You are on page 1of 2

CRIMINOLOGY BOARD EXAM – Helping Words

PARRICIDE – Pag patay sa tatay o nanay ng isang anak, o Pag patay ng lolo sa knyang apo,o
Pag patayan ng mag asawa (dapat ay kasal ).
HOMICIDE – di sadyang pagptay ng isang tao.
MURDER – pag patay na pinagplanuhan, sa likuran sinaksak o binaril, niresbakan, patraydor,
karumal dumal, at walang laban ang biktima.
INFANTICIDE – pag patay sa sanggol na less than 3 days old.
Kapag lagpas na nang 3 araw ang bata ang kaso ng pumatay na my edad na ay murder dahil
sa puntong yun ay walang laban ang bata sa kanya.
ABORTION – makasalanang pag papalaglag sa sinapupunaan ang bata.
PHYSICAL INJURIES – pananakit sa isang tao na magdudulot ng pasa o pagkabali ng katawan
o paltos.
UNJUST VEXATION – pang aasar, pangungutya o pang iinis sa isang tao sa harap ng marami
o ibang tao.
MALICIOUS MISCHIEF – paninira ng gamit ng iba.
VANDALISM – ipinagbabawal n pagsusulat o pagbaboy o pagdudumi ng isang pader o kahit
anong bawal sulatan.
VAGRANCY – bagansya, ipingbabawal na pag gala tuwing
Gabi.
ALARM &SCANDAL – pagwawala, pagsigaw, pang-gugulo sa tahimik na lugar.
(madalas ito sa mga lasing na nagwawala tuwing gabi o ngsisiga-sigaan).
FORGERY – pamemeke ng,ID, card, files o ng kahit anong dokumento.
PERJURY – nanumpa na magsasabi ng katotohanan sa harap ng judge tapos babawiin .
GRAVE THREAT – matinding pananakot sa isang tao sa pamamagitan ng pagbabanta sa
buhay.
USURPATION OF AUTHORITHY – pagpapanggap na siya ay pulis,nbi, kahit hindi.
ILLEGAL USE OF INSIGNIA/UNIFORM –
Pagsusuot ng uniporme ng pulis,tsapa o rango.
ABDUCTION – pagtanan sa isang babae.
SEDUCTION – pang aakit na malaswa sa isang babae.
ACT OF LASCIVIOUSNESS – pang hihipo o bastos na gawain ng lalake sa harap ng babae.
LIBEL – paninirang puri o ng dangal ng isang tao sa pamamagitan ng pagpapaskil sa bilbord,
sa dyaryo, tv, magazine, radio.
SLANDER – paninirang puri o ng dangal ng isang tao sa pamamaraan ng (minura sa harap ng
ibang tao, sinabihan ng pokpok yang babae na yan,kabet o kirida).
SLANDER BY DEED – nasira ang dangal ng isang tao sa harap ng iba dahil sinampal siya,
sinabunutan, o dinuraan.
BIGAMY – nakasal na kinasal pa ulit s iba.( kapag patay na o di na makita dahil nawawala
yung asawa, dapat ay lumipas muna ang 7 taon bago magpaksal muli sa iba).
CONCUBINAGE – ang lalake ay kasal ngunit may kabit at dinadala sa bahay ng pamilya.
ADULTERY – ang babaeng kasal na ay nakikipagsama pa sa ibang lalake o nkikirelasyon.
ARBITRARY DETENTION – Pulis, baranggay o opisyal sa oras ng trabaho nag kulong ng tao o
may sala sa loob ng isang araw sa kulungan na wala namang kaso o isinasampang kaso.
ILLEGAL DETENTION – kahit sinong tao na magkukulong sa isang pang tao ng isang araw o
mahigit
( kahit sa c.r, loob ng kwarto, cabinet o kulungan man ng aso ).
KIDNAPPING – pag kuha, pagdukot o pagtago sa bata o tao ng mahigit isang araw na may
hinihinging kapalit.
ROBBERY – pag kuha sa isang bagay o gamit, na pagmamay-ari ng iba na ginamitan ng
dahas, paninira, o pananakot
( Mga uri ng halimbawa )
Robbry snatching- Hinablot
Robbery Hold-up-Hinoldap
Robbery with d use of force-Para mapsok ang bahay sinira ang pinto o bintana.
THEFT – pagkuha sa isang bagay o pag mamay-ari ng palihim, salisi , padukot, o nadampot
khit alam kung sino ang may ari ngunit hindi isinaoli.
( Mga uri ng halimbawa )
Shoplift – salisi, budol-budol.
TRESPASS TO DWELLING – pag pasok sa bahay ng iba ng di alam o walang pahintulot ng
may-ari.
( trespassing lang nakasanayan na salita dito )
MUTILATION – pag putol sa parte ng katawan ng buhay na tao hal. Tenga, dila, o ari.
ESTAFA – may kasunduan o may kontrata ngunit hindi tinapos bayaran o tinaksan.
SWINDLING – planadong panloloko sa pamamaraan ng pera. (hal. Ahente o negosyante
pagkatapos bayaran o makuha ang pera o bayad ay tatakasn, may binenta ngunit palpak.
LIKE: Budol-budol at illegal recruit )
TREASON – pag tataksil sa sariling bayan sa oras ng pakikidigma o pakikipag away sa ibang
bansa.
ESPIONAGE – paniniktik ng di kilalang tao o dayuhan sa loob ng sasakyang pandigma ng
pilipinas
MUTINY – pag-aklas o pag-aaklas. (Hal. Sundalo hindi sumunod sa superior officer para mag
aklas). (MAGDALO SOLDIERS tawag sa kanila).
EXPULSION – public officer o emlpeyado pinlayas ang isang tao sa tinitrhan hindi naman siya
authorized person.

You might also like