Ls1 Filipino Sg06

You might also like

You are on page 1of 22

SECONDARY

JHS

LEARNING STRAND 1
KASANAYANG PANGKOMUNIKASYON SA FILIPINO
PATNUBAY NG GURO PARA SA MODYUL 6:
WASTONG PAGGAMIT NG WIKA TUNGO SA PAGKAKAINTINDIHAN NG MADLA

ALS Accreditation and Equivalency Program: Junior High School

N
A
LA
A I
H IL
A
M BIB
PA G
G NA
I N IPI
R
A DI
-A
A G HIN
P
LEARNING STRAND 1

PATNUBAY NG GURO
Alternative Learning System - Accreditation and Equivalency (ALS-A&E)

JUNIOR HIGH SCHOOL: KASANAYANG PANGKOMUNIKASYON SA FILIPINO


PATNUBAY NG GURO PARA SA MODYUL 6
(WASTONG PAGGAMIT NG WIKA TUNGO SA PAGKAKAINTINDIHAN NG MADLA)
ALS Accreditation and Equivalency Program: Junior High School
Learning Strand 1: Kasanayang Pangkomunikasyon sa Filipino
Modyul 6: Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla

Inilimbag ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization


UNESCO Office, Jakarta taong 2020
Jalan Galuh II No. 5, Kebayoran Baru, Jakarta, Indonesia

and

Kagawaran ng Edukasyon
DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines

Karapatang sipi © UNESCO and DepEd 2020

Ang publikasyon na ito ay magagamit sa ilalim ng Attribution-Share Alike 3.0 IGO (CC-BY-SA) 3.0 IGO) license
(http://creativecommons.org/licenses/by-sa/3.0/igo/). Kaakibat ng paggamit ng nilalaman ng publikasyon
ito, ang mga gumagamit ay tatanggapin ang mga tuntunin sa paggamit ng UNESCO Open Access Repository
(http://www.unesco. org/open-access/terms-use-ccbysa-en).

Ang lahat ng materyal na iprinisinta sa kabuoan ng publikasyon na ito ay hindi nagpapahiwatig at nagpapahayag
ng anumang opinyon ng kahit na sinomang parte ng UNESCO sa usapin ng legal na katayuan ng anumang
bansa, teritoryo, lungsod o lugar, mga awtoridad nito, o kahit na ang mga hanggahan nito.

Ang pagpili ng mga materyal at opinyon na nakapaloob sa publikasyon ay responsibilidad ng mga manunulat
at hindi ng UNESCO.

Ang modyul na ito ay ginawa at inilimbag para sa proyektong “Better Life for Out-of-School Girls to Fight
Against Poverty and Injustice in the Philippines” na may suportang pampinansyal mula sa Korea International
Cooperation Agency.

Inilimbag ng APC Printers Corporation


Inilimbag sa Makati City, Philippines

ISBN 888-888-8888-88-8
DEVELOPMENT TEAM

Jenelyn Marasigan Baylon Master Teacher I, ALS Task Force (On-detail)


Kristine Lee S. Lumanog Education Program Specialist II, ALS Task Force (On-detail)
Judy R. Mendoza Project Development Officer III, Bureau of Learning Resources
Reyangie V. Sandoval Education Program Specialist II, Bureau of Learning Resources
Josephine C. Intino Senior Education Program Specialist, Bureau of Curriculum Development
Eric U. Labre Senior Education Program Specialist, Bureau of Learning Resources
Roderick P. Corpuz Supervising Education Program Specialist, ALS Task Force
Daisy Asuncion O. Santos Chief Education Program Specialist, Bureau of Learning Resources
Marilette R. Almayda Director III/Head, ALS Task Force
Ariz Delson Acay D. Cawilan Officer-In-Charge, Office of the Director IV, Bureau of Learning Resources
G. H. S. Ambat Assistant Secretary for Alternative Learning System Program
and Task Force
Tonisito M. C. Umali Undersecretary for Legislative Liaison Office, External Partnership Service
and Project Management Service
Leonor Magtolis Briones Secretary

