You are on page 1of 46

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 7

(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga hakbang tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang
Pangnilalaman mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin sa
bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Natutukoy ang kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.
Isulat ang code ng bawat EsP7PSI-g-4.1
kasanayan 2. Naipahahayag ang sariling damdamin ukol sa kanyang tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga o nagbibinata.
3. Naipakikita ang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 37-46


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 91-116


Kagamitang Pang-Mag-
aaral

1
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5334


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop, Manila paper, pentel pen, sagutang papel
Panturo
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang 1. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga hilig at interest. Ipaugnay ito sa
aralin at pagsisimula ng kanilang napiling kursong akademiko o teknikal, bokasyonal, negosyo o hanapbuhay. (Gawin sa
bagong aralin. loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)

2. Sagutan ang Paunang Pagtataya mula sa LM p. 92-94. (Gawin sa loob ng 7 minuto)


(Reflective Approach)

Paunang Pagtataya
Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa notbuk.
1. Ang sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga o nagbibinata sa kanyang
sarili maliban sa:
a. Makabuluhang paggamit ng mga hilig
b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
c. Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito
d. Pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa yugto ng
pagdadalaga o pagbibinata

2. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para

2
sa sarili lamang”. Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito?
a. Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili para sa kanyang
kapwa.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa kanyang
kakayahan na makipagkapwa.

3. Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan?


a. Mayroong gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan.
b. Makatutulong ito upang maramdamang ikaw ay kabahagi ng lipunan.
c. Magiging ganap lamang ang lipunan kung makikibahagi lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
d. Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno kung maglilingkod siya sa pamayanan.

4. Si Jamir ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang aso’t pusa sa dalas ng kanilang
pag-aaway. Madalas na sumasama ang loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi magandang
pagpapalitan ng mga salita. Ano ang makatuwirang magagawa ni Jamir?
a. Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo.
b. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang iwasan na itong
gawin.
c. Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang kapatid katulad ng pakikitungo niya sa ibang kakilala at mga
kaibigan.
d. Maging handa na ipakita ang pagmamahal sa kapatid sa panahong kapwa na sila handing kalimutan
ang mga nakaraang pagtatalo.

5. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang


nagdadalaga o nagbibinata?
a. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.
b. Tataglayin ang kakayahang harapin ang susunod na yugto ng buhay.

3
c. Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang dalaga/binata.
d. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang magandang halimbawa sa kapwa
kabataan.

6. Wika ng isang manunulat sa pilosopiya, “Ang isang taong tumatalikod sa pananagutan ay maaaring
maihalintulad sa isang taong naglalakad ng walang ulo.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na
ito?
a. Ang hindi tumutupad nang matapat sa kanyang mga tungkulin ay walang maaaring
maipagmalaki kanino man.
b. Ang kahihiyang dulot ng di pagtupad sa mga tungkulin ay nakababawas sa dignidad ng tao.
c. Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang paggalang ng lahat ng tao sa pagkatao ng tao.
d. Maaaring mahusgahan ng kapwa ang taong hindi marunong tumupad sa kanyang mga
tungkulin.

7. Ano ang pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?


a. Pataasin ang marka
b. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip
c. Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin
d. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto

8. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?


a. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyong darating.
b. Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng tao.
c. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad.
d. Lahat ng nabanggit

9. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?


a. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan.

4
b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay.
c. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya
d. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid.

10. Mula ng nagdalaga si Jasmin ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang
ina. Madalas na sumasama ang kanyang loob sa tuwing siya ay napagsasabihan at napagbabawalan sa
mga bagay na alam niyang hindi na nararapat na pakialaman ng kanyang ina. Ano ang
pinakamakatuwirang magagawa ni Jasmin?
a. Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang ina ang kanyang saloobin.
b. Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa
kanyang ina.
c. Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang kanyang sama ng loob at matapos ito ay kalimutan
na ang sama ng loob.
d. Palaging isaisip na bilang anak kailangan niyang sumunod sa kanyang magulang sa lahat ng
pagkakataon dahil sila ang nakatatanda.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Natutukoy ang kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o
nagbibinata.
2. Naipahahayag ang sariling damdamin ukol sa kanyang tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga o nagbibinata.
3. Naipakikita ang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

B. Pakinggan ang pahayag na babasahin ng guro sa ibaba. Isulat ang kasagutan sa Show Me Board.
Ipakita sa klase at humanda sa pagbabahagi. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
 Kung naging isda ka, ano na kaya ang nangyari sa iyo?
 Gugustuhin mo bang maging ibang nilalang kaysa naging tao? Bakit? Ano kaya ang dahilan kung
bakit nilalang ang isang tao?

5
 Kung naging puno ka, gaano ka na kaya kalaki ngayon?
 Kung naging ibon ka, saan ka na kaya nakarating?
 Kung naging hayop ka, sino kaya ang nagmamay-ari sa iyo?

C. Pag-uugnay ng mga Gamit ang PowerPoint presentation, ipakita at pasagutan sa mga mag-aaral ang tseklis na nasa ibaba. Sa
halimbawa sa bagong bawat aytem, lagyan ng tsek (√) ang kolum kung nagagawa ang isinasaad sa bawat tungkulin at ekis (x) ang
aralin katabing kolum kung hindi. Maging tapat sa mga sagot upang tunay na mataya ang kakayahan sa pagtupad
ng mga tungkulin. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

Hindi Ko
Mga Tungkulin Nagagawa Ko
Nagagawa
1. Pagliligpit ng higaan pagkagising
2. Pagpapaalam sa magulang o kasambahay sa
pupuntahang mga lakad
3. Pag-iwas na makasagutan ang kapatid
4. Pagsasauli ng hiniram na gamit sa paaralan (hal. aklat)
5. Pagtatapon ng basura sa tamang lugar
6. Pagsisimba tuwing araw ng Linggo o araw ng pagsamba
7. Pag-iisip bago sumabay sa uso
8. Maging pinuno sa mga kaibigan na magkaroon ng
programa para sa kalikasan
9. Pagtulog nang maaga
10. Pagsunod sa payo ng mga magulang
11. Pagpaparaya sa kapatid kung kinakailangan
12. Pagpasok sa paaralan sa takdang oras
13. Paglilinis ng sariling bakuran o ng bahay
14. Pagsunod sa utos at aral ng Diyos

6
15. Pinag-iisipan muna ang bibilhing produkto
16. Pagbabahagi ng kaalamang natutuhan mula sa
paaralan tungkol sa kalikasan
17. Pag-uwi nang tama sa oras
18. Pagtulong sa mga gawaing-bahay
19. Pakikinig sa payo ng nakatatandang kapatid
20. Pagpasok sa paaralan araw-araw
21. Pakikilahok sa programa ng barangay
22. Pagtulong sa kapwang nangangailangan
23. Paggamit ng mga teknolohiya (hal. internet) nang may
disiplina
24. Paggamit muli (reuse) ng mga plastic bag
25. Pagtanggap sa sariling kahinaan
26. Pagsagot nang may paggalang sa mga nakatatanda (hal.
magulang) kapag tinatanong
27. Pagpapaalam sa kapatid bago gamitin ang kanilang gamit

28. Pagpapasa ng mga proyekto sa takdang araw


29. Paghihiwa-hiwalay ng basura sa tahanan
30. Pag-iwas sa pagmumura at pagsasalita ng malalaswang mga
salita
31. Pagtingin hindi sa tatak (brand) ng isang produkto kundi
sa kalidad nito
32. Pagtitipid sa paggamit ng kuryente
33. Pagiging malinis sa katawan
34. Pagkonsulta sa mga magulang bago magsagawa ng
pagpapasya at kilos

