipagan para maunawaan at masagot mo ang katanungan at gawaing
inihanda. Sigurado akong ikaw ay handang handa nang tumuloy sa susunod
na modyul.

Hanggang sa muli!

15
Susi sa Pagwawasto

16
Sanggunian
Agno, Lydia N., Ed.D., Tadena, Rosita D., Ph.D., Balonso, Celinia L., Ph.D., Dela
Cruz, Marvie M., Ph.D. Kultura, Kasaysayan, at Kabuhayan. Philippines: Vibal
Publishing House, Inc., 2010.

Almario, Vicente S. (Ed.). “Digmaang Flipino-Americano – Sagisag Kultura (Vol.


1).” 2015. https://philippineculturaleducation.com.ph/digmaang-filipino-
americano/.

Almario, Vicente S. (Ed.). “Masaker sa Balanggiga – Sagisag Kultura (Vol. 1).”


2015. https://philippineculturaleducation.com.ph/masaker-sa-balanggiga/.

Almario, Vicente S. (Ed.). “Pasong Tirad – Sagisag Kultura (Vol. 1).” 2015.
https://philippineculturaleducation.com.ph/pasong-tirad/.

Autor, Noel. The Bells of Balangiga. 2016.


https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commonss/3/34.

Batang, Jay Son and Noel M. Pamaran. Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa.
Valenzuela City: JO-ES Publsihing House, Inc., 2016.

guest67d3d4d. Digmaang-Pilipino-Amerikano. https://www.slideshare.net.

Mortel, Daryl A. Bayanihan 6. Quezon City: Inteligente Publishing Inc., 2017.

Placido, Dharel. “Duterte to Skip Catholic Mass for Balangiga Bells


Homecoming.” Dec. 13, 2018. https://news.abs-cbn.com/news.

wordpress.com. “Independence Day. 2011.


https://padidioni.files.wordpress.com/2011/06/independence-day1.jpg.

17
PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng


Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan
ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral
ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso
ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

18

You might also like