You are on page 1of 11

3

Mga Kaugalian, Paniniwala


At Tradisyon Sa
Kinabibilangang Rehiyon
Modyul sa Araling Panlipunan 3
Kwarter 3 ● Modyul 5
3

MARIA THERESA M. CALDE


Tagapaglinang
Kagawaran ng Edukasyon • Dibisyon ng Lungsod ng Baguio

PANGALAN: ISKOR:
GURO: BAITANG AT SEKSYON:
Tuklasin

Pag-aralan ang bawat larawan. Ano-ano ang inyong nakikita? Ano-


ano kaya ang mga ito?

https://www.google.com/search?
q=pagtutulungan+tradition+of+Kalinga+&tbm=isch&ved=2ahUKEwiY56vPpJPwAhUMD6
YKHeVaD2sQ2-

https://www.google.com/search?
q=cordilleran+music&tbm=isch&ved=2ahUKEwjGtIbLoJPwAhUN3
5QKHcKWDpYQ2-
cCegQIABAA&oq=cordilleran+music&gs_lcp=CgNpbWcQA1DF4g

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwww.manilatimes.net
%2Fwp-content%2Fuploads%2F2014%2F12%2Fweaving20141228.gif&imgrefurl=https
%3A%2F%2Fwww.manilatimes.net%2F2014%2F12%2F27%2Fweekly%2Fthe-sunday-
times%2Fpreserving-culture-weaving

https://gestalten.com/blogs/journal/the-last-kalinga-tattoo-artist

Tama! Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kaugalian at tradisyon ng mga
mamamayan sa Cordillera. Nais mo bang malaman ang iba pa? Maging
handa at sabay-sabay nating tuklasin at pag-aralan ang mga ito.

2
Suriin

Mga Kaugalian, Tradisyon at Paniniwala ng Iba’t Ibang


Lalawigan sa Cordillera Administrative Region at ang
Kanilang Pagkakatulad at Pagkakaiba

Bawat lalawigan sa ating rehiyon ay may tinatawag na elders o


mas kilala sa tawag na “Lallakay”, “Nanemneman”, o “Pangamaen”.
Sila ay mga nakatatanda sa lugar na kinikilala at iginagalang ng
mamamayan dahil sa kanilang karanasan at kaalaman tungkol sa
mga kaugalian, tradisyon at paniniwala na nagsisilbing gabay ng mga
mamamayan sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Sila rin ay
kinikilala bilang “Traditional Leaders”.

Ilan sa mga kaugalian, tradisyon at paniniwala sa ating rehiyon ay ang


mga sumusunod.

I. Paraan ng Pagresolba ng Anumang Alitan

1. Bodong – ito ay kasunduang pangkapayapaan sa lalawigan


ng Kalinga. Ito ang nagbibigay ng pangkalahatang
katiwasayan ng bawat mamamayan ng lalawigan laban sa
ibang mamamayan ng ibang tribu o lugar. Tinatawag naman
itong “Pechen” sa kanlurang bahagi ng Mt. Province.
2. Dap-ay / At-ato – Ito ay lugar kung saan nagtitipun-tipon ang
mga kalalakihan sa pamumuno ng mga “lallakay” o “amam-a"
upang pag-usapan at pagkasunduan ang anumang usapin
tungkol sa ikabubuti ng bayan at upang resolbahin ang
anumang alitan. Ang lugar na ito ay itinuturing na kagalang-
galang at sagrado sa mga mamamayan ng Mt. Province.
3. Tongtong – Ito ay pagtitipon ng mga “nanemneman” (elders)
ng lalawigan ng Benguet upang pag-usapan at solusyonan
ang anumang problema o di-pagkakaunawaan.

II. Pagpapahalaga sa Pamumuhay

1. Inayan - Ito ay paniniwala sa Mt. Province na tumutukoy sa


pag-iwas sa paggawa ng masama sa kapwa dahil naniniwala
sila na ang anumang kasamaang ginawa sa kapwa ay may
kaparusahang kapalit. Naniniwala rin sila na ang paggawa ng
masama sa kapwa ay ikakagalit ng Diyos o mas kilala sa
3
kanila bilang “Kabunian”. Ang paniniwalang ito ay katumbas
din ng paniniwalang “Pejew” ng Benguet, “Paniyaw” ng
Kalinga at Apayao at “Paniyew” ng Ifugao.

III. Pakikisama sa Kapwa

1. Alluyon/aduyon/kamal/ ub-ubbong/ abbuyog/ og-ogbo –


ito ay tradisyon sa Cordillera na nangangahulugang sama-
sama at tulung-tulong ang magkakapitbahay sa pagtatrabaho
sa mga bukirin hanggang sa matapos ang lahat. Naniniwala
sila na magiging mas madali at mas magaan ang pagtatanim
at pag-aani kung sama-sama at tulong-tulong sila sa
pagtatrabaho.
2. Binnadang- isa rin ito sa mga kaugalian sa ating rehiyon na
tumutukoy sa kusang pagtulong sa mga gawaing
pampamayanan o pagtulong sa mga kapitbahay na
nangangailangan gaya ng sakit, pag may namatayan, sunog
o iba pang pangangailangan, nang walang hinihinging bayad
o kapalit.