7
35. Pagpapalawak ng pasensya sa pagkukulang ng mga kapatid

36. Pakikilahok sa talakayan


37. Paglilinis ng mga kanal sa gilid ng bahay
38. Pag-iwas na makapanakit ng kapwa
39. Pag-iwas sa pagtangkilik sa mga pekeng produkto tulad ng cd
tape, sapatos, atbp.
40. Pakikiisa sa kampanya para sa isang proyektong
kasama ang iyong pamilya

D. Pagtalakay ng bagong Alamin ang naging damdamin ng mga mag-aaral sa natapos na gawain at pasagutan ang inihandang mga
konsepto at paglalahad ng tanong sa ibaba. Tumawag ng piling mag-aaral mula sa klase. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
bagong kasanayan #1 Approach)
 Kumusta? Naging masaya ka ba sa sagot mo sa tseklis?
 Naging madali ba ang iyong pagsagot sa tseklis? Bakit? Bakit hindi?
 Sa kabuuan, ano ang iyong naging pagtataya sa iyong kakayahan sa pagtupad sa iyong mga tungkulin
bilang nagdadalaga o nagbibinata?
 Ano ang mahalagang aral na iyong nakuha mula sa gawain?

E. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa tatlong grupo. Basahin ang sitwasyon sa ibaba at magkaroon ng brainstorming
konsepto at paglalahad ng upang mabuo ang pangkatang kasagutan. Pumili ng isang magbabahagi. (Gawin sa loob ng 15 minuto)
bagong kasanayan #2 (Collaborative Approach)
Pangkat A. Isang batang babaeng mag-aaral ang pinagtangkaang halikan ng kanyang titser. Hindi ito natuloy
dahil biglang bumukas ang pinto ng opisina at nakita ng kaklase ang tangka ng kanilang titser.
Narinig din nila na ang titser na ito ay mahilig magnakaw ng halik sa kanyang mga babaeng
estudyante. Ano sa palagay mo ang dapat gawin ng estudyanteng nakasaksi sa pangyayari?

Pangkat B. Nagkaroon ng raid sa inyong lugar ukol sa ipinagbabawal na gamot. Tumatakbong

8
palapit sa iyo ang isa sa mga kabataang tumatakas at inabot sa iyo ang isang piraso ng papel at
sinabing babalikan niya ito sa iyo. Dumating ang mga humahabol na pulis at tinanong sa iyo
kung saang direksyon tumakbo ang hinahabol nila, ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon?

Pangkat C. Nahihirapan sa pagsusulit ang iyong kaibigan. Mahalaga para sa kanya ang pagsusulit na ito.
Maarng ulitin niya ang asignaturang ito kapag hindi niya naipasa. Humihingi siya ng tulong sa
iyo ng mga tamang kasagutan gaya ng naipahiwatig niya bago pa lamang magsimula ang aralin.
Isa kang honor student at huwaran sa EsP. Ano ang iyong
gagawin?

F. Paglinang sa Kabihasahan Tumawag ng tatlong mag-aral mula sa bawat pangkat na magbabahagi ng kasagutan. (Gawin sa loob ng
(Tungo sa Formative 3 minuto) (Reflective Approach)
Assessment) 1. Ano ang iyong naging kasagutan sa bawat sitwasyon?
2. Paano mo binuo ang iyong desisyon sa bawat kasagutan?
3. Ano-anong tungkulin ang iyong nagampanan sa mga nabanggit na sitwasyon?

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Gamit ang dating pangkat, ipakita ang tugon sa sitwasyon sa pamamagitan ng isang role playing
araw-araw na buhay na hindi hihigit sa 3 minuto. (Gawin sa loob ng 9 minuto) (Collaborative Approach)
 Iniimbita ka ng iyong kabarkadang dumalo sa isang pagpupulong ng isang organisasyon sa inyong
paaralan. Natuklasan mong ito pala ay isang fraternity/sorority. Muli ka nilang niyaya para dumalo
sa isang initiation ng mga bagong kasapi. Sinabi ng mga kabarkada mo na kasapi ka na nila. Ano ang
maari mong gawing bahagi ng iyong tungkulin bilang isang
kabataan?

H. Paglalahat sa aralin Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. Mahirap isalin sa ibang tao ang responsibilidad
kung hindi ito nasimulang ilapat sa sarili. Bilang isang tinedyer, may mga bagay na dapat mong bigyang-
pansin upang masabing tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa iyong sarili.

9
I. Pagtataya ng Aralin Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo ng sampung pangungusap tungkol sa sariling reyalisasyon sa mga
tungkulin na iyong nagagawa at hindi nagagawa. Gawing batayan ang tseklis na nauna nang sinagutan. Isulat
sa kalahating buong papel ang kasagutan. Isang puntos kada pangungusap. (Gawin sa loob ng 3 minuto)
(Reflective/Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%

J. Karagdagang gawain para sa Sa inyong notbuk, isulat ang mensaheng nais iparating ng awiting “Batang-Bata” ng APO Hiking
takdang-aralin at Society.
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa

10
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

11
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga hakbang tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang
Pangnilalaman mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin
sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Natataya ang mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng sariling mga tungkulin bilang
Isulat ang code ng bawat nagdadalaga o nagbibinata. EsP7PSIg-4.2
kasanayan 2. Nakasusulat ng liham pasasalamat sa Panginoon tungo sa maayos na pagtupad ng sariling mga
tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata.
3. Naipahahayag ang sariling damdamin sa pagtupad ng tungkulin bilang nagdadalaga o
nagbibinata.

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 37-46


Guro

2. Mga Pahina sa
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 91-116
Kagamitang Pang-Mag-
aaral

12
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5334


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop, Manila paper, pentel pen, sagutang papel, paper strips
Panturo
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng tatlong mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot tungkol sa mensahe ng awiting “Batang-
aralin at pagsisimula ng Bata” ng APO Hiking Society. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
bagong aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak
1. Natataya ang mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng sariling mga tungkulin bilang
nagdadalaga/ nagbibinata
2. Nakasusulat ng liham pasasalamat sa Panginoon tungo sa maayos na pagtupad ng sariling mga
tungkulin bilang nagdadalaga/ nagbibinata.
3. Naipahahayag ang sariling damdamin sa pagtupad ng tungkulin bilang nagdadalaga o
nagbibinata.

B. Pangkatin ang klase sa apat. Bigyan ng Manila paper ang bawat pangkat. Ipamahagi sa bawat grupo ang
paper strips na may nakasulat na mata, tainga at bibig, puso, kamay, paa. Bigyan ng 2 minuto ang bawat
pangkat upang isulat sa Manila paper kung ano ang katuturan para sa kanila ng bawat bahagi ng
katawang may kinalaman sa kanilang tungkulin bilang nagbibinata at nagdadalaga. Ipaskil sa pisara ang
output. Pumili ng isang pangkat na magpapaliwanag ng
kanilang natapos na gawain. Ang unang makatatapos ang idedeklarang panalo, samantalang

13
ang pinakamaingay na pangkat naman ang pinakahuli. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Collaborative Approach).

C. Pag-uugnay ng mga Sa pamamagitan ng PowerPoint presentation, ipakita ng guro ang mga sitwasyon. Tumawag ng mag-
halimbawa sa bagong aaral na magbibigay tugon sa sinabi ng tauhan kung siya ang kausap nito. Ipaalalang mahalagang maging
aralin tapat sa kasagutan. (Gawin sa loob ng 8 minuto) (Reflective Approach)

Anak, matulog nang maaga


dahil may pasok ka pa bukas.

