Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan I
Ikaapat na Markahan
Ikaanim na Linggo
I. Layunin:
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga bahagi at gamit sa loob ng silid-aralan at paaralan (AP1KAP-IVe-9);
b. naibibigay ang tamang lokasyon ng mga bahagi at gamit sa loob ng silid-aralan at paaralan
(AP1KAP-IVe-9);
c. nakagagawa ng payak na mapa ng silid-aralan at paaralan (AP1KAP-IVf-10)
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Gamit ang placards, itaas ang kung ito ay
nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga estruktura sa isang lugar at kung hindi.
____ 1. Nililinis ang pader ng silid-aralan.
____ 2. Nagtatapon ng basura sa tapat ng barangay hall.
____ 3. Tahimik na nagdarasal sa loob ng simbahan.
____ 4. Iniingatan ang mga halaman sa parke.
____ 5. Nagkakalat sa kalsada.
Ipakita ang dalawang larawan ng silid-aralan. Itanong kung may pagbabago bang naganap sa mga ito?
Ano-ano ito?
2. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng isang silid na walang laman. Gamit ang ipapamigay na mga kapirasong
papel, ipabuo ang nawawalang bahagi ng puzzle.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipabasa ang hawak na flashcard. harapan likuran kanan kaliwa
Gamit ang nabuong larawan ng silid-aralan, Ipatukoy kung aling bahagi ang harapan, likuran,
kanan, at kaliwa.
Mapa ng Silid-Aralan
harapan
kaliwa kanan
likuran
Sabihin: Ngayon ay natukoy natin ang mga bahagi ng ating silid-aralan. Ano kaya ang tawag sa
paglalarawan ng mga bahagi ng isang lugar gaya ng silid-aralan?
Mapa ang tawag sa paglalarawan ng mga bahagi ng anumang lugar.
Pagtambalin ang larawan ng iba’t ibang bahagi ng paaralan sa mga pangalan nito.
Silid-aralan Silid-aklatan
Kantina Klinika
Palikuran Palaruan
2. Pagtalakay
May iba’t ibang bahagi ang ating paaralan. Ang bawat bahaging ito ay may iba’t ibang gamit na
maaaring makatulong sa mga mag-aaral.
4. Klinika. Ito ang lugar kung saan ginagamot ang mag-aaral na may
karamdaman o nasusugatan. Ano ang makikita sa loob ng klinika?
Ano ang makikita sa kanang bahagi ng…?
Ano ang makikita sa kaliwang bahagi ng…?
Ano ang matatagpuan sa likuran ng…?
Ano ang matatagpuan sa harapan ng…?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Mapa ang tawag sa paglalarawan ng mga bahagi ng anumang lugar.
Ang mga salitang gaya ng kaliwa, kanan, harapan, at likuran ay ginagamit sa pagtukoy ng
lokasyon ng mga bagay o lugar.
2. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pangkat 1: Gumawa ng mapa ng inyong silid-aralan gamit ang mga bagay na nasa loob ng envelope.
Pangkat 2: Gumawa ng mapa ng inyong paaralan gamit ang mga bagay na nasa loob ng envelope.
Panuto: Pag-ugnayin ang mga larawan ng iba’t-ibang lugar sa paaralan at ang mga bagay na
matatagpuan dito.
1. A.
2. B.
3. C.
4. D.
5. E.
IV. Pagtataya:
Panuto: Isulat kung anong bahagi ng paaralan ang mga larawan sa bawat bilang. Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot.
silid-aklatan kantina
__________1. __________4.
__________2. __________5.
__________3.
V. Takdang-aralin
Panuto: Gumawa ng mapa mula sa iyong bahay patungo sa paaralan. Maaaring gumuhit o gumupit
ng mga larawan mula sa mga dyaryo, mga magazine, o lumang libro.
Inihanda ni: