You are on page 1of 1

Summative Test sa MAPEH 5

4th Quarter

MUSIC
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang
sagot lamang sa iyong kuwaderno.

Harmony Dalawang Texture


Chord Triad Melody
Tatlong Primary Chord Unitary

1. Ang pagkilala sa _________ ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpili sa (1).


2. May __________ uri ang chord sa musika na ginagamit bilang pansaliw sa mga awitin.
3. Ang pinakasimpleng chord ay tinatawag na ________. Ito ay binubuo ng root, third at fifth.
4. Ang ________ ay binubuo ng dalawa oo higit pang mga nota.
5. Ang ________ ay isang element ng musika na tumutuon sa maayos at magandang pagsama-
sama ng mga nota habang tinutugtog o inaawit.

ARTS
Panuto: Isulat sa iyong papel ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi.

6. Tinatawag na 3-D art ang isang likhang-sining kapag harapan lamang ang nakikita.
7. Sa paggawa ng 3-D art, may mga pagkakataong nagagamit ang mga bagay sa paligid.
8. Kapag masaya ang isang tao habang gumagawa, magaan lang ang isang gawain.
9. Mahalaga sa isang tao ang pagiging mapagmahal sa kanyang ginagawa.
10. Papel ang pangunahing materyales sa paggawa ng paper beads

P.E.
Panuto: Isulat sa iyong papel ang T kung ang pahayag ay tama at M kung mali.

11. Ang pagsasayaw sa loob ng isang oras o dalawa hanggang tatlong beses sa isang lingo ay
isang hindi epektibong aktibidad para sa kakayahang pangkatawan.
12. Ang choreography ay isang sining ng pagdisenyo ng galaw para sa mananayaw.
13. May mga pangunahing posisyon at galaw na ginagamit nang paulit-ulit sa mga katutubong
sayaw.
14. Hindi nangangailangan ng masusing pagpili ng mga galaw na pagsasama-samahin sa
paglikha ng sayaw.
15. Ang katutubong sayaw ay bunga ng malikhaing kaisipan.

HEALTH
Panuto: Alamin kung anong pinsala o kondisyon ang dapat lapatan ng tinutukoy na pangunang
lunas. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.

A. sugat B. balingungoy C. kagat ng insekto D. kagat ng ahas

16. Hugasan gamit ang sabon at tubig at linisang Mabuti upang matanggal ang dumi.
17. Lagyan ng malamig na panyo o bimpo (cold compress) sa noo at sa nose bridge.
18. Kapag nagdurugo ang binti, diinan ang itaas na bahagi ng hita.
19. Tanggalin ang karayom na iniwan ng bubuyog sa pamamagitan ng marahang pagkayod sa
balat ng kutsilyo, kuko, o matalas na bahagi ng isang bagay.
20. Pigain ang sugat upang matanggal ang kamandag hanggat makakaya ng biktima.

You might also like