You are on page 1of 2

PANGALAN: TAON AT BAITANG:

GURO: PETSA:
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ipaliwanag ang bawat bilang sa
pamamagitan ng limang pangungusap.
1. Para sa'yo, ano ang wika?
Bilang isang parte ng isang komunidad, ang wika ay sobrang importante. Ang wika ay
nagsisilbing tulay para sa isang magandang komunidad. Kung walang wika ay wala ring
komunikasyon na siyang importante at may pinakamalaking parte para sa isang
magandang komunidad. Bilang estudyante ang wika ay siyang tumutulong sa atin upang
matuto ng mga aral at leksyon ng mga guro at maging isang mabuting kamag-aral.

2. Ano ang pinagmulan ang wika?


Marami ang pinaniniwalaang maaaring pinagmulan ng wika. Isa dito ay ang paniniwala
na kasabay sa paglikha ng Panginoon sa mga tao ay kasabay dito ang wika na siyang
ginamit sa pakikipagtalastasan. Ngunit marami din ang mga teorya tungkol sa ebolusyon
ng wika. Ilan sa mga ito ay ang mga teoryang Ding Dong, Bow-wow, Pooh-pooh, Ta-ta at
may ilan pang iba. Ayon kay Emmert at Donaghy, “Ang wika, kung ito ay pasalita, ay
isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog; kung ito naman ay pasulat, ito ay
inuugnay natin sa mga kahulugan na nais nating iparating sa ibang tao”.

3. Ipaliwanag ang kaisipang "Ang wika ay pantao".


Para sa aking sariling opinyon, ang kaisipang “Ang wika at pantao” ay nagsasabi na ang
tao lamang ang siyang may kakayahan na gumamit at makaintindi ng wika. Sapagkat ang
wika ay nagiging wika lamang kapag ito ay naisasalita at ikaw ay nakatanggap ng tugon or
sagot galing sa iyong kausap. Ngunit may mga hayop na natuturuan tumugon sa mga salita
ng mga tao katulad ng mga aso, pusa, unggoy, at iba pang hayop na natuturuan. Sila man
ay nakakatugon o sagot sa ating mga utos ay hindi ibig sabihin ay naiintindihan nila tayo.

4. Ano ang ibig sabihin ni Henry Gleason sa pagpapakahulugan niya sa wika na " Ang
wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa pamamaraang
arbitraryo."?
Bilang isang parte ng Gen Zo kilala sa tawag na zoomers ang wika ay isa sa may
mahalagang parte sa ating sambayanan sapagkat ito ay bunga ng pagbabalangkas at mga
piniling tunog at isinaayos upang maging instrumento sa pakikipag-ugnayan upang higit
na maunawaan ng tao ang bawat isa. Kaya ako ay sang ayon kay Gleason dahil may mga
komunidad at mga grupo ng kabataan na may kanya-kanyang mga piling salita na
ginagamit sa pakikipag komunikasyon sa bawat isa.
5. Ano ang mga dahilan kung bakit Tagalog ang ginawang Wikang Pambansa noong 1937?
Maraming mga dahilan kung bakit Tagalog ang ginawang Wikang Pambansa. Isa
sa mga ito ay dahil maraming gumagamit ng wikang Tagalog at maraming
panitikan at mga literatura na isinulat sa wikang Tagalog. Bukod sa madali itong
araling ay marami ding mga bayani na nagbuwis ng kanilang mga buhay para sa
ating bansa ang gumagamit ng tagalog. At isa sa malaking dahilan kung bakit ito
ang naging wikang pambansa noong 1937, ay dahil tagalog ang ginamit sa sentrong
kalakalan.

You might also like