You are on page 1of 2

Unang Markahan

Ano ang “TUNGKULIN”


- ang mga inaasahan bagay o kilos na kailangan maisakatuparan o mangyari
- Ito rin ay isang nakaatang na gawain o responsibilidad na makakatulong upang mapaunlad
ang sarili o isang bagay.

1. Tungkulin sa SARILI:
a. Pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa yugto ng pagdadalaga
at pagbibinata
b. Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito.
c. Makabuluhang paggamit ng mga hilig.

2. Tungkulin bilang ANAK:


a. Pagiging maingat sa paggastos
b. Panatilihing malinis at maayos ang iyong silid
c. Ibahagi ang iyong pananaw at saloobin, pakinggan ang saloobin ng iba upang
kolektibong makabuo ng pasya.
d. Pagbuo ng isang magandang ugnayan sa iyong mga magulang.
e. Tungkulin mong sila ay mahalin, igalang at pagkatiwalaan.

3. Tungkulin bilang KAPATID:


a. Handa mong ipaglaban kapag inaapi ng ibang tao
b. Natural lamang na may mga mabubuong hindi magagandang damdamin ngunit
huwag itong hayaang magtagal at maipon hanggang sa lumaki.
c. Ang selos ay hindi dapat magtungo sa pagkainggit mo sa kanya.
d. Ang mabuting pakikitungo sa iyong mga kapatid ay makakatulong upang matuto
kang makitungo nang maayos sa iyong kapwa.

4. Tungkulin bilang MAG-AARAL:


a. Mag-aral ng mabuti
b. Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto
c. Pataasin ang marka
d. Gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay
e. Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip
f. Matutong lutasin ang sariling mga suliranin
g. Makilahok sa mga gawain sa paaralan

5. Tungkulin sa PAMAYANAN:
a. Pangalagaan ang maayos at malinis na pamahalaan
b. Makibahagi sa gawain ng pamayanan kasama ang iba pang miyembro nito
c. Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan
d. Maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa pamayanan upang
maiparating sa mga pinuno ng pamayanan
e. Maging tapat sa kinabibilangang pamayanan
f. Makibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kung kinakailangan
g. Sumasali sa mga samahang pangkabataan, kung saan ilalaan ang sarili bilang maging
mabuting tagasunod kung hindi man maging mabuting pinuno
h. Makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan, at samahan
sa kanilang mga proyekto

6. Tungkulin bilang MANANAMPALATAYA:


Ang panalangin ay para sa papuri, pasasalamat at pinakamahalaga ay ang pag-aalay sa
Kanya ng lahat ng ating mga gawain.
a. Igalang ang pagkakaiba ng ating mga paniniwala

rsm/2022 1
b. Magkaroon ng magandang ugnayan sa Diyos at sa kapuwa
c. Manalangin, magpuri at magpasalamat
d. Isabuhay ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng paglalapat sa gawa ng
mga katuruan ng relihiyong kinabibilangan.

7. Tungkulin bilang Konsumer ng Midya:


a. Maging mapanuri, mapagbantay, maingat at responsable sa pagtanggap ng mga
impormasyong nababasa o napapanuod
b. Maglaan ng sapat na oras sa paggamit nito at tiyakin na hindi makakasagabal sa
pagtupad ng iba pang tungkulin
c. Piliin ang mga babasahin o panuorin na makakatulong sa pagpapabuti ng pagkatao
d. Iwasang gamitin ang midya sa masama o sa ikasasama ng iyong kapwa.
e. “Think before you click”, hindi lahat ay kailangang ibahagi sa social media
f. Mas hanapin at bigyang pansin ang “emotional connection” sa halip na “wifi
connection”.

8. Tungkulin sa KALIKASAN:
a. Mahalagang ibahagi sa mga kasama sa tahanan ang mga kaalaman na natutunan
sa paaralan. Hikayatin ang bawat kasapi ng pamilya na makibahagi sa pagtulong
para iligtas ang kalikasan sa tuluyan nitong pagkasira.
b. Mahalagang ilapat sa buhay ang anumang natutuhan sa paaralan lalo na sa siyensya.
Mas palawakin pa ang kaalaman ukol sa pagbabago ng klima, sa epekto nito, at mga
solusyon sa lumalalang suliranin na bunga nito.
c. Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, lupa at tubig.
d. Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing pangkalikasan.
e. Kailangang maging matalino sa pagtanggap ng mga impormasyong dulot ng midya.
Kinakailangan ng kakayahan upang magsala ng mga impormasyong tatanggapin at
paghihiwalay nito sa mga impormasyong hindi nararapat na tanggapin at tangkilikin.

rsm/2022 2

You might also like