14
Anak, sumama ka sa
amin sa pagsamba sa
Linggo ng umaga.
Mahalagang
magpasalamat tayo sa
mga biyayang
tinanggap natin.

Inaasahan ko Noel
na maibibigay mo
sa akin ang iyong
proyekto sa
itinakdang araw ng
pasahan.

15
Maaasahan ko ba uli ang inyong
pakikiisa sa ating proyektong
pampaaralan sa darating na Sabado
bilang ating community service?

Tama lang iyon


Bakit mo ako dahil isinumbong
isinumbong mo rin ako dati!
kay tatay?

16
May bago na Oo nga, ano kaya ang
namang magagawa ng ating
kalamidad sa pamilya para hindi na
bansa. Malala na lumala ang problema sa
talaga ang kalikasan?
suliranin sa

Maaari kong pagkakitaan ang


aking kakayahan sa pagluluto sa
hinaharap kung

17
Nakakabahala ang ganoong klase ng patalastas. Ito ay
napapanood ng lahat maging ng mga bata. Ano kaya
ang puwede nating gawin?

Napanood mo
ba ang bagong
patalastas ng
alak ngayon?

D. Pagtalakay ng bagong Ipagawa ang sumusunod. Magkaroon ng talakayan ukol sa natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 6
konsepto at paglalahad ng minuto) (Reflective Approach)
bagong kasanayan #1 1. Kumusta ang iyong mga sagot sa bawat sitwasyon? Ipaliwanag ang iyong naramdaman.
2. Sagutin ang mga kasunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong notbuk.
a. Naharap ka na ba sa mga sitwasyong nabanggit?
 Kung Oo, naging madali ba ang paninindigan mo na maisakatuparan ang iyong
tungkulin?
 Kung hindi pa, ano ang maitutulong sa iyo ng pagganap sa mga tungkulin bilang isang
kabataan? Ipaliwanag.
b. Ano ang magiging epekto sa iyong sarili kung hindi mo tutuparin ang iba’t ibang tungkulin?
Ipaliwanag.
c. Paano mapauunlad ng mga tungkuling ito ang iyong sarili bilang nagdadalaga o

18
nagbibinata?
d. Bakit nararapat na gawing positibo ang pagtingin sa mga tungkulin?
e. Ano-ano ang mga kinakailangan mong pagpapahalagang makatutulong sa iyo upang magampanan
nang mapanagutan ang iyong mga tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata?

E. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa tatlong grupo. Ipakita ang PowerPoint presentation ng Iskala ng mga Kilos.
konsepto at paglalahad ng Pasagutan ito sa Manila paper. Pagkatapos ng gawain, ibahagi ito sa klase ng isang miyembro. (Gawin sa
bagong kasanayan #2 loob ng 8 minuto) (Reflective/Collaborative Approach)
1 – Hinding-hindi OK at hindi ko gagawin 2
– Hindi OK
3 – Hindi ako sigurado sa maari kong gawin 4 –
OK lang ito
5 – OK na OK at gagawin ko
1. OK lang na magsinungaling kung hinihingi ng sitwasyon para sa aking kabutihan.
2. OK lang ang magnakaw kung para sa kapakanan ng aking pamilya.
3. Ang pagkitil ng buhay ng sanggol kailanman ay hindi magiging tama.
4. Kung ang lahat ng kaklase ko ay nangongopya, OK na rin sa akin ang mangopya.
5. Hindi ko magagawang pumatay kahit ang dahilan nito ay self-defense.
6. Maaari kong subuking gumamit ng ipangbabawal na gamot.
7. OK lang ang uminom ng beer kung nakikisama sa barkada.
8. OK lang ang premarital sex dahil uso na iyan ngayon.
9. OK lang ang manood ng mga pelikulang may kinalaman sa seks.
10. Hindi kasalanan ang magkaroon ng isang homosexual activitiy.
11. OK lang na mag-cutting classes kahit na walang importanteng dahilan.
12. OK na ilaglag ang sanggol kung mabuntis nang hindi kasal.
13. OK lang ang magkaroon ng maraming boyfriend/girlfriend nang sabay-sabay.
14. OK lang na mangupit ng pera ng aking magulang kapag kailangan ko.

19
15. OK lang na ubusin ko ang aking baon sa paglalaro ng mga video games sa computer
shops.

F. Paglinang sa Kabihasahan Sagutan ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 8 minuto) (Reflective Approach)
(Tungo sa Formative 1. Ano ang ipinahihiwatig ng inyong sagot? Ng kabuuang sagot ng inyong klase?
Assessment) 2. Ano ang reaksyon mo sa mga aytem na nakasulat? Tungkol saan ang mga ito?
3. Maaari rin kaya itong gawin ng iba pang mga kabataan tulad mo? Magbigay ng mga aktuwal na
pangyayari batay sa sariling karanasan o pagmamasid sa iyong kapaligiran.
4. Ano ang masasabi mo sa mga kabataang gumagawa ng tulad ng mga nabanggit?
5. Nakikilala mo ba kung ano ang itinuturing na tama at mali ng mga kabataang tulad mo?

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Gumawa ng isang liham pasasalamat sa Panginoon sa paggabay sa maayos na pagtupad ng kanyang tungkulin
araw-araw na buhay bilang nagdadalaga o nagbibinata. Isilid ang liham sa isang selyadong envelop
at itabi sa portfolio. (Gawin sa loob ng 8 minuto) (Constructivist Approach)

H. Paglalahat sa aralin Ang maayos na pagtupad ng tungkulin ay nagpapakita ng tunay na pagkatao ng isang tao.
Kinakailangang simulan nang maaga ang pagtugon sa iyong mga pananagutan at tungkulin bilang nagdadalaga
o nagbibinata.

I. Pagtataya ng Aralin Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat sa patlang ang maaari mong gawin at ang dahilan ng iyong
aksyon. Dalawang puntos kada bilang. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

1. Nag-cutting classes ang kaklase mo. Tinanong ka ng iyong guro kung nasaan siya. Ang
iyong gagawin:
Dahilan:

2. Sinenyasan ka ng isang kaklase para pakopyahin siya sa pagsusulit.


Ang iyong gagawin:

20
Dahilan:

3. Niyaya ka ng boyfriend/girlfriend mo na pumasok sa isang motel.


Ang iyong gagawin:
Dahilan:

4. Bumili ka ng aklat na may halagang P200.00. Sinuklian ng P400.00 ang P500.00 na ibinayad mo.
Ang iyong gagawin:
Dahilan:

5. Marami kang problema sa pamilya. Inaya ka ng barkadang magdroga upang makalimot. Ang
iyong gagawin:
Dahilan:

J. Karagdagang gawain para sa 1. Pangkatin ang klase sa pito. Magsagawa ng panayam ukol sa mga tungkuling inaasahan sa iyo bilang
takdang-aralin at nagdadalaga o nagbibinata sa sumusunod na tao:
remediation Pangkat 1-magulang, Pangkat 2- kapatid, Pangkat 3- kaibigan, Pangkat 4-guro, Pangkat 5- kamag-
aral, Pangkat 6-pari at Pangkat 7-kapitan ng brgy.
2. Ipabasa ang bahaging Pagpapalalim sa EsP 7 (Unang Bahagi) LM p. 102
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba

21
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

22
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKATLONG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga hakbang tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang
Pangnilalaman mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin
sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Napatutunayan na ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili bilang anak, kapatid,
Isulat ang code ng bawat mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan
kasanayan ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.
EsP7PSIg-4.3
2. Nasasabi ang mga tungkulin ng nagdadalaga o nagbibinata sa sarili bilang anak, kapatid, mag- aaral,
mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan.
3. Naipahahayag ang damdamin ukol sa mga inaasahang tungkulin ng nagdadalaga o
nagbibinata sa sarili bilang anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya,
konsyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan.

