You are on page 1of 13

5

MUSIC
Ikaapat Na Markahan – Modyul: 4b
Texture at Harmony
Music – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat Na Markahan – Modyul 4b: Texture at Harmony
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gemema P. Lamis
Editors: Danie Cris B. Acabal, Ricardo L. Quinicot, Heide Gwen G. Cabugnason
Marynell G. Maquiling
Tagasuri: Ricardo L. Quinicot, Heide Gwen G. Cabugnason, Florence M. Pinili,
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Jenith C. Cabajon
Joelyza M. Arcilla, Ed.D Rosela A. Abiera
Marcelo K. Palispis, Ed.D Maricel R. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D Elmer L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
LEARNING COMPETENCIES:

Describe the texture of a musical piece. MU5TX-IV-e-1


Perform 3-part rounds and partner songs. MU5TX-IV-e-2
Use the major triad as accompaniment to simple songs. MU5HA-IVh-2

Alamin

Magandang araw!

Ang ating pamilya ay ang ating pag-asa at lakas. Sila ang


nagpapasaya at nagbibigay ng inspirasyon sa atin. Higit na magiging masaya
ang pamilya kung maayos at mabuti ang pagsasamahan ng mga kasapi nito.
Ang tawag nito ay harmony.

Hindi lamang sa pamilya o sa mga samahan napapansin ang konsepto


ng harmony. Ito ay makikita rin sa musika. Nakalilikha tayo ng higit na
makukulay at kawili-wiling musika kung mapagsama-sama nang wasto ang
mga nota sa pag-awit at pagtugtog.

Ang harmony ay isang elemento ng musika na tumutuon sa maayos


at magandang pagsama-sama ng mga nota kapag ang mga ito ay tinutugtog
o inaawit. Kapag ang dalawa o higit pang mga nota o tono ay sabay na
tinutugtog o inaawit, tayo ay nakabubuo ng chord. Ang pinakasimpleng chord
ay tinatawag na triad. Ito ay binubuo ng root, thirds at fifths.

MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul, ikaw ay inaasahang:

Kaalaman: Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng texture, chord at mga primary


chord ng musical scale.

Kasanayan: Nakabubuo ng musical scale at makaguguhit ng mga primary


chord.
Saloobin: Nabibigyang halaga ang mga chord sa paggawa ng isang awitin
pag-awit.

1
Subukin
PANUTO: Tingnan ang larawan sa ibaba…

https://bit.ly/37aMpiH

1. Ano ang masasabi mo sa larawan ng pamilyang iyong nakikita?


2. Bakit sila masaya?

Balikan
Panuto: Suriin ang dalawang awitin na nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

https://bit.ly/3dcOXkf

1. Anong awitin ang nasa anyong unitary?


2. Anong awitin ang nasa anyong strophic?

2
Tuklasin
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat
ang sagot lamang sa iyong kuwaderno.

Harmony Dalawang Texture


Chord Triad Melody
Tatlong Primary Chord Unitary

1. Ang __________ ay isang elemento ng musika na tumutuon sa maayos at


magandang pagsama-sama ng mga nota habang tinutugtog o inaawit.

2. Ang __________ ay binubuo ng dalawa o higit pang mga nota.


3. Ang pinakasimpleng chord ay tinatawag na _______. Ito ay binubuo ng root, third
at fifth

4. May __________ uri ang chord sa musika na ginagamit bilang pansaliw sa mga
awitin.
5. Ang pagkilala sa ______________ ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpili sa (I)

Suriin
Ang Chord

Ang harmony ay isang elemento ng musika na tumutuon sa maayos at


magandang pagsama-sama ng mga nota kapag ang mga ito ay tinutugtog o inaawit.
Kapag ang dalawa o higit
pang mga nota o tono ay
sabay na tinutugtog o
inaawit, tayo ay nakabuo
ng chord. Ang
pinakasimpleng chord ay
tinatawag na triad. Ito ay
binubuo ng root, thirds, at
fifths. Pagmasdan ang
mga halimbawa ng triad
sa larawan sa kaliwa.

3
Mula sa larawan mapapansin na ang root ang may pinakamababang nota at
unang nota ng scale. Kasunod nito ay ang third na siyang may agwat na tatlong nota
at ikatlong nota ng scale mula sa root. Ang huli ay ang fifth at ikalimang nota sa scale
na may distansiya na limang nota mula sa root. Ang chord ay maaaring nakaayos at
tugtugin ng blocked, broken, o arpeggiated.

