You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralang Pansangay ISKOR:
Lungsod ng Quezon
NORTH FAIRVIEW HIGH SCHOOL
Senior High School

Aralin#1: Batayang
Kaalaman sa Malikhaing
Pagsulat

PANGALAN: SEKSYON:
PETSA NG PAGPAPASA: ________________________________

TANDAAN:

Malikhaing Pagsulat - Anumang pagsulat na lumalabas sa mga


hangganan ng karaniwang propesyonal, pang-akademiko o teknikal
na anyo ng pagsulat.
-Ito ay pagsulat na nagpapahayag ng
naiisip at nararamdaman ng manunulat sa isang masining, kakaiba
at patulang pamamaraan.
Ang pangunahing layunin ng malikhaing pagsulat ay manlibang ang magturo o
magbigay ng impormasyon.
Ang nilalaman nito ay puno ng imahinasyon, matayutay at simbolikal.
Ang wikang ginagamit ay impormal,artistiko at piguratibo
Ang gramatika na ginagamit ay nasusulat para sa lahat ng maaaring tagapagbasa.
Ang tono ay subhektibo
Kailangang mapagparanas at makintal
Ginagamitan ng panloob at panlabas na pandama.

Mga Kasanayan Sa Pagkatuto:


1.Natutukoy ang pagkakaiba ng malikhaing pagsulat sa iba pang anyo ng pagsulat.
(HUMSS_CW/MP11/12-Ia-b-1)
2. Nakahuhugot ng mga ideya mula sa karanasan. (HUMSS_CW/MP11/12-Ia-b-2)
3. Nagagamit ang wika upang mag-udyok ng mga emosyonal at intelektwal na tugonmula sa mga
mambabasa. (HUMSS_CW/MP11/12-Ia-b-3)
Detalyadong Kasanayan Sa Pampagkatuto:
a. Nabibigyang-kahulugan ang malikhaing pagsulat.
b. Naiisa-isa ang mga katangian ng isang malikhaing pagsulat.
c. Napag-iiba ang malikhaing pagsulat sa iba pang uri ng pagsulat.
d. Nagagamit ang mga pandama sa paglalarawan ng mga larawan.
A. NETWORK NG MGA KAHULUGAN
PANUTO: Magbigay ng 5 kahulugan ng malikhaing pagsulat. Huwag kalimutang banggitin ang
pangalan ng pinagkuhanan ng kahulugan at pagkatapos bumuo ng sariling pagpapakahulugan sa
malikhaing pagsulat. (10pts.)

MALIKHAING PAGSULAT

PAGSULAT NG TULA PAGSULAT NG KANTA

NOBELA KOMIKS MAIKLING KATHA

https://pagsulite.blogspot.com/2021/04/mga-halimbawa-ng-malikhaing-pagsulat.html

SARILING KAHULUGAN: Ang malikhaing pagsulat ay ang ipahayag ang suluobin ng isang manunulat o pag
gawa ng kwento sa pamamagitan ng imahinasyon

B. IHAMBING MO MALIKHAING PAGSULAT SA IBANG URI NG PAGSULAT


PANUTO: Buuin ang talahanayan upang masuri ang pagkakaiba ng malikhaing pagsulat sa iba pang
anyo ng pagsulat. (20pts.)
Batayan ng Malikhaing Akademikong Teknikal na Jornalistikong Propesyonal Referensyal
Paghahambing Pagsulat Pagsulat Pagsulat Pagsulat na Pagsulat na Pagsulat

LAYUNIN
PARAAN O BATAYAN
NG DATOS

AUDIENCE

ORGANISASYON NG
MGA IDEYA

PANANAW

MGA HALIMBAWA
C. PAGGAMIT NG PANDAMA SA PAGLALARAWAN
PANUTO: Bumuo ng 3-5 pangungusap na naglalarawan sa bawat larawan gamit ang inyong mga
pandama. Isulat ito sa loob ng kahong nakatapat sa larawan.
HALIMBAWA: PALENGKE – Samu’t sari ang makikita at mararanasan sa palengke. Punong-puno ito
ng iba’t ibang uri ng tao, mayaman o mahirap. Ang amoy ay halo-halo dahil sa iba’t ibang panindang
iniaalok ng mga tinderang naglalakasan ang boses. Nariyan ang malansang amoy ng mga isda at
lamang-dagat; ang pangkaraniwang amoy na nagmumula sa mga karne at manok at mabangong
amoy galing sa sariwang prutas at gulay.Nakakapagod at nakakahingal ang pag-ikot sa buong
palengke lalo pa at siksikan ang tao subalit masarap sa pakiramdam kung matapos mo ang
pamamalengke na sapat ang iyong salapi at may kasama pang sukli.
1.

2.

3.

4.

5.

D. ANONG HALAGA?
PANUTO: Bumuo ng isang graphic organizer na nagpapakita ng kahalagahan ng malikhaing
pagsulat.

Inihanda ni: Gng. Julie Ann B. Rivera- Filipino 12-MP

You might also like