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 37-46


Guro

23
2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 91-116
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5334


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop, Manila paper, pentel pen, paper strips, sagutang papel,
Panturo graphic organizer
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Isagawa ang Think-Pair-Share. Kumuha ng kapareha at pag-usapan ang isang bagay na inaakala ninyong
aralin at pagsisimula ng tama at isang mabuting nagawa ninyo simula sa paggising sa umagang ito.
bagong aralin. Pasagutan ang tanong at ibahagi sa klase. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative/Reflective
Approach)
 Sa inyong palagay, pareho ba ang kahulugan ng tama at mabuti? Ipaliwanag.
 Lahat ba ng mabuti ay tama? Lahat ba ng tama ay mabuti?

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Napapatutunayan na ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili bilang anak,
kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng media at bilang tagapangalaga ng
kalikasan ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng
buhay.
2. Nasasabi ang mga tungkulin ng nagdadalaga o nagbibinata sa sarili bilang anak, kapatid, mag-aaral,
mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan.

24
3. Naipahahayag ang damdamin ukol sa mga inaasahang tungkulin ng nagdadalaga o nagbibinata sa sarili
bilang anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng media at bilang
tagapangalaga ng kalikasan.

B. Sabihin ng guro: (Gawin sa loob ng 4 minuto) (Reflective Approach)


Sa pagharap mo sa malaking gampanin sa buhay, napapaligiran ka ng mga taong may kaugnayan
sa iyo bilang nagdadalaga o nagbibinata. Tumawag ng tatlong mag-aaral na magbabahagi sa
klase ang ginawang panayam sa takdang-aralin.

C. Pag-uugnay ng mga Ipaskil sa pisara ang inihandang graphic organizer katulad ng nasa ibaba. Ipamahagi sa bawat pangkat ang
halimbawa sa bagong paper strips, ipasulat dito ang nakalap na sagot mula sa panayam tungkol sa mga tungkuling inaasahan sa
aralin iyo bilang isang nagdadalaga o nagbibinata at idikit ito sa angkop na kahon. (Gawin sa loob ng 3
minuto) (Integrative/Reflective Approach)

Pangkat 1-magulang Pangkat 2- kapatid Pangkat 3- kaibigan,

25
Pangkat 4-guro Pangkat 5-kamag-aral Pangkat 6-pari
Pangkat 7-kapitan ng brgy.

D. Pagtalakay ng bagong Magkaroon ng talakayan batay sa nabuong graphic organizer. Sagutin ang katanungan. (Gawin sa loob
konsepto at paglalahad ng ng 5 minuto) (Integrative/Reflective Approach)
bagong kasanayan #1 1. Ano ang iyong konklusyon sa kinalabasan ng panayam?
2. Ano ang iyong damdamin sa mga nakasulat na inaasahang tungkulin?
3. Ipaliwanag: “Ako Bilang Isang Nagdadalaga O Nagbibinata”
4. Ano-anong mga paghahanda ang dapat gawin upang magampanan mo ang mga inaasahang tungkulin
bilang nagdadalaga o nagbibinata?

E. Pagtalakay ng bagong Hatiin ang klase sa walong grupo. Bigyan ng paksa ang bawat pangkat. Pag-aralan ito, ihanda ang maikling
konsepto at paglalahad ng buod at iulat ng lider ng pangkat. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Integrative/Reflective Approach)
bagong kasanayan #2 MGA TUNGKULIN BILANG NAGDADALAGA O
NAGBIBINATA
Sa bawat araw na dumaraan, nahaharap ka sa iba’t ibang gawaing dapat mong tuparin.
Napakaraming takdang kailangang gawin sa paaralan. Napakaraming gawain sa sariling tahanan. May mga
obligasyon ka sa iyong sambahan at pamayanan. Naghahanap ng panahon at atensyon ang iyong mga
kaibigan. Marahil sa mga pagkakataong ikaw ay nakararamdam na ng pagod, tinatanong mo na ang iyong
sarili kung paano mo hahatiin ang iyong katawan. Ngunit sabi ng isang linya ng awitin,” Ganyan talaga ang
buhay...”
Nasubukan mo na bang ihalintulad ang iyong sarili sa isang batang nagtitinda ng sampagita sa
simbahan pagkatapos niyang pumasok sa paaralan? Nasubukan mo na bang kausapin ang isang tinedyer na
nagbubuhat ng mabibigat na sako ng gulay sa Divisoria sa gabi? Nailagay mo na ba ang iyong sarili sa
katayuan ng isang tinedyer na nasa lansangan; dala-dala ang sanggol na kapatid at kumakatok sa mga
bintana ng sasakyan upang manghingi ng pera o pagkain? Mas mahirap hindi ba? Pero hindi nagrereklamo
ang karamihan sa kanila at tinatanggap ang mga ito bilang kanilang obligasyon sa kanilang pamilya.
Maraming tao ang nagsasabi sa iyo na hindi ka na bata. Habang nadaragdagan ang iyong

26
edad ay nadaragdagan din ang iyong mga tungkulin. Mulat ka na ba sa iba’t iba mong tungkulin? Hayaan
mong tulungan ka ng babasahing ito.
Pangkat 1. Ang Tungkulin sa Sarili. Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. Mahirap
isalin sa ibang tao ang responsibilidad kung hindi ito nasimulang ilapat sa sarili. Bilang isang tinedyer, may
mga bagay na dapat mong bigyang-pansin upang masabi mong tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa
iyong sarili.
a. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga o Pagbibinata. Sa
yugto ng pagdadalaga o pagbibinata, nahaharap ang isang tinedyer sa iba’t ibang mga pagbabago.
Napagaralan sa nagdaang aralin ang mga ito. Huwang mong hayaang bumaba ang iyong tiwala sa sarili.
Sa halip gamitin mo itong pagkakataon upang mas mapagyaman ang iyong sarili. Kailangang
magsimula ka nang tama. Dito nakasalalay ang tagumpay ng pagharap sa mga susunod pang yugto ng
iyong buhay. Ito rin ang makatutulong upang maging maligaya ka sa iyong pamumuhay.
b. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito. Isa kang obra ng Diyos.
Biniyayaan ka ng talento at kakayahang maaari mong gamitin at paunlarin. Kung hindi ito gagamitin at
pauunlarin, hindi lamang ikaw kundi maging ang lipunan ang nawalan ng pagkakataong makinabang.
Mawawala ang posibilidad na maibahagi ang kakayahang maaari sanang magkaroon ng mahalagang
gamit para sa lahat. Katulad na lamang ng isang aklat na hindi nabigyang katuparang maisulat. Maging
mga imbensyong maaari sanang makapagpaginhawa sa buhay ng tao ngunit hindi nabigyang-buhay.
Makiisa ka sa iyong pamilya at sa paaralan sa pagpapaunlad ng iyong talento at kakayahan. Isa ito sa
mahalagang bahagi sa pagbuo ng iyong sarili at sa iyong pag-unawa sa dahilan ng iyong pagkalalang.
c. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig. May kasabihan sa Ingles na,”Do what you love and you will
love what you do”. Ngunit hindi sapat na ginagawa mo ang gusto mo, kailangan mong masiguro na
ginagawa mo ito nang makabuluhan. Napakaraming mga tinedyer na mahusay sa paggamit ng
kompyuter. Pero sa iyong palagay, tama bang ubusin nila ang kanilang panahon sa harap ng kompyuter
at naglalaro sa halip na nag-aaral? Bakit hindi mo na lamang
pagyamanin ang mga hilig mo at gamitin upang maihanda ang iyong sarili sa isang kursong gusto mo sa
kolehiyo? O di kaya naman ay tumulong ka sa paaralan upang magturo sa mga

