You are on page 1of 3

Aralin 2 – Ang mga Pangunahing Pangangailangan

Reviewer
SY 2022 – 2023 QTR 1

Pangunahing Pangangailangan
1. PAGKAIN
• Pagkaing mayaman sa Carbohydrates
➢ nagbibigay lakas at sigla gaya ng tinapay, kanin, pasta at pansit.
➢ ito ang tumutulong upang ikaw ay makatalon, makatakbo at
makapaglaro.

• Pagkaing mayaman sa Protina


➢ tumutulong upang maging maayos ang paglaki gaya ng karne,
isda, keso at gatas.
➢ tumutulong upang lumakas ang katawan.

• Pagkaing mayaman sa bitamina at mineral


➢ tumutulong upang magkaroon ng makinis na kutis at balat.
Pinapalinaw nito ang ating paningin at pinapaganda ang tubo
ng mga buhok.
Ehersisyo at Pahinga
➢ kailangan din ng katawan ng palagiang pag-eehersisyo, sapat
na pahinga at tulog, at pagiging malinis araw-araw.

2. KASUOTAN - Nagbibigay proteksyon sa katawan. Dapat ibagay ang


kasuotan sa panahon at okasyon o lugar na pupuntahan.

URI NG KASUOTAN
• Pantag-init
• Pantaglamig at Pantag-ulan

• Pamasok

• Pambahay

3. TIRAHAN - Ang lahat ng tao ay nangangailangan ng isang lugar na


masisilungan at magbibigay proteksyon laban sa ulan, init at sa mga
kapahamakan na nasa kalikasan,

URI NG TIRAHAN

• Mansyon
➢ Malaking bahay na yari sa bato, bakal at semento. Ito ay
maaaring may dalawa o higit pang palapag.
• Bunggalo
➢ Ito ay yari sa bato, bakal, at semento o kaya ay sa kahoy.
Binubuo ito ng isang palapag lamang.

• Bahay Kubo
➢ Ito ay yari sa nipa at kawayan. Ito ang karaniwang tirahan sa
Pilipinas.

• Apartment
➢ Ito ay yari sa bato. Kadalasan, ito ay nirerentahan ng mga
pamilyang nakatira rito.
• Town House

➢ Ito ay yari sa bato, bakal at semento. Kadalasan itong


magkakadikit na binubuo ng dalawa o tatlong palapag.

• Duplex
➢ Ito ay dalawang bahay na magkatulad at magkadikit. Yari ito sa
bato, bakal, at semento.

• Kondominyum
➢ Ito ay isang gusali na yari sa bato, bakal at semento. Binubuo
ito ng maraming tirahan na tinatawag na yunit.

You might also like