IV. Pangangalaga sa Kalikasan at Kapaligiran

- Bawat lalawigan sa Cordillera Administrative Region ay


may iba-ibang sistema at pamamaraan ng pangangalaga
ng kanilang kagubatan. Ang mga pamamaraang ito ay
kinikilala at iginagalang ng DENR (Department of
Environment and Natural Resources). Ilan sa mga ito ay:

1. Lapat -Ito ay sistema ng mga taga Abra at Apayao upang


pangalagaan ang kanilang kagubatan. Sa sistemang ito,
magtatakda sila ng bahagi ng kagubatan o ilog na hindi muna
maaaring galawin ng sinuman upang bigyan ang mga lugar
na ito ng panahon na muling yumabong at dumami ang mga
puno o bigyang panahon na muling dumami ang mga isda
bago muling gamitin ng mamamayan.
2. Muyung -Ito naman ay sistema ng mga Ifugao. Sa sistemang
ito, may mga indibidwal o pamilya na nagmamay-ari ng
“Muyung” (pribadong kagubatan) na namana nila mula pa sa
kanilang mga ninuno. Ang mga nagmamay-ari ng “Muyung”
ay nagbibigay o nagbabahagi ng anumang produkto mula sa
“Muyung” sa kanilang mga kamag-anak o mga kapitbahay
para sa kanilang pangangailangan. Responsibilidad ng may-
ari ng “Muyung” na pangalagaan ito.
3. Batangan -Ito naman ang sistema ng pangangalaga sa
kagubatan sa Mt. Province. Dito sama-samang isinasagawa
ng mamamayan ang paglilinis, pagpoprotekta at
4
pagpapanatili ng kaligtasan ng kanilang mga kagubatan.

V. Sining

1. Paghahabi- Ang paghahabi ay karaniwang gawain ng mga


kababaihan sa rehiyon. Ang Easter Weaving, Sagada
Weaving, Narda’s Weaving at Kabayan Weaving ay ilan
lamang sa mga halimbawa na nagpapakita na hanggang
ngayon ay buhay na buhay ang tradisyong paghahabi sa
ating lugar.
2. Pag-uukit ng Kahoy at Kagamitang yari sa kawayan-
Ayon sa kwentong bayan, ang pag-uukit ng kahoy ay may
kaugnayan sa paniniwala ng mga Ifugao. Sinasabi rito na ang
pag-uukit ng “bulul” ay itinuro sa mga Ifugao upang bantayan
ang kanilang kamalig at ito ang naging umpisa ng kanilang
pag-uukit ng kahoy bilang bahagi ng kanilang pamumuhay.
Hanggang ngayon kilala ang mga Ifugao sa kanilang husay
sa pag-uukit ng kahoy. Kilala naman ang mga Isneg sa Abra
sa kanilang husay sa paggawa ng iba’t ibang kagamitan yari
sa kawayan.
3. Tradisyonal na Pagtatattoo- Isa rin ito sa tradisyon ng mga
taga Cordillera. “Batok” ang tawag nila sa tattoo. Para sa
kanila ang “Batok” ay sumisimbolo ng katapangan, pwesto sa
lipunan at antas ng pamumuhay ng isang tao. Isa sa
pinakatanyag na mambabatok ngayon ay si Lola Maria
Oggay o mas kilala sa pangalang “Apo Whang-od” sa
Kalinga. Siya ay pinarangalan ng Dangal ng Haraya Award
noong 2018 at siya rin ay hinirang para sa Gawad Manlilikha
ng Bayan Award noong 2017.
4. Sayaw -Bahagi pa rin ng kaugalian at tradisyon sa Cordillera
ang pagsasayaw sa tuwing may okasyon. Ilan sa mga
kilalang sayaw Cordillera hanggang ngayon ay ang Banga
dance ng Kalinga, Bendiyan dance ng Benguet, Manmanok
ng Abra, Uyauy ng Ifugao at marami pang iba.
Source: Ana Marie G. Diwas, Roles and Significance of Filipinos’ Indigenous Social Ideas to National Government

Ang bawat lalawigan sa Cordillera Administrative Region ay


may iba’t ibang kaugalian, tradisyon at paniniwala. Magkakaiba man
ang katawagan at paraan ng pagsasagawa ng mga ito, ang layunin
naman ay magkakapareho. Naniniwala ang mga mamamayan dito
na ang mga gawaing ito ay nagdudulot ng pagkakaisa at
nagpapatatag ng samahan bilang mamamayan ng rehiyon.
Naniniwala rin sila na ang mga ito ay sumasalamin sa kanilang
mayamang kultura na ipinamana ng kanilang mga ninuno.