27
kapwa mo mag-aaral na hindi marunong gumamit ng kompyuter? Makikita mo na hindi mabibili ng pera
ang makukuha mong kapalit mula dito. Napagyaman mo pa ang iyong hilig.
Pangkat 2. Ang Tungkulin Bilang Anak. Hindi ka na nga bata. Pero hindi nangangahulugan ito na
maaari mo ng ihiwalay ang iyong sarili sa iyong pamilya. Nananatiling ang iyong pamilya ang may
pinakamalaking impluwensya sa iyong buhay. Mayroon ka ng sapat na edad upang makibahagi sa iyong
pamilya at sa tahanan.
Ang lahat ay nagsisimula sa maliit. Huwag mong pilitin ang iyong sariling gawin ang isang bagay na
hindi mo pa naman talaga kaya. Hindi mo pa kayang magtrabaho upang kumita at makatulong sa kanila. Mas
mahalaga sa kanila na mag-aral ka upang makatapos. Pero makatutulong ka pa rin sa pamamagitan ng
pagiging maingat sa paggastos. Ang kaunting baong iyong matitipid sa araw-araw ay magiging malaki kapag
naipon sa buong linggo o maaaring buong buwan. Maaaring hindi mo kayang linisin ang buong bahay ngunit
maaari mong panatilihing malinis at maayos ang iyong sariling silid.
Katanggap-tanggap namang hindi pa maaring ipaubaya sa iyo ang pagpapasya sa loob ng tahanan.
Ngunit maaari mong ibahagi ang iyong pananaw at saloobin, pakinggan ang saloobin ng iba upang
kolektibong makabuo ng pasya.
Mahalaga rin na maunawaan mo ang halaga ng pagbuo ng isang magandang ugnayan sa iyong mga
magulang. Ito ang yugto ng pagkakaroon ng madalas na hindi pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng
iyong magulang. Lagi mong tandaang naging tinedyer din sila minsan.
Pinagdaanan nila ang iyong mga pinagdaraanan. Ngayon iba na ang kanilang pananaw bilang mga
magulang. Pinagyaman na sila ng kanilang mga karanasan. Sila ang may pinakamalawak na pang-unawa
para sa iyo. Kung marami man silang sinasabi o hinihingi, ito ay dahil iniisip nila ang magiging kapakanan
mo. Wala silang ibang hangad kundi ang gawin kang handa sa pagkakataong ikaw naman ang magiging
tagapagtaguyod ng pamilya at haharap sa hamon ng buhay sa mundo ng mga matatanda. Tungkulin mong
sila ay mahalin, igalang at pagkatiwalaan.
Ngunit kung may mga pagkakataong iba sa inaasahan ang nakikita sa magulang,
mahalagang pag-isipan nang husto kung ano ang nararapat na gawin.

Pangkat 3. Ang Tungkulin Bilang Kapatid. Sa bahay para kayong “aso’t pusa”. Ito ang laging

28
sinasabi ng iyong mga magulang kapag lagi kayong nag-aaway ng iyong mga kapatid. Pero ang kapatid na
lagi mong kaaway sa bahay, handa mong ipaglaban kapag inaapi ng ibang tao. Hindi naman siguro
matatawag na normal ngunit mas malaking bahagdan ng mga magkakapatid sa tahanan ay dumaraan sa
yugto ng madalas na pagtatalo at pag-aaway. Natural lamang na may mga mabubuong hindi magagandang
damdamin sa pagitan ninyong magkakapatid. Ang kailangan lamang ay huwag itong hayaang magtagal at
maipon hanggang sa lumaki. Ang selos dahil sa pakiramdam na mas paborito ng iyong ina ang iyong kuya
ay hindi dapat magtungo sa pagkainggit mo sa kanya. Maaaring maging galit ito kung iyong pababayaan.
Mahirap kung magiging malayo ang loob ninyo sa isa’t isa. Pagsikapan mong i-enjoy ang panahong
kasama sila. Ang mabuting pakikitungo sa iyong mga kapatid ay makatutulong upang matuto kang
makitungo nang maayos sa iyong kapwa.
Pangkat 4. Ang Tungkulin Bilang Mag-aaral. Ikaw ngayon ay nasa high school na. Nasa higit na
malaking” mundo”. Mas marami ka ng mga gawaing nararapat gawin at marami kang natutuhan sa mga
bagay na iyong ginagawa. Sa bawat gawaing iyong natatapos, karagdagang karanasan at aral na iyong
maiipon. Mas nadadagdagan ang kabuluhan ng iyong buhay. Gaano mo pinahahalagahan ang pag-aaral?
Maaari mo itong malaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong.
a. Gaano kalaking panahon at pagsisikap ang inilalaan ko sa pag-aaral?
b. Paano ko gagamitin ang aking mga talento at kakayahan sa pag-aaral?
c. Paano ko magagamit ang lahat ng aking kakayanan?
d. Anong gawain sa paaralan ang kinawiwilihan kong salihan?
e. Paano ko susuportahan ang “Student Government”?
f. Sa paanong paraan ko kaya mabibigyan ng karangalan ang aking paaralan?
g. Ano ang aking inaasahan ngayon high school?

Ang iyong sagot sa mga tanong na ito ang magsasabi sa iyo kung gaano kalayo ang iyong mararating
sa iyong pag-aaral. Kung gaano karami ang maaari mong makuha dahil dito. Mas malayo ang iyong
mararating, mas mahusay. Mas maraming magandang bunga, mas mabuti. Ang
high school ang pinakadinamikong yugto sa iyong buhay. Dito mo masusubok ang iyong mga

29
kakayahan. Dito nakadepende kung ano ang mararating mo sa hinaharap. Tumingin ka sa malayong
hinaharap pero gawin mo ang lahat ng iyong makakaya ngayon. Gamiting gabay ang mga sumusunod:
a. Mag-aral nang mabuti. Ang pagbuo ng mga magandang gawi sa pag-aaral ang makatutulong upang
mas mahasa mo ang iyong kakayahan at mailabas mo ang iyong mga potensyal. Hindi lamang ito para
sa iyong sarili, kundi maging para sa paaralan.
b. Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto. Nag-aaral ka upang matuto. Sabi nga nila hindi ka
nasa paaralan para lamang sa baon araw-araw. Ang iyong masidhing pagnanais na matuto ang
tutulong sa iyong isip upang gumana nang maayos. Walang mahirap sa isang taong nagpupursigi at
may dedikasyon.
c. Pataasin ang mga marka. Hindi natin maikakaila ang halaga ng pagkakaroon ng mataas na marka. Ito
ay maaari mong magamit upang makapasok sa magandang paaralan kapag ikaw ay pumasok sa
kolehiyo. Ngunit dapat mong tandaang ang mataas na marka ay pangalawa lamang, ang tunay mong
layunin sa pag-aaral ay upang matuto at makaalam.
d. Gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay. Mahalaga ito sa proseso ng iyong
pagsisikap na matuto. Gamitin nang mahusay ang kakayahan sa pakikinig, sa pagbabasa, sa
pagsusulat at sa pagsasalita. Mahalagang kahiligan ang pagbabasa upang malinang ang kakayahang
mag-isip, magtanong, magmasid at magnilay.
e. Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip. Binigyan ka ng sariling pagiisip kung kaya hindi mo dapat
hinahayaang iba ang nag-iisip para sa iyo. Wala nang iba pang makapagpapalakas sa isip kundi ang
palagi itong gamitin. Gamitin ito upang hanapin ang katotohanan, sa pakikinig at pagtimbang sa
opinyon ng iba at sa pagiging kritikal sa mga inihaing ideya.
f. Matutong lutasin ang sariling mga suliranin. Mas marami kang kakaharaping suliranin sa yugtong ito.
Kadalasan ito ay suliranin sa iyong pakikipag-ugnayan. At sa mga pagkakataong ito, bumubuo ka ng
mga pagpapasya. Siguraduhing pipiliin mo lamang ang kabutihan.
g. Makilahok sa mga gawain sa paaralan. Hindi lang sa harap ng libro umiikot ang mundo sa loob ng
paaralan. Enjoy. Makihalubilo ka sa iba pang mga mag-aaral. Lumahok ka sa mga pangkatang gawain
para matutunan mong mamuno at sumunod. Ito ang isa sa mga
kasanayang kakailanganin mo sa iyong buong buhay.

