You are on page 1of 2

Pangatlong Sumatibong Pagsusulit sa FILIPINO 4

Ikaapat na Markahan
Pangalan: ______________________________________ Iskor:___________________
Baitang/Pangkat: ____________ Guro: Ronalie C. San Pedro
I. Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng katitikan ng pagpupulong ang
isinasaad sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
_________________1. Sa bahaging ito inilalagay kung anong oras nagwakas ang
pulong.
_________________2. Mahalagang ilagay sa bahaging ito sa pangalan ng taong
gumawa ng katitikan ng pagpupulong at kung kailan ito isinumite.
_________________3. Naglalaman ng mahahalagang tala hinggil sa paksang
tinalakay o nagawang proyekto ng nagdaang pulong.
_________________4. Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin
ang susunod na pulong.
_________________5. Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan,
organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, lokasyon at maging
ang oras ng pagsisimula ng pulong.

Lagda
Heading o Pamagat
Pagtatapos
Mga kalahok o dumalo
Iskedyul ng Susunod na Pulong
Action Items o Usaping Napagkasunduan

II. Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangugusap at Mali
kung hindi wasto ang isinasaad ng pangungusap.
____________1. Isinusulat sa katikan ng pagpupulong ang mga bagay na
tinatalakay sa pulong.
____________2. Ang Action Item o Usapaing Napagkasunduan ay naglalaman
ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita
rin dito ang petsa, lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
___________ 3. Ang lagda ay inilalagay sa pangalan ng taong gumawa ng
katitikan ng pagpupulong.
____________4. Sa bahagi ng pagtatapos inilalalgay ang kabuuang bilang ng
mga dumalo, pangalan ng lahat ng dumalo maging ang mga lumiban sa
pagpupulong.
____________5. Sa Iskedyul ng Susunod na Pulong itinatala kung kailan at
saan gaganapin ang susunod na pagpupulong.
____________6. Ang katitikan ng pagpupulong ay isang mahalagang
dokumento sa isang pagpupulong.
____________7. Ang lugar kung saan ginaganap ang pagpupulong ay hindi
inilalagay sa katitikan ng pagpupulong.
____________8. Mahalaga ang katitikan ng pagpupulong upang maipaalam sa
lahat ng kasangkot ang mga nangyari sa nakaraang pulong.
____________9. Ang bating pangwakas ay bahagi ng katitikan ng pagpupulong.
____________10. Sa bawat pagpupulong nararapat lamang na may isang taong
tagapanguna ng pulong.

III. Panuto: Isulat kung anong bahagi ng iskrip sa radio broadcasting at


teleradyo ang tinutukoy sa bawat pahayag. Piliin ang sagot sa mga salita na
nasa loob ng kahon.
Billboard Bumper
Program ID
Station ID Teaser

_______________1. Para sa isang paalala, magbabalik po ang SINGKO BALITA!


_______________2. Sa loob ng limang minuto, maghahatid ng balitang sik-sik,
sulit na sulit. Sa MAGS RADIO, narito ang tambalang mag kasingko. Ito ang
SINGKO BALITA!
_______________3. Ang radyong pangmatalino at mapagkakatiwalaan. Mga
balitang napapanahon bibigyan namin agad ng aksiyon, Ito ang MAGS
RADIO STATION.
_______________4. Panahon na naman ng El Niño. Panahon na naman para
mas magtipid at gamitin ng wasto ang tubig. Ito ay mahalagang paalala mula
sa Calumpit Water District.
_______________5. Waling-waling ipapalit nga ba sa Sampaguita bilang
pambansang bulaklak?

You might also like