5
Pagyamanin

Gawain 1:
Panuto: Isulat kung saang lalawigan ang sumusunod na
kaugalian, tradisyon at paniniwalang nakasulat sa kahon.
Kaugalian,Tradisyon Lalawigan
at Paniniwala
1. Lapat
2. Muyong
3. Batangan
4. Tongtong
5. Bodong

Gawain 2:
Panuto: Piliin sa ibaba ang tamang pahayag tungkol sa pagkakatulad
at pagkakaiba ng mga kaugalian, paniniwala at tradisyon sa iba’t ibang
lalawigan ng rehiyon batay sa napag-aralang paksa. Isulat ang letra ng
napiling pahayag sa bawat patlang.

1. Ubbu ng Ifugao at Ab-abbuyog ng Apayao: ______________________

2. Bodong ng Kalinga at Pechen ng Mt. Province:


_________________________________________________
3. Pejew ng Benguet at Paniyao ng Ifugao: _______________________

4. Lapat ng Abra at Muyung ng Ifugao:


__________________________________________
5. Batok: _______________________________________

a. Nangangahulugang Kasunduang pangkapayapaan.


b. Pagtutulungan ng mga tao sa isang pamayanan.
c. Uri ng sining sa Cordillera na sumisimbolo ng katapangan at antas ng
pamumuhay ng isang tao.

6
d. Hindi paggawa ng masama dahil pinaniniwalaang may kaparusahang
kapalit.
e. Sistema ng pangangalaga sa kalikasan ng mga taga Cordillera.

Gawain 3:
Panuto: Mamili ng dalawang kaugalian, paniniwala o tradisyon sa
rehiyon na nagustuhan mo. Isulat ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawa. Ilagay ang sagot sa loob ng venn
diagram.

Halimbawa:

Banga Dance
-Kilalang sayaw
ng mga taga
Kalinga

Pagkakatulad
-Sayaw ng mga
taga Cordillera Bendian Dance
-Kilalang sayaw
ng mga Taga
Benguet

7
Isaisip

A. Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot upang mabuo ang
diwa nito.
Ang bawat lalawigan sa Cordillera Administrative Region
ay may iba’t ibang __________, ____________ at __________.
Magkakaiba man ang katawagan at paraan ng pagsasagawa ng mga
ito, ang layunin naman ay magkakapareho. Naniniwala sila na ang
mga ito ay nagdudulot ng ___________at nagpapatatag ng samahan
nila bilang mamamayan sa Cordillera. Naniniwala rin sila na ang mga
ito ay sumasalamin sa kanilang mayamang _______na ipinamana
ng kanilang mga ninuno sa kanila.

B. Sa panahon ng kalamidad gaya ngayong panahon ng pandemya,


anong kaugalian o tradisyong ating pinag-aralan ang maaari nating
isagawa upang makatulong sa kapwa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
___________________________________________.

8
Isagawa

Panuto: Bilang mag-aaral na nasa ikatlong baitang, pumili ng isang


kaugalian ng ating rehiyon na maaari mong ipakita o isagawa sa
sumusunod:
a. Sa iyong pamilya -
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
_______________________________________.
b. Sa iyong pamayanan-
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
________________________________________.

Tayahin

Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap. Kopyahin


sa kahon ang tamang sagot at isulat ito sa patlang.

Binnadang Pag-uukit ng kahoy Dap-ay


Tongtong Kabunyan

1. Ang kaugaliang ________ ng Benguet, Bodong ng Kalinga at


“Pechen” ng Mountain Province ay nangangahulugang kasunduang
pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang tribu na may alitan.

2. Ang ________ ay lugar kung saan pinag-uusapan at inaayos ang


anumang alitan. Dito rin pinag-uusapan ang anumang usapin para sa
ikabubuti ng bayan.
9
3. Ang _________ ay isa sa pangunahing kabuhayan ng mga Ifugao
samantalang ang paggawa ng mga kagamitang yari sa kawayan ay
isa sa ikinabubuhay naman ng mga Isneg sa Abra.

4. Ang salitang _________ ay kapareho ng Innabuyog na


nangangahulugang bayanihan.

5. Ang mga ninuno sa ating rehiyon ay naniniwala sa kapangyarihan ni


_________ na siyang lumikha ng lahat ng mga bagay na nandito sa
lupa.

Karagdagang Gawain
Panuto: Interbyuhin ang inyong mga magulang at
magpakwento ng kanilang karanasan na may kaugnayan sa
salitang “Inayan”. Ibahagi ito sa iba pang kasapi ng pamilya na
hindi nakarinig sa kwento.

___________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
________________________

10
11

You might also like