You are on page 1of 4

Jay Gabriel L Bausin

Grade 9 - Diligence
Texto ANG MATSING AT ANG PAGONG Salin sa Filipino ni Paolo Ven B. Paculan
mula sa “Un Mono y Una Tortuga” ni Dr. Jose Rizal na inilathala sa Rizaliana for
Children: Illustrations and Folk Tales by Rizal. Sa patnugot ni Alfredo Navarro Salanga.
Quezon City: Children’s Communication Center. 1984.
Nakakita ang isang matsing at isang pagong ng punong saging sa isang ilog. Iniahon
nila ito at dahil gusto itong angkinin ng bawat isa, hinati nila ito sa gitna. At ang matsing,
komo siya ang mas malakas, ang kumuha ng bahaging may dahon, sa kabila ng
pagtutol ng pagong, at maingat itong itinanim. Gayon din ang ginawa ng pagong sa
napasakaniya. Pero dahil walang mga ugat ang bahaging kinuha ng matsing, namatay
ito. At ang sa pagong, nabuhay at nagkadahon. Isang araw, bumisita ang matsing sa
pagong at pinag-usapan nila ang kanilang mga punong saging. “Ay! Namatay ang
saging ko!” nguyngoy ng matsing na tumutulo pa ang luha. “At ang iyo?” “Buhay, at may
mga bunga! Pero dahil hindi ako makaakyat...” “Ah! Huwag kang mag-alala,” putol ng
matsing. “Ako ang aakyat para sa’yo.” Naging napakasaya ng pagong at nagtungo sila
kung saan naroon ang saging. Agad umakyat ang matsing at nagsimulang kumain nang
halos mabulunan. “Uy! Bigyan mo rin ako,” pagmamakaawa ng pagong.
“Krrr! Ni balat di ko ibibigay sa iyo!” sagot ng matsing. Kaya para gantihan ang matsing,
kumuha ang pagong ng mga tinik at susông-paitan (isang uri ng susô na maliit at
matulis ang bahay), at ipinako ang mga ito sa katawan ng punong saging, saka siya
nagtago sa ilalim ng isang bao ng niyog. “Aray! aray!” sabi ng matsing habang
bumababa, at sa labis na sakit, naupo siya sa bao ng niyog para hilumin ang sarili. Pero
habang binubunot niya ang mga susô mula sa kaniyang katawan, pumasok ang malikot
niyang buntot sa butas ng bao. Nakita ng pagong ang magandang pagkakataon at
kinagat ang buntot ng matsing, na napatalon at nakakita ng mga bituin sa sobrang sakit.
“Ah, ikaw pala!” magaspang na bulalas ng unggoy na nadiksubre ang pagong. “Ngayon
pagbabayarin kita para sa lahat ng ginawa mo! Mamamatay ka! Pero paano kaya? Ah!
Gusto mo bang durugin kita sa almires na ito o itapon kita sa ilog?” “Durugin mo ako sa
almires pero huwag mo akong ibabato sa ilog: ayokong malunod.” “Hehe! Takot ka
palang malunod? Puwes, lulunurin kita!” At ibinato nga niya sa ilog ang pagong na
masaya namang lumangoy palayo. ‘Ika nga ng kasabihan: Matalino man ang matsing
ay napaglalalangan din.
Written Output: 2
Panuto: Kumpletuhin ang laman ng bawat kahon na makikita sa ibaba. Ibatay ang
kasagutan sa kwentong mababasa sa ibaba.

Tanong: Si Matsing at Si Pagong


1. Sino ang
mahahalagang
tauhan ng kwento?
2. Ilarawan kung Pagong – Masipag at Matiyaga
anong ugali ang Matsing – Mapanlinlang Manloloko
tinataglay ng
dalawang tauhan.
3. Mula sa naging Onti nalang ang kagaya ni pagond dahil lahat
pagbabasa iugnay gusto mabilisan at marami naman ang katulad ni
ang dalawang matsing na ayaw mag hirap.
tauhan sa
kasalukuyang
panahon.
Ipaliwanag ang
inyong sagot.
4. Ano ang sinisimbulo Isinisimbolo nito ang pag tutulungan at pag
ng saging? Isipan aantay ngunit ito rin ang mag sisimula ng pag
kung ano ang tataksil.
maaaring kahulugan
ng paggamit ng
saging sa Pabula?
5. Batay sa ginawang Maikling ito dahil sa kwento ay naipapakita na
pag-aaral. Ano ang agad ang kahulugan ng bawat karakter at
katangian ng isang nalalaman na ang mga balak nila sa kwento.
pabula? Ipaliwanag
ang iyong sagot.

Performance Task 2:
Lumikha ng isang Pabula gamiting paksa ang mga sumusunod. Sundin ang panuto na
makikita sa ibaba. Hindi kayo gagawa ng bagong mga tauhan. Gamitin bilang
pangunahing paksa ang makikitang detalye sa ibaba.
Tauhan: Tigre at Lion
Paksa: Kailangan bang may tawaging Hari ng Kagubatan?

Isang araw sa malayong kagubatan ay matataugpuan ang dalawang


magkaibigan na sila Tigre at Leon. Ang katangian ni tigre ay sya ay masipag at laging
nakikinig sa kanyang mga maguat ngunit kabaliktaran ito sa ugali ni leon dahil siya ay
isang pala – away na hayop at di laging nasunod. Paglaki nila ay dinomina nila lahat ng
lahi sa isang palaro sa kanilang lugar upang maging isang hari. Noong papalapit na sila
sa pinal na laban ay nag sabi si tigre na di sila magkakalayo at mag aaway kung isa
man sa kanila ay magiging hari ng kagubatan. Ang sabi naman ni leon ay “oo aking
pinakamamahal na kaibigan tutuparin ko ang iyong hiling”.

Sa pinal na laban ay di nila inaasahan na sila pala ang mag kakatapat. Ayaw
man saktan ni tigre si leon ngunit gutom si leon sa kaniyang pagiging hari ng kanilang
kagubatan kaya nasaktan nya si tigre. Kaya lumaban narin si tigre kahit ayaw niya na
masaktan ang pinakamamahal niyang kaibigan. Papalapit na manghina si leon ngunit
gutom na gutom parin sya sa panalo at di nya naisip ang pagkakaibigan nila
at nung naka tiyempo si leon nasaktan niya ng malubha si tigre at ayun ang nag
pabagsak sa kanya. Sabi ni leon ‘Ako na ang mamumunong hari dto sa kagubatan’
ngunit nagparinig si tigre na isipin mo ang ating pag kakaibigan leon biglang lumabas
ang kabaitan nil eon sa kaniyang mga mata at tinulungan si tigre. Binawi agad ni leon
ang lahat ng sinabi nya at mas pinili ang kanilang pag kakaibigan kesa maging isang
hari at namuhay silang dalawa ng masaya sa kagubatan at hindi na muling mag
papasilaw sa isang bagay.

Aral: Wag mag papasilaw sa isang bagay at mas piliin ang pinakamahalaga dahil pag
sisihan mo ito.

You might also like