Nanette Amongol Author


Chinita Ann Francisco Content Expert
Bernadette Sison Admin and Finance Staff
Mildred Parbo Project Lead
Ma. Teresita Medado President

Content and Language Evaluators and Instructional Design Reviewer


Levi M. Coronel Regional Office X – Northern Mindanao, Department of Education
Hilda N. Garcia Schools Division Office of Angeles City, Department of Education
May L. Mojica De La Salle University – Dasmariñas

Ade Sandra Admin and Finance Assistant


Rusyda Djamhur Project Assistant
Marmon Abutas Pagunsan National Project Consultant
Remegio Alquitran National Project Officer
Maria Karisma Bea Agarao National Programme Coordinator
Mee Young Choi Head of Education Unit
Shahbaz Khan Director and Representative
Gabay sa Gagamit
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Learning Strand 1 Filipino ng Alternative Learning System (ALS) Junior High School
Modyul para sa araling Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong
guro sa paaralan at ALS at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng ALS Kurikulum ng K to 12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral sa ALS.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang guro/tagapagpadaloy sa ALS, inaasahan na maipaliwanag sa mga mag-aaral ang paggamit ng modyul
na ito. Kinakailangan din na masubaybayan ang paglago ng mag-aaral sa kanilang pamamahala sa sariling
pagkatuto. Higit sa lahat inaasahan din na iyong hihikayatin at gagabayan ang mga mag-aaral sa mga gawaing
nakapaloob sa modyul na ito.
patnubay ng guro

Sa modyul na ito, inaasahan sa mga mag-aaral na:


··Nakasusulat ng buod/lagom (LS1CS/FIL-PU-PPE-MT/JHS-14)
··Naipahahayag o nailalahad nang malinaw at maayos ang sariling ideya/
damdamin o reaksiyon/ opinyon/ saloobin/kongklusyon tungkol sa
napakinggang tugma/tula/tekstong pang-impormasyon, kuwento batay
sa tunay na pangyayari/ pabula/ alamat, napapanahong isyu/ akdang
tinalakay (LS1CS/FIL-PS-PPB-BL/MB/MT/JHS-28)
··Nakasusulat ng isang balita (LS1CS/FIL-PU-PPE-MT/JHS-14)

Nahahati sa tatlong aralin ang modyul na ito:


Aralin 1: Pagbuo ng Buod/Lagom
Aralin 2: Pagsulat ng Reaksiyong Papel
Aralin 3: Pagsulat ng Balita

Paunang Pagtataya: Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin na matatagpuan


sa pahina 2 hanggang 4. Ipaliwanag ang mga panuto upang masagutan nila
ito nang wasto.

Huling Pagtataya: Pagkatapos ng Aralin 1 hanggang Aralin 3 ipasagot sa mga


mag-aaral ang Pagtataya na matatagpuan sa pahina 46 hanggang 49.

Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla 1


patnubay ng guro 1

Pagbuo ng Buod/Lagom
Gabay sa Sesyon: Aralin 1

I. Layunin
1. Nakasusulat ng buod/lagom (LS1CS/FIL-PU-PPE-MT/JHS-14)

II. Paksa
A. Aralin 1: Pagbuo ng Buod/Lagom
B. Kagamitan: Slides na naglalaman ng paksang tatalakayin, projector,
Kopya ng modyul, ballpen, at malinis na papel o kuwaderno

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Ang gurong tagapangasiwa ay magtatawag ng isang mag-aaral na
maaaring magbasa ng balitang may pamagat na “Diskarteng Pinoy
sa Pamimili ng mga Pang-Noche Buena”. Matapos itong basahin,
maaaring magtanong sa mga mag-aaral kung sino sa kanila ang
makapagsasalaysay muli ng balita sa paraang mas maiksi kumpara
sa orihinal.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Itanong:
Pamilyar ba kayo sa tinatawag nating balita? Kung oo, ano ang
mga kadalasang nilalaman ng isang balita?