30
Pangkat 5. Ang Tungkulin sa Aking Pamayanan. Ang isang kasapi ng pamayanan ay malugod na
tumutugon sa kanyang mga tungkulin para sa kapakanan nito. Bilang nagdadalaga o nagbibinata may
tungkulin ka na:
a. Pangalagaan ang maayos at malinis na pamahalaan;
b. Makibahagi sa gawain ng pamayanan kasama ng iba pang miyembro nito;
c. Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan;
d. Maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa pamayanan upang maiparating sa mga
pinuno ng pamayanan;
e. Maging tapat sa kinabibilangang pamayanan;
f. Makibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kung kinakailangan;
g. Sumasali sa mga samahang pangkabataan, kung saan ilalaan ang sarili bilang maging mabuting
tagasunod, kung hindi man maging mabuting pinuno at;
h. Makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan at samahan sa kanilang mga
proyekto.

Sa sumusunod na paraan ng pakikilahok, nararamdaman mong hindi ka malayo sa mga tao sa iyong
pamayanan. Kung minsan, may mga pagkakataong hindi mo kilala ang iyong mga kapitbahay; na hindi mo
kilala ang namumuno sa inyong pamayanan. Sa pamamagitan ng pagtugon sa mga tungkuling ito,
mararamdaman mong ikaw ay kabahagi. At makatutulong ito upang iyong mas mapaangat ang iyong halaga
bilang tao.
Pangkat 6. Ang Tungkulin Bilang Mananampalataya. Paano mo ba ginagamit ang lahat ng iyong
oras sa buong maghapon? Sa anong mga gawain mas nauubos ang iyong oras? May kabuluhan ba ang mga
ito? Kasama ba ang pagsasabuhay ng iyong pananampalataya sa iyong gawain sa araw-araw?
Alam mo namang hindi naman hinihingi ang lahat ng iyong oras para dito. Ang simpleng pag-
aalay ng panalangin araw-araw ay napakalaking bagay na para masabing isa kang tunay na
mananampalataya. “Prayer can move mountains”. Ngunit dapat mong isaisip na hindi ang ating
panalangin ang nakapagpapagalaw kundi ang Diyos. Ang panalangin ay paraan ng papuri sa Diyos. Ito ay
paraan ng pakikipag-usap sa Kanya mula sa puso. Kadalasan, ang intensyon ng tao

31
sa pananalangin ay ang humingi ng mga bagay na ating nais o pangyayaring gusto nating maganap. Minsan
naman ay upang ihingi ng tawad ang ating mga pagkakamali dahil gusto nating muling mapalapit sa Kanya.
Ang panalangin ay para sa papuri, pasasalamat at pinakamahalaga ay ang pag-aalay sa Kanya ng lahat ng
ating mga gawain. Malalaman mo na lahat ng bagay na nasimulan sa panalangin ay magaganap na puno ng
tiwala at kahusayan. Ito ay dahil nasa ilalim ng paggabay ng Diyos ang gawaing inialay sa Kanya.
Pangkat 7. Ang Tungkulin Bilang Konsyumer ng Midya. Maraming uso at maraming makabago sa
modernong panahon ngayon. Nakokondisyon ang iyong isip na ang mga ito ay kailangan dahil sa husay ng
presentasyon nito ng midya. Labis nang nakaaalam (Informed) ang mga tinedyer.
Wala na talaga sigurong maitatago pa. Ito ay dahil kahit pa ang mga liblib na pook ngayon ay naaabot na ng
teknolohiya. Sa dami ng mga inihahain sa iyo, minsan hindi mo na alam kung ano ang iyong tatanggapin at
paniniwalaan. Narito ang panganib. Naranasan mo na bang umupo sa harap ng computer upang maglaro na
minsan ay tumatagal ng 3 – 5 oras? Ang makalimutang gumawa ng takdang-aralin dahil sa panonood ng
telebisyon? Ang mapakapanood ng mga marahas na mga palabas at mga tukso na mahirap na iwasan? Lalo
na kung hindi mo gagamitin ang mapanuring pag-iisip (critical thinking). Ito ay nagtuturo sa iyo kung
paano mag-isip at hindi kung ano ang iisipin. Ito ay patuloy na proseso na madalas na nagsisimula sa isang
tanong. Ito ay ang kakayahan natin na pag-aralan ang mga bagay at ang magiging bunga bago magpasya o
pumili. Hindi lahat ng nakikita sa midya ay totoo. Kaya mo bang gamitin ito nang may pananagutan?
Pangkat 8. Ang Tungkulin sa Kalikasan. Naranasan na natin ang baha na pumatay ng maraming tao at
sumira ng maraming ari-arian. Mulat ka na hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung napangalagaan lang
natin ang kalikasan. Malakas na ang panaghoy ng Inang Kalikasan. Ang kailangan natin ay tumugon bago pa
maging huli ang lahat. May magagawa ang bawat isa sa atin. Maaari mong gawin ang mga sumusunod:
a. Mahalagang ibahagi sa mga kasama sa tahanan ang mga kaalamang natutunan sa paaralan. Hikayatin
ang bawat kasapi ng pamilya na makibahagi sa pagtulong para iligtas ang kalikasan sa tuluyan nitong
pagkasira. Halimbawa, kumbinsihin sila na magtipid ng kuryente. Patayin ang kompyuter, telebisyon at
ilaw kung hindi naman ginagamit. Ipakumpuni ang mga sirang

32
gripo upang hindi maaksaya ang tubig na tumutulo mula rito. Gumamit lamang ng electric fan
o aircon kung talagang kinakailangan.
b. Mahalagang ilapat sa buhay ang anumang natutuhan sa paaralan lalo na sa siyensya. Mas palawakin
pa ang kaalaman ukol sa pagbabago ng klima (climate change), sa epekto nito at mga solusyon sa
lumalalang suliranin na bunga nito. Mamuno sa paghikayat sa buong klase upang magkaroon ng
programa para sa kalikasan. Makatutulong din kung lalahok sa mga organisasyong may mga
programang pangkalikasan.
c. Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa at sa tubig. Makibahagi sa proyektong
pampamayanan o kaya naman ay bumuo ng samahan ng mga kabataan na tutulong upang mabawasan
ang suliranin sa maruming hangin at paligid. Kung ang bawat isang kabataan sa isang pamayanan ay
magkakaroon ng panahon upang kumilos para sa pangangalaga ng kalikasan, nakasisiguro ang
positibong resulta nito. Manguna sa kampanya para sa isang proyekto na kasali hindi lamang mga
kabataan kundi maging lahat ng kasapi ng bawat tahanan.
d. Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing pangkalikasan. Mas makabubuti kung sa
ganitong paraan uubusin ang panahon kasama ang mga kaibigan. Makatutulong ito upang lalong
mapatibay ang pagsasamahan, magdudulot pa ito ng kabutihan para sa kalikasan. Hikayatin din ang
lahat ng mga kaibigan na simulan din ang pagsasagawa ng mga proyektong ito sa kanilang sariling
tahanan.
e. Karamihan ng mga mahahalagang kaalaman ukol sa kalikasan ay napupulot ng mga mag- aaral
hindi sa paaralan kundi sa midya. Ang media ang isa sa pinakamapakapangyarihang maaaring
maging katuwang ng paaralan sa pagtuturo sa mga kabataan. Ngunit hindi natin maikakaila na
mayroong ilan na ang interes ay mas nakakiling sa konsyumerismo at nakakaligtaan ang
pananagutan para sa mga kabataang konsyumer. Bilang isang tinedyer kailangang maging matalino
sa pagtanggap ng mga impormasyong dulot ng media. Kinakailangan ng kakayahan upang magsala
ng mga impormasyong tatanggapin at paghihiwalay nito sa mga impormasyong hindi nararapat na
tanggapin at tangkilikin.