C d e F G a min dm C

Ang bawat scale ay mayroong mga chord pattern na nakadaragdag sa texture


ng melody at rhythm ng isang awit. Mapapansin na ang bawat isang chord ay binubuo
ng tatlong nota na sabay-sabay na tinutugtog. May mga uri ng chord sa musika na
ginagamit bilang pang-akopanya o pansaliw sa mga awitin. Ito ay ang mga primary
chords at ang mga secondary chord.

Ang mga primary


chord ay tinatawag ding
family chords. Ang pagkilala
sa primary chords ay
nagagawa sa pamamagitan
ng pagpili sa una (I), ikaapat
(IV) at ikalimang(V) chords sa
isang scale. Kilala rin ang
chords na ito bilang tonic (I),
subdominant (IV), at
dominant (V). Lahat ng chord na hindi kasama sa bilang I, IV at V ay tinatawag na
secondary chords.

Sa C major scale, ang tonic chord ay binubuo ng mga nota na may pitch name
na C, E, at G. Samantalang ang subdominant chord naman ay binubuo ng pitch name
na G, B, at D.

4
Pag-aralan natin ang G major scale at F major scale. Hanapin at tukuyin ang
mga primary chord ng bawat scale. Ano-ano ang pitch name na bumubuo sa bawat
isang primary chord?

Kadalasan, ginagamit ang mga primary chords bilang pinakasimple at


pinakapayak na akopaniya o pansaliw ng isang awit. Narito ang ilan sa mga dapat
tandaan para madaling mahanap at makilala ang tamang primary chords ng isang
awit:

1. Alamin ang scale na ginagamit sa awitin.


2. Tukuyin ang mga primary chords sa scale
3. Suriin ang mga nota sa bawat measure, piliin ang mga primary chords na
higit na epektibong gamitin upang matukoy ang measure.
4. Ulitin ang proseso sa iba pang measure ng kanta.

5
Pagyamanin

Gumuhit ng staff sa iyong kuwaderno. Gamit ang whole note, buuin ang musical scale
ng G Major at F Major. Lagyan ng ngalang pantono ang mga nota.

Isulat ang pangalan ng mga sumusunod na chord.

6
Isaisip
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong kuwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangunahing chord ng eskalang C major?

2. Sa chord na tatluhan o triad, ano ang tawag sa gitnang nota ng chord sa ibaba.

A. fifth B. fourth C. root D. thirds

Isagawa
Panuto: Buuin ang sumusunod ng mga primary chords. Gumamit ng mga buong
nota upang ipakita ang ayos ng bawat chord.

7
Tayahin
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Iguhit ang kung ito ay
nagsasaad ng tama. At Iguhit ang kung mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

___________1. Ang bawat scale ay mayroong mga chord pattern na nakadaragdag


sa texture ng melody at rhythm ng isang awit
___________2. Sa C Major scale, ang tonic chord ay binubuo ng mga nota na may
pitch name na C, F AT G.
___________3. Ang Subdominant chord ay binubuo ng pitch name na F, A at C.
___________4. Ang dominant chord ay binubuo ng pitch name na G, B at D

___________5. Ang Harmony ay isang elemento ng musika na tumutuon sa di


maayos at di magandang pagsasama-sama ng mga nota kapag ang
mga ito ay tinutugtog at inaawit.

Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng pahayag. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Natutuhan ko na
____________________________________________.
Napagtanto ko na
___________________________________________.
Gagamitin
ko_______________________________________________.

8
9
Subukan mo
1.Sila ay masaya 2. Dahil sila ay sama-sama
Balikan
1. The Farmer in the Dell 2. Amazing Grace
Tuklasin
1. Harmony 2. Chord 3. Triad 4. Dalawang 5. Primary chord
Pagyamanin
1.C Major Chord
2. A Major Chord
3. Ab Major Chord
Isaisip
1. B 2. D
Isagawa
1. 2. 3.
Tayahin
1.
2.
3.
4.
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Copiaco, Hazel, Jacinto, Emilio S. Halinang Umawit at Gumuhit 5. Quezon
City, Philippines: Vibal Group, Inc., 2016. (Pag-aari ng Pamahalaan; Batayang Aklat)

https://www.slideshare.net/mobile/YsayJardeleza/unit-ii-music-of-the-cordillera-
mindoro-palawan-and-the-visayas

https://bit.ly/37aMpiH
https://bit.ly/3dcOXkf

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like