Maaaring magpakita ang gurong tagapangasiwa ng mga halimbawa


ng balita at ipasuri ito sa mga mag-aaral upang maunawaan nila
ang estruktura ng isang balita.

2 Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla


patnubay ng guro 1

2. Pagtatalakayan
a. Isalaysay ang pagbuo ng pinaikling balita at ang mga elemento
nito kagaya ng direktang sipi at buod.
b. Ipakita ang talahanayan na naglalaman ng kahulugan,
paggamit, at bantas na ginagamit.
c. Ipaliwanag ang pagbuo ng isang buod at magpakita ng mga
halimbawa nito. Ipaliwanag din ang gamit nito bilang isang
paraan ng pagsaaayos ng datos.

3. Paglalahat
Ipagawa ang paglalahat sa pamamagitan ng pagbuo ng isang
concept map ng mga punto na dapat nilang tandaan

4. Pagpapahalaga
Ipagawa sa mag-aaral ang Gawain I na matatagpuan sa pahina 12.
Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang kanilang
mga kasagutan sa isang malinis na papel. Maaari ding gawing
batayan sa pagwawasto ang ibinigay na rubrik sa nasabing gawain

Maaaring ipagawa bilang indibidwal o pangkatang gawain.


Magpabuo ng isang buod sa balitang “FEU, Nasungkit Ang
Kampyeonato Sa UAAP SEASON 80 Street Dance Competition”
ni Mae Ann Cansino. Ipasulat ito sa kanilang sagutang papel.
Maaaring pagbatayan ang rubrik sa pagwawasto na matatagpuan
sa pahina 12.

5. Paglalapat
Ipagawa sa mag-aaral ang Gawain II na matatagpuan sa pahina 14.
Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang kanilang
mga kasagutan sa isang malinis na papel. Maaari ring gawing
batayan sa pagwawasto ang ibinigay na rubrik sa nasabing gawain.
Ipabasa at ipabuod ang balitang “Pasaway sa social distancing!

Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla 3


patnubay ng guro 1

‘Corona party’ tinigil ng pulis” ni Gel Manalo.” Ipasulat ang


kanilang buod sa isang malinis na papel. Maaaring pagbatayan
ang rubrik sa pagwawasto na matatagpuan sa pahina 11.

IV. Pagtataya
Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Isagawa” na matatagpuan sa pahina 16.
Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang kanilang mga
kasagutan sa isang malinis na papel.

Pasulatin ang mga mag-aaral ng isang buod/lagom gamit ang balitang


may pamagat na “Costumes sa Pelikulang Black Panther, Halaw sa
Kulturang Pilipino” Ipasulat ang kanilang kasagutan sa isang malinis na
papel. Maaaring pagbatayan ang rubrik sa pagwawasto na matatagpuan
sa pahina 11.

V. Karagdagang Gawain
Panuto: Magpahanap ng isang balitang napapanahon sa internet o hindi
naman kaya ay sa mga telebisyon at ipabuod ito. Ipasulat ang buod sa
isang malinis na papel.

4 Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla


patnubay ng guro 2

Pagsulat ng Reaksiyon Papel


Gabay sa Sesyon: Aralin 2

I. Layunin
1. Naipahahayag o nailalahad nang malinaw at maayos ang sariling
ideya/damdamin o reaksiyon/ opinyon/ saloobin/kongklusyon
tungkol sa napakinggang tugma/tula/tekstong pang-impormasyon,
kuwento batay sa tunay na pangyayari/ pabula/ alamat, napapanahong
isyu/ akdang tinalakay (LS1CS/FIL-PS-PPB-BL/MB/MT/JHS- 28)

II. Paksa
A. Aralin 2: Pagsulat ng Reaksiyong Papel
B. Kagamitan: Slide na naglalaman ng tatalakaying paksa, projector,
Kopya ng modyul, ballpen, at malinis na papel o kuwaderno

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Talakayin sa mga mag-aaral ang ilan sa mahahalagang punto
ng unang aralin. Talakayin din ang karagdagang gawain upang
maibalik sa kanilang isipan ang naging paksa.