Malakas na ang panghoy ng kalikasan, lumalala na ang kanyang sakit at tao lamang na

33
siyang pinagkatiwalaan ng Diyos ang makatutulong upang magamot ang karamdamang ito. Bilang kabataan
mayroon kang espesyal na bahaging maaaring magampanan para sa suliraning ito.
Kailangang kumilos, ngayon na . . . bago pa maging huli ang lahat. Magsimula sa iyong sarili at
nakasisigurong susunod dito ang buong mundo.
“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa
sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa, tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling
Niya.” Mula sa isang awit, ipinauunawa sa atin ng mga linyang ito ang kahalagahan ng pagtugon sa ating
mga tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos.
Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay na pagkatao ng tao. Ito ay dahil likas ito sa tao.
Ang taong tumatalikod dito ay maaaring maihalintulad sa isang taong naglalakad na walang ulo (Alejo, P.B.
2004). Kaya habang maaga simulan mo ng tumugon sa iyong mga pananagutan - lalo na sa pagtugon sa
pinakamahalagang tungkulin ng tao: ang pagkamit ng kaganapang pansarili, hanapin ang kabanalan, upang
makaalam, magmahal at maglingkod sa Diyos nang malaya.
Ang hamong ito ay hindi madali. Ngunit dapat kang kumilos upang tugunan ito. Mahalagang tuntungan
ito patungo sa susunod na yugto ng iyong buhay. At ang tagumpay mo sa mga susunod pang yugto ang
pundasyon ng paghubog ng iyong pagkatao.
Sa hamong ito sa yugtong ito, tutugon ka ba?

F. Paglinang sa Kabihasahan Gumawa ng overlapping concepts graphic organizer sa pisara at gawin din sa notbuk. Tumawag ng
(Tungo sa Formative isang mag-aaral mula sa bawat pangkat upang magbahagi ng kanilang output sa klase. Sagutin ang mga
Assessment) tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist/Reflective Approach)

34
Tanong:
1. Ano-ano ang mga katungkulang nakaatang at inaasahan sa isang nagbibinata o
nagdadalagang katulad mo?
2. Sa lahat ng tungkulin, alin para sa iyo ang pinakamagaan? Ipaliwanag. Alin ang
pinakamabigat? Bakit?

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Basahin ang mga sanaysay at sagutin ang mga tanong. Tumawag ng tatlong mag-aaral na magbabahagi ng
araw-araw na buhay kanilang sagot sa klase. (Gawin sa loob ng 8 minuto) (Reflective Approach)

 Malakas na ang panaghoy ng kalikasan, lumalala na ang kanyang sakit at tao lamang na siyang
pinagkatiwalaan ng Diyos ang makatutulong upang magamot ang karamdaman na ito. Bilang kabataan
mayroon kang espesyal na bahaging maaaaring magampanan para sa suliraning ito. Kailangan ng
kumilos, ngayon na . . . bago pa maging huli ang lahat. Magsimula sa iyong sarili at nakasisigurong
susunod dito ang buong mundo.

 “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa
sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa, tayong lahat ay tinipon ng Diyos na
kapiling Niya.”
1. Sino ang nagsasalita sa unang sanaysay? Sa awitin?
2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang unang sanaysay?
3. Bilang kabataan at bilang tao, ano ang mga paraang naiisip mo upang makatulong sa
kalikasan?
4. Sa walong tungkuling inaasahan sa isang nagbibinata o nagdadalaga, saan (maaring mahigit
sa isa) nabibilang ang awitin? Bakit?

H. Paglalahat sa aralin Ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili, bilang anak o kapatid, mag- aaral,
mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan
ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.

35
I. Pagtataya ng Aralin Sagutin ang sumusunod sa notbuk. Tatlong puntos para sa bawat tanong. (Gawin sa loob ng 10
minuto) (Reflective Approach)
a. May mga tungkulin ka pa ba sa sariling di binanggit sa sanaysay? Banggitin at ipaliwanag.
b. Alin sa mga tungkulin ng mga nagdadalaga o nagbibinata ang madalas na napapabayaan?
Patunayan.
c. Ipaliwanag: “Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay na pagkatao ng tao”.
d. Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t ibang tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata?
e. Anong kasanayan ang nararapat mong taglayin upang matagumpay mong matupad ang iyong
mga tungkulin?

J. Karagdagang gawain para sa Ilarawan ang mga tungkulin mo sa bawat gampanin na binanggit sa sanaysay sa pamamagitan ng isang
takdang-aralin at poster. Gawin ito gamit ang isang bond paper.
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-

36
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko
guro?

37
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 7
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKAAPAT NA ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga hakbang tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang
Pangnilalaman mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin sa
bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin sa bawat
Isulat ang code ng bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata. EsP7PSIg-4.4
kasanayan 2. Nakasusulat ng pagninilay tungkol sa mga dapat na paunlarin sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin
sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagbibinata.
3. Naipahahayag ang tiwala sa sarili sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga o nagbibinata.

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 37-46


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 91-116


Kagamitang Pang-Mag-
aaral

38
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5334


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop, Manila paper, pentel pen, sagutang papel
Panturo
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng tatlong mag-aaral upang sagutin ang sumusunod na tanong. (gawin sa loob ng 5
aralin at pagsisimula ng minuto) (Reflective Approach)
bagong aralin.
 Alin sa mga tungkulin ng isang nagbibinata o nagdadalaga ang nais mong gampanan dahil nais mo?
 Alin sa mga nabanggit na tungkulin para sa iyo ang gusto mong tanggihan kung bibigyan ka ng
pagkakataong tumanggi?
 Alin ang sa palagay mo ang dapat mong gawin dahil ito ang tama at nararapat?

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin
aralin at pagganyak
1. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin sa bawat
gampanin bilang nagdadalaga o nagdadalaga.
2. Nakasusulat ng pagninilay tungkol sa mga dapat na paunlarin sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin
sa bawat gampanin bilang nagdadalaga o nagdadalaga.
3. Naipahahayag ang tiwala sa sarili sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin sa bawat
gampanin bilang nagdadalaga o nagdadalaga.

39
B. Gamit ang PowerPoint presentation, ipakita ang sumusunod. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective Approach)

Tayahin kung gaano ang pagtitiwala mo sa sarili sa mga sitwasyong nasa ibaba. Gamitin ang iskala mula
isa (1) hanggang sampu (10). Ang bilang isa ay nangangahulugang wala kang tiwala sa iyong sarili (ay
naku, hindi ko magagawa!) at ang sampu naman ay malaking-malaki ang pagtitiwala sa sarili (kayang-
kaya!).

1. Gagawin kang lider sa pangkatang gawain sa klase.


2. Sasali ka sa paligsahan sa awit o tula sa buong paaralan.
3. Magpahayag ka ng iyong kaisipan at damdamin sa harap ng klase tungkol sa isang
mahalagang paksa.
4. Kukuha ka ng pagsusulit sa EsP sa katapusan ng taon.
5. Magsasabi ka ng iyong kagustuhan sa iyong magulang na maaaring hindi ayon sa gusto nila.
6. Kakausapin o iinterbyuhin ka ng isang news reporter tungkol sa mga ginagawa ninyo sa EsP.
7. Magmumungkahi ka ng isang proyekto para sa EsP Club.
8. Pinakiusapan ka ng iyong nanay na tulungan ang iyong mga batang kapatid sa kanilang aralin.
9. Inatasan ka ng guro na tingnan ang klase habang nasa pagpupulong siya.
10. Sinabihan kang mahina ang iyong loob sa mga gawain sa paaralan.

C. Pag-uugnay ng mga Gumawa ng Pansariling Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang Kabataan. Magsisilbi itong
halimbawa sa bagong gabay sa pagtatalaga sa iyong sarili tungo sa maayos na pagganap ng iyong tungkulin bilang kabataan. Sundin
aralin ang pormat na nasa kasunod na pahina. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Reflective/Constructivist
Approach)

40
a. Sa sarili
b. Bilang anak
c. Bilang kapatid
d. BIlang mag-aaral
e. Bilang mamamayan
f. Bilang mananampalataya
g. Bilang consumer ng media
h. Bilang tagapangalaga ng kalikasan

Pamamaraan ng Maayos na Dahilan sa Pagtupad ng


Tungkulin
Pagtupad ng Tungkulin Tungkulin
Halimbawa: Sa Sarili
 Palaging panatilihing Kakain ng masustansyang Upang hindi magkaroon ng
malusog ang pagkain sa lahat ng sakit o mapabayaan ang
pangangatawan pagkakataon katawan

D. Pagtalakay ng bagong Tumawag ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawa. Ipasulat ang kanilang kasagutan sa
konsepto at paglalahad ng inihandang tsart ng guro sa Manila paper o pisara. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
bagong kasanayan #1 (Reflective Approach)

41
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2

Para sa Aking Sarili

Ipakita ng guro sa pamamagitan ng Powerpoint Presentation ang dayagram na bilog na nakalarawan sa


itaas at ipakopya ito sa notbuk. Ipaliwanag ang mga konsepto at ipagawa ang mga babanggiting panuto.
(Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

Sabihin ng guro:
1. Sa pinakamaliit na bilog o sentro ng dayagram ay nakasulat ang mga salitang “Para sa Aking Sarili”.
Ipinahiwatig nito na nagsisimula sa sarili ang pagiging responsible o mapagpahalaga sa pagganap ng
mga tungkulin.
2. Mapapansing palaki nang palaki ang mga bilog. Ipinahihiwatig nito na may mga tungkulin o
responsibilidad ka rin hindi lamang para sa iyong sariling kapakanan. Mag-isip ka kung kanino ka pa
may tungkulin o responsibilidad. Sino o sino-sino ang mga taong mayroon kang tungkulin o
responsibilidad? Isulat ang mga ito sa bilog na sumusunod sa bilog na sumusunod sa sentro.

42
3. Palawakin ang iyong pananaw. Sino-sino ang iyong isusulat sa pangatlong bilog na kumakatawan sa
lawak ng iyong tungkulin o responsibilidad? Isulat ang pangalan ng tao, grupo o sector sa loob ng bilog.
4. Higit na palawakin ang iyong tungkuling sa kapwa. Isulat ang mga ito sa ikaapat na bilog.
5. Maaari mo pang dagdagan ng ikalima o higit pang bilang ng bilog ang dayagram kung
kailangan.
6. Pagkatapos mong isulat ang mga pangalan ng tao, grupo o lawak ng lipunan na sakop ng iyong tungkulin
o responsibilidad, magnilay-nilay at mag-isip kung bakit mo itinuring na may tungkulin
ka sa mga isinulat mo sa bawat bilog.

F. Paglinang sa Kabihasahan Pasulatin ng pagninilay ang mga mag-aaral tungkol sa:


(Tungo sa Formative a. Mga dapat nilang paunlarin sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin bilang isang kabataan
Assessment) b. Mga taong makatutulong sa kanila sa mga bagay na ito.

Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Ang mga dapat kong Mga taong makatutulong


paunlarin sa pagtupad sa akin upang
ng aking mga tungkulin. maisakatuparan ko
nang maayos ang aking
mga tungkulin.

43
G. Paglalapat sa aralin sa pang- Balikan ang ginawang tsart ng Pansariling Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang
araw-araw na buhay Kabataan. Isabuhay sa loob ng isang linggo ang mga natukoy na mga pamamaraaan. May inihandang
halimbawa para sa iyo. Gawin ito sa iyong notbuk. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)

Miyerkule

Biyernes
huwebes
Martes
Pamamaraan ng maayos na

Lunes
Tungkulin

s
patupad ng tungkulin

Halimbawa: Sa sarili
 Palaging panatilihing Kakain ng masustansyang
malusog ang pagkain sa lahat ng
pangangatawan pagkakataon.

H. Paglalahat sa aralin Habang umuunlad ang pagkatao, lumalawak at lumalalim ang mga tungkulin at responsibilidad.
Mahirap ang pagkilos at pagtupad sa mga responsibilidad. Kailangan ang mataas na antas ng kamalayang
baguhin ang bahagi ng ating pagkatao upang matupad ang ibat ibang tungkulin. Ang positibong pagtanggap
ng ibat ibang responsibilidad sa mga karaniwang gampaning pang-araw-araw ay mabisang paghahanda sa
higit na malawak na responsibilidad at tungkulin sa hinaharap.

I. Pagtataya ng Aralin Isipin at maging tapat kung ikaw ay sasali o magkukusa sa paglutas ng mga sumusunod na sitwasyon.
Isulat sa puwang ang GKI (Gagawin Ko Ito) kung isasabuhay o HKMI (Hindi Ko
Magagawa Ito) kung mahihirapan kang isagawa. Isang puntos kada bilang. (Gawin sa loob ng 10
minuto) (Reflective Approach)

44
1. Panonood ng mga palabas sa telebisyon bago magsimulang mag-aral.
2. Paninigarilyo upang matanggap ng mga kaibigang naninigarilyo rin.
3. Pagpapatay ng ilaw kung hindi kinakailangan upang makatipid sa binbayarang kuryente ang
magulang.
4. Pagtatapon ng basura sa mga bakanteng loteng malapit sa sariling tahanan.
5. Pagsama sa mga kaibigang manood ng sine tungkol sa buhay ng mga kilalang bayani.
6. Pagtawa o pagkutya sa mga paraan ng pagsamba ng ibang kabataang may ibang relihiyon.
7. Pagsali sa mga gawain o proyekto ng Sangguniang Kabataan sa barangay.
8. Pagtanggap ng tungkuling maging lider sa isang proyektong pangklase upang linisin at
pagandahin ang isang bahagi sa paaralan.
9. Pagsali sa proyektong rummage sale sa inyong simbahan upang makalikom ng perang
makatutulong sa mga batang kalye.
10. Pagsali sa rally na sumasalungat at di sumasangayon sa paglaganap ng mga
ipingbabawal na gamot

J. Karagdagang gawain para sa Maghanda para sa darating na markahang pagsusulit.


takdang-aralin at
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba

45
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

46

You might also like