Itanong:
a. Ano-ano ang proseso sa pagbuo ng buod/lagom?

2. Pagganyak
Ipakinig sa mga mag-aaral ang spoken word poetry na may pamagat
na “Bakit Single Pa ang Teacher Mo?” ni Ansherina Mae Jazul

Itanong:
a. Ano ang naramdaman mo matapos mong marinig ang akda?
b. Ano ang iyong naging reaksiyon sa akda?

Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla 5


patnubay ng guro 2

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Talakayin sa klase ang kahulugan ng spoken word poetry at ang
kanilang mga naging kasagutan sa iyong mga tanong sa pagganyak.

2. Pagtatalakayan
a. Talakayin ang mga salitang maaaring makapagpakita ng
kanilang emosyon bilang isang tao. Maaaring magpakita ang
guro ng mga larawan ng isang sitwasyon at ipasuri ito sa mga
mag-aaral. Maaari siyang magtanong kung ano ang kanilang
naramdaman noong nakita nila ang mga larawan.
b. Talakayin ang pagbuo ng isang reaksiyong papel
c. Talakayin ang kaugnayan ng mga salitang nagpapahayag ng
emosyon sa pagbuo ng isang reaksiyong papel.

3. Paglalahat
Ipagawa ang paglalahat sa pamamagitan ng paggawa ng concept
map ng mahahalagang punto na tinalakay sa talakayan

4. Pagpapahalaga
Ipagawa sa mag-aaral ang Gawain I na matatagpuan sa pahina 24.
Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang kanilang
mga kasagutan sa isang malinis na papel.
Iparinig ang spoken word poetry na may pamagat na “Online Class”
ni Ansherina Mae Jazul at pagsulatin ng isang reaksiyong papel
ang mga mag-aaral tungkol dito. Ito ay nararapat na naglalaman
ng mga salitang nagpapahayag ng damdamin at mga salitang
nagpapahayag ng pangyayari. Maaaring pagbatayan ang rubrik
sa pagwawasto na matatagpuan sa pahina 12.

6 Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla


patnubay ng guro 2

5. Paglalapat
Ipagawa sa mag-aaral ang Gawain II na matatagpuan sa pahina 25.
Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang kanilang
mga kasagutan sa isang malinis na papel. Maaari ding gawing
batayan sa pagwawasto ang ibinigay na rubrik sa nasabing gawain
Iparinig ang spoken word poetry na may pamagat na “Langit sa
Piling Mo” ni Rommel Pamaos at pagsulatin ng isang reaksiyong
papel ang mga mag-aaral tungkol dito. Ito ay nararapat na
naglalaman ng mga salitang nagpapahayag ng damdamin at mga
salitang nagpapahayag ng pangyayari. Maaaring pagbatayan ang
rubrik sa pagwawasto na matatagpuan sa pahina 12.

IV. Pagtataya
Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Isagawa” na matatagpuan sa pahina 26.
Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang kanilang mga
kasagutan sa isang malinis na papel. Maaari ding gawing batayan sa
pagwawasto ang ibinigay na rubrik sa nasabing gawain
Iparinig ang spoken word poetry na may pamagat na Kape” ni Ansherina
Mae Jazul at pagsulatin ng isang reaksiyong papel ang mga mag-aaral
tungkol dito. Ito ay nararapat na naglalaman ng mga salitang nagpapahayag
ng damdamin at mga salitang nagpapahayag ng pangyayari. Maaaring
pagbatayan ang rubrik sa pagwawasto na matatagpuan sa pahina 12.

V. Karagdagang Gawain
Panuto: Magpahanap ng isang spoken word poetry na nakapukaw ng
kanilang pansin. Gamit ang spoken word poetry na napakinggan, pasulatin
sila ng isang reaksiyong papel tungkol dito. Ipasulat ito sa isang malinis
na papel.

Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla 7


patnubay ng guro 3

Pagsulat ng Balita
Gabay sa Sesyon: Aralin 3

I. Layunin
1. Nakasusulat ng isang balita (LS1CS/FIL-PU-PPE-MT/JHS-14)

II. Paksa
A. Aralin 3: Pagsulat ng Balita
B. Kagamitan: Slide na naglalaman ng tatalakaying paksa, projector,
Kopya ng modyul, ballpen, at malinis na papel o kuwaderno

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Talakayin sa mga mag-aaral ang ilan sa mahahalagang punto ng
unang aralin. Talakayin din ang nasa karagdagang gawain upang
maibalik sa kanilang isipan ang naging paksa.

Itanong:
a. Ano-ano ang salitang ginagamit sa pagpapahayag ng emosyon?

2. Pagganyak
Magpanood sa mga mag-aaral ng isang napapanahong balita at
ipalista ang mga impormasyon na kanilang naunawaan o nakuha
mula sa balitang iyon.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Itanong:
{{ Ano ang pamagat ng balita?
{{ Tungkol saan ang balita?

8 Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla


patnubay ng guro 3

{{ Sino-sino ang sangkot sa balita?


{{ Saan naganap ang pangyayari sa balita?
{{ Kailan naganap ang mga pangyayari sa balita?
{{ Ano-ano ang pangyayaring naganap sa balita?

Talakayin sa klase ang mga naging kasagutan ng mga mag-aaral

2. Pagtatalakayan

a. Talakayin ang kahulugan ng balita at ang paraan ng pagbabahagi


nito na maaaring pasalita at pasulat.
b. Talakayin din ang kahalagahan ng balita sa lipunan, sarili, at
sa bansa.
c. Ipahayag ang mga katangian ng isang magandang balita.
d. Bigyan ng empasis ang mga sangkap ng isang balita dahil ito
ang makapagtuturo sa mag-aaral kung ano ang lalamanin ng
isang balita. Maaaring magpakita ng ilang mga halimbawa ng
bawat isa para sa lubos na pagkatuto.
e. Talakayin ang mga hakbang sa pagsulat ng balita at ipaunawa
sa kanila ang kahulugan ng baligtad na tatsulok sa pagbuo ng
isang magandang balita.
f. Talakayin na ang nagsusulat ng isang balita ay marapat na
kinakikitaan ng tinatawag na kasanayang komunikatibo sa
pamamagitan ng kaniyang isinusulat.

3. Paglalahat
Ipagawa ang paglalahat sa pamamagitan ng paggawa ng concept
map ng mahahalagang punto na tinalakay sa talakayan.

4. Pagpapahalaga
Ipagawa sa mag-aaral ang Gawain I na matatagpuan sa pahina 41.
Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang kanilang
mga kasagutan sa isang malinis na papel.

Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla 9


patnubay ng guro 3

Magpasulat ng isang balita tungkol sa isang pangyayari na naganap


sa kanilang lugar. Maaaring pagbatayan ang rubrik sa pagwawasto
na matatagpuan sa pahina 13.

5. Paglalapat
Ipagawa sa mag-aaral ang Gawain II na matatagpuan sa pahina 42.
Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang kanilang
mga kasagutan sa isang malinis na papel.
Magpanood o magpabasa ng isang balita. Ipasulat sa mga
mag-aaral ang mahahalagang impormasyon gamit ang pormat
ng baligtad na tatsulok. Ipasulat ito sa kanilang sagutang papel.
Maaaring pagbatayan ang rubrik sa pagwawasto na matatagpuan
sa pahina 13.

IV. Pagtataya
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Isagawa na matatagpuan sa pahina 43.
Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang kanilang mga
kasagutan sa isang malinis na papel.

Magpagawa ng isang balita tungkol sa napapanahong isyu na


kinasasangkutan ng ating bansa. Ipasulat ang mahahalagang impormasyon
gamit ang pormat ng baligtad na tatsulok. Pagkatapos nito, gamit ang
mga impormasyon na nakabalangkas, magpasulat ng balita. Maaaring
pagbatayan ang rubrik sa pagwawasto na matatagpuan sa pahina 13.

V. Karagdagang Gawain
Panuto: Magpahanap ng isang napapanahong isyu sa social media at
magpabuo ng balangkas ng mga impormasyon tungkol dito. Pagkatapos
nito, ipagamit ang mga impormasyong nasa balangkas upang makabuo
ng isang balita. Ipasulat ang balita at balangkas sa isang malinis na papel.

10 Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla


SUSI SA PAGWAWASTO

RUBRIK SA PAGBUO NG BUOD/LAGOM


Ang rubrik na ito ang pagbabatayan upang matukoy ang grado ng iyong gawain.
MGA MAHUSAY KATAMTAMAN MAHINA
ISKOR
KRAYTERYA (5 PUNTOS) (3 PUNTOS) (1 PUNTOS)

Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Hindi nakapagbigay


mga pangunahing ilang pangunahing ng mga
ideya at panuportang ideya at panuportang pangunahing ideya
NILALAMAN
detalye mula sa teksto. detalye mula sa teksto. at panuportang
detalye mula sa
teksto.
Maayos ang Hindi gaanong Hindi maayos
paglalahad ng mga maayos ang ang paglalahad
ideya. Kompleto at paglalahad ng mga ng mga ideya.
maayos na naihanay ideya. May kulang Maraming kulang
ang mahahalagang na mahahalagang na mahahalagang
ORGANISASYON
detalye mula sa teksto. detalye mula sa teksto detalye mula sa
at hindi gaanong teksto at hindi
naihanay nang naihanay nang
maayos ang mga ito. maayos ang mga
ito.
Nagamit ang mga Hindi gaanong Hindi kinakitaan
pamantayan sa kinakitaan ng ng paggamit ng
pagsulat ng buod na paggamit ng mga mga pamantayan
PAGLALAPAT NG
ARALIN binigyang-pansin sa pamantayan sa sa pagsulat ng
aralin. pagsulat ng buod na buod na binigyang-
binigyang-pansin sa pansin sa aralin.
aralin.
Ang awtput ay Ang awtput ay malinis Ang awtput ay
malinis, masinsin ang at hindi minadali ang halatang minadali
KALINISAN
pagkakagawa, at hindi pagkakagawa. at hindi nagtataglay
minadali. ng kalinisan.

KABUOAN (20 PUNTOS)

Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla 11


SUSI SA PAGWAWASTO

RUBRIK SA PAGSULAT NG REAKSIYONG PAPEL


Ang rubrik na ito ang pagbabatayan upang matukoy ang grado ng iyong gawain.
MAHUSAY KATAMTAMAN MAHINA
MGA KRAYTERYA ISKOR
(5 PUNTOS) (3 PUNTOS) (1 PUNTOS)

Nakapagbigay Nakapagbigay ng Hindi nakapagbigay


ng malinaw at ilang mahalagang ng mahahalagang
mahahalagang punto punto mula punto mula
mula sa paksang sa paksang sa paksang
pinagbatayan. pinagbatayan. pinagbatayan. Hindi
Naipahayag at Naipahayag at nakapagpalutang
napalutang ang napalutang nang ng sariling
NILALAMAN sariling damdamin. bahagya ang damdamin at
Nakapagbahagi sariling damdamin. nakapagbahagi
ng mga kaugnay Nakapagbahagi ng ng mga kaugnay
na pangyayari o ilang mga kaugnay na pangyayari at
karanasan kaugnay ng na pangyayari karanasang ugnay
paksa. at karanasang sa paksa.
kaugnay ng paksa.

Maayos ang Hindi gaanong Hindi maayos ang


paglalahad ng mga maayos ang paglalahad ng
ideya. Lohikal ang paglalahad ng mga ideya. Hindi
ugnayan ng mga mga ideya. Hindi naipakita ang
talata, may maayos gaanong naipakita lohikal na ugnayan
ORGANISASYON na daloy ng diwa ang lohikal na ng mga talata, ang
sa mga pahayag, ugnayan ng mga daloy ng diwa sa
at may malinaw na talata, daloy ng diwa mga pahayag, at
kongklusyon. sa mga pahayag, at ang kongklusyon.
ang kongklusyon.

Nagamit ang mga Hindi gaanong Hindi kinakitaan ng


ideya na nasa aralin kinakitaan ng paggamit ng mga
hinggil sa pagsulat ng paggamit ng mga ideya na nasa aralin
PAGLALAPAT NG reaksiyong papel. ideya na nasa aralin hinggil sa pagsulat
ARALIN hinggil sa pagsulat ng reaksiyong
ng reaksiyong papel.
papel.

Ang awtput ay Ang awtput ay Ang awtput ay


malinis, masinsin ang malinis at hindi halatang minadali
KALINISAN pagkakagawa, at hindi minadali ang at hindi nagtataglay
minadali. pagkakagawa. ng kalinisan.

KABUOAN (20 PUNTOS)

12 Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla


SUSI SA PAGWAWASTO

RUBRIK SA PAGBUO NG BALITA


Ang rubrik na ito ang pagbabatayan upang matukoy ang grado ng iyong gawain.
MAHUSAY KATAMTAMAN MAHINA
MGA KRAYTERYA ISKOR
(10 PUNTOS) (5 PUNTOS) (3 PUNTOS)

Malinaw na Kulang sa Walang


naibigay ang mahahalagang mahahalagang
mahahalagang detalye ng detalye ng
detalye ng pangyayari. May pangyayari. Hindi
pangyayari sa ilang impormasyon naibigay ang
tulong ng mga na hindi naibigay mga kailangang
pangunahing batay sa paggamit ng impormasyon batay
NILALAMAN
tanong sa mga pangunahing sa paggamit ng mga
pagkalap ng tanong sa pagkalap pangunahing tanong
impormasyon. ng impormasyon. sa pagkalap ng
Kinakitaan ng Bahagyang impormasyon. Hindi
mga katangian at kinakitaan ng mga kinakitaan ng mga
sangkap ng isang katangian at sangkap katangian at sangkap
balita. ng isang balita. ng isang balita.
Maayos ang Hindi gaanong Hindi maayos ang
paglalahad ng maayos ang paglalahad ng mga
mga ideya. Iniayon paglalahad ng ideya. Hindi iniayon
ang paghahanay mga ideya. May ang paghahanay ng
ORGANISASYON ng mga ideya ilang bahagi na mga ideya ayon sa
ayon sa paraan ng hindi naiayon ang paraan ng pagsulat
pagsulat ng balita. paghahanay ng mga ng balita.
ideya batay sa paraan
ng pagsulat ng balita.
Nagamit ang mga Hindi gaanong Hindi kinakitaan ng
ideya na nasa kinakitaan ng paggamit ng mga
PAGLALAPAT NG
ARALIN
aralin. paggamit ng mga ideya na nasa aralin.
ideya na nasa aralin.

Ang awtput ay Ang awtput ay Ang awtput ay


malinis, masinsin malinis at hindi halatang minadali at
KALINISAN ang pagkakagawa, minadali ang hindi nagtataglay ng
at hindi minadali. pagkakagawa. kalinisan.

KABUOAN (20 PUNTOS)

Wastong Paggamit ng Wika Tungo sa Pagkakaintindihan ng Madla 13


Ang pagbuo at paglimbag ng modyul na ito ay naging posible dahil sa kooperasyon
ng Asia Pacific College. Ito ay parte ng proyektong “Better Life for Out-of-School
Girls to Fight Against Poverty and Injustice in the Philippines” ng opisina ng
UNESCO, Jakarta kasama ang Kagawaran ng Edukasyon. Ang inisyatibong
ito ay sinuportahan ng Korea International Cooperation Agency (KOICA) sa
pamamagitan ng pagbibigay ng suportang pampinansyal.

Para sa mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa:

Kagawaran ng Edukasyon, Bureau of Learning Resources (DepEd BLR)

Office Address : Ground Floor, Bonifacio Building, DepEd Complex,


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax : +63-2-8631-1072; +63-2-8634-1054; +63-2-8631-4985
Email Address : blr.qad@deped.gov